Chap 2

Chapter 23, Limited Edition, Issue: Forever

May array ng emotions na nararamdaman si Irene habang nakikinig kay Seulgi, pero most of the time, nahuhuli na lang niya ang sarili niya na napapangiti. 

"Hindi pa rin talaga siya nagbabago," naibulong ni Irene sa sarili. 

Ganun pa rin ang babaeng minahal niya - may self-deprecation, walang bahid ng self-aggrandizing, naglalapag lang ng facts - ito ang problema, paano tayo makakagawa ng paraan, paano tayo magiging solusyon - pero dama mo yung commitment niya. 

There's no lie in her fire, 'ika nga ng pamosong makata na si Charles Bukowksi. 

Habang nakikinig siya kay Seulgi, hindi mapigilan ni Irene balikan yung unang pagkakataon ng sila ay magkita, kung paano sila nagkakilala. 

Elbikon noon, o ang equivalent ng Comic-Con sa Elbi. Sinisipat ni Irene ang hilera ng artworks, shirts, ang showcase ng eccentricity at creativity from local artists ng mahagip ng paningin niya ang isang comic book na may dalawang diwata sa cover. 

"Deconstructing Marias," binasa niya ng malakas ang titulo. 

"Yes, deconstructing Marias," ang echo ng babaeng nasa harap niya. 

"Itong comic book na ginawa ko, ini-explore niya ang pagmamahalan ng dalawang babaeng deities, o diwata. Bago pa man kasi tayo masakop ng mga Spaniards, may espasyo naman talaga para sa queer love ang Filipino folklore. Nawala na lang nung tayo ay na-colonize at na-impose sa atin ang paniniwala at kultura ng mga banyaga," paliwanag niya. 

Napatango-tango si Irene. She ended up buying all the issues of Seulgi's comic books, everything the young artist worked hard for. 

Sa bawat comic book ay may email at iba pang contact info ni Seulgi. Irene will find herself sending an email or two ever so often sa [email protected].

Magtatanong lang siya kay Seulgi about sa paksa na girls who love girls - anong pakiramdam, paano malalaman, gaano ka-heartbreaking, gaano kasaya. 

Alam kasi ni Irene sa sarili niya na hindi siya nahuhulog sa lalaki, pero wala siyang makausap ukol dito. 

Hindi siya para sa hatdog. Pero wala siyang mapagsabihan - kahit pa nga eventually ay maglaladlad din ang mga kaibigan niyang sina Wendy at Joy (at magiging sila pa) nung mga panahon na yun, pare-pareho silang bopols sa usaping ual orientation at gender identity. 

That's why she turns to Osodraws - sa babaeng lumilikha ng love stories ukol sa mga diwata, sa babaeng, pagkatapos ng sandamukal na emails, pagkikita again in person after four months, pagpapalit ng kuro-kuro over countless Elbi inuman nights, ay mamahalin rin niya at i-re-revere na parang diwata. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ssamee
#1
Ang ganda. Juskopo ang puso ko.
aiisaka #2
Chapter 10: Hindi ko alam bakit parang kaunti lang yung comments, nagsubscribe etcetera pero ang ganda ng flow ng story. Grabe! Galit na ako sa sistema pero parang lalo akong nagalit! Ang ganda po hehehe
akosizig #3
Chapter 27: nagbabalik ito!!! tawang tawa ako sa "nanalo ang mga kamatis" HAHAHAHAHA namiss ko to!!! sana nasa maayos kayo lagi author at magtuloy tuloy ang update ng kwentong ito <333
akosizig #4
Chapter 26: im baaaaack from minsan, ayos lang magpaalam <:

GRABE TONG KWENTO NA TO!!! ngayon lang ulit ako nagkatime para mag binge read pero hindi ko mapigilan magbasa chapter after chapter! nandon yung kilabot factor on how true the situation na kinalalagyan nila seulgi at irene regarding corrupt govt officials and overall corruption ng gobyerno. their characters really showed yung pagiging strong willed nila at makikita na strict talaga sila sa kaniyang mga prinsipyo! looking forward sa next update!!!
seulsbear
#5
Chapter 26: Kapag nagbabasa ako ng mga ganitong fics, feeling ko I’m seeing another side of our country, the darker side na pilit nilang tinatago. Tama nga naman na mahirap pag ang mga tao na mismo ang nagbubulag-bulagan and as someone na galing sa isang family na naniniwala always sa sinasabi ng government, it’s hard na maipakita sa kanila na mali yung paniniwala nila kasi sarado na ang isip nila from other possibilities. For my parents, the government, esp those who are under the president and, well, also him, are always speaking the truth and doing what’s right... kahit na harap-harapan na, na mali yung ginagawa nila...
Enterusername_here
#6
Chapter 24: nakakagigil yun ah. nway, excited na ako sa susunod na mangyayare
kang_ddeul
#7
Chapter 24: yung true colors ng government natin :((
Enterusername_here
#8
Chapter 18: medyo na trauma ako nung last ff, wag naman sana ulit makidnap si yeri huhu
Enterusername_here
#9
Chapter 17: Ang intense ng chapter, kinakabahan na din agad ako sa mga susunod na mangyayare.
Enterusername_here
#10
Chapter 10: Habang binabasa ko ang mga chapters, nakaramdam ako ng 3 emosyon.

1. Lungkot at saket dahil angst na naman ang love story ng Seulrene :(
2. Galit sa ginagawang ninja moves ng gobyerno. Jusko naman!
3. Naeexcite na naman ako sa mga susunod na mangyayare.

Waiting po ulit sa susunod na chapters :) Hwaiting!