Chapter 15: Ikaw yun. Ako nga.

Swept Away

Kim: Matagal na ba kayo mag bestfriend ni insan?

Ge: Oo, since kinder pa yata kami magkaibigan niyan eh. Teka lang, halos lahat na yata na pinsan ni Ray nakilala ko na eh. Pero ikaw, ngayon lang kita nakita.

Kim: Diba nga kasi sa probinsiya kami nakatira.

Ge: Anong probinsiya?

Kim: Cebu.

Ge: Cebu? Nakapunta na ako diyan eh, sinama ako ni Ray. Fiesta yata yun, pero elementary pa tayo nun.

Kim: Fiesta? Talaga? Naka punta ka na sa bahay namin?

Ge: Ha? Kung sa bahay ninyo kami pumunta bakit hindi man lang tayo nagkita?

Kim: Oo nga noh? Teka, meron akong naalala.

Ge: Ano?

Kim: Merong kaibigan si Ray na dinala, na… teka lang ha. Hala, ikaw nga siguro yun noh?

Ge: Ha? Anong ako?

Kim: Tama. Yung nabasag mo yung paboritong pinggan ng lola ko, tapos ako yung pinagalitan. Oo. Ikaw yun.

Ge: Ha? (naalala na niya) Ako ba yun? Baka ibang kaibigan ni Ray yun.

Kim: Hindi, naalala ko na. Kasi nga diba, pilit mong kinukuha yung pinggan pero hindi mo maabot, eh sakto naman na dumating ako sa kusina. Diba… naalala mo na?

Ge: Oo, naalala ko na Kim. Sorry, Kim.

Kim: Kaya pala, ganun na lang ang inis ko sa’yo eh. Tapos, nung pinapagalitan ako naka ngiti ka lang.

Ge: Kim, sorry talaga. Sorry.

Kim: Kalimutan na natin yun, bata pa naman tayo nun eh.

Ge: Pero bakit hindi mo ako nakilala kahapon, tapos hindi rin kita nakilala. Ah, kasi nung maliliit pa tayo, ang dungis-dungis mo pa nun. Kasi laro ka ng laro, naalala ko pa nga nung sinasabihin ka ng mama mo na maligo ka na, diba may deep well kayo?Pero ayaw mo pa rin kasi takot ka sa tubig. Kambing! Oo, ikaw yung kambing na pinsan ni Ray. Hahaha.

Kim: Kambing ka diyan. Hehehe. Oo ako nga yun. Pero nag bago na ako ngayon ha. Naliligo na ako, mabango na ako. At ikaw naman yung lampa na kaibigan ni insan, na palaging talo sa mga laro dun sa pista namin, natatalo ka pa nga namin mga babae eh. Hahaha.

Ge: Hehehe. Ako nga yun! Pero tignan mo naman, machong-macho na ako ngayon. At ikaw naman, ang ganda-ganda mo na ngayon. Ang bilis ng panahon noh? (sabay akbay kay Kim)

Kim: (nagulat - nahihiya) Naku, hindi naman.

Ge: Siguro ang dami mo ng boyfriend noh!

Kim: Boyfriend? Wala. Hindi ko pa iniisip ang ganyang mga bagay. Baka ikaw, ang dami mo na sigurong napa-iyak na babae noh?

Ge: Grabe ka naman. Hindi ko naman sila gustong umiyak. Tsaka, sila naman yung nakikipag-break sa’kin. Pero, ngayon may girlfriend ako.

Kim: (natigilan – parang nalungkot hindi niya alam kung bakit ganun ang naramdaman niya) Ah, nasaan siya ngayon?

Ge: Canada. Diyan din siya nag-aaral sa St. Mary, pero nung nagkasakit daddy niya, kailangan nilang mag migrate sa Canada dahil magpapagamot dad niya dun.

Kim: Ganun ba, hindi mo ba siya namimiss?

Ge: Namimiss. Pero meron naman ngayon ways of communication diba, kaya kahit papaano we could catch things up between the two of us.

Kim: Kung sabagay. Umuuwi ba siya dito?

Ge: Oo, last year nandito siya. 3 years pa lang naman siya dun. 2nd year high school yata tayo, nung mag migrate sila.

Km: Ah, ok. Oh, ayan na ang sakayan.

Ge: Oo nga. Ok ka lang ba? Baka napagod ka, nagugutom ka ba? Gusto mo kain muna tayo?

Kim: Ok lang ako. Baka gabihin din kasi tayo eh.

Ge: Ah sige. Babawi ako bukas.

Kim: Ha? Bakit?

Ge: Kasi pinaglakad kita. Alam ko napagod ka, ayaw mo lang sabihin.

Kim: Ge, please wag ka ganyan. Baka mahalin na kita niyan. Hindi na kailangan. Ok lang talaga ako.

Ge: Basta, bukas.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jixxypit1 #1
nasaan k ana ..i hope u can update again. thankks!
KG4life #2
ur welcome iloveKG :) waaaaa naman...nice move kuya ge <3
iloveKG #3
Thanks sa comments niyo. Sana magustuhan niyo yung story :) More to come!
KG4life #4
hay ang sarap ma inlove <3 lol tnx sa update^^
KG4life #5
waaaaaaaaaaaaa update ka pa...lol...nabitin na naman ako...ang cute ng fanfic na 'to :)
KG4life #6
wow u updated lots of chapters...weeeeeeee...sana forgiven na si mayabang na mokong :p lol
pinkpanther #7
wow madaming chapters kaabang-abang :))) sna ma-inspire ka pa lalo para mas marami ma-post mo :)
teddibear #8
Nice! :) please update again soon!