Ikalima

Abot Langit
Please Subscribe to read the full chapter

 

“Yujin.. ibaba mo na ako!”

 

Tawang tawa kami ni RJ na naririnig ang mga maluha luhang tili ni Ning mula sa kabilang side ng kalsada. Sunod sunod ang mura niya kanina na full force Ilokano. Nakaangkas ako ngayon sa bestfriend ko, gusto niya daw mag try magmaneho ng motor since marunong naman siya mag bike. Gusto rin mag sumama ng tropa kaya nagkasundo ang lahat na magdala ng kanya kanyang motor.

 

Si Chenle naman ay hiniram ang motor ng kuya niya, kanina niya pa sinusulsulan si Yujin na bilisan ang harurot ng sasakyan mula pa nung pag alis namin.

 

“Gagi ka, Yujin, kapag ayan inatake, officially single ka na habang buhay!” Pangkukutya pa ni RJ habang bumubomba.

 

Kasalukuyan kaming nasa mahabang kalsada sa gilid ng kabukiran, halos lahat ng tao sa lugar namin ngayon ay nasa bayan na busy manood ng mga parada. Kanina pa kami nakiki lipat bahay para kumain ng mga putahe. Tuwing pista kasi, bukas ang lahat ng tahanan at handa magpakain ng kahit sino, daig pa ng catering ang mga handa. Bihira rin ang mga may masasamang loob, lahat ay nag eenjoy sa pista. Naka limang bahay din kami kanina. Feel ko yata ay nagdagdagan ang timbang ko. Tuwang tuwa ang mga matatanda sa’min sa tuwing nakikita kaming lumalafang ng mga handa sa lamesita nila. Artistahin daw kaming lahat na blessing in disguise.

 

Jusko, kapag artista ‘di ba requirement daw maging maputi? Hindi namin kami maputing lima. Hindi rin tatalab ang sunscreen sa init kaya halos kayumanggi ang kutis ng mga tao dito.

 

“Hoy, RJ! Kapag ako nakababa dito, babanatan talaga kitang bwisit k- YUJIN!”

 

Hagalpak nanaman kami, parang humiwalay na ang kaluluwa ni Ningning at kapit na kapit sa ex niya. Mga the moves talaga ni Yujin. Hindi ko alam paano niya na-scam ‘to na sumakay sa motor niya, wala rin naman kasing tiwala si Ning kay Chenle at nag insist akong umangkas sa sarili kong motor.

 

“Alalay lang, huy.” Paalala ko kay Ryujin na napapasarap ang pag drive. Nakita kong bumaba naman ang speed gauge.

 

“Sensya na, ang sarap asarin ni Ning eh.”

 

Sumusunod kasi si Yujin sa bilis namin ni Chenle.

 

“Isa pang ikot, tapos lakad lakad na ulit tayo!” Aya ni Yujin. Nag thumbs up kami sakanya. Mag iisang oras narin kami nag aala caravan. Mahal din ang gas.

 

Pagkatapos ng isang pasada at nakalaya si Ning sa torture ng ex niya, tinalakan ni Ning si Yujin. Natatawa akong inawat ‘to sa pagbubunganga niya sa pinakabata sa’min, gulo gulo pa ang buhok niya. Para daw siyang nakuryente sabi ni Chen. Pinarada namin saglit ang motor kayla RJ habang nag lalakad lakad sa lugar. Namiss ko rin pala ‘to.

 

Irita kami nang muntik pa matamaan si RJ ng bala ng pellet gun sa mata nung mga batang naglalaro sa gitna ng daan. Marami kasing mga mura na laruan na binebenta ang mga maliliit na tiangge kung san saan tuwing may ganitong okasyon na dinuduyog naman ng mga bata. It’s funny how we used to be like them before, less obnoxious nga lang. Binulyawan ito ni Chenle gamit ang malalim niyang boses. Buti at kumaripas ng takbo ang mga kurimaw. Jusko, sa laki pa namin ng kaibigan ko ewan ko nalang kung hindi pa magpakalayo ang mga ‘yon.

 

“Dun parin ba yung perya mamaya sa elem niyo?” Tanong ni Chen, kumakain siya ng kakanin na kakabili niya lang sa stall kani kanina. Ginutom yata dahil sa kakatawa kanina, nakikikagat sakanya si Yujin.

 

Wala kasing perya nung nakaraan sa kadahilan na may ginagawang building sa loob ng school kaya medyo tahimik na nung gabi ng fiesta. Dun lang naman kasi eligible itayo ang perya. Pinagbawalan din ‘to ni kapitan dahil may dalawang naaksidente sa rides last last year.

 

Malawak ang school grounds ng kaisa isahang elementary school sa barangay namin dito kaya dun naka tayo ang perya at ang mga rides every now and then. Laking tuwa namin nila RJ dahil nalilibot ulit namin ang dati naming school. Need lang namin makalusot sa mga bantay.

 

“Oo, mamayang gabi pa naman magbubukas ‘yon after ng misa.” Sagot ko.

 

“Sumabay narin kayo magpawisik ng holy water kay father tutal mga demonyo naman kayo!” Paratang ni Ning sa’min. Kanina pa siya nagmamaktol.

 

Pagkatapos kasi ng misa ay binebless pa ni father ang mga rides at buong perya para makaiwas daw sa bad spirits at disgrasya, tradisyon na ‘yan dito.

 

“Grabe.. sorry na nga eh.” Tinusok tusok ni Yujin ang tagiliran ng isa. Winasiwas lang siya ni Ning na tumabi sa’min ni RJ.

 

“Bakla kasi, ikaw naman enjoy na enjoy mo masyado yakap ni Ning. Sulitin mo na at hindi na ulit magpapakita satin ‘yan the whole year.” Walang filter na sabi ni Chenle habang ngumunguya.

 

“Talaga lang, lagi niyo kasi ako pinagtitripan!”

 

Mukhang immune narin naman si Ningning sa pang aasar tungkol sakanilang dalawa ni Yujin.

 

Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada. Parang dati lang ay ang liliit pa namin na walang iniintindi at pinoproblema kung hindi sino ang magiging taya sa habulan kinabukasan o ‘di kaya ang magiging nanay sa chinese garter at iba pa. Isa’t kalahating dekada ko na kaibigan si RJ pero wala parin nagbabago sa’min. I was never expressive pero alam niyang thankful ako sa existence niya. Pinapadama ko sakanya na nandyan lang ako lagi para sakanya with my own subtle actions. Mas expressive kasi siya sa appreciation niya sa’kin lalo na kapag lasing siya. Lagi niya sinasabi na ako daw ang platonic soulmate niya.

 

Ganun din naman ako kayla Ning kahit hindi ako showy, pero i guess mas iba lang yung bonding and dynamic with Ryujin.

 

May mga nakasalubong kami na panay bati sa’kin. Namumukhaan ko sila na mostly anak ng mga nag oorder ng bigas kay Aling Susan. Nginitian ko lang ang mga ‘to at binati pabalik.

 

“Pupunta pa ba tayo sa bayan? Parang tinatamad kasi ako.” Naghihikab na sabi ni RJ.

 

Umiling iling ako, “Hindi na rin ako pupunta. Dumog na yata mga tao dun.”

 

Wala na din interes sila Yujin at umagree nalang maliban kay Chenle. Sasama lang daw siya mamaya sa mga pinsan niya at babalik rin agad sa’min. Halos bawat nadadaanan namin na kanto ay either may nag vivideoke sa labas ng bahay o nagkakampayan na. Lively and festive na ulit sa Barangay namin. Infairness naman, feel ko mas mataas ang budget nila ngayon sa mga dekorasyon.

 

Alas kwarto palang pala. Six kasi ang bukas nung perya na pinaka inaabangan namin.

 

Hindi ko pa nakikita si Karina ngayong araw. Ang balita ko ay nakaluwas na ang mga kamag anak niya last week galing Maynila. Pinagpahinga kasi kami ni Aling Susan ng isang linggo kaya madalas lang akong tumatambay kayla RJ at nanonood ng movie with her family. Huling pagkikita namin ni Karina ay nung huling araw ng pag dedeliver namin ni Johnny bago kami kausapin ni Aling Susan na mag take a break muna at mag ready sa fiesta.

 

“Daanan natin sila Karina.” Siniko ako ni RJ na parang nababasa ang isip ko.

 

Lumiwanag ang mukha ni Ning, “Ay, sige! Bet ko talaga siya. Ang galing niya rin kumanta!”

 

“Biruin niyo, mapababa o mataas ng k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
greenkimchi
Thank you po for the feedbacks sa story!

May kasunod pa po na chapters. :)

Comments

You must be logged in to comment
cece_lia #1
Chapter 14: gusto ko lang sabihin na parang nabulabog din ang tahimik kong buhay nang mabasa ko 'tong Abot Langit... panindigan mo ko user greenkimchi 😭😭😭

kidding aside, I LOVE YOUR FIC. I LOVE LOVE THE WAY YOU NARRATE THE STORY AND WRITE THEIR POVS. also, i felt happy to know most of the places na binanggit sa story, now i regret not applying for CLSU 😣 pero anw, add nyo ko sa listahan ng mga nag-aantay ng update 😓❤️‍🩹
kwinminjeong
52 streak #2
Chapter 14: grabe ang ganap beh pero inlove na to si wintot i can feel it! sobrang hardworking nj beh grabe ibang klaz peRO gAGU NAKAKAEYAK WALANG NEW UD SHET
EzraSeige
#3
Okay rold time to relapse eme 😣😏😍💙❄
Silassssh
#4
Chapter 14: yesssssss
Pengseul
#5
Saved
kwonjess13 #6
Chapter 14: yayyyy nareread ko na ulit. namiss ko talaga sila. and uy heejin ha ikaw haaaaa galawan mo! karina pakigalaw ang baso nangungulila na si winter! ! and di lang pala winrina textmates, ryeji den. ang lakas pa ni rj at may nagloload sakanya at sinusutentuhan ml nya bahhahahaha. sanaol may 500k sa bank account. di talaga ko natutuwa sa tatay ng ating short, dark, and handsome na bida. dala dalawa pamilya tas papabayaan ung isa. lagi man ako namamangha sa kasipagan ni winter, nakakasad pa rin isipin na she had to grow up fast dahil sa nangyari sa pamilya nila. sana mamanifest ang pagpunta nya sa manila. karina reply naman dyan! excited so much sa next pero take your time and good luck sa school, otor!
jowlyanaa #7
WOAH???
dimpleniyenasaleeg_ #8
22O ANG DIYOS ⁉️⁉️⁉️
warmestwinter
#9
OMG OMG OMG YOU DON'T KNOW HOW MANY TIMES NA AKO NAGPABALIK-BALIK DITO. TAPOS YUNG PINAKARECENT WAS LAST WEEK KASI NAISIP KO SIYA ULIT KASI NALULUNGKOT AKO NA NAGHOST NA TAPOS BIGLANG 😭😭😭 okay bookmarked na agad!
TakuyaKen
#10
Chapter 4: hehe first time to read story n set up is same province with mine pero curious ako where is this place