Ikapito

Abot Langit
Please Subscribe to read the full chapter

Masakit ang buong katawan ko pagbangon ko kaninang umaga mula sa kama, parang nabubulwak pa ako. Hapon na rin pala ako nakabangon. Nag aalala pa akong sinundan ni nanay hanggang kusina nang kumuha ako ng maiinom para sa tuyot na tuyot kong lalamunan. After kasi ng perya, nag aya pa si Ryujin sa place nila ulit para mag inom hanggang sa matapos ang araw. Sakto naman ay may dala rin na mamahaling alak si Giselle na excited binalandra ito sa’min.

 

I was secretly hoping na sana makatabi ko ulit si Karina sa Ferris Wheel for our last ride bago tumuloy kayla RJ para mag inuman. Sa kasamaang palad at kainitan ng ulo ni Madam Yeji, hindi rin naman ito nangyari. In the end, kaming dalawa ni Chen ang magkatabi, tapos si Yujin and RJ ang partners. Sa isang mini cabin magkakasama si Karina and friends, panay selfie pa sila nung nasa pinaka peak na sila. Feel ko tuloy ay binabawian ako ni Yeji dahil sa ginawang kabulastugan sakanya ng bestfriend ko sa caterpillar, ramdam niya rin kasi ang pagtingin ko kay Karina at ang eagerness ko na magsama sama ulit ang grupo. Kaso talagang nananadya ito at may tinuturo lagi na mga stalls at palaruan tapos hinihila sila Karina palayo para isama ito. Tameme lang naman kami.

 

Gusto pa nga sana tumanggi ni Yeji na makipag inuman kayla Ryujin kaso wala na siyang nagawa dahil talagang nagpumilit sila Giselle at Karina na pumunta, wala siyang kasama sa bahay nila Aling Susan if ever. Muntik na ulit ‘to umayaw nang bigla pa magpakyut si RJ sakanya at nag attempt yakapin ito. Imbis na matuwa siya ay lalo yatang lumala ang pagkabwisit niya, ramdam ko kasi ang urge niya to smack Ryujin right in the face that very moment. Ako na ang gumawa at binatukan ang bestfriend ko by that time, ang lakas din kasi mambwisit at mamahiya kahit kailan.

 

Nasaktuhan naman kami nila Yujin at Ning nung paalis na kami. Tama nga ako, naglibot pala ang dalawa around the school. Natatandaan parin kasi ni Yujin ang mga pasikot sikot dito in order to get in sa mga buildings. Mukhang they had a talk muli based sa katahimikan at pagsimangot ng pinakabata sa’min, siya rin ang may pinakamaraming nainom kagabi. Luckily ay hindi naman ‘to masyado kumakanta ng mga pang broken hearted na songs na ikaaawkward ng lahat. Buti ay nakiramdam din ang tropa na hindi muna inasar ang dalawa. Wala naman nagbago kay Ning na hyper parin.

 

Grabe lang ang pagbakod ni Yeji kasi malayo ang pagitan namin ni Karina sa isa’t isa. Syempre, present ulit ang videoke lalo na sa ganoong okasyon. Parang akong instant na nasa The Clash at nakikinig sa biritan ng mga kasama ko. Lahat kami kagabi ay may song number including narin ako. Hindi na ako nakatanggi nang iabot sakin ni Ning ang songbook bilang may alcohol na din sa sistema ko.

 

Kung anu ano ang naconsume ng bituka ko kagabi. May lambanog, Finezze, tsaka mamahaling vodka na dala ni Giselle. Pa’no kasi si Yujin, lahat inaabot sa’kin at pinapatikim. Ako naman si gora lang since wala naman trabaho kinabukasan.

 

Aliw na aliw ang lahat sa naging duet ni Giselle at Chenle na Don’t Go Breaking My Heart by Elton John and Kiki Dee. Ang cute lang kasi nilang dalawa at fit ang boses nila sa song.

 

Hindi nalang rin pinapansin ni Yeji si RJ para sa ikakatahimik ng kaluluwa nilang dalawa. Hindi rin naman kasi ito kinikibo ng bestfriend ko at hinayaan nalang din. Medyo nagwoworry na ako sakanila. Baka mag warlahan kasi ‘to sa outing at ilublob ang isa’t isa sa batis. Kakakilala palang nila kahapon ay parang aso’t pusa na agad sila. Nakiinom din pala ang ate saamin ni RJ saglit at natatawa sa kaitsurahan ng kapatid niya sa tuwing nagkukwento si Yeji about something.

 

Anyways, ano nga ulit yung kinanta ko kagabi…

 

Tell Me Where It Hurts by MYMP

 

Hindi ko alam pero I have the sudden urge to sing that song knowing what it means pa. Ramdam na ramdam ko ang malalim na pagtingin sa’kin ni Karina while singing my heart out, buti ay sober pa naman ako kahit papaano. Hindi siya nakipagchikahan kayla Yeji the whole time na umaawit ako. Saakin lang siya nakafocus na tila ba na parang ako lang ang tao sa mundo. Medyo exag pero that’s exactly what I felt nung saglit na magtama ang mga mata namin. Hindi kasi ako makatingin sakanya ng matagal at diretso.

 

After singing, agad akong nag excuse para mag banyo. Naghilamos narin ako at pinakalma ang sarili. Mamula mula narin ang mukha ko nang sipatin ko ito from the mirror.

 

Pagbalik ko, si Karina na ang nakapwesto sa tabi ko imbis na si Yujin. Nagpalit pala sila. Nahihiya akong umupo sa tabi niya at nginitian ito, she smiled back at me.

 

Then I feel her hand creeping on mine sa ilalim ng table.

 

Tinignan pa ako nito for reassurance bago higpitan ang hawak. Naka focus na siya sa kumakanta na Yeji sa harapan as she lightly squeezes my hand.

 

I feel lightheaded that time. Hindi pa nakakatulong yung song na kinakanta ni Giselle na tugmang tugma sa nangyayari at para bang hinaharana kami na kumakanta ng I Swear This Time I Mean It,

 

If luck is on my side tonight
My clumsy tongue will make it right
And wrists that touch
It isn't much but it's enough


To form imaginary lines
Forget your scars
We'll forget mine
The hours change so fast
Oh, God, please make this last

 

Then I wondered if ako parin yung phone wallpaper niya. Nasagot naman ito nang makita kong inopen niya ang phone niya para videohan si Yeji at Giselle na kumakanta. Feel ko tuloy ay lalagnatin nanaman ako nung nasulyapan ko ‘to. Buti hindi niya napansin ang malakas na pagsinghap ko.

 

Kontento lang naman ako sa patago naming holding hands the whole night at nakikitawa sa mga malokong kwento nila Ryujin nung highschool kami. Naghiwalay lang kami ni Karina nang pauwi na ang lahat at nagsisimula na magtawag ng uwak si Giselle na inalalayan niya papunta ng banyo.

 

Bukas ay pupunta kami nila Chenle, Giselle, Yeji at Karina sa grocery sa may Platero para maghanda ng mga dadalhin sa darating na outing. Pass si Ryujin na may pupuntahan daw at nag bilin nalang sa’kin ng mga gusto niya. Pati sila Yujin ay nagpasabay nalang rin. Uuwi na daw kasi agad sila Yeji kinabukasan ng outing since back to work na sila.

 

Rinig ko ang mga katok mula sa pinto ng bahay, baka si nanay na kaalis kani kanina lang at may nakalimutan.

 

“Wait lang ho!” Sigaw ko habang sinusuot ang tsinelas. Masakit parin pala ang katawan ko.

 

Pagkabukas ko ng pinto sumalubong sa’kin si Karina na mukhang alalang alala. Gulat akong tinignan ito habang nakahawak parin sa doorknob. Shet, wala akong kaayos ayos ngayon.

 

“Hi..!” Bati niya.

 

Napaubo ako at kiniskis ang mga mata, “U-uy ano ginagawa mo dito?”

 

Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa loob ng bahay pagtapos pagmasdan ito, may hawak hawak siyang isang supot.

 

“Wala si nanay?” She asked as she looks around.

 

Taranta akong nakasunod sakanya, “Wala, kakaalis lang..”

 

Nilapag niya ang dala dala niya sa ibabaw ng table.

 

“Take a seat muna.” Sabi niya, agad naman akong sumunod at umupo sa kahoy naming upuan. Jusme. Anong pakulo nanaman ‘to?

 

Sinalat niya ang leeg at noo ko, “I brought soup and meds pala for your hangover.”

 

Nahihiya akong tumingin dito, “Tulog lang naman kailangan ko. Hindi ka na sana nag abala p-“

 

“You had a lot kagabi. Giselle and Yeji’s finally sleeping soundly after a whole night of puking their guts out.” Putol niya at tumabi sa gilid ko.

 

Napansin ko nga ang dark circles sa may bandang ilalim ng mga mata niya. Mukhang siya ang nag alaga sa dalawa at hindi nakatulog nang maayos. Tapos.. dumiretso pa siya dito?

 

Tahimik lang ako na nakikinig sa sermon niya. Hindi ko alam sasabihin ko. Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa mapulang labi niya.

 

Worried siyang nakatingin sa’kin at tumayo na, “Anyways, the soup’s still hot and I haven’t ate lunch yet so, i’ll go-“

 

Hinawakan ko ang kamay niya bago pa siya makalayo, “No, dito ka nalang mag tanghalian. Sabay tayo.”

 

Namula ang pisngi nito, binitawan ko na ang kamay niya.

 

“O-okay.”

 

Nagpaalam lang ako saglit para ayusin ang aking sarili. Nagpalit narin ako ng mas maayos na pambahay at nakapaghilamos at toothbrush. Pagbalik ko, nakahanda na ang lahat sa table. I suddenly felt a tug in my heart. Naalala ko yung gabing pinagluto niya ako ng makakain.

 

Binuksan ko rin ang radyo para may music kahit papaano for the ambiance.

 

You To Me Are Everything - The Real Thing

 

“Hindi ka pa nakakakain ng tuyo?” Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya pagkaupo namin. Hindi niya kasi alam ang gagawin nang lagyan ko ng tuyo ang plato niya.

 

Tuyo lang kasi ang ulam namin at ang naluto ni nanay for today along with talbos ng kamote at bagoong. Hindi rin sumagi sa utak ko na why would Karina eat such food na sobrang affordable eh she’s doing well naman sa economic status nila. Tuyo is the last food she will eat kung ganon.

 

Nahihiyang umiling iling to sa’kin, “I’ve heard it alot kay dad pero I never really tried it before.”

 

Of course, expected ko na dapat ‘to.

 

“Sige, hihimayan nalang kita. Akin na p

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
greenkimchi
Thank you po for the feedbacks sa story!

May kasunod pa po na chapters. :)

Comments

You must be logged in to comment
cece_lia #1
Chapter 14: gusto ko lang sabihin na parang nabulabog din ang tahimik kong buhay nang mabasa ko 'tong Abot Langit... panindigan mo ko user greenkimchi 😭😭😭

kidding aside, I LOVE YOUR FIC. I LOVE LOVE THE WAY YOU NARRATE THE STORY AND WRITE THEIR POVS. also, i felt happy to know most of the places na binanggit sa story, now i regret not applying for CLSU 😣 pero anw, add nyo ko sa listahan ng mga nag-aantay ng update 😓❤️‍🩹
kwinminjeong
52 streak #2
Chapter 14: grabe ang ganap beh pero inlove na to si wintot i can feel it! sobrang hardworking nj beh grabe ibang klaz peRO gAGU NAKAKAEYAK WALANG NEW UD SHET
EzraSeige
#3
Okay rold time to relapse eme 😣😏😍💙❄
Silassssh
#4
Chapter 14: yesssssss
Pengseul
#5
Saved
kwonjess13 #6
Chapter 14: yayyyy nareread ko na ulit. namiss ko talaga sila. and uy heejin ha ikaw haaaaa galawan mo! karina pakigalaw ang baso nangungulila na si winter! ! and di lang pala winrina textmates, ryeji den. ang lakas pa ni rj at may nagloload sakanya at sinusutentuhan ml nya bahhahahaha. sanaol may 500k sa bank account. di talaga ko natutuwa sa tatay ng ating short, dark, and handsome na bida. dala dalawa pamilya tas papabayaan ung isa. lagi man ako namamangha sa kasipagan ni winter, nakakasad pa rin isipin na she had to grow up fast dahil sa nangyari sa pamilya nila. sana mamanifest ang pagpunta nya sa manila. karina reply naman dyan! excited so much sa next pero take your time and good luck sa school, otor!
jowlyanaa #7
WOAH???
dimpleniyenasaleeg_ #8
22O ANG DIYOS ⁉️⁉️⁉️
warmestwinter
#9
OMG OMG OMG YOU DON'T KNOW HOW MANY TIMES NA AKO NAGPABALIK-BALIK DITO. TAPOS YUNG PINAKARECENT WAS LAST WEEK KASI NAISIP KO SIYA ULIT KASI NALULUNGKOT AKO NA NAGHOST NA TAPOS BIGLANG 😭😭😭 okay bookmarked na agad!
TakuyaKen
#10
Chapter 4: hehe first time to read story n set up is same province with mine pero curious ako where is this place