Ikaanim
Abot LangitAlam ninyo yung emotion na nararamdaman ng isang main character sa mga libro or movies kapag they are around the person they like and they suddenly feel overwhelmed? Na para bang tumigil ang pagikot ng mundo para sakanilang dalawa lamang dahil sa isang specific na pangyayari na ‘yon.
They feel giddy daw, excited, calm, overjoyed...
They were 'stupefied' and unable to think clearly on their feet at the very moment, ganon.
Naalala ko yung unang tao na nagkaroon ako ng interes nung freshie ako after the longest time of not having feelings for anybody since elementary. The person I used to like is very well-known sa school as running siya for president sa student council ng college namin that time. Tapos newly elected siya as president pa ng notorious debate club namin, may reputation din siya for always winning national contests and beauty pageant. She is basically everyone’s dream girl.
We never really talked pero I knew i’m attracted to her. I was doing this pen spinning habit of mine as bored and wala na akong interes sa lecture ng professor sa harapan, parang tinatamad din naman kasi ito magturo saamin at nag aantay nalang matapos ang klase. I remember vividly na Physiology was the subject nung time na nangyari ‘yon.
Namali kasi ang ikot ko sa ballpen ko at tumilapon ito sa sahig, nagulat ako nang she picked it up as she noticed rin na nag landing ito sa ilalim ng armchair niya at inabot naman saakin ‘to along with her never ending polite smile. Siya rin lagi ang nagaabot saakin ng handouts tuwing may quizzes kapag naka ayos ang upuan namin alphabetically. Sa likod niya kasi ako nakapwesto. Tapos imbis na patalikod niya nalang ibigay ang papel, talagang haharap pa siya sa’kin tapos ngingitian ulit ako. Madalas ko rin siya makitang nakaabang sa sakayan ng jeep with her friends kapag nagdadrive na ako pauwi. Naisipan ko rin mag offer ng ride sakanya kaso I never had the courage to do so. Basically, puro for the sake of formality lang naman ang mga interactions namin.
Binati niya ako ng Merry Christmas at Happy New Year nung nakaraan na holiday, mukhang generic greeting naman ito. Literal kasi na she’s way out of my league and wala kaming mutual friends ni isa, siguro ay friendly lang talaga siya by nature. I’m mostly by myself lang kasi or with a friend sa block ko every break or kasama si RJ kapag nagtutugma ang schedule namin. I guess paghanga lang talaga yung naramdaman ko para sakanya. She’s unbelievably intellectual at never nagyabang or brag about it. She helps everyone she stumbles upon na nangangailangan ng tulong based on my observation. She definitely deserved the position as our college’s student council president up until now. Consistent rin naman ang pagboto at pag elect ng blockmates ko sakanya, including narin ako.
Ayun nga, kanina sa mass, pakiramdam ko I was feeling any kinds of emotion that I mentioned kanina. Sa gitna ako nila Ryujin at Karina nakapwesto at hindi ako makafocus nang maayos sa mga sermon ni father about sa kung anu anong bagay. Naaamoy ko kasi muli ang familiar na pabango ni Karina. Tapos nung part na kailangan mag hawak kamay, parang nag aalangan pa siya hawakan ang kamay ko, tila nahihiya pa ito at nakikiramdam sa magiging reaksyon ko despite her being valiant sa’kin with her playful acts for the past few weeks.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ako mismo ang nag interwine ng kamay naming dalawa.
Oo, interwine imbis na simpleng hawak lang!
Blanko lang ang utak ko, ayun na yata ang pinaka mahabang isang minuto ever in my life. Hindi ko alam kung napansin niya ang panginginig at pagka pasmado ng palad ko. She didn’t seem to mind and namumula din na mahigpit ang pagkakapit sa’kin. Sumusulyap sulyap ang mga kaibigan ko kaya mas lalong nakakahiya ang sitwasyon. Irita ako kay RJ na nasa gawing kanan na nararamdaman ko ang pagpisil pisil sa kamay ko.
Tapos eto pa, nung peace be with you na parang bumalik nanaman ang pagkataklesa ni Karina at binigyan ako ng flying kiss at nag peace sign saakin after.
Muntik ko pa ulit masapok si RJ dahil bigla akong hinalikan nito sa pinsgi.
“Oh ayan, tunay na kiss ‘yan kay gayyem! Wala ka palag sa’kin, Karina.” Pabiro at pahamon na sabi ni RJ.
Karina didn’t bat an eye naman, “But I could do more than that.”
Imbis na payapa ang nararamdaman ko that very moment naging poot at kahihiyan!
Parang kinikilig si RJ na tinulak pa ako. Napaka ligalig talaga. Wapakels pa ito nang sitsitan siya kanina nung isang ale sa likod namin. Ako na ang nagpaumanhin para sakanya. Naku, kung wala lang kami sa misa baka pina salvage ko na ‘to. Isama ko narin sila Yujin na nakikichika sa mga ganap sa pwesto namin at malisyosang patingin tingin pa.
Ganito kasi ang seating arrangement,
Yujin, Ning, Giselle, Yeji, Karina, Ako at RJ.
Sakop namin ang buong upuan pero halos magkakadikit ang braso namin. Kaya buong misa feeling ko huhugutan ako ng hininga anytime na nararamdaman ko ang pagkaskas ng braso ni Karina sa’kin.
Ngayon naman ay pinapanood ko sila Karina at Yeji maglaban sa Tekken. May parang arcade din kasi dito na need pa hulugan ng piso piso, may arcane games din na hindi na namin binigyan ng pansin, aware kasi kami na may duga ‘yon. Gusto daw mag try ni Karina mag laro sa retro game machine at inaya ang mga kaibigan niya, go naman si Yeji kahit parang nandidiri pa siya sa dumi ng mga buttons at joystick. Pass si Giselle. Luckily, may wet tissue si Yeji sa bag niya at pinunasan ang mga controllers. Pinauna na kasi namin ang mga bata sa pila kanina sa mga rides kaya nagpasya muna kaming mag chill habang nag aantay. Tapos nagreready palang yung mga carnival games na inaabangan namin.
Nagkasundo din ang lahat na magsama sama nalang muna. Sila Yujin at Ning naman ang nowhere to be found ngayon, feeling ko ay naglibot ang dalawa sa loob ng school buildings. Pagkatapos ng misa ay agad naman namin nakita si Chenle na nakaabang sa may labas ng gate ng perya. Mamula mula pa ang labi nito at naka light makeup.
Jusko. Tuwang tuwa siya ngayon kay Giselle na kausap niya
Comments