Chapter 8: Manliligaw?
Swept AwayLunch break.
Ge: Ray… ano na?
Ray: Ha? Anong ano na?
Ge: Tulungan mo na ako kay Kim.
Ray: Manligaw?
Ge: (Nagdadalawang isip – iniisip ang girlfriend.) Hindi. Kung paano ko mababago ang first impression niya sa’kin.
Ray: Bawas-bawasan mo kasi ang pagiging mayabang mo.
Ge: Oo. Ano pa?
Ray: Gusto mo talaga pinsan ko no?
Ge: Oo… bilang kaibigan. Sa totoo lang, gusto ko siyang maging bestfriend. Ewan ko ba, una ko siyang nakita parang gusto ko na siyang alagaan, protektahan…
Ray: Hoy… sinasapian ka ba? Kung ano-ano na pinagsasabi mo.
Ge: Ito naman, minsan lang nga ako mag seryoso eh.
Ray: Sige… kailangan pakalmahin mo muna siya.
Ge: Paano nga?
Ray: Di ko alam.
Ge: Badtrip.
Ray: Sige, text mo si Kim. Pag nag reply, ibig sabihin hindi na mainit ulo niya.
Ge: Eh, hindi nga yun nagrereply.
Ray: Ayaw mo? Akala ko ba gusto mo ng tulong ko?
Ge: (Kinuha ang cellphone.) Ano sasabihin ko?
Ray: Pati ba naman yun? Hindi na ba gumagana ang charm mo sa mga babae?
Ge: Si Tin2 na lang kaya itext ko?
Ray: Ibang usapan na yan. Sabihin mo, “Hi, Kimmy. Lunch ka na?”
Ge: Cheesy mo bro!
Ray: Bahala ka nga diyan sa buhay mo. (Walkout)
Ge: Message send! Hoy, hintayin mo ako.
Kim’s side.
Kim: (Tumunog ang cellphone – hindi pinansin.)
Tin2: Hoy, Kimmy. Yung phone mo.
Kim: Si Ge… ay, ang mayabang na mokong lang naman yan eh.
Tin2: Alam na alam ah. Paano kung hindi siya? Assuming…
Kim: Tse! (Kinuha ang cellphone) Sabi sa’yo eh.
Tin2: Oh, ano sabi?
Kim: Kung nag lunch na daw ba ako.
Tin2: Uyy, ang sweet naman ng mayabang na mokong mo na yan.
Kim: Mo? Gusto mo sa’yo na lang? Bigay ko no. mo sa kanya.
Tin2: Sorry, may iba na akong gusto.
Kim: Sino? Kilala ko ba?
Tin2: Secret! Hindi.
Kim: Sure ka?
Tin2: Oo.
Kim: Ok, sabi mo eh. Baka lang naman kasi kilala ko. Baka lang, baka. Hehehe.
Tin2: Pwede ba ang mayabang na mokong na yan ang atupagin mo. Reply na.
Kim: Ayoko ko nga.
Comments