Ikalawa

Abot Langit
Please Subscribe to read the full chapter

 

“And dreams won’t die, with tears in our eyes, you’ve got hold your head up high!”

 

Napailing nalang ako nang magkumpulan sila Ningning, Yujin at Chenle sa iisang mic para awitin ang chorus ng kanta.

 

“Happy birthday Ryujin! Hold your head up high!” Malakas na hiyaw pa ni Yujin na kakarating kani kanina lang.

 

Partida hindi pa siya nakakainom sa lagay nayan. Jusme. Aliw na aliw naman si Karina sa itsura ng mga kaibigan ko nang sulyapan ko ito. Si Ryujin ay tuluyan na rin nakirambol sa gitna, para silang mga uod na binudburan ng asin sa sobrang ligalig. Pasalamat nalang sa kabilang side ng bahay nag iinuman ang mga kamag anak ng may birthday.

 

“Hoy, Winter! Napaka KJ mo talaga forever!” Bulyaw ni Ningning sa mic.

 

Winasiwas ko lang sila at payapang kumain ng kalderetang pabo na paborito kong luto ng tatay ni Ryujin tuwing may okasyon. Atsaka alangan namang iwan ko dito si Karina na mag isa. Kanina pa kami nag uusap about sa mga ganap dito sa probinsya.

 

Sinulyapan ko muli siya, “May gusto ka pa bang kainin? Kuhanan kita sa loob, magsabi ka lang.”

 

“Wala na, super busog na ako. Thank you..” Umiling iling siya at ngumiti.

 

Kaninang hapunan tuwang tuwa ang mga magulang at ate ni Ryujin kay Karina. Ang puti puti daw, makinis, matangkad tapos maganda pa. Nagpapicture pa ang nanay niya dito at inupload sa Facebook kahit sinusubok na ng signal ang lugar namin. Well, hindi ko rin naman sila masisisi. After naman non, wala na masyadong ganap. Sobra pa ang pasasalamat ni Karina sakanila before kami umuwi at nangako na babalik pa kami sa gabi to celebrate Ryujin’s birthday. Dumiretso na agad siya sa kwarto niya nang hatid ko ito at tumulong na ako sa pagdedeliver ng bigas.

 

Tawang tawa rin ako kanina nang mag try si Ryujin mag straight english kanina habang kausap si Karina at binatukan pa ito ng ate niya dahil muntanga daw siya.

 

Karina looked apologetic naman. Mas sanay lang daw kasi siya magsalita in english. Nalaman ko rin na sa Ateneo pala siya graduate, grabe talaga ang mga revelation! Nagkunwari nalang ako na hindi masyado interested sa topic para di mahalata na chismosa rin ako. Tapos nang tanungin siya about sa work niya, she simply told us na wala siyang trabaho as of the moment and wala din balak maghanap. Nakiramdam naman ang lahat at hindi na muling nagtanong.

 

After matapos ng mga gaga sa first song number nila, nag decide din muna silang kumain muna at ipakilala ang sarili kay Karina. Feeling close naman agad si Ningning at niyakap ang bisita. Karina seemed a taken back pero niyakap niya naman pabalik si Ning nang walang kaarte arte.

 

“Kasi ganito yun mga te, lahat ng nasa Maynila gusto nila nasa probinsya sila kasi tahimik daw kesyo ganun. Pero tayo-“

 

“Ikaw lang!” Putol ni Yujin kay Chenle.

 

Binato ni Chenle ng tissue si Yujin bago ituloy ang sasabihin, “Ayun nga, pero tayo naman gusto natin sa Maynila kasi nandun na lahat. Pangarap natin dun lalo na ‘tong si Ning.”

 

Tinignan namin lahat si Ning na proud pang nakangiti. “Feel ko kasi mas fit ako dun.”

 

“Maghahanap ka lang ng sugar daddy dun eh!” Pambabara ni Ryujin.

 

After mahimasmasan ang lahat sa pagtawa, minatahan naman nila si Karina. Siya at si Ryujin palang ang nakakaapak sa Maynila. Wala naman kasi kaming kamag anak at pwedeng matuluyan dun kaya never pa ako nakadayo. Nagplano once sila nanay at tatay non nung bata ako pero hindi na tuloy dahil sa… hays.

 

“Sa Quezon City ka nakatira? Hindi ba sosyal mga nandun?!”  Naeexcite na tanong ni Ning na may kasama pang yugyog sa katabi niya.

 

“Naku ayan si Ning nag aaya nga na mag tour daw kami around Manila after ng graduation.” Sabi ni Ryujin at inakbayan ang pinakabata samin.

 

“How about I give you all a tour sa Manila once na nandun na kayo?” Suggestion ni Karina pero sakin lang siya nakatingin.

 

Malisyosya namang tumingin din ang mga kaibigan ko samin na hindi napansin ni Karina,

 

“Ay bat si Winter lang, hindi kami kasama?” May pa pout pa na tanong ni Chen.

 

Jusme titirik na talaga mata ko kakairap sa mga bugok na ‘to. Ang sarap lang pagbabatukan!

 

Sumimangot ako, “Sabi niya nga tayong lahat eh. Bingi ka ba?”

 

Pumalakpak pa ang bading habang tumatawa, “Ay sorry naman ate sungit! Sayo lang siya nakatingin eh.”

 

Namumula si Karina na nakikitawa nalang din. Namula na din ako. Jusmeyo marimar.

 

“O-of course kasama kayo!”

 

Binatukan ni RJ si Chenle after ng tawanan.

 

“What course do you guys take pala?” Curious na tanong ni Karina. Naka huddle na kami sa iisang table. May isa pang extra table sa harapan since hindi abot ng cord ng videoke ang pwesto naming ngayon.

 

Unang sumagot si Ningning, “Nursing kinukuha ko. Pangarap ko rin kasi talaga magka jowa ng doctor. Yung mala Mcdreamy!”

 

Hagalpak ang lahat maliban kay Yujin. Hanggang ngayon hindi ko parin maimagine as a nurse si Ningning. Malamang sa malamang ay imbis na siya ang talakan ng pasyente once na magkamali siya, baka siya pa ang tumalak dun at tusukin niya ng syringe.

 

Sunod naman ay si Ryujin, “Nabanggit ko na ‘to kanina pero parehas kami ni Winter na Agri tinatake, kaso biotech yung sakanya tapos engineering sakin.”

 

Since bata talaga kami ni Ryujin lagi kami nag uusap sa klase kung ano ba talaga ang gusto naming trabaho habang nagdidiscuss ang teacher namin sa harapan. Interested kami parehas sa pagtatanim at anything about farmers. Magsasaka kasi ang tatay niya at ako naman ay nainspire rin sa sinabi ng kaibigan ko about them. Kaya mula non, parehas kaming nangangarap na makatulong sa farmers someday and study about crops at sa pag manage ng mga palay. Tuwang tuwa kami lagi sa pa mandatory activity ng school namin every year na nagbibigay ng mga seeds tapos kailangan naming patubuin ito. Lagi kami ni Ryujin ang may pinaka highest na grade dahil lagi complete ang plant life cycle namin. Green thumb kami parehas.

 

“Future mandidiligs! I love it, go mga sismwaks!” Pumapalakpak na sabi nanaman netong ni Chenle.

 

Natawa narin ako na nagets naman ang meaning niya.

 

“Electrical Engineering ako, medyo pasuko narin pero gumugora nalang since papi ang mga prof!” May pagtili pa na sabi ni Chenle. Nag apir pa sila ni Ning.

 

Kibit balikat pa si Yujin bago sumagot, “HRM. Pangarap ko magkasariling hotel tapos dun ko dadalhin si Ning.” May pakindat niya pa na sabi. Naghiyawan ang lahat maliban kay Ningning.

 

“Mukha mo!” Pambabara ni Ning.

 

“They used to date before.” Bulong ko kay Karina.

 

Napa ‘o’ si Karina at sumali narin sa palapakan nila Chenle. Pinagmasdan ko ang dal

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
greenkimchi
Thank you po for the feedbacks sa story!

May kasunod pa po na chapters. :)

Comments

You must be logged in to comment
cece_lia #1
Chapter 14: gusto ko lang sabihin na parang nabulabog din ang tahimik kong buhay nang mabasa ko 'tong Abot Langit... panindigan mo ko user greenkimchi 😭😭😭

kidding aside, I LOVE YOUR FIC. I LOVE LOVE THE WAY YOU NARRATE THE STORY AND WRITE THEIR POVS. also, i felt happy to know most of the places na binanggit sa story, now i regret not applying for CLSU 😣 pero anw, add nyo ko sa listahan ng mga nag-aantay ng update 😓❤️‍🩹
kwinminjeong
52 streak #2
Chapter 14: grabe ang ganap beh pero inlove na to si wintot i can feel it! sobrang hardworking nj beh grabe ibang klaz peRO gAGU NAKAKAEYAK WALANG NEW UD SHET
EzraSeige
#3
Okay rold time to relapse eme 😣😏😍💙❄
Silassssh
#4
Chapter 14: yesssssss
Pengseul
#5
Saved
kwonjess13 #6
Chapter 14: yayyyy nareread ko na ulit. namiss ko talaga sila. and uy heejin ha ikaw haaaaa galawan mo! karina pakigalaw ang baso nangungulila na si winter! ! and di lang pala winrina textmates, ryeji den. ang lakas pa ni rj at may nagloload sakanya at sinusutentuhan ml nya bahhahahaha. sanaol may 500k sa bank account. di talaga ko natutuwa sa tatay ng ating short, dark, and handsome na bida. dala dalawa pamilya tas papabayaan ung isa. lagi man ako namamangha sa kasipagan ni winter, nakakasad pa rin isipin na she had to grow up fast dahil sa nangyari sa pamilya nila. sana mamanifest ang pagpunta nya sa manila. karina reply naman dyan! excited so much sa next pero take your time and good luck sa school, otor!
jowlyanaa #7
WOAH???
dimpleniyenasaleeg_ #8
22O ANG DIYOS ⁉️⁉️⁉️
warmestwinter
#9
OMG OMG OMG YOU DON'T KNOW HOW MANY TIMES NA AKO NAGPABALIK-BALIK DITO. TAPOS YUNG PINAKARECENT WAS LAST WEEK KASI NAISIP KO SIYA ULIT KASI NALULUNGKOT AKO NA NAGHOST NA TAPOS BIGLANG 😭😭😭 okay bookmarked na agad!
TakuyaKen
#10
Chapter 4: hehe first time to read story n set up is same province with mine pero curious ako where is this place