Chapter 7: Patience is a virtue.
Swept AwayGe: (Hinahabol si Rayver) Ray… Ray…
Ray: Oh, Ge. May kasalanan ka pa sa’kin.
Ge: Ano?
Ray: Ano? Alam kong kinuha mo number ni Kim sa cellphone ko.
Ge: (Kinamot ang ulo) Ganun na nga. Eh, alam ko naman kung hingin ko sa’yo di mo ibibigay eh.
Ray: Ang galing mo talaga dumiskarte. Pero kay Kim, parang “ta-me-me.” Hahaha.
Ge: Grabe, ang tigas ni Kim.
Ray: Sabi ko sa’yo eh. Kasalanan mo din naman kasi.
Ge: Ba’t ko naman naging kasalanan? Alam ko bang makikilala ko siya? Alam ko bang ayaw niya sa mayayabang? Alam ko bang…
Ray: Hoy! Isa-isa lang.
Ge: Kasi naman eh. Ano pa ba ang dapat kong gawin.
Ray: Alam mo ba ang motto “Patience is a virtue?”
Ge: Oo.
Ray: Motto niya yun, gawin mo na ring motto. Hahaha.
Ge: Tulungan mo naman ako. Ano ba ang pwede kong gawin para bigyan niya ako ng chance.
Ray: Bakit ba? May gusto ko ba sa pinsan ko?
Ge: (Natigilan) Wala. Gusto ko lang makipag-kaibigan.
Ray: Kaibigan lang naman pala eh. Bakit kung umasta ka diyan para kang manliligaw.
Ge: Alam mo hindi ka nakakatulong.
Ray: I just want to point out something here.
Ge: What do you mean?
The bell rings…
Kim’s side.
Tin2: Kimmy…
Kim: Hi.
Tin2: Bad mood ka yata.
Kim: Ah, wala ito. Meron lang nanggugulo sa text.
Tin2: Ah, ok. Tapos mo ba assignment natin?
Kim: Oo, natapos ko naman. Ikaw?
Tin2: Hindi eh. Ang hirap ng pang huli.
Kim: Ito, kopyahin mo na lang sa’kin.
Tin2: Sure ka?
Km: Oo, bilis na. Parating na si Ms. Gomez.
Tin2: Sige2.
Comments