Chap 1

Chapter 23, Limited Edition, Issue: Forever

Simple, straight to the point, ekis ang bull. 

Ganito maisasalarawan ang lohika ni Seulgi kapag tinanong mo siya bakit niya piniling gawin ang ginagawa niya ngayon. 

May kalakip ito na isang all-too-real anecdote - noong 2009, habang nag-iintern sa isang NGO sa Maynila, inabot siya ng bagyong Ondoy. 

Taga-Elbi si Seulgi. Binabaha rin sila dun manaka-naka, pero ibang klase ang pagbaha na nasaksihan niya nun sa Maynila. 

Habang pinapanood ang lumulutang na bote ng beer, gamit na napkin at diapers, styro containers ng mga pinagkainan at mga ipis sa baha, nakahulikipkip sa mga braso niya ang mga files na ilang buwan din niyang ni-request sa ahensyang nag-o-oversee ng national budget ng 'Pinas.

Sa mga files na yun ay nakatala ang ilang milyong piso na supposedly ay inallot para sa paghahanda sa mga sakunang tulad nito.

Kaya nakanamputspa lang na habang nakikita niya kung gaano kalaki ang perang inilaan para sa mga ganitong natural disasters ay direktang nararanasan niya kung gaano hindi kahanda ang bansa sa mga ganitong problema. 

O sige, sabihin na natin na iba talaga ang lakas ng Ondoy. Pero siguro naman, pagkatapos nito may matututunan ang mga hinalal, ang mga tao, at may patutunguhan ang perang sinet-aside para sa mga susunod pang ganitong kalakas na mga sakuna.

Dun sa huling parte, pinangako ni Seulgi sa sarili niya, na gagawin niya ang makakaya niya para masigurado na hindi mawawaldas na lang ng walang kapararakan ang pondong galing sa pinaghirapan ng taumbayan. 

Kaya pagka-graduate niya, nagtrabaho siya sa isang disaster risk reduction and management council sa isang LGU na may sistemang binuo para ma-track ang pondo para dito.

After Ondoy, naisabatas kasi ang RA10121 na nagbibigay ng authority sa LGU officials na gamitin ang 70 percent ng kanilang budget for DRRM para sa prevention and mitigation - in other words, puwede na silang gumamit ng pera para ma- minimize ang epekto ng mga sakuna bago pa manalanta ang mga ito at hindi lang umakto at gamitin ang pondo kapag literal na lubog na sa baha ang mga tao. 

Hindi kalakihan ang sinusuweldo niya at nakaka-jirits kapag nakikita niya na pagkatapos ng isang dekada at higit pa ay ganun at ganun pa rin ang nangyayari sa bansa - magkakaroon ng sakuna, maraming mamamatay, maraming mawawalan ng trabaho kahit na marami ring pera ang nasa kamay na ng gobyerno para sana tugunan at paghandaan ang mga ganitong trahedya.  

Pero hindi siya sumusuko. 'Pag tinanong mo kung bakit, sasabihin niya sa 'yo habang nakatingin sa iyong mga mata: 

"Ginagawa ko to kasi dapat bawat piso ng buwis na binabayaran natin mapunta sa matinong serbisyo para sa lahat ng Pilipino." 

 Sa lahat, i-stre-stress niya, regardless ng kung sinumang sinusuportahan mo, anong relihiyon mo, Katoliko ka man o nagkakatol lang, Muslim, Buddhist, naniniwala sa animism, kahit nga atheist ka pa.

Sa lahat, anumang gender preference mo, bakla ka man, tibs, bi, trans, halaman. 

Lahat ng Pilipino, dapat makatanggap at makaranas ng maayos na healthcare, education, public transport, sapat na makakain, proteksyon ng pulis, militar, ng batas, proteksyon sa natural and manmade disasters. 

Ito ang lohika niya - simple, straight to the point, ekis ang bull. 

Pinapaliwanag niya ito ngayon kaharap ang ilan pang mga taong nagtratrabaho sa government na tulad niya - sila na piniling sumuong sa sistema dahil naniniwala silang kaya nila itong baguhin from within. 

"Napaka-timely po nitong tatalakayin natin kasi mag-eeleksyon na rin, at magandang tumimo sa publiko ang pagtatanong ukol sa kung saan ba napupunta buwis na binabayad nila." 

"Guardians tayo ng pera na yun. Kahit sino pang manalo, non-partisan tayo, dahil ang sinumpaan nating katungkulan bilang civil servants ay maglingkod sa tao, hindi sa pulitiko," sambit niya. 

Tiningnan niya ang mga tao sa harapan niya, sa mga umattend sa discussion na 'to. May mga tumango-tango sa mga sinabi niya, may umoo, may nagbigay ng thumbs-up at merong - 

- merong tumingin ng diretso ng pabalik sa kanya - ang babaeng kabisado na ang lohika niya - simple, straight to the point, ekis ang bull. 

Limang taon na ang nakalipas ng huling magtama ang mga mata nila ng babaeng iyun - si Irene.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ssamee
#1
Ang ganda. Juskopo ang puso ko.
aiisaka #2
Chapter 10: Hindi ko alam bakit parang kaunti lang yung comments, nagsubscribe etcetera pero ang ganda ng flow ng story. Grabe! Galit na ako sa sistema pero parang lalo akong nagalit! Ang ganda po hehehe
akosizig #3
Chapter 27: nagbabalik ito!!! tawang tawa ako sa "nanalo ang mga kamatis" HAHAHAHAHA namiss ko to!!! sana nasa maayos kayo lagi author at magtuloy tuloy ang update ng kwentong ito <333
akosizig #4
Chapter 26: im baaaaack from minsan, ayos lang magpaalam <:

GRABE TONG KWENTO NA TO!!! ngayon lang ulit ako nagkatime para mag binge read pero hindi ko mapigilan magbasa chapter after chapter! nandon yung kilabot factor on how true the situation na kinalalagyan nila seulgi at irene regarding corrupt govt officials and overall corruption ng gobyerno. their characters really showed yung pagiging strong willed nila at makikita na strict talaga sila sa kaniyang mga prinsipyo! looking forward sa next update!!!
seulsbear
#5
Chapter 26: Kapag nagbabasa ako ng mga ganitong fics, feeling ko I’m seeing another side of our country, the darker side na pilit nilang tinatago. Tama nga naman na mahirap pag ang mga tao na mismo ang nagbubulag-bulagan and as someone na galing sa isang family na naniniwala always sa sinasabi ng government, it’s hard na maipakita sa kanila na mali yung paniniwala nila kasi sarado na ang isip nila from other possibilities. For my parents, the government, esp those who are under the president and, well, also him, are always speaking the truth and doing what’s right... kahit na harap-harapan na, na mali yung ginagawa nila...
Enterusername_here
#6
Chapter 24: nakakagigil yun ah. nway, excited na ako sa susunod na mangyayare
kang_ddeul
#7
Chapter 24: yung true colors ng government natin :((
Enterusername_here
#8
Chapter 18: medyo na trauma ako nung last ff, wag naman sana ulit makidnap si yeri huhu
Enterusername_here
#9
Chapter 17: Ang intense ng chapter, kinakabahan na din agad ako sa mga susunod na mangyayare.
Enterusername_here
#10
Chapter 10: Habang binabasa ko ang mga chapters, nakaramdam ako ng 3 emosyon.

1. Lungkot at saket dahil angst na naman ang love story ng Seulrene :(
2. Galit sa ginagawang ninja moves ng gobyerno. Jusko naman!
3. Naeexcite na naman ako sa mga susunod na mangyayare.

Waiting po ulit sa susunod na chapters :) Hwaiting!