Chapter 23: Yes!
Swept AwayGe: (locker room – kakatapos lang mag practice sa basketball) Bro, tara na.
Ray: Nandiyan na. Excited masyado?
Ge: Hindi ako excited! Kaya lang baka kanina pa naghihintay si Kimmy.
Ray: Oh ayan na, tara na.
Kim’s side.
Tin2: Kimmy, susunduin ka ba ni Ray?
Kim: Oo, sabay ka sa’min. Uyy.
Tin2: Anong uyy? Ok lang ba?
Kim: Oo naman.
Tin2: Thanks.
Kim: Tara na? Doon na lang tayo sa tulay mag hintay.
Tin2: Tara.
Gerald’s side.
Ray: Hoy, baka humaba leeg mo niyan. Malapit na tayo oh. Excited masyado eh.
Ge: Tignan mo, wala pa si Kim.
Ray: (hininto ang kotse) Oo nga noh. Puntahan na lang natin sa school nila.
Kim: Ang aga niyo ah.
Ge: Nandiyan na pala kayo. Kala namin kung ano na nangyari sa inyo…
Ray: Namin? Ikaw lang noh. Inyo? Si Kim lang eh.
Ge: Shut up bro!
Kim: Hehehe. Kayo talaga. OK naman kami eh, dito na nga kami diba.
Ray: Hi, Tin2.
Ge: Ayun! (tumawa)
Ray: Tara na nga. (lumakad silang apat papunta sa kotse ni Rayver)
Ge: Ah Tin2, dito ka na lang sa frontseat.
Tin2: (nakangiti) Sa frontseat?
Ge: Oo, bakit ayaw mo bang katabi si Ray? (nakangiti)
Kim: Hmm.
Ge: (nakangiti)
Ray: Kayong dalawa talaga.
Kim: Wala akong sinabi, si Ge.
Ge: Ako? Wala akong alam diyan.
Tin2: Sige na nga, dito na ako sa frontseat.
Ge: Yes! Makakatabi ko na rin si Kim. Kailangan sulitin, one week kaming hindi magkikita.
Kim: Hay, mamimiss ko ang mokong na ito. One week din kami hindi magkikita.
Ray: Hoy, ba’t ang tahimik niyong dalawa.
KimErald: (nagkasabay) May iniisip lang.
Tin2: Hala. Hindi ba kayo napapagod? Tumatakbo kayo sa isip ng isa’t isa?
Ray: (tawa ng tawa sa joke ni Kristine)
Kim: Korni mo Tin2. Alam mo yun!
Ge: Asus! Yung isa diyan. Tawa-tawa lang.
Tin2: Hehehe. Kayo talaga.
Ge: Guys, saan kayo this weekend?
Ray: Kami ba ang tinatanong mo or si Kim lang?
Ge: Kayo nga diba sabi ko.
Tin2: Mas mabuti na yung klaro.
Ray: Tama, Tin.
Kim: Baka mag mall kami ni Tin2 bukas.
Ge: Talaga? Kami din ni Ray eh. Saan?
Kim: Kahit saan lang.
Ge: Sabay na lang tayo.
Kim: Ok lang sa’kin. Ikaw Tin?
Tin2: Ok lang din.
Ray: Ano gagawin niyo dun?
Tin2: Bibili lang kami ng gagamitin namin nextweek. Kayo?
Ray: May bibilhin din.
Ge: Nextweek? May event ba sa school niyo?
Kim: Hindi, pupunta kami ng camp.
Ge and Ray: Camp? Kami rin.
Kim and Tin2: Talaga?
Ge: Yes!
Kim: Yes!
Ray: Yes!
Tin2: Yes!
Dumaan ang katahimikan sa kanilang apat!
Comments