Chapter 24: Chowking.
Swept AwayGe: “Kimmy, dito na ako SM. Kayo?”
Kim: “Malapit na, dinaanan pa kasi namin si Tin2.”
Ge: “Sige, ok lang. Wait ko na lang kayo dito starbucks. Ok?”
Kim: “Ok. See you :)”
Ge: “Never frown because you never know who is falling in love with your smile :)”
Kim: (smiling) “:) Nandito na kami. Punta na kami diyan.”
Starbucks.
Kim: Ge…
Ge: Kimmy… Hi Tin, Bro!
Tin2: Hi, Ge.
Ray: Tara na?
Kim: Teka, ano uunahin natin?
Ray: Hindi nga naming alam eh.
Tin2: Dito, may lista kami. Hindi ba kayo binigyan ng requirements?
Ray: Hindi eh.
Tin2: Ganun ba, mabuti na lang meron kami. So, let’s go?
KimErald: Tara.
Tin2: Kailangan sabay talaga?
Kim: Heh!
Supermarket.
Ge: Kimmy, dalawa na lang tayo dito sa cart.
Kim: Sige.
Ray: (bumulong kay Ge) Galing talaga ng mga style mo bro.
Ge: (bumulong) Wag ka ng kumontra diyan. Tin2, dalawa daw kayo ni Ray sa cart niya.
Kim: Nahihiya pa eh.
Tin2: Hehehe. Sige.
Kim: Asus! Saan tayo?
Ray: Food.
Ge: Ok tara.
After one hour.
Kim: Kain tayo. Nagugutom na ako.
Ge: Tara. Saan mo gusto?
Ray: At si Kimmy lang talaga ang tinanong mo.
Tin2: Hmm. Isa lang ibig niyang sabihin dun Ray.
Ge: Hindi, wrong grammar lang. Hehehe. I’ll rephrase it. Saan niyo gustong kumain?
Kim: Chowking.
Tin2: Jollibee.
Ray: Paano yan?
Ge: Ganito na lang, Sasamahan ko si Kimmy sa chowking at ikaw naman, sasamahan mo si Tin2 sa Jollibee. Ok ba yun?
Ray: Ok lang sa’kin.
Tin2: Parang pinagkakaisahan niyo kami ah.
Ray: Hindi naman. Ako kahit saan lang naman eh.
Ge: Ako din.
Kim: Oh sige, tara na. Gutom na talaga ako eh.
Ge: Bro, text-text na lang. (nakangiti)
Ray: Psst. Wag ka pahalata. Yung ngiti mo.
Chowking.
Ge: Kimmy, ano gusto mo?
Kim: Beef chaofan, siomai at coke na lang.
Ge: Sige. Miss, dalawang beef chaofan at 25 pieces na siomai at dalawang large coke.
Miss: Sir, our available meal for siomai is by 3, so ok lang ba sa’yo na 24 or 27 siomai?
Ge: Sige, gawin mo ng 27 miss.
Miss: Dine in or take out sir?
Kim: Ge, ang dami naman. Naku hindi miss, tatlo lang.
Ge: Miss, ako sundin mo ako magbabayad. Dine in.
Kim: Sino nagsabi sa’yo na ikaw ang magbabayad?
Ge: Ako?
Kim: Ah, basta. Miss tatlong siomai lang.
Miss: Ay sorry po ma’am na punch ko na kasi ang order niyo.
Ge: Ok lang miss. No problem. Tara na Kimmy.
After 15 minutes.
Kim: Tagal naman.
Ge: Teka, tignan ko.
Waiter: Ma’am, Sir. Here’s your order. Two beef chaofan, 27 pieces of siomai and two large coke.
Ge: Thank you. Kain na Kimmy.
Kim: Ubusin mo yang siomai ha.
Ge: Uubusin mo yan. 25 sa’yo dalwa sa’kin.
Kim: Tataba ako nito Ge.
Ge: Ok lang.
Kim: Kain na nga tayo. Sarap talaga.
After 15 siomai.
Kim: Ge, busog na talaga ako. Tulungan mo naman ako dito, sayang naman kung hindi natin kakainin.
Ge: Nakain ko na yung part ko.
Km: Ah ganun? Iwanan sa ere?
Ge: Sabi ko nga, kakain ako. Gutom pa ako eh.
Kim: (smiling) Good. Ayan, sa’yo na yang 10 siomai.
Ge: 5 sa’kin, 5 sa’yo deal?
Kim: Busog na talaga ako Ge.
Ge: Sige na nga. (kumain)
Kim: Masarap diba?
Ge: Oo.
Kim: Oh ito pa. (sinubo kay Ge)
Ge: Te-ka lang. Da-han da-han Kimmy. (habang nilalamon ang siomai)
Kim: (tumatawa)
Ge: (smiling)
Comments