Chapter 9: Siomai.

Swept Away

Ge: Bro, 15 minutes na yata di pa rin nagrereply si Kim eh.

Ray: Isa lang ibig sabihin nun!

Ge: Hmm. Ano ba sa tingin mo ang makakakuha ng init ng ulo niya?

Ray: Kasi kanina, breakfast namin yung favorite siomai niya. Nabanggit niya sa’kin na yun daw ang nagpapa-alis ng inis niya.

Ge: Sure ka?

Ray: Hindi. Depende din kasi yun sa nagbigay. Hahaha.

Ge: Diyan ka na muna.

Ray: Hoy, saan ka pupunta?

Ge: Bibili ng siomai.

Ray: Hoy, 30 minutes na lang class na natin.

Ge: Ako bahala.

Ray: (Kahit naninibago – nakangiti na lang ito sa kanyang kabigan) Iba ang tama nito!

Nilibot na ni Gerald ang buong canteen nila pero wala pa rin itong nakitang siomai.

Ge: Paano kaya ito? (Nag-isip – kinuha ang cellphone) Mang Fredo, nasaan ka?

Mang Fredo: Nandito lang sa office ng mommy mo. Bakit, Rj? (Nickname ni Ge sa kanilang bahay)

Ge: Favor naman oh.

Mang Fredo: Ano yun?

Ge: Pabili naman ng siomai. Meron ba diyan malapit sa office ni mom? Tapos hatid niyo dito sa’kin with in 15 minutes. Kaya ba?

Mang Fredo: Para saan ba yan?

Ge: Mamaya ko na explain sa’yo. Basta. Please po!

Mang Fredo: Oh, sige. Titignan ko kung makahanap ako dito ng siomai.

Ge: Thank you po. Hintayin kita dito sa gate namin. (Binaba ang phone)

Mang Fredo: Si Rj ba yun? Please po? Thank you po? Ano nakain nun?

After 15 minutes.

Mang Fredo: Rj… ito na ang siomai na pinabili mo. Para saan ba yan?

Ge: Ikukwento ko sa’yo habang nasa sasakyan. Pa hatid naman po diyan sa St. Mary.

Mang Fredo: (Nakangiti) Bilis. Baka tapos na mag lunch yun.

Ge: Ha?

Mang Fredo: Rj, malapit na 1 o’clock! Tapos na ang lunch, pag hindi ka umabot balewala ito.

Ge: Oh, tara na po.

Mang Fredo: (Nagdadrive) Para ba sa nililigawan mo yan?

Ge: Naku hindi po.

Mang Fredo: Ha? Eh kung mataranta ka naman kanina parang malapit ka ng mabasted pag hindi ako nakabili niyan eh.

Ge: OA po ba reaction ko kanina?

Mang Fredo: Hindi naman, kaya lang ng sinabi mo hindi ka naman pala manliligaw, eh para saan yan?

Ge: Sabihin na lang po nating, pang peace offering.

Mang Fredo: May nagawa ka bang kasalanan?

Ge: Sa tingin ko po wala. Kaya lang… mali po yung first meeting namin. At gusto ko pong baguhin yun.

Mang Fredo: Kakakilala niyo pa lang?

Ge: Opo.

Mang Fredo: Ha? Eh, bakit parang ang natataranta ka na sa kanya? Gusto mo ba siya?

Ge: Gusto ko siyang maging kaibigan. Yun lang yun.

Mang Fredo: Kaibigan lang? Tapos, hindi ka lang niya pinapansin parang may bulate ka na diyan sa puwet na hindi mapakali sa upuan.

Ge: Alam niyo naman pong may girlfriend ako diba.

Mang Fredo: Yun na nga ang sinasabi ko sa’yo, Rj. Kung kaibigan lang talaga, palipasin mo muna. Tapos, hindi lang nagustuhan nung…

Ge: Kim.

Mang Fredo: Hindi lang nagustuhan ni Kim ang inasal mo nung una kayong magkita, parang pakiramdam mo eh ang sama-sama mo ng tao. At ito ka nagkakandarapa para bigyan ka niya ng isang pagkakataon.  Rj, baka sa ginagawa mo, isipin ni Kim na may iba ka pang hangarin sa kanya.

Ge: Eh, ano sa tingin niyo po? Hindi ko na lang ibibigay itong siomai?

Mang Fredo: Ibigay mo na, nandiyan na yan eh.

Ge: Ang labo niyo naman po eh.

Mang Fredo: Pero pag hindi ka pa rin niya pinapansin, palipasin mo. In the first place, you just met her yesterday.

Ge: Naks, lumalabas ang english. Thank you, Mang Fredo.

Mang Fredo: Pero, iba ha. Iba ang nagagawa ni Kim sa’yo.

Ge: Ha? Ano po ang ibig niyong sabihin?

Mang Fredo: Basta. Oh, nandito na tayo.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jixxypit1 #1
nasaan k ana ..i hope u can update again. thankks!
KG4life #2
ur welcome iloveKG :) waaaaa naman...nice move kuya ge <3
iloveKG #3
Thanks sa comments niyo. Sana magustuhan niyo yung story :) More to come!
KG4life #4
hay ang sarap ma inlove <3 lol tnx sa update^^
KG4life #5
waaaaaaaaaaaaa update ka pa...lol...nabitin na naman ako...ang cute ng fanfic na 'to :)
KG4life #6
wow u updated lots of chapters...weeeeeeee...sana forgiven na si mayabang na mokong :p lol
pinkpanther #7
wow madaming chapters kaabang-abang :))) sna ma-inspire ka pa lalo para mas marami ma-post mo :)
teddibear #8
Nice! :) please update again soon!