P.A ni Chanyeol

EXO IN RANDOM SCENARIOS

 

 

 

cr: to owner/s

 

 

 
 
 
"Kelangan ko ng trabaho dahil may dalawang kapatid akong pinapaaral!!!"
 
 
 
 
 
------------
 
 
Ako si Era.. Rea Kim ang tunay kong pangalan, pero ayoko nun! 20 years old. Isang babae! Mainitin ang ulo at wala ka na dun! 15 palang ako ng natuto ng magbanat ng buto dahil kelangan ko ng pera. May mga magulang naman ako. Yun nga lang pareho silang nag buhay teenager at nag asawa ulit at hinayaan na kaming tatlong magkakapatid na palaboy!
 
 
Hindi naman sa pulubi kami, may bahay kami, sadyang wala na talagang magulang na magsusuporta samin. Kaya napilitan na akong magtrabaho..
 
 
Naging kasambahay na ako, labandera, hardinera, kahera, at mahadera ay di kasama yan. Lahat na ata ng may 'era' sa trabaho nagawa ko na. Kahit sang sulok mo tingnan, di maitatangging isa akong dakilang rakitera. *tulak mo yan otor*
 
 
Pero isa sa di malilimutan kong karanasan bilang isang manggagawa, ay ang maging PA ng isang artista.
 
 
Yun na ata ang pinaka sosyal na trabahong nagawa ko sa buhay ko.. Medyo napalitan lang ang 'era' sa posisyon niya, dahil di nagtagal dumating si 'taga' at sinipa siya palayo sa landas ko.
 
 
Naging taga payong, taga pag alaga, taga saway, taga bigay ng tubig, taga bitbit ng mga gamit at taga pagtanggol ng alaga ko. Hindi naman sa nagaalaga ako ng hayop o bata, sa katunayan, mas matanda saken itong naging amo ko ng dalawang taon.
 
 
Lalaki siya, at napaka matipuno ng katawan.. Lahat na ata ng bagay na makita mo sa kanya ay malaki.. Wag kang mag isip ng iba ha? Ipapaliwanag ko pa. 
 
Malaking tao, malaking mga ngiti, malaking tenga at malaking boses.. Nakakangarag ang bawat salitang bibitawan niya sa tuwing ibubuka niya ang bunganga niya.
 
 
 
Nagsimula ang lahat noong araw na yon....
 
 
 
 
 
 
"Kelangan na kasi naming magbawas ng tao dito sa pabrika eh, medyo palugi na kasi itong negosyo, pasensya ka na Era ha? Alam ko naman na mabuti ka at  magaling magtrabaho, pero napasama ka kasi sa mga matatanggal sa pabrika eh, pasensya ka na talaga.." Andami pang sinabing pampalubag loob, di na lang ako dineretso. -_-
 
 
"Nako, ok lang po yun, makakahanap pa naman ako ng trabaho, tiwala lang.." 
 
 
"Salamat Era ha.."
 
 
 
Nalungkot ako syempre dahil wala na naman akong trabaho, ewan ko ba! Malas ata ako eh! Lahat na lang ng napapasukan kong pabrika palaging palugi, kaya lagi rin akong tanggal!
 
 
Di na ko nagpaka hayahay pa, at ng lisanin ko ang pabrika, agad naman ng shoo fly away sa iba pang lugar at departments na pwedeng pasukan, pero sa kasamaang palad lahat ay okupado na ng mga bagong manggagawa!
 
 
"Kelangan ko ng trabaho dahil may dalawang kapatid akong pinapaaral!!! Kainis!" Napabulaslas na lang ako habang naglalakad na talunan.
 
 
 
 
Kinagabihan, umuwi akong pagod, as usual naghihintay na ang mga kapatid ko saken para maghapunan. Eh wala naman akong cellphone eh, hindi ko sila matext kung kelan ako maaga o male-late ng uwi.
 
 
"Ate.. Kain na tayo?" Aya sakin ng 10 taon naming bunso na si Ren.
 
 
"Sige beh.. Kain na kayo, magbibihis lang muna si ate sa kwarto."
 
 
"Ok po, balik ka kagad ha? Kasi masarap ang niluto ngayon ni ate Jaja" Si Jaja naman ang 16 years old na sumunod sa akin.
 
 
 
 
-------------
 
 
 
Kinabukasan ay gumising kaming sabay sabay ng maaga, dahil ang dalawa kong kapatid ay papasok na at ako naman ay makikipagsapalaran ulit sa paghahanap buhay.
 
 
"Bye ate! Una na kami ha?" Ren
 
 
"Teka! Wala pa kayong baon ha? Eto o!"
 
 
"Ayy oo nga pala! Hehee" lumapit sakin ang dalawa kong kapatid at inabutan ko ng tig-50 
 
 
"Waw! Ate bat malaki ata ang baon namin ngayon?" Tanong ni Ren na sobrang mangha sa laki ng perang hawak niya.
 
 
 
Di ko nalang sinabi na huling bayad na saken yan dahil wala na naman akong trabaho. Ayokong panghinayangan nila ang ibinigay ko.
 
 
"Sya sige na.. Baka mahuli na kayo.."
 
 
"Sige.. Babay ate!" Paalam ng dalawa sa akin at tuluyan na silang umalis..
 
 
 
 
Ako naman ay nagligpit ng pinagkainan naming tatlo, naghugas na rin ako ng pinggan bago maligo at umalis.
 
 
Napadpad ako sa isang malaking subdibisyon, balak ko kasing subukan na maging kasambahay ulit eh, at mukang mayayaman ang mga nakatira dito. Syempre! Naglalakad lakad ako ng may makita akong grupo ng mga lalaki na nagaaway.
 
 
 
"Ano ba naman yan! Kung kelan nagmamadali tayo, saka pa tayo na flat-an!! Kainis!" Sabi ng isang mamang mukang bossing ng iba pang mga kalalakihan.
 
 
"Kasi ang bigat nitong si Shindong eh!" Sabay turo ng isang lalaking matangkad sa kasama niyang mataba.
 
 
"Woy! Wag mo kong sinisisi sa pagka sira ng kotse ni manager hyung ha! Luma na kasi yan! Ayaw pa niyang palitan! Kaya wag nyo ko pagbintangan!" Nakapamewang nitong sabi.
 
 
 
Lumapit ako sa kanila at nagbakasaling makatulong.
 
 
"Ah, mga Ser, ano pong problema?"
 
 
"Ah..? Naflat-an kasi kami ng gulong eh, medyo walang may marunong samin magpalit at malayo rin ang talyer dto sa loob." Sagot sa akin ng isang lalaking mukang babae.
 
 
"Ay, marunong po akong magpalit ng gulong!" Sagot ko naman.
 
 
"Talaga!? wow-- Nakooo salamat!" Nagulat ako nung hawakan ng isang gwapong lalaking mejo maliit ang kamay ko.
 
 
"Akin na po ang mga tools." Pagkatapos kong hingin ang mga kailangan ko, ay sinimulan ko nang maging mekaniko. 
 
 
 
Maya maya lang ay natapos ko na rin,
 
"Tapos na! Ok na po! Pwede na!" At nagpalakpakan ang mga engot na kalalakihan sa harap ko.
 
 
"Maraming salamat Miss--?"
 
 
"Era na lang po!"
 
 
"Miss Era! Hulog ka ng langit! Nako! Buti may oras pa! Boys sakay na!!"
 
 
"Sige po ingat po!" Paalam ko sa kanila.
 
 
"Ah.. Hyung, baka pwedi natin siyang isabay? Para naman makabayad tayo sa kanya.. Nakakahiya eh."
 
"Ay di na po! Salamat na lang. naglalakad lang naman po ako kasi naghahanap ako ng trabaho, wala naman po akong mahalagang pupuntahan.." Pagtanggi ko sa alok ng lalaking maliit.
 
 
"Kelangan mo kamo ng trabaho?"
 
 
"Opo.."
 
 
"Tamang tama! Halika sumama ka samin, dadalhin kita sa kaibigan ko."
 
 
"Ayy oo hyung! Kelangan pala ni manager hyung ng P.A!"
 
 
"P.A?"
 
 
"Personal Assistant, makulit kasi yung mga alaga nun eh.."
 
 
"I-ibig sabihin.. M-mga a-artista k-kayo?" Ngumiti sila at tumango.
 
 
"Halika ka na noona! Baka ma-late na kami." Sigaw sakin mula sa likod ng van ng bunso ata, nag noona eh. 
 
 
Maya maya at dumating kami sa isang building na pamilyar sa akin. SM Town bayun? Nakikita ko yan madalas sa tv! Akala ko ini-injan lang ako ng mga lalaking to eh! Kaya pag baba namin. Saka ko sila nakilala. Sila Super Junior pala sila. 
 
 
"Halika Era, ipapakilala kita kay hyung." Aya saken ng manager nila Super Junior
 
 
Pumasok kami sa isang opisina at nakita ko ang isang lalaki, yun na ata si manager hyung na sinasabi nitong si manager.
 
 
"Hyung! Nasagot na ang prayer mo! Siya na!"
 
 
"Sigurado ka ba?"
 
 
"Oo naman hyung! Kaya niya yan! Sa katunayan eh, siya ang tumulong samin kanina nung na-flat-an kami. O diba?"
 
 
"Sige iwan mo muna kami.."
 
 
"Sige hyung!"
 
 
 
Iniwan kami ng manager ni Super Junior at pinaupo naman ako ng isa pang manager hyung para sa interview.
 
 
 
"Anong pangalan mo?"
 
 
"Rea Kim po.."
 
 
"Kaya mo bang maging PA assistant?"
 
 
"Oo naman po, naging katulong na ko eh, kaya ko lahat. Kakayanin ko lahat."
 
 
"Ganon? Hindi naman mahirap ang trabaho mo eh, sa palagay ko. Pero ang gagawin mo lang naman ay ang bantayan siya.."
 
 
"Sinong siya?"
 
 
"Halika ipapakilala kita.."
 
 
"Ibig sabihin po ba nito, tanggap na ko?"
 
 
"Oo."
 
 
"Haaa!??? Nakooo salamat po boss!!! Salamat!"
 
 
 
 
Lumabas kami sa opisina at tumungo sa isa pang kwarto. Binuksan iyon ng lalaki at tumambad sakin ang o! Ay mali ang pawisang mga kalalakihan na sumasayaw! 
 
 
 
 cr: to owner/s
 
 
 
 
 
"Park Chanyeol! Lumapit ka rito!"
 
 
 
Lumapit ang lalaking tinawag ni manager.
 
 
cr: to owner/s
 
 
 
"Siya si Era ang magiging PA mo, Era, si Chanyeol.."
 
 
"Hello po.." Bati niya saken, muka ba kong matanda? Maka 'po' ah!
 
 
"Ako si Era, 20 years old at siguradong mas matanda ka saken.."
 
 
"22 ako.. Oo nga no." *facepalm* Ay shunga! Ngayon lang narealize!
 
 
 
Gwapo itong si kuya mga ateng kasi malamang artista, isa isa ring nagpakilala ang onse pang mga gwapong nilalang sa akin. Sabi senyo eh, ito na ang pinaka magandang trabahong nakuha ko!
 
 
Sanay na ko sa mga madaliang utos. Dahil marami na kong naranasan sa buhay. Minsan taga payong niya ako, minsan taga dala ng mga outfits nila, minsan naman kasama rin ako sa mga biyahe biyahe nila sa iba iba lugar at minsan ako rin ang taga salo sa kanya pag may kalokohan siyang ginagawa! 
 
 
Pero mabait si Chanyeol, sa katunayan lagi niya akong pinagsusuot ng mask yung nakatakip sa buong bibig. Ewan ko kung bakit! Pero mabait siya promise.
 
 
 
 
"Boss! Bakit lagi niyo akong pinasusuot nito? Wala naman po akong SARS?"
 
 
"Hahahah... Gusto ko kasi, Ara--"
 
 
"Era po.." 
 
 
"Era, ako lang ang makakakita sa ganda mo.. Ayokong baka maagaw ka saken ng iba, lalo pa't maraming tao ang nakapaligid sa atin lagi.." Ayon naman pala.. Cheesy si koya.
 
 
 
 
Nakakabangag na mga ngiti at nakakapang hina ng tuhod ang kagwapuhan at ka-sweetan nitong si Chanyeol sa akin. Di rin ako siguro magtataka kung bigla na lang akong mahulog sa kanya..
 
 
"Ganon? Hay nako! Wag mo nga kong pinaglolo-loko! Wala pa kong panahon jan sa mga pagibig na yan ha!"
 
"Pero malay mo naman diba? Di mo rin yan masasabi.." Biglang naginit ang pisngi ko ng iwan niya kong mag isa, pero bumalik din agad at may iniabot saakin.
 
 
"Ano naman yan?" Tanong ko.
 
 
"Chocolate bar.. Para sayo.."
 
 
"Thank you.. Ipapasalubong ko to sa mga kapatid ko... Salamat ulit ah.."
 
 
"Aish.. Sa susunod nga dadamihan ko na, para makakain ka rin.." Napangiti ako sa sinabi niya, dahil madalas niya kong bigyan nito, pero hindi ko kinakain dahil pinapasalubong ko sa mga kapatid ko.
 
 
 
"Sakay na!" Sigaw ni manager mula sa loob, kanina pa pala naghihintay ang Exo, may pupuntahan kasi silang show eh, mage-guest ata sila dun.
 
 
"Opth opth! Hyung ako jan!" Saway ng batang bulol na si Sehun.
 
 
"Eh san uupo si noona?" Sabi ni DO
 
 
"Ah, dito ako sa likod, katabi nila unnie Ji.." Sagot ko, pero paglingon ko sa likod na bahagi ng van..
 
 
"San ka uupo dito? Wala ng space Era! Hahahaha! Sa gulong ka na lang!" Biro ni unnie.
 
 
"Kaw talaga! Mataba ka kasi kaya yan, di na ko makakaupo."
 
 
"Aray ko!" Mukang sapol si Xiumin..
 
 
"Uy.. Si Xiumin.. Payat ka na kaya, hindi ka na dapat nasasaktan.. ㅎㅎㅎ " sabi ko.
 
 
 
Kaya ayon, ang ending...
 
 
"Sa tabi ka nalang ni Chanyeol.." Pagkabanggit nun ni Suho oppa, napalingon ako sa lugar ni Chanyeol na ang tanging katabi lang ay si Baekhyun.
 
 
Itinuro niya saken ang bakanteng upuan at niyaya ako na doon na maupo.
 
 
"Wiii!!! Aalith na tayoo!! Tara na hyung! Paandarin mo na yan! Hehehehehe" bira naman nitong batang bulol.
 
 
 
 
 
-----------------
 
 
 
Limang buwan na rin ang nakalipas nang umamin si Chanyeol nang nararamdaman niya sakin, mahal raw niya ako, nahalata ko naman yun dahil di ako manhid. Per ayoko munang mag assume na totoo ang nararamdaman niya, dahil baka magkamali lang ako sa huli.
 
 
Natutulog siya sa may hilera ng upuan sa practice room. Tumakas ang loko.. Nilapitan ko siya at naupo sa sahig sa tapat niya at pinanood siyang matulog.
 
 
"Chanyeol.." Bumulong ako..
 
"Napaka perpekto mo pa rin kahit tulog.." Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ko, para akong gaga, daig ko pa ata ang lasing dahil sa mga pinaggagawa ko.
 
 
Napahawak ako sa mga labi niya at amazed na amazed dito. At sa di ko malamang dahilan, para bang may tumulak sakin na lapitan siya at magnakaw ng halik.
 
 
*chup* at napatakip ako sa bibig ko.
 
 
Nagising si Chanyeol at napatingin sa akin. Natakot ako kaya nag sorry ako agad. Pero mukang galit tlaga siya.
 
 
"Hindi ko sinasadya.." Ngumiti siya, at maya maya ay inalok niya ako na umupo sa tabi niya.
 
 
"Sorry," sabi ko at nag evil grin siya.
 
 
 Parang may kuryenteng umandar sa buong pagkatao ko ng bigla niya akong i-kiss.
 
 
Bumitaw siya at inalayo ang mukha sa akin.
 
 
Nanlaki ang mga mata ko at natulala..
 
 
"Sana noon ko pa ginawa na matulog magisa, para nahalikan na kita noon pa..." Natuwa ako, siguro kinikilig ako. 
 
 
 
 
 Umiinit ang pisngi ko, pero disidido na ko sa ginagawa ko. Ako naman... 
 
 
 
 
"I feel so great, having this man on my lips. My head is turning around from craziness as he move his lips against mine and feel the heat that exploding into my heart."
 
 
 
 
 
 
 
I like you too Park Chanyeol...At kiniss siya ng buong puso, at ninamnam ang bawat moment..
 
 
 cr: to owner/s
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
maralee1513
10 subscribers.. thank you so much po!!!! n_n

Comments

You must be logged in to comment
Babywolf1123 #1
Chapter 8: yan na eh! awts! lang luhan... Kasi nga tayo ang para sa isa't-isa arasso??? :")
netmin
#2
Chapter 8: yAN TAYO EH.... ARTE KASI NUNG BABAE! KUNG AKO YAN SUSUNGGABAN KO NA SI LUHAN!!!XDDDDD hahahahahahhaha... jk, :) ganda! Chen naman! wahahahhahahah! para masaya....
netmin
#3
Chapter 6: Ayo GG! Wahahaha! Ngayon lang ako nagcomment kasi Trip ko lang!xD
IN! Kilig ako kay D.O Kasi second Bias ko sya!xD tapos kay Sehun ang THWEET! Tapos yung kay KAI ang drama lang! Hahaha! PERO FEEL KO AKO YUNG GURL! Tapos yung kay Kris Wahahaha! No comment!xD Tapos yung kay Chanyeol.. NAKU! Magaapply na kong maging P.A! Jusko!xD and yung kay Suho naman... NOSEBLEED TEH!XDD SAKIT SA UTAK! English eh..hahahahaha! Good good.. Gawa ka pa dali! XD
minchanhun #4
autor-nim update juseyo~~
minchanhun #5
Chapter 3: ;A; kawawa nemen c kai