Ikalabing-dalawa

Abot Langit
Please Subscribe to read the full chapter

Isang beses ko palang nakikitang umiyak si nanay sa buong buhay ko.

 

Ayun yung time na napapadalas na sila mag-sumbatan ni tatay sa sandali nilang pagsasama sa iisang bubong simula nung ipanganak ako. Minsan lang rin kasi matulog si tatay dito sa bahay dahil daw sa trabaho niya sa NEECO sa San Isidro. Hindi na yata nakayanan ng nanay ko ang pag-aala at chismis ng mga balahura naming kapitbahay sa kadahilan na ilang linggo rin hindi nagparamdam si tatay saamin nun.

 

Nagising nalang ako kinabukasan ng may nakapalupot na kamay sa katawan ko at maririnig ang mga malamya na paguumanhin ni nanay saakin dahil sa mga narinig kong sigawan mula sa kanilang dalawa nung gabing ‘yon. Grabe rin ang pamamaga ng mata niya at sinabing hindi na daw saamin uuwi si tatay. Buong araw hindi makausap si nanay at bigla nalang tumulo ang luha ng abutan ko siya ng kape.

 

Hindi na ulit nagparamdam si tatay after non, never na rin siya sumasama sa mga recognition ko.

 

Grade six na ako nang malaman ko mismo kay tatay na may mga kapatid na pala ako sa bago niyang kinakasama. Madalas niya rin ipaalaga saakin ang mga ito sa tuwing nag ouout of town sila ni Ate Josie. Mahirap nga pala talaga ang mag babysit pero never naman ako nagreklamo about it sakanila kahit pa ginagabi na ako sa pagbabantay, mahal ko ang mga kapatid ko at wala silang kasalanan sa pagkukulang ni tatay saakin. Every week din nag papabigay ng prutas si nanay sakanila.

 

Siguro may kaunting inggit lang akong nararamdaman paminsan minsan bilang hindi ko kasi naranasan ang ganoong klaseng atensyon at kalinga mula kay tatay.

 

Kaya malaki ang pasasalamat ko sa pamilya ni Ryujin. Tinuturing kasi nila ako na parang ka-sangbahayan talaga noon pa and never ko na naramdaman na mag-isa lang ako. Madalas rin mag abono si tita ng pangbaon ko sa tuwing kinakapos si nanay sa pagsusustensya saakin. Hiyang hiya naman si nanay at binabayaran agad ito kahit pa sinabi ni tita na kahit hindi na naman ito kailangan pang bayaran. Tulong na rin daw since alam nila ang sitwasyon sa bahay namin.

 

Kasalukuyan kaming nasa SM Cabanatuan ngayon dahil sa biglaang pag yakag ng ate ni RJ for tanghalian. In the mood daw siya para manlibre ng lunch, talagang ininvite niya pa ako since part of the family daw ako. Dito lang din naman ang pinakamalapit na mall mula sa lugar namin na maraming pwedeng pagkainan, which is, by the way, kahalating oras ang layo mula sa Matankoy.

 

“Nabusog ka ba, Win?” Malambing na tanong saakin ni Ate Sohee after makalabas ng Vicentico’s. Inayos niya pa ang suot niyang kusot kusot na blouse.

 

Nahihiya akong ngumiti sakanya,

 

“Malamang, ate. Panay lagay ka kaya ng ulam sa plato niya kanina.” Singit at pabalang na sagot ni RJ sa nakakatanda niyang kapatid.

 

Tama naman siya, mahirap rin naman kasi tanggihan ang grasya kahit parang puputok na ang tiyan ko kanina sa sobrang kabusugan. Nakakataakam din kasi yung Kilawing Sugba at Crispy Kare-kare na minsan ko lang naman makain sa buhay ko na ito kaya nilubos ko na. Kaya kahit halos pilit ang pag kain ko, okay narin. Sobrang thankful kaya ako.

 

At bilang isang Agriculture student, samid na samid talaga ang bawat butil ng kanin saakin. Naranasan ko na kasi ang magbilad sa araw dahil sa pag-aani para ipunin, iggiik at ihakot ang lahat ng hinog na palay papuntang imbakan para sa subject namin na PHHST. Hindi talaga kami pinagamit ng combine harvest nung time na yun na makabago para maranasan daw namin ang hirap ng mga magsasaka. Kaya tradisyunal na paan o mano-manong bukirin pa ang ginawa namin buong araw. May disadvantage din daw kasi ang combine harvester at maaaring masira ang inaning palay at masasayang lamang since machine ito.

 

After mag-ani ay ibibilad na ang palay sa arawan, kasama na rin ikaw mismo, syempre. Ginagawa ang pagbibilad para mabawasan ang moisture sa palay para maging ligtas itong iimbak sa loob ng ilang araw o buwan. Kapag minalas ka at hindi mo ito nabantayan ng maayos, magdasal dasal ka nalang at kakainin talaga ito ng mga pesteng insekto na sobra ang perwisyo na dinadala. Tapos may times rin na nadadaanan ito ng sasakyan at nagugulungan ng mga kamote drives na isisisi pa sa mga magsasaka ang kasalanan mismo nila. Kaya pabor talaga ako na ibilad dapat ang mga palay sa lugar na talagang ilinaan tulad ng mga solar at mechanical dryers kaysa sa gilid ng daanan.

 

Kung nakapunta na kayo sa mga probinsya, madalas niyo makikita ang mga palay sa gilid ng kalsada mostly kapag dry-season na.

 

At pagkatapos ng bente kuwatro na oras, pwedeng pwede na gilingin ang palay sa pamamagitan ng rice mill machine para maalis ang rice hull o ang mga dumi at insekto na maaaring nahalo dito. Ito na rin ang huling proseso para tuluyan ng maging bigas ang palay. Alam na alam ko na ang mga technique para maging de-kalidad ang bigas kaya madalas ipa-check saakin ni Aling Susan ang mga bigas na tinatrade sakanya para maibenta kahit Agribusiness rin naman ang natapos niya. Iba daw kasi kapag ako ang tumitingin at mahirap na since parami ng parami ang mga manggagantso na sa tingin ko naman ay naghahanap buhay lamang.

 

Kaya kahit tuloy sila Yujin ay nahawa na rin saakin na mga hindi naman dati nagsasaid ng kinakain nang ikwento ko sakanila ang hirap na dinanas namin about sa pag produce and harvest ng crops. Maawain kasi ang mga yun lalo na si Ning.

 

Hinampas ni Ate Sohee si RJ sa balikat after ayusin ang damit, “Kinakausap ba kita? H’wag ka sabat ng sabat! Palibhasa hindi ka pa busog eh.”

 

Believe it or not, napaka normal lang sakanila na bwisitin ang isa’t isa. Hobby daw ni Ryujin ‘yan at siya ang nagiging pinakamasayang tao sa mundo sa tuwing nagtatagumpay siya sa pagbuburyo kay Ate Sohee. Matagal na talagang bihasa sa paninira ng araw si ungas.

 

Bigla ko tuloy naalala si Giselle at Yeji. Same vibes na conyo version nga lang.

 

“Malamang, ang konti kaya nung set na inorder mo!” Pagpapatuloy ni RJ na nakangiwi.

 

Nanlaki ang mata ni Ate at hindi makapaniwalang tumingin saakin, “Good for six na nga yung inorder kong buwaya ka! Madami naman yung serving nila, diba?”

 

“Oo, ate. Jusko, busog na busog nga ako eh.” Sabi ko sabay himas sa tiyan.

 

“Magpapurga ka nga ulit!” Sikmat ni ate sa kaibigan ko.

 

Hindi ko talaga alam kung gaano karami ang bulate sa tiyan netong kaibigan ko. Jusko, sa dami dami ng putahe na nilamon niya kanina, hindi pa talaga siya nabubusog? Parang ako yung nabusog kanina para sakanya nung nag order pa siya ng Halo-Halo for dessert, para pampatanggal umay daw. Inalok niya pa ako pero tumanggi na ako. Hindi na siya sinasaway nila tita since sanay na sanay na sila sa eating habit ng anak nilang kalahating tao, kalahating alligator.

 

Magsasalita pa sana siya nang sawayin na siya ni tito na kakalabas lng ng restaurant along with tita. Agad tumikom ang bibig ni gaga at dinikitan nalang ako habang naglalakad lakad sa mall. Kita ko pa ang pag belat ni Ate Sohee sakanya.

 

Parang mga bata talaga.

 

Three years lang ang tanda saamin ni Ate and she’s a preschool teacher at sa pagkakaalam ko, last year lang siya nagkaroon ng trabaho. Bigla daw kasi siyang hindi naging sure pagdating sa pagtuturo after niya makagraduate. Sinabihan pa ito ni tita na subukan mag-apply sa Maynila for more opportunities, ayaw ni Ate Sohee since aware naman daw siyang mas nangangailangan ng tulong ang mga mamamayan dito pagdating sa edukasyon since konti lang ang mga school at mga guro sa lugar namin. Naging estudyante niya pa nga ang bunso kong kapatid nung nakaraang taon.

 

Pinauna namin maglakad ang pamilya ni RJ na nagbabalak pa ikutin ang mall para matunawan muna ng kinain.

 

“Ay, kailan ka pala mag-enroll?” Tanong niya saakin at tinuro ang suot suot kong University shirt.

 

Parehas kaming sa CLSU pumapasok ni Ryujin sa may Muñoz.

 

“Baka next week kapag nakuha ko na huling sahod ko. Sabay naman tayo ‘di ba?”

 

Tumango tango siya, “Aba syempre. Kausap ko nga kanina si Ning, nasa school daw siya ngayon for enrollment, tapos sabi daanan natin siya.”

 

Dito kasi sa Cabanatuan nag-aaral sila Ning kung nasaan mostly ang mga universities and colleges sa Nueva Ecija. Sa NUEST si Chen pumapasok, Araullo si Yujin at samantalang si Ning naman ay sa Wesleyan.

 

Kailangan na kasi ni Ning makapag enlist agad ng mga subjects since quota ang mga units niya at gusto niya daw mapunta sa maayos na magturo na professor na pinagaagawan ng lahat. Iniyakan niya noon ang Stats at Biochem dahil lagi daw siya napupunta sa mga prof na hindi nagtuturo since late siya nakakapag-enroll. Bimiro ko ito na baka lagi rin siyang tulog sa klase, guilty pa siya na hindi na naipaglaban ang sarili.

 

“Huh? Edi sabihin mo sumunod nalang siya kako dito.”

 

Tinignan ko ang orasan, alas dos palang naman. Maaga rin kasi kami natapos kanina sa pag dedeliver since madaling araw kami nagsimula at limang kaban lang naman yun.

 

“Ayun nga sabi ko kaso pa-VIP si gaga.”

 

“Or magpasundo nalang siya kay Yujin na driver niya.” Panlilibak ko.

 

Napahagalpak si RJ, “Oo nga, Forever tanga na talaga ‘yon. Biruin mo, ex ka na tapos driver ka pa?”

 

Tuluyan narin akong natawa. Aware naman si Yujin na kinukutya namin ang sitwasyon niya at kahit siya mismo ay natatawa nalang din sa sarili niyang kashungahan.

 

Sayang parin talaga, bagay na bagay sila ni Ning.

 

“Ay alam mo bang type ni ate si Johnny..” Biglang banggit ni RJ casually.

 

“Huh? Totoo ba?” Hindi makapaniwala kong tanong.

 

“Oo kaya, noon pa siya nagagwapuhan dyaan. Tahimik daw kasi tapos masipag. School mates kasi sila before, ahead lang si ate ng isang taon.”

 

Nag imagine ako saglit, pwede na rin siguro. Kaso medyo may pagka-chick boy kasi ‘tong si Johnny pero mabait nga naman talaga at hindi ko rin alam kung kakayanin niya ang pagka taklesa ni Ate Sohee. Plus, he’s into older women kaya tama lang.

 

“Sige, banggitin ko nga si Ate kay Johnny some other time.”

 

Agree siya, “Tama ‘yan, para sumaya naman buhay ni Ate. Stressed na stressed na kasi sa mga bata niyang estudyante.”

 

“Okie.”

 

Love is in the air na talaga.

 

Kung anu-ano na ang pinagtuturo ni Ryujin saakin ngayon na pwede ko daw ipang-regalo sakanya sa next birthday niya. Inasar ko siya at sinabing pwede naman siya magpabili kay Yeji since newly found bestfriend niya yun.

 

Napasimangot siya, “Naku, ‘wag mo ngang binabanggit pangalan niyan!”

 

“Oh bakit naman? Namimiss mo kasi masyado.” Tanong ko in my high pitched voice.

 

Nag mala defensive mode siya, “Yuck! Mas miss ko pa nga yung manok ni papa na kinatay namin nung i

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
greenkimchi
Thank you po for the feedbacks sa story!

May kasunod pa po na chapters. :)

Comments

You must be logged in to comment
cece_lia #1
Chapter 14: gusto ko lang sabihin na parang nabulabog din ang tahimik kong buhay nang mabasa ko 'tong Abot Langit... panindigan mo ko user greenkimchi 😭😭😭

kidding aside, I LOVE YOUR FIC. I LOVE LOVE THE WAY YOU NARRATE THE STORY AND WRITE THEIR POVS. also, i felt happy to know most of the places na binanggit sa story, now i regret not applying for CLSU 😣 pero anw, add nyo ko sa listahan ng mga nag-aantay ng update 😓❤️‍🩹
kwinminjeong
#2
Chapter 14: grabe ang ganap beh pero inlove na to si wintot i can feel it! sobrang hardworking nj beh grabe ibang klaz peRO gAGU NAKAKAEYAK WALANG NEW UD SHET
EzraSeige
#3
Okay rold time to relapse eme 😣😏😍💙❄
Silassssh
#4
Chapter 14: yesssssss
Pengseul
#5
Saved
kwonjess13 #6
Chapter 14: yayyyy nareread ko na ulit. namiss ko talaga sila. and uy heejin ha ikaw haaaaa galawan mo! karina pakigalaw ang baso nangungulila na si winter! ! and di lang pala winrina textmates, ryeji den. ang lakas pa ni rj at may nagloload sakanya at sinusutentuhan ml nya bahhahahaha. sanaol may 500k sa bank account. di talaga ko natutuwa sa tatay ng ating short, dark, and handsome na bida. dala dalawa pamilya tas papabayaan ung isa. lagi man ako namamangha sa kasipagan ni winter, nakakasad pa rin isipin na she had to grow up fast dahil sa nangyari sa pamilya nila. sana mamanifest ang pagpunta nya sa manila. karina reply naman dyan! excited so much sa next pero take your time and good luck sa school, otor!
jowlyanaa #7
WOAH???
dimpleniyenasaleeg_ #8
22O ANG DIYOS ⁉️⁉️⁉️
warmestwinter
#9
OMG OMG OMG YOU DON'T KNOW HOW MANY TIMES NA AKO NAGPABALIK-BALIK DITO. TAPOS YUNG PINAKARECENT WAS LAST WEEK KASI NAISIP KO SIYA ULIT KASI NALULUNGKOT AKO NA NAGHOST NA TAPOS BIGLANG 😭😭😭 okay bookmarked na agad!
TakuyaKen
#10
Chapter 4: hehe first time to read story n set up is same province with mine pero curious ako where is this place