Ikawalo

My Bestfriend's Sister

Natapos namin ang project namin ni Tzuyu ng mga 9:00 p.m ng gabi. Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ni Tzuyu. Agad namang tumaya si Tzuyu sa kinauupuan niya at binuksan ang pinto. Mama pala ni Tzuyu yung kumakatok.

"Bakit po ma?" tanong ni Tzuyu sa mama niya.

"Tapos na ba yung project niyo?" pabalik na tanong nito kay Tzuyu.

"opo ma." sagot naman ni Tzuyu.

"Kung ganon pala ay bumaba na kayo at kumain na tayo, nag luto ako para sa atin." saad ng mama niya.

"Sige po ma, nag aayos lang ng gamit si Seulgi. Susunod na lang po kami." sabi ni Tzuyu sa mama niya. Tumango lang ang mama niya at nag simula ng mag lakad. Natapos ko ng ayusin ang gamit ko.

"Tapos ka na ba Seulgi?" tanong ni Tzuyu.

"Oo, tapos na Tzuyu." sagot ko naman dito.

"Tara bumaba na tayo para maka kain na tayo." sabi nito sa akin.

"Pwede bang wag na? Uuwi na din naman ako." nahihiya kong sabi sa kanya. (May hiya ka pala? Hahaha)
Tseh ewan ko sayo author nim. (Sorry na hahaha btw back to the story.)

"Malulungkot si mama kapag tinanggigahan mo siya. Nag effort pa naman siyang mag luto para sayo." pangongonsensya ni Tzuyu sa akin.

"Sige na nga nakakahiya kasi eh" medyo pilit kong sabi.

"Wag kang mahiya seulgi para sayo naman talaga yung linuto ni mama eh." sabi sa akin ni Tzuyu. Bumaba na kami ni Tzuyu para kumain. Dumaretso kami ni Tzuyu sa dining table nila at nakita namin ang mama niya na nag hahanda ng makakain namin. Nang makita kami ng mama ni Tzuyu ay agad na sumilay ang ngiti nito.

"Halina kayo at kumain na tayo." aya nito. Ngumiti na lang kaming dalawa ni Tzuyu at umupo na. Napakarami ng inihanda ng mama ni Tzuyu, grabe ano toh fiesta!?. Nag luto ang mama ni Tzuyu ng Kare-kare, adobo at sinigang na hipon. Mukhang mapapasubo ata ako dito. Nag simula na kaming kumain at habang kumakain ay nag tatanong ang mama ni Tzuyu katulad na lang ng 'Saan ka naka tira?' 'Kamusta naman ang pag aaral ni Tzuyu?' 'Ok na ba yung project niyong dalawa?' at ang pinaka nakaka shookt na tanong ay....

"Iha may kasintahan ka na ba?" Grabe na shookt ako ng bonggang bongga.

"Wala pa po." nahihiyang sagot ko dito.

"Bakit naman? Napaka ganda mo at napaka bait pa." sabi nito sa akin. Pero ang mga sumunod niyang sinabi ang SUPER DUPER NA SHOOKT AKO MAS MALALA PA KANINA.

"Alam mo bagay kayo ni Tzuyu." nakangiting sabi nito.

"Mama!" sigaw ni Tzuyu. Tumawa naman ang mama ni Tzuyu. Kapwa kami namumula ni Tzuyu sa sinabi ng mama niya grabe advance pa lang mag isip mama niya di pa nga ako umaamin eh. Nagpa tuloy na lang kami sa pagkain, medyo awkward dahil dun sa sinabi ng mother earth ni Tzuyu at habang kumakain kami ay biglang may dumating na lalaki.

"Daddy!" saad ni Tzuyu ng nakangiti lumapit at yinakap ito at hinalikan sa pisngi. Habang nagyayakapan ang mag ama ay biglang napatingin ang papa ni Tzuyu sa akin. Napansin naman ito ni Tzuyu at kumalas sa pagkakayakap sa ama.

"Daddy si Seulgi nga pala friend ko." pagpapakilala ni Tzuyu sa akin. Grabe di pa nga ako dumadamoves kay Tzuyu meet the parents na agad.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

-----------------------------------------------------------------------------------

Pasensya na at ngayon lang ako nakapag update dahil sa sobrang daming ginagawa sa school.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sopeng
PG 13 lang po tayo dito HAHAHAAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
miss kuna tuh :(
Moksy23
#2
Chapter 19: pa update po otornim
notjoohyunn
#3
Chapter 19: hi ang ganda po ng story
kang_ddeul
#4
Chapter 19: wahhh re-reading this! at nakakakilig pa rin 😭✊
baeddeulgi_
#5
Chapter 19: sana all hinihintay
baeddeulgi_
#6
Chapter 10: grabe speed lang talaga si madam irene, mukhang binabakuran na si seul ah laban sa mga balak ni tzuyu
seulrenewrld
11 streak #7
Chapter 3: Potek yan si Irene HAHAHAH
seulrenewrld
11 streak #8
Chapter 2: Parang elementary student sila pag dating Kay Irene (TT)
seulrenewrld
11 streak #9
Chapter 1: Simula pa lang muhkang matatawa na ko Kay Irene HAHAHAHA
Aesthrea_ssi #10
Chapter 19: Ay-- yung umasa ka na may ganap pero waley pala hahahashs