Ikasiyam

Abot Langit
Please Subscribe to read the full chapter

Naalala ko yung time na naging magkakaibigan kami nila Yujin, Ning at Chenle nung first year highschool kami.

 

Transferee silang dalawa ni Chen non and I remember Yujin being the quiet one since first day of school. Siya yung tipo na estudyante na hindi mo makakausap ng maayos kasi hindi ka talaga niya iimikin at titignan ka lang nito ng masama kapag tumabi ka sakanya. Hindi na rin nag aabala pa ang mga classmates namin lapitan siya. Maririnig mo lang siya magsalita once na may group reporting at tinawag siya ni teacher for recitation. Hindi ko alam kung paano nagawa ng magical powers ng bestfriend ko padaldalin si Yujin. Ang alam ko one day pagpasok ko sa classroom nagulat ako nang makita kong nagdadaldalan si RJ at Yujin about Pokemon cards. May pagka weird din pala kasi itong isa kasi kahit hanggang sa uwian ay hindi nila tinantanan ang isa’t isa at nagchichikahan pa rin about sa mahigit siyam na daan na Pokemon na nag eexist. Eventually, naging close na rin kami ni Yujin. Mabait naman pala ito at maayos kausap once na nakilala mo na. Parehas lang din kaming tahimik.

 

Opposite siya ni Ning na very bubbly and friendly sa una palang kaya madali namin siya naging kaibigan. Medyo suspicious pa sakanya si RJ nung una kasi grabe ang pagiging overly friendly at bait niya. Umiiwas kasi talaga ang bestfriend ko sa mga maiissue at backstabber na tao. Pero I guess may mga ganoong tao lang talaga na sobra ang bait katulad ni Ningning. Magugulat nalang kami ni Ryujin kasi biglang itong tumatabi saamin during break time at aalukin kami ng baon niyang isang dosena tapos chichikahin kami about stuff. Kaya simula nun kasabay na namin siya lagi kahit sa pag uwi at napasama siya sa aming maliit na bubble.

 

Tapos si Chenle naman ay nasa closet pa around that time kaya bago namin siya maging kaibigan talaga nila Ning, madalas siyang tumatabi sa’min at nagkukwento about sa ‘girl crush’ niya daw mula sa kabilang section which is non-existent pala na later on palang namin malalaman. Inamin niya saamin later that year na gay siya and may boyfriend siyang fourth year na, right after umamin nila Ning at Yujin na mag jowa na sila. Para kaming nasa confession booth that time ni RJ.

 

Marami talagang pasabog that very day, and just like I mentioned nung nakaraan, napuyat ako dahil sa pag rave saakin ni Ryujin about same couples tapos nag overnight pa talaga siya sa bahay namin. Then we had a heart to heart talk about our own uality and preference, inamin niya saakin na she is biual but leans more towards sa girls than boys for the longest time. Naaattract na daw siya sa magaganda naming classmates since elementary and dinedeny niya lang ito sa sarili niya not until kausapin siya ng ate niya about it at sinabing tatanggapin siya nito kahit ano pa siya regardless of her preference. Swerte siya kasi tanggap siya ng pamilya niya.

 

Hindi ako makasagot nung ako naman ang tanungin niya that time kasi I was in a huge dilemma. Bihira akong magkagusto sa kahit sino and I was never so sure of my uality and kung ano ba talaga ang hinahanap ko sa isang tao. Sinabi ko kay Ryujin na mas gusto ko mainlove mismo sa person regardless of their gender or identity without worrying too much about it. Nagets niya naman at sinabing baka panual daw ako. Inexplain niya pa ‘to saakin dahil wala pa akong kamuwang muwang about those things before. Iniisip ko lang kasi since bata ako na ayun nga kapag tinamaan ka, tinamaan ka. Fortunately, naliwagan naman ako kahit papaano about my perspective when it comes to identifying myself and what I look for in a person.

 

Wala parin idea si Ryujin na may natipuhan ako nung frosh kami. Siya lang naman kasi ang nasasabihan ko about almost everything na nangyayari sa buhay ko. Tapos kilala niya pa yata yung taon ‘yon ko kasi ang alam ko ay kaklase niya yun sa ibang subjects niya. Heh, wala nga lang siyang idea na crush ko yun. Hindi ko pa kasi ito nakukwento sakanya and parang wala na rin akong nakikitang rason para ipaalam pa ‘to dahil naka move on na ako. Lahat kasi ng mga crush at naging jowa niya ay kinukwento niya lagi saakin mula noon pa, with complete details and picture talaga.

 

Lahat halos ng natipuhan at naging textmates niya ay mostly galing sa lungsod. Bihira siyang magkagusto na taga dito lang malapit saamin. Kaya alam na alam na alam ko ang taste niya sa isang tao. Halos pare parehas lang kasi ang itsura at ugali ang mga naka fling niya.

 

Napapaisip ulit ako these days looking back sa mga natipuhan ko na bilang na bilang pa sa mga daliri ko,

 

I do have a certain type nga pala talaga when it comes to a person.

 

Balak ko na talaga siyang i-open up kay Ryujin very soon. Baka magtampo na kasi saakin at minsan lang ako mag update ng mga tungkol sa ganap sa buhay ko. Buti ay hindi naman ‘to namimilit, pero alam ko once na magsabi ako ng mga naiisip at nararamdaman ko, she’s all ears for me. Mapangasar lng talaga yung ungas na ‘yon.

 

Kasalukuyan naming binababa ngayon ang matarik na daanan papunta sa batis. Nag antay pa kami ng mahigit isang oras dahil sa pag confirm ng identity ni Yujin at ipakita ang mga resibo ng binayaran niyang fee sa bangko para sa cottage namin. Ready na ang lahat sumisid at nakasuot na ng kanya kanyang swimwear.

 

“Dahan dahan lang, kapit ka din sa lubid para sa alalay.” Bilin ko kay Karina na hawak hawak ko ang kaliwang kamay.

 

Habang busy pa ang lahat magbigis sa kwarto namin, nauna na akong lumabas at sinuot lang ang simpleng dolphin short at black t-shirt ko. Tapos maya’t maya ay lumabas si Karina mula sa banyo at nakasuot ng dark blue na ternong crop top swimwear. Feel ko ay mapuputulan ako ng hininga nang tignan ang kurba niyang katawan at maputi niyang exposed na balat. Napatulala pa ako habang sinusuot niya ang silk robe niya at nakangisi siya saakin.

 

“Uhm-“

 

“How was it?” Tanong niya as she spins around.

 

“B-bagay sayo, maganda.”

 

“I told you I’d wear my best swimwear just for you.”

 

Umupo na siya sa tabi ko at kontentong pinagtawanan ang mukha kong lagi nalang nagmumukhang nadisaster whenever she says or do things like that. Satisfied naman daw siya sa reaction ko.

 

Sunod na lumabas si Yeji at Giselle mula sa banyo, sabay sabay na kasi silang nagbihis. Naka crop top rashguard si Giselle at bikini while Yeji has a two-piece bikini on her.

 

“Ay pak mga ‘te, parang nasa Boracay lang!” Natutuwang sabi ni Chen pagkalabas niya mula sa kwarto at nakita ang tatlong babae na parang straight out of a magazine lang ang peg. Tuwang tuwa siya sa mga exposed pusod ng conyo girls.

 

“Alright, hold tightly nalang saakin.” Sabi niya at humawak na sa lubid. Dahan dahan ang paghapak namin pababa since medyo maputik at mabato ang daanan.

 

Pangalawa kami sa nauuna ni Karina at nasa harapan namin ang mag ex na walang katakot takot na lumulusong sa katugaygayan. Sanay kasi si Yujin pagdating sa mga ganito dahil palagi nag hihiking ang buong pamilya niya sa may Mount Lakay every summer. Tapos si Ning naman ay sanay sa trekking bilang ayun ang napili niyang extra curricular since then.

 

“Strictly no landian in front of me, please lang.” Frustrated na babala ni Yeji habang nakahawak kay Ryujin. Hirap na hirap kasi siya sa pagbaba mula pa kanina at no choice siya sa naging kapartner niya.

 

Paano ba naman kasi ay binakuran na agad ako ni Karina at madiin na inansunyo na kami daw ang mag partners pababa. Syempre, sino ba naman ako para tanggihan siya. Kahit si RJ ay tinatantanan na ako sa pangungulit at nagpaubaya nalang ulit. Ano ulit yung sinabi ni Karina kanina? Dibs daw saakin as her partner. Tapos sinabihan siya ni Giselle na bakodera ng taon.

 

Nilingon siya ni Karina, “Do you want us ba na gumulong gulong sa trail instead?”

 

Natawa si Ryujin, “Oo nga, Yeji. Wala namang masama sa ginagawa nila eh. Just some normal lovers na magkahawak sa daan at inaalalayan ang isa’t isa.”

 

“Korek!” Pag agree nila Chenle at Giselle from the back.

 

Anong lovers na pinagsasabi ba netong nila Ryujin.. nag aalala talaga ako sa magiging reaksyon ni Karina each and everytime na niloloko kami sa isa’t isa. Pero kapag tinitignan ko naman siya parang wala lang sakanya ang pangaalaska ng mga kaibigan namin tungkol saaming dalawa at proud pang itong ngingiti at manggagatong. Parang ako lang lagi yung mas apektado at hindi makaimik. We never really talked about it kasi.

 

Mukha ba talaga kaming magkasintahan? Sa totoo lang, hindi parin ako sure sa nararamdaman ko about kay Karina. Pero alam ko na interesado ako sakanya and parang ganun din naman siya saakin na lagi interested when it comes to my story. Aliw na aliw kasi siya sa mga naging kalokohan ko nung highschool na kinukwento sakanya nila Yujin and urging them to tell her more about it since hindi ako palakwento. Masugid din naman akong nakikinig sakanya everytime na nagkukwento siya about sa buhay niya as a city girl or anything about her life generally. Tapos

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
greenkimchi
Thank you po for the feedbacks sa story!

May kasunod pa po na chapters. :)

Comments

You must be logged in to comment
cece_lia #1
Chapter 14: gusto ko lang sabihin na parang nabulabog din ang tahimik kong buhay nang mabasa ko 'tong Abot Langit... panindigan mo ko user greenkimchi 😭😭😭

kidding aside, I LOVE YOUR FIC. I LOVE LOVE THE WAY YOU NARRATE THE STORY AND WRITE THEIR POVS. also, i felt happy to know most of the places na binanggit sa story, now i regret not applying for CLSU 😣 pero anw, add nyo ko sa listahan ng mga nag-aantay ng update 😓❤️‍🩹
kwinminjeong
#2
Chapter 14: grabe ang ganap beh pero inlove na to si wintot i can feel it! sobrang hardworking nj beh grabe ibang klaz peRO gAGU NAKAKAEYAK WALANG NEW UD SHET
EzraSeige
#3
Okay rold time to relapse eme 😣😏😍💙❄
Silassssh
#4
Chapter 14: yesssssss
Pengseul
#5
Saved
kwonjess13 #6
Chapter 14: yayyyy nareread ko na ulit. namiss ko talaga sila. and uy heejin ha ikaw haaaaa galawan mo! karina pakigalaw ang baso nangungulila na si winter! ! and di lang pala winrina textmates, ryeji den. ang lakas pa ni rj at may nagloload sakanya at sinusutentuhan ml nya bahhahahaha. sanaol may 500k sa bank account. di talaga ko natutuwa sa tatay ng ating short, dark, and handsome na bida. dala dalawa pamilya tas papabayaan ung isa. lagi man ako namamangha sa kasipagan ni winter, nakakasad pa rin isipin na she had to grow up fast dahil sa nangyari sa pamilya nila. sana mamanifest ang pagpunta nya sa manila. karina reply naman dyan! excited so much sa next pero take your time and good luck sa school, otor!
jowlyanaa #7
WOAH???
dimpleniyenasaleeg_ #8
22O ANG DIYOS ⁉️⁉️⁉️
warmestwinter
#9
OMG OMG OMG YOU DON'T KNOW HOW MANY TIMES NA AKO NAGPABALIK-BALIK DITO. TAPOS YUNG PINAKARECENT WAS LAST WEEK KASI NAISIP KO SIYA ULIT KASI NALULUNGKOT AKO NA NAGHOST NA TAPOS BIGLANG 😭😭😭 okay bookmarked na agad!
TakuyaKen
#10
Chapter 4: hehe first time to read story n set up is same province with mine pero curious ako where is this place