Ikaapat
Abot Langit
Ning: guys, paalam na kayo after ng graduation punta tayo manila!
Chenle: ateng baka nakakalimutan mong five-year course tinatake ko
Ryujin: ako rin????
Ning: edi wag kayo sumama dalawa, kami kami nalang ni winter at yujin!
Winter: haha pass. thirdwheel lang ako sainyo ni yujin eh.
Chenle: oo nga ning! kawawa naman si win, mawiwitness niya lang kaartehan mo sa maynila. ako ang isama mo at ingungudngod kita sa sinasabi nilang dolomite beach
Ning: bwisit ka talaga
Yujin: g ako dun sa kaming dalawa lang ni ning pupunta
Ning: manigas ka!
Natatawa akong nagbabasa ng convo namin sa groupchat. Buti ay may wifi dito sa bahay nila tatay. Ngayon ko lang ulit nagamit ang messenger ko. Wala kasi ako nung mismong Facebook na app, maliit lang ang storage ng cellphone ko.
Ryujin: active ah, san ka?
Winter: kayla tatay. wedding anniversary nila ni ate josefina
Ryujin: hahaha punta sana ako dyan kaso baka mainit parin dugo sakin ni tito
Ryujin: tapos alam mo ba sabi ni ate isama ko daw siya para mawala galit ng tatay mo sakin. sabi ko naman baka lalo lang uminit ang dugo at ma highblood sa pagmumukha niya
Winter: baliw haha. maganda naman si ate sohee ah
Ryujin: maganda pag nakatalikod!
Tinignan ko ang wall clock, mag aalas otso na. Busy parin si tatay makipag inuman sa baba, rinig ko ang mga hiyawan nila ng bisita niya. Kasama ko lang ang mga kapatid ko dito sa kwarto na nag uusap about kdrama something. Maaga kaming natapos ni Johnny sa pag eentrega kaya maaga rin ang pagpunta ko kayla tatay. Dumiretso agad ako dito. Maraming pagkain kaya may maiuuwi nanaman ako kay nanay. Ayos.
Tulog na ang bunso kong kapatid na karga karga ko kanina.
“Ate Winter, dito ka ba matutulog?” Inosenteng tanong ng isa kong kapatid. Mukhang tapos na sila mag usap about sa mga Koreano.
Kinurot ko ang pisngi niya, “Uuwi narin ako maya maya. Matulog na kayo at anong oras na rin.”
Tinuck in ko na ang dalawa sa tabi ni bunso at inayos ang kulambo para hindi sila lamukin. Agad naman nakatulog ang dalawa. Nilakasan ko ang electric fan at tinapat ito sakanila, pinatay ko narin ang ilaw. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at dumiretso pababa. Baka umuwi na ako at bukas nalang tanggapin ang pera. Sayang ang oras at pagod narin ako. Inaya ako ni tatay kanina makipag inuman pero mariin ang pagtanggi ko.
Nakasalubong ko naman ang madrasta ko, “Winter? Andyan ka pala, eto at pinagbalutan ko kayo ng nanay mo ng mga handa. Bilin din ng tatay mo.”
Inabot ko ang dalawang supot at tipid na ngumiti, “Salamat, Ate Josie. Magugustuhan po ni nanay ‘to.”
Biglang naging awkward ang atmosphere, nagpaalam na ako sakanya at dumiretso na sa sala kung saan umiinom si tatay. Napatingin sakin ang mga bisita niya.
Napapagod na ako. Kelan ba ‘to matatapos?
“Tay, mauuna na ho ako.” Mahina kong paalam nang makalapit ako sakanya.
Tinignan niya muna ako ng matagal, “Mamaya ka na umalis tutal sabado naman at wala kang pasok bukas. Pinatulog mo na ba mga kapatid mo?”
Namumula na ang tenga ko. Hindi ako sanay sa atensyon at tinginan ng mga tao samin.
“Opo. Tulog na ho sila. Maaaga pa po kasi ako bukas, tay.”
Malakas ang pagbuntong hininga ni tatay at sinukbit ang wallet niya mula sa bulsa niya. Inabutan niya ako ng tatlong libo.
“Oh ayan, tipirin niyo na ‘yan. May naiipon ka na naman, ‘di ba? Sakitin kasi mga kapatid mo kaya kailangan ko din magtipid.”
Naiintindihan ko naman. Nung nagkasakit si nanay last month, hindi naman kami dumaing sakanya kahit hindi siya nakapagbigay ng pera. Hindi ko dapat nararamdaman ang mga ‘to, fair naman si tatay samin. Nagbibigay parin siya kahit papano. Pero ba’t pakiramdam ko minsan may kulang parin?
Binulsa ko na ang pera at nagpasalamat sa tatay ko na busy na ulit makipag usap sa mga kainuman niya about sa presyo ng diesel. Nakita ko kanina na may bagong white na Innova na nakapark sa labas.
Bukas na ng umaga ang alis namin ni Karina. Kahapon, dumaan ako sakanila para iabot ang isang bilao ng prutas na pinapabigay ni mama. Sarap na sarap siya sa honeydew at pagkatamis tamis daw nito. Parang mga ngiti niya lang habang nginangata ito. Naisip ko nalang deserve niya ‘yan dahil pinagluto niya ako ng tustadong Spam na pagkamahal mahal after a long day.
Talagang nagpa full tank ako ng motor bago ito isabak bukas. Nakakahiya naman kay Karina if magpa-gas ako in the midst of our biyahe since mahaba haba ‘yon. Dinouble check ko rin ang mga gulong, ayokong magkaaberya sa mabato batong daanan paakyat ng viewpoint, hassle masyado.
Pag uwi ay hinanda ko na ang susuotin ko para bukas, pumili ako ng maayos ayos na pantalon at ibang kulay na flannel shirt. Takang nakatingin lang sakin si nanay kaninang umaga nang makita niya akong nagkukusot ng pang alis. Sinabi ko nalang na may lakad ako kinabukasan.
Hindi ako makatulog. Paikot ikot lang ako sa kama habang iniisip ang mga mangyayari bukas. Okay naman siguro yung damit ko? Time na siguro para gamitin yung pabango na niregalo sakin ni tatay nung pasko. May kamag anak kasi si Ate Josie sa ibang bansa at namigay ng mga imported na canned goods at pabango, binigay ni tatay samin yung mga sobra sa balik bayan box.
Jusme. Hindi naman ‘to date pero bakit ganito ang pagkatorete ko?
Ilang araw na ganito ang nararamdaman ko ever since nakilala ko si Karina. Hindi ko maintindihan. Takot din naman akong mag open up kayla Ryujin o kahit kanino. Gusto ko pa siyang makilala pero natatakot ako sa pwede kong malaman. Nakikiramdam din kasi ako and ganun din siya sa’kin.
“Hey… thank you for tonight. It’s only been a day since we met pero you always made sure that i’m okay and never let me feel out of place. I had a blast tonight.” Halos pabulong na paalam niya sakin nang ilakad ko ito sa tapat ng bahay nila.
Nakaabang parin sa loob ng otto si Yujin at walang malay na si Ning sa may gate.
Namu
Comments