Ikatlo
Abot Langit“Johnny! Ano ka ba, layo mo yung buga ng usok mo sa’kin!” Nakasimangot kong pakiusap habang nakatakip ang ilong.
Natatawang lumayo saakin ang isa at nag sorry. Mauubos niya na yung isang kaha niya pero wala parin yung tatanggap ng bigas. Nasa Manarog kami ngayon para sa huli naming entrega.
Medyo late kami matatapos ngayon. Madilim dilim na at hindi pa kami nag hahapunan. Naiinip akong sumandal sa likod ng truck.
“Nagkaka muscle ka na, Win.” Kinurot kurot niya ang biceps ko.
Agad kong sinipat ang mga braso ko. Tama nga siya, medyo toned na ito hindi katulad ng dati na mamayat mayat at nakakaya ko na bumuhat ng isang kaban ng bigas nang walang alalay and mag drive agad after non. Salitan kami ni Johnny sa gawain pero madalas kami magtulungan sa pagbuhat lalo na kung marami ito.
“Kamusta pala yung pamangkin ni Aling Susie dun?” Tanong niya after hipakin ang yosi niya.
Magdadalawang linggo na siya sa probinsya. After ng birthday ni Ryujin wala na kami halos interaction. Tahimik narin kami sa sasakyan ni Yujin pauwi. Nakakulong lang siya madalas sa kwarto niya o di kaya tumutulong magluto sa tyang niya. Hindi pa yata nakakauwi ang mga pinsan niya from Tondo kaya wala rin siya makausap kundi ang nakakatanda.
Madalas ko siyang maabutan na nakatingin mula sa bintana ng kwarto niya kapag naghahanda kami ni Johnny ng mga i-dedeliver. Kinakawayan ko naman ito pabalik. Dama ko ang lungkot sa mga mata niya.
Bakit kaya siya nandito? May nangyari ba sa maynila?
Lasing si Ning at Chenle nung gabing birthday ni RJ. Nakailan din ako dahil sa biglaang inom ko, nakangisi pa si Karina nang makita akong umiinom pagbalik niya sa table. She had fun talaga that night and halos nakisabay sa biritan nila Ning. Magaling kumanta = Instant besties ng tropa ko.
Pinagbaunan pa kami ng mama ni Ryujin ng pagkain na pwede ulamin kinabukasan. Tuwang tuwa si nanay nang makita niya ang pabo at hamonado sa ref kinaumagahan.
“Okay lang. Hindi kami masyado naguusap.” Tipid kong sagot.
“Kawawa naman yun. Wala din naman kasi masyadong pasyalan dito sa Matankoy.”
Tama si Johnny. Ang tanging pasyalan lang dito ay ang lookout point na papunta na ng Rizal. Tapos ang pinakamalapit na mall ay nasa may Cabanatuan pa which is almost two hours away mula samin. Hindi ko rin masisisi si Karina if nababagot na siya dito at mag decide na umuwi nalang ulit sa lungsod.
Sa totoo lang, wala naman pwede masyadong gawin dito. Kapag ganitong walang okasyon o may pista, abala lang ang mga tao sa trabaho tapos uuwi narin agad tulad ko. Plakda agad ako pagdating sa bahay at magigising nalang sa malambing na paggising sakin ni nanay. Minsan sa upuan na ako sa sala nakakatulog kapag lagpas quota ang naideliver namin sa isang araw. Tahimik ang lugar namin lalo na’t bakasyon at summer pa. Sobrang init para magligalig sa labas. Nagiipon ng energy ang lahat para sa darating na fiesta.
Medyo nakakaipon narin ako para sa mga gastusin sa bahay at pang maintenance ng motor. Nakakatulong na ako sa bahay kaya hindi na masyado sipag kalabaw si nanay sa pag tinda ng prutas sa palengke sa may bayan. Nagbibigay naman si tatay samin every week, pero ayoko na kasi umasa lang don. Thankful parin naman ako sakanya kahit papano. Atleast may extra pera si nanay pambili ng mga gusto niya. Okay na sakin ‘yon.
Nang makarating na ang tatanggap ng dalawang kaban ng bigas at nag paumanhin ng marami, agad na rin kaming bumiyahe pauwi ni Johnny. Magsasaka pala si lolo at nalate lang ng uwi mula sa palayan. Tahimik kong pinagmamasdan ang madilim na paligid sa labas. Tanging paghigop lang ni Johnny ng energy drink ang naririnig ko at ang mga kuliglig.
Hindi ko alam ba’t si Karina ang naiisip ko sa ganitong oras. Kamusta kaya siya? Naguguilty ako na hindi kami masyado nakakapag usap these days.
Pero ano namang paguusapan namin? Hindi naman kami close.
“Panay buntong hininga ah, lovelife?” Nangaasar na tanong ni Johnny.
Inirapan ko siya, “Wala ako non.”
Mahina siyang tumawa, “Ang tanong ay nagkaroon ka na ba nyan?”
“Ayoko pagusapan.”
Tuluyan na siyang natawa at ginulo ang buhok ko. Parang tanga talaga to si Johnny minsan at umaakto na parang kuya sakin bigla bigla.
“Eh ikaw, ang tanda tanda mo na wala ka parin nobya ah.” Giit ko pabalik sakanya. One year lang naman ang tanda niya sakin.
Mayabang ang pagkangisi niya, “Marami ako non, Winter. Gabi gabi pa nga nagbabago.”
Hinampas ko na siya sa braso, “Ano ‘yan? Manananggal?”
“Baliw ka talaga!”
Wala ng interes si Johnny mag-aral sa pagkakaalam ko. After ng senior high school ay naghanap agad siya ng pwede maging trabaho para masuportahan ang mga kapatid niya at may sakit na nanay. Nag try daw siya one time mag apply sa lungsod kaso wala daw masyadong job opportunities para sa mga hindi college graduates na katulad niya kahit pa vocational strand naman ang natapos niya. Hindi lang kargador at delivery boy ang tanging trabaho niya sa ngayon.
Samantalang ako ay sure na sa magiging future ko. Kailangan ng lipunan natin ngayon ang mga Agronomist para mapabuti and madevelop ang mga techniques for culturing and cultivating plants a
Comments