Chapter 6: Textmate?
Swept AwayKim: Sino kaya ito? 1am na ah. (Tinignan ang nag text sa kanya.) Insaaaaaaaaaaaaan???
Ray: (Natataranta pumunta sa room ni Kim) Bakit? Anong nangyari? May problema ba?
Kim: Ikaw nagbigay ng no. ko sa mayabang na mokong na yun noh?
Ray: Ha? Wala akong naalala na binigay ko no. mo sa kanya.
Kim: Eh, paano siya makaka-text sa’kin kung hindi mo binigay?
Ray: Teka… Teka… Hiniram niya kasi kanina phone ko. (Tinignan si Kim)
Kim: Huwag mong sabihin…
Ray: Baka nga. Sabi ko sa’yo hindi ka titigilan nun!
Kim: Insan naman eh.
Ray: Wala akong kasalanan diyan ha. Kung ayaw mong makipagtext sa kanya, huwag ka na lang mag reply or mag change sim ka. Simple as that!
Kim: Change sim? Eh, nandito lahat ng no. ng mga kaibigan ko sa’min.
Ray: Eh di copy-paste mo. Or gusto mo rin?
Kim: Anong gusto?
Ray: Gustong makatext ang mayabang na mokong. Hahaha.
Kim: Grrr. Lumabas ka na nga dito sa room ko.
Ray: Happy texting, insan. Goodluck! (Tumatawa – habang papalabas sa room ni Kim)
Gerald’s side.
Ge: Na receive niya kaya text ko? Baka tulog na. Bukas na nga lang. Hindi ako susuko sa’yo Kim (Habang nakatingin sa cellphone niya.)
5:30 am nagising si Kim sa tunog ng kanyang cellphone.
Kim: Sino na naman kaya ito. (Habang stretch ng kanyang mga kamay at paa.) Ano ang good sa morning pag ikaw ang nag text! (Sabay bagsak ng kanyang cellphone!) Maka-ligo na nga.
Gerald’s side.
Ge: Sira ba cellphone ko? (Pinokpok ang cellphone sa kanyang kamay!) Text ko na lang si Ray.
Ray: Ang aga mag text ah!
Ge: (Na excite - tumunog ang cellphone.) Si Ray lang pala. Hindi naman pala sira cellphone ko eh. Hay Kimmy, pinapahirapan mo talaga ako ah. Tignan natin. (Nag-isip) Makaligo na nga muna.
Kim’s side.
Kim: (Bumaba – pumunta ng kusina.)
Ray: Good morning! Oh, ang aga kunot na yang noo mo.
Kim: Eh, yung best enemy mo ang aga mag text.
Ray: Insan, alam mo ba ang kasabihan “the more you hate, the more you love?”
Kim: Hindi naman totoo yun eh.
Ray: Alam mo tatanda kang dalaga.
Kim: Mas gugustuhin ko pang tumandang dalaga, kesa naman doon ako sa mokong na yun mapunta.
Ray: Tignan natin.
Kim: Tignan natin ka diyan. Kain na nga tayo.
Ray: Favorite mo yan!
Kim: Labs talaga kita insan, alam mo kung ano ang makakakuha ng init ng ulo ko.
Ray: (Habang kumakain) Pagbigyan mo na kasi ang kaibigan ko. Mabait naman yun!
Kim: Sorry siya, kasi for me first impression lasts!
Ray: Insan, wag kang mag salita ng tapos. Sinasabi ko sa’yo.
Kim: Basta case close! (Sabay subo ng isang buong siomai.)
Ray: Takaw!
Kim: Ma-sha-rap eh!
Comments