Ikalabing-apat

Abot Langit
Please Subscribe to read the full chapter

Madalas kong naiisip these days ang magiging trabaho ko after ko grumaduate sa susunod na taon. 

 

Gusto ni tatay na maging farm owner ako para may silbi naman daw ang kurso ko at maging sure na milyonarya ako tulad ng mga kamag-anak ng kumpare niya. Si nanay naman ay suportado sa kung ano man ang tatahakin kong daan, kung saan daw ako magiging masaya ayun ang piliin ko.  

 

Wala naman talaga akong balak magtrabaho sa siyudad noon pa, malawak ang field ng kurso ko kaya ano pang punto para magpakalayo sa paghahanap ng trabaho. Nandito na halos sa probinsya ang mga oportunidad para sa isang graduate ng Agriculture at mas makakatulong pa ako sa mga magsasaka at manggagawa. 

 

Sa totoo lang kahit nasanay akong tumayo sa sarili kong paa dahil ayun ang kinasanayan ko mula pagkabata, natatakot akong mapunta sa isang kaligiran na hindi ko kinalakihan. Pakiramdam ko mahihirapan akong mag adjust. Pakiramdam ko mangangapa ako. Ayoko humingi ng tulong. 

 

Ayan ang mga napasya ko noong hindi ko pa kilala si Karina.  

 

Pero ngayon sa tuwing sinasabi niyang sabik na siya sa yakap ko at miss niya na ako, parang gusto ko biglang liparin ang Metro Manila para lang makasama ulit siya.  

 

I hope lang na she feels the same way kasi nakakahiya naman kung one-sided kami at ako lang ang nakakaramdam ng urge to evolve as an ibon. Para kasi akong aatakihin sa puso sa tuwing naglalambing siya at nagugulat rin ako minsan sa sarili ko since tuluyan na talagang lumabas ang pagka-baduy ko when it comes to love. 

 

Love nga ba agad?  

 

Wala akong ka-ide ideya sa mga ganito, sa totoo lang.  

 

Naiinis ako sa sarili ko kasi mas malakas ang loob kong kausapin siya sa text kumpara sa personal nung nandito pa siya. Hindi ko kasalanan na napapakurap ako sa ganda niya sa tuwing kinakausap niya ako. 

 

“Binura mo na yung games na dinownload ko dito?” Tanong ni RJ habang kinakalikot ang cellphone ko. 

 

Prenteng prente siyang nakaupo ngayon sa sofa nila Aling Susan. Sa tabi niya ay si Johnny na mukhang boryong na rin at nagsasagot lng ng crossword game sa dyaryo. Magkakalahating oras na kaming nag aantay na matapos ang amo namin sa pag proseso ng orders at hinahanda ang mga naaning bigas kahapon sa may palayan, balita kasi namin ay halos labilima na kaban ng bigas ang unang idedeliver namin sa may Sangitan. Nagbabalak siguro maging reseller at susubukan muna ang kalidad ng bigas o mamimigay sa mga kamag anak. Hindi rin naman kasi ganoon kalaki ang negosyo ni Aling Susan kaya nakakatuwa na marami ang nag-order sakanya ngayon at konti lang rin ang mga kasama niya sa pag ani sa sarili niyang bukid.  

 

Gusto daw ni RJ masubukan ang trabaho namin kahit isang beses lang sa buhay niya. Proud siyang nagsabi na she could lift weights daw at easy lang sakanya ang pagbubuhat ng bigas sa sarili niya. Ang tanging experience niya naman daw sa pagbubuhat ay tuwing lalagyan niya ng tubig ang water dispenser nila at sa tuwing nagboboluntaryo siya sa paghahanda tuwing pista. 

 

Pinagbigyan naman siya ng nakakatanda at pinagsabihan na h’wag magligalig sa trabaho namin. 

 

Tignan nalang natin mamaya.  

 

“Oo, puno na kasi yung storage ko.” Sagot ko at kinuha mula sakanya ang cellphone.  

 

Baka kung ano pang makita neto at asarin ako on the spot kung saan rinig ng tita ni Karina ang mga ganap. Pasmado kasi bibig ni RJ. 

 

Nag delete talaga ako ng mga application sa device para bumilis naman ito kahit papaano. Yun kasi ang sinabi saakin ni Chen para daw marestore yung RAM at storage since medyo outdated na rin ang gamit gamit kong cellphone. Kay tatay din kasi galing ito, napaglumaan niya lang. 

 

Hindi rin naman ako nanghinayang sa mga levels na natapos ko na sa Gardenscapes, mas worth it syempre ang pakikipag usap smoothly with Karina. 

 

“Bili ka nalang ng SD card para madagdagan yung storage mo, samahan kita sa mall sa enrollment. Mura lang yun.”  

 

Oo nalang ako kahit wala naman ako masyadong alam pagdating sa mga ganyan. Ang mahalaga naman ay yung nakakapag text ako, ang mahalaga may good morning at goodnight akong natatanggap from Karina. 

 

Naalala ko nanaman ang tuwang tuwa na mukha ng tindera sa may kanto namin sa tuwing magpapaload ako sakanya ng singkwenta. Nakakapanibago daw na ako ang nakikita niya lagi sa tapat ng store nila imbis na si nanay. Nakakaswerte daw ang maganda kong mukha sa negosyo nila. Jusme. At talagang sinalestalk ako ni ate na mag mobile plan nalang daw ako o kaya mag download nalang ng mobile wallet at mag top up sakanya. Sige nalang ako.  

 

Binaba ni Johnny ang hawak hawak niyang dyaryo at tumawa, “Lagi nga may ka-text ‘yan si Winter eh. Wala akong kamalay malay na marunong pala siya sa gadget all this time.” 

 

Sinamaan ko siya ng tingin, “Ano naman akala mo saakin?” 

 

Syempre agad na nakisakay si RJ sa pambubwisit, “Kilalang kilala ko nga kung sino yung katext niyan buong araw, Johnny.” 

 

Wow ha. Parang ere lang ako bigla kung makapagusap sila about me. 

 

Humagalpak si Johnny, “Buti naman natupad na yung wish kong magkajowa si Winter. Pero sino nga ba ‘yan? Kilala ko ba?” Nag kunwari pa siyang nag iisip at nilagay ang daliri sa baba niya. 

 

Lalo lang ako napasimangot, lasunin ko kaya itong dalawang kumag na ‘to. 

 

Nakakaasar ang pag ngisi saakin ni Ryujin, “Si K-“ 

 

“Sino ang kasintahan ni Winter?” Singit ni Aling Susan na nakamasid saamin mula sa pintuan ng kusina. Nakalaylay ang kanyang reading glasses. 

 

Napatayo tuloy kaming tatlo. 

 

“Wala po, nangaasar lang po ‘tong dalawa.”  Mabilis at asar talo kong sagot. 

 

Nagtaas ng dalawang kamay si RJ, “Opo, tita. Hindi pa naman daw sila.” 

 

“Ay akala ko ba sila na?” Nakangising paggatong ni Johnny. 

 

“Ewan ko talaga sainyo!” Igik at pamamaktol ko. 

 

Tango tango lang naman si Aling Susan at walang kamalay malay sa tinginan saakin ng kaibigan ko about her pamangkin na kausap ko araw-araw at gabi gabi. 

 

“Magtapos muna kayo ng pag-aaral, nene. Aba’y yung anak kong panganay ay maganda na ang trabaho sa abrowd dahil nag-ipon muna bago magpakasal.” Kwento niya. 

 

Ilang beses na namin ito napakinggan pero bilib pa din naman kami kay Ate Irene. Mahigit isang dekada na daw sila nung jowa niya nung mag decide sila magpakasal that time nang makaipon na sila for themselves. Dun na rin sila kinasal sa New Zealand tapos bihira na rin umuwi si Ate dito since nakabuo narin siya ng pamilya doon. Maliit palang kasi kami nung nagtatrabaho pa siya sa may Quezon City at mag decide pumunta ng abroad to gain a better income, graduate siya ng Business Administration and proud ako sa tuwing nakikita ko ang tarpulin ni ate na nakadikit parin sa school gates namin for advertisement purposes. Pinaguusapan pa rin siya ng mga profs ko minsan how diligent student she was and kung paano nila nabalitaan ang magandang buhay ng dati nilang estudyante ngayon sa abroad dahil sa pagsisikap. 

 

Wala ako masyadong alam about her pero alam kong inalagaan niya kami before at nagkukwento si Karina about her occasionally saakin. 

 

Speaking of, magkamukha rin talaga sila. Parehas silang maganda. Malakas ang dugo nila. 

 

“Sumunod kayo dine sa labas.” Tawag ng nakakatanda saamin habang sinusuot ang stepen. 

 

Bumangon na kami mula sa pagkaupo at sinundan siya, 

 

Agad agad dinampot ni Johnny ang mga kaban ng mga nakahandang bigas para ilagay sa likod ng truck. Agad kong inudyok si RJ na nakatunganga sa katabi ko na tulungan ang isa sa pagbubuhat. Ako naman ang magpapaprente ngayon. 

 

Lumapit ito dahan dahan, sabay kami nag masid ni Aling Susan kung paano niya sibukan sikwatin ang isang sako ng bigas nang wala manlang ka-momentum. Imbis na tawanan ito, agad ko siyang tinuruan ng tamang paraan ng pagbubuhat. Kamot ulo niya itong inintindi at luckily ay naapply niya naman agad. Fast learner naman ‘tong si RJ. 

 

At sa wakas nang mailagay na namin lahat, nagpasya na rin kaming bumiyahe papunta sa Sangitan. Si Johnny ang nagdadrive, nasa gitna si RJ at samantalang ako ay nakaupo sa may pinaka gawing kanan malapit sa bintana. 

 

Bago ako umalis ng bahay ay nagsabi muna ako kay Karina ng mga plano ko for today at ganoon din siya. Mas maaga siya nagising saakin ngayon dahil sa panibagong sched niya daw. Hanggang ngayon hindi ko padin sure kung ano ang specific work niya pero she told me na she is working ngayon sa studio. Hindi rin naman kasi ako masyado matanong at hinahayaan lang siya mag kwento about sa mga bagay bagay, interesado naman akong nakikinig sakanya. 

 

One thing about Karina is she really values her work. Kapag trabaho, talagang trabaho. Ayaw niya ng distraction.  

 

Anyways, napagusapan din namin ang pasukan at enrollment ko. Lagi niya tinatanong saakin ang date kung kailan ko balak mag enroll and kept insisting na tutulong siya sa pagbayad nito basta magsabi lang ako. Hindi niya alam na sa state university naman ako nag-aaral. Inakala niya pa nung una na parehas kami ng school ni Ning. Mostly miscellaneous lang ang binabayaran namin upon enrollment or walang binabayaran kung hindi uniform. Inam rin ang pagtanggi ko sakanya, hindi talaga ako magpapatalo. Although naappreciate ko naman ng sobra, ayoko lang talaga. Ayaw ko siya gamitin sa ganoong paraan. Kaya ko naman tustusan ang aking sarili, kaya ko pa. 

 

Speaking of school… 

 

Sinubukan ko noon mag-apply ng scholarship, ako at si Chen lang ang naging eligible saaming magkakaibigan dahil nagkaroon ng failing grade sila RJ nung high school. Scholar si Chen ng DOST hanggang sa makapagtapos siya. 

 

Ako naman, isa lang ang nasubukan kong pag-applyan, yung Tulong Dunong program ng CHED, hindi ko kasi naasikaso yung application ko sa DOST dahil sa mga ganap sa buhay ko around that time. 

 

Sa kasamaang palad, hindi ako natanggap dahil nang tignan nila ang income ng magulang ko at economic status namin, nakita nila ang kalahating milyon na laman ng bank account ni tatay. Sinubukan namin magpa-recon pero mahigpit sila. Hindi ko parin alam saan nanggaling ang pera ni tatay at wala akong ideya na may ganoon siyang kalaking pera na tinatago. Medyo nalumbay lang ako nung time na ‘yon. Sayang din yung mga benepisyo at nanghinayang ako sa allowance.   

 

“Sumasakit na agad muscles ko.” Ngiwi ni Ryujin nang humarurot na ang sasakyan. 

 

Sinipat ko siya, mukhang hindi pa naman makakalas ang kamay niya at buo pa ang mga ito.  

 

“Alam mo ang sagot d’yan sa nararamdaman mong sakit?” Seryosong itirada sakanya ni Johnny habang nagmamaneho. 

 

Natawa ako sa loob looban ko. Parang alam ko na ang sasabihin ng mokong na ‘to. 

 

Usisang tumingin sakanya si RJ, “Ha? Ano?” 

 

Parang nagulat pa si RJ ng biglang may dinukot si Johnny sa ilalim ng truck at inabot ang maliit na lalagyan sakanya, 

 

“K-katinko?” 

 

Napahalakhak na ako. Sabi ko na eh. Mukhang litong lito si Ryujin sa buhay niya sa kaitsurahan niya ngayon habang hawak hawak ang ointment at sinasayat ito. 

 

Nag thumbs up ako nang tumingin siya saakin ng nalilito, “Maski kanser kaya pagalingin niyan.” 

 

Humagalpak na si Johnny, “Kahit anong malubhang sakit mo, mapapagaling ng Katinko!” 

 

“Mga sira!”  

 

Natawa narin naman siya habang pinapahid ang ugguwento sa kalamnan niya. Matagal na namin running ga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
greenkimchi
Thank you po for the feedbacks sa story!

May kasunod pa po na chapters. :)

Comments

You must be logged in to comment
cece_lia #1
Chapter 14: gusto ko lang sabihin na parang nabulabog din ang tahimik kong buhay nang mabasa ko 'tong Abot Langit... panindigan mo ko user greenkimchi 😭😭😭

kidding aside, I LOVE YOUR FIC. I LOVE LOVE THE WAY YOU NARRATE THE STORY AND WRITE THEIR POVS. also, i felt happy to know most of the places na binanggit sa story, now i regret not applying for CLSU 😣 pero anw, add nyo ko sa listahan ng mga nag-aantay ng update 😓❤️‍🩹
kwinminjeong
52 streak #2
Chapter 14: grabe ang ganap beh pero inlove na to si wintot i can feel it! sobrang hardworking nj beh grabe ibang klaz peRO gAGU NAKAKAEYAK WALANG NEW UD SHET
EzraSeige
#3
Okay rold time to relapse eme 😣😏😍💙❄
Silassssh
#4
Chapter 14: yesssssss
Pengseul
#5
Saved
kwonjess13 #6
Chapter 14: yayyyy nareread ko na ulit. namiss ko talaga sila. and uy heejin ha ikaw haaaaa galawan mo! karina pakigalaw ang baso nangungulila na si winter! ! and di lang pala winrina textmates, ryeji den. ang lakas pa ni rj at may nagloload sakanya at sinusutentuhan ml nya bahhahahaha. sanaol may 500k sa bank account. di talaga ko natutuwa sa tatay ng ating short, dark, and handsome na bida. dala dalawa pamilya tas papabayaan ung isa. lagi man ako namamangha sa kasipagan ni winter, nakakasad pa rin isipin na she had to grow up fast dahil sa nangyari sa pamilya nila. sana mamanifest ang pagpunta nya sa manila. karina reply naman dyan! excited so much sa next pero take your time and good luck sa school, otor!
jowlyanaa #7
WOAH???
dimpleniyenasaleeg_ #8
22O ANG DIYOS ⁉️⁉️⁉️
warmestwinter
#9
OMG OMG OMG YOU DON'T KNOW HOW MANY TIMES NA AKO NAGPABALIK-BALIK DITO. TAPOS YUNG PINAKARECENT WAS LAST WEEK KASI NAISIP KO SIYA ULIT KASI NALULUNGKOT AKO NA NAGHOST NA TAPOS BIGLANG 😭😭😭 okay bookmarked na agad!
TakuyaKen
#10
Chapter 4: hehe first time to read story n set up is same province with mine pero curious ako where is this place