D.O's Personal Bodyguard

EXO IN RANDOM SCENARIOS

 

 
 
 
 
"Babae ka ba talaga Doyeon?" Tanong ng kaklase niyang si Eunhye habang sinasapak ang lalaki nilang classmate. "Oo! Pero manly ako!" Sagot naman niya na nag pa girly looks pa.
 
 
Si Doyeon ay isang maskuladang babae este napaka mayuming dalaga, na kung titingnan mo sa una ay sobrang hinhin, ngunit isang maton sa klase. Siya ay masipag na dalaga, bukod sa maganda ay napaka talino pa. 
 
 
Matalik niyang kaibigan si Eunhye na sobrang mabunganga naman tuwing kasama niya.
 
 
 
Break time ng klase kaya't nasa canteen ang mga estudyante para mag meryenda.
 
 
"Ey pwet! Kilala mo yung guy na nasa kabilang table?" Tanong niya habang tinuturo ang direksyon kung saan nakaupo ang isang binata na tahimik na kumakain.
 
 
"Malay ko? Bakit? Kras mo? Hahah" asar niya naman sa kaibigan.
 
 
"Oo teh!" At natigilan naman si Doyeon dahil hindi effective ang dapat sana'y pang-aasar niya. 
 
 
"Ang gwapo niya men! Ano kayang pangalan niya?" Tanong niya habang nakangiti at nanlalambot na nakatitig sa lalaki.
 
 
"Tanungin ko na ba?" Sabi ni Doyeon at pinahid ang hinlalaki sa ilong na parang lalaki.
 
 
 
 
"Siraul--" natigilan si Eunhye ng makita niya na lumapit na si Doyeon sa binata.
 
 
 
Boses lalaki: 
 
 
"Boss! Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Biglang tanong ni Doyeon pagkalapit na pagkalapit sa binata.
 
"Uh.. Kyungsoo-- Do Kyungsoo ang pangalan ko." Nauutal niyang sagot
 
 
"Ah.. Si Boss Kyungs! Salamat." Sabi niya na may pagka manly.
 
 
"Bakit?" Balik tanong ni Kyungsoo.
 
 
"Aw, kasi yung chix kong frend gusto niya malaman ang pangalan mo. Kaya yun." Pagewang ewang pa ang kamay ni Doyeon habang nagpapaliwanag.
 
 
"Huh? Chix?" Nalitong tanong ni Kyungsoo
 
 
 
Lumakad pabalik si Doyeon sa lamesa kung saan naroon si Eunhye.
 
 
Normal voice:
 
"Pwet! Do Kyungsoo is da neym!" Sagot ni Doyeon sa kanya habang nagpapagpag ng palad.
 
 
"Sira na talaga tuktok mo frend! Wala akong sinabing itanong mo pangalan niya eh!" Napakamot na lang ng ulo si Eunhye.
 
 
Patapos na ang klase at nagsisipag uwian na ang lahat ng mga estudyante. Naisipan ni Doyeon na pumunta sa CR. "Pwet, CR lang muna ako." Paalam niya. "Geh! Bilisan mo, pupuntahan ko muna yung pinsan ko sa kabilang room."
 
 
 
 
Umalis si Doyeon at tumungo sa restroom ng may makita siyang lalaking nakaupo sa sahig.
 
 
"Pamilyar tong taong to-" Lumapit siya at nakita si Kyungsoo.
 
 
"Hala! Boss! Sino may gawa niyan sayo!?" Nagaalala niyang tanong.
 
 
"Wala to, wala to--" paubo ubo pa siya habang tumatanggi.
 
 
"Anong wala!? Sinong gunawa nito sayo?!" 
 
 
"Wala, wala talaga-" Sagot naman niya. Kinuha ni Doyeon ang panyo sa bulsa ng palda niya at pinunasan ang dugo sa bibig ni Kyungsoo.
 
"Halika na boss!" Itinayo siya ni Doyeon at inalalayan sa paglalakad. Nakarating sila sa kinaroroonan ni Eunhye na naghihintay sa labas.
 
 
"Bat antaga-- Doh! Anong ngyari?" "Nabugbog si Boss eh!" "Nako! Halika na dalhin natin sa ospital!" Suggest ni Eunhye pero agad na tumanggi si Kyungsoo. "Wag na, di na kelangan, doon na lang siguro sa bahay." 
 
 
Naka alalay pa rin si Doyeon sa lalaki habang paika ika itong nglalakad. "Tsk! Bossing! Matagal na bang may nambu-bully
sayo?" Napatigil sila sa paglalakad at nagsalita si Kyungsoo. "Walang nambu-bully saken." 
 
 
"Eh sino gumawa niyan sayo? Alangan namang magisa kang nakipagsuntukan! Alam mo boss--
 
 
"Dyo na lang." Sabat ni Dyo.
 
 
"Boss Dyo, hindi ka tatanggi kung wala gumagawa niyan sayo."
 
 
"Transferee lang kasi ako dito sa school na to." Pag amin ng binata.
 
 
"Sabi ko na eh! Kilala ko yang mga duwag na yan! Kapag baguhan, saka nila sasaktan! Eh hindi naman makapalag saken eh."
Paliko na rin sila sa gate kung saan nakatira si Dyo.
 
 
"Iupo mo siya sa sofa." Utos ni Eunhye. Maya maya ay may lumapit na babaeng may edad na atska patakbong tinungo ang lugar nilang tatlo.
 
 
"Sir Dyo! Anong ngyari sa inyo!?" Nagpapanic na tanong ng matanda. "Ah, kayo po ba ang nanay ni Boss?" Pero umiling ang matanda. "Ako ang nagaalaga sa kanya, wala kasi palagi ang mga magulang niya." 
 
 
Nagkatinginan lang sila Eunhye at Doyeon. "Ah! Mam! Ikuha niyo po ako ng gamot at bulak." Pag utos ni Doyeon sa matanda.
 
 
"Sige po mam! Sandali lang." Umalis ang babae at tumungo sa isang kwarto para kumuha ng mga gamit.  Ilang saglit lang ay
may tumawag kay Eunhye.
 
 
*hello po? Ah.. Sige po, pauwi na po ako eh. Ok po. Babay.*
 
Pinatay  ni  Eunhye ang telepono niya. "Ahm, gull, mauna na ko sayo umuwi. Ok lang ba?" "O sige, beh, ako nalang muna bahala dito kay Boss Dyo." 
 
 
Umalis ng bahay si Eunhye at iniwan sina Doyeon at Dyo sa sofa. Dumating na rin ang babae bitbit ang mga gamit na ipinakuha ni Doyeon. "Salamat po manang." "Walang anuman mo po yun Mam! Maiwan ko po muna kayo." "Sige po salamat ulit."
 
 
Binuksan ni Doyeon ang box na may lamang first aid kits.
 
 
"Boss, tiisin mo muna ang sakit ha?" Saka niya ipinunas ang bulak sa gilid ng mata at sa bibig ni Dyo.
 
"Aaah! Hoo! Ang sakit."
 
"Kaya mo yan boss." Seryoso pa rin ang dalaga sa panggagamot at napapangiti siya sa binata pagkatapos.
 
"Ano bang pangalan mo?" Tanong niya habang patuloy pa rin si Doyeon sa panggagamot.
 
"Doyeon, Kim Doyeon. Pero Doh ang tawag saken." Ngumiti siya sa binata.
 
"If you want boss, I can be your bodyguard. Your personal bodyguard. Akong bahala sa mga nambu-bully sayo." 
 
Hinawakan ni Dyo ang muka ng dalaga at nagtanong. "Babae ka ba talaga?" Natawa si Doyeon kay Dyo. "Pfft! Hahahaha yan ang laging tanong saken ng mga kabigan ko. Syempre babae ako, manly lang talaga ako. Hahaha magulo ba? Ayoko kasi ng masyadong babae, naapakan ang dignidad ko! OA ako. Siguro nga hahaha." Pag amin niya
 
 
Tahimik lang si Dyo habang nakatitig kay Doyeon. "Bakit boss?" "Nothing.." Malambot niyang salita.
 
 
"Eh? Boss! Hello.. LloHello?" Tanong niya at pawagayway pa ng palad. "Napaka ganda mo Doh..." 
 
 
O__o "boss? Wala kasi akong pera eh, baka bukas na kita mapautang hahaha." Sa totoo lang ay hindi naging komportable si Doyeon sa sinabi ni Dyo. 
 
 
 
Napahawak muli si Dyo sa muka ng Doyeon.
 
 
"Doh.. Magiging bodyguard ba kita?" "Oo naman Dyo, akong bahala sayo." Masaya niyang sagot. Napangiti naman ang binata.
 
 
"Salamat." At hinalikan niya ng dahan dahan si Doyeon. Nakatulala ang dalaga sa pagkabigla. Hindi niya inaasahan ang ginawa ni Dyo sa kanya.
 
 
"Boss.. Ah- b-bat mo yun g-ginawa?" "Ang alin?" Patay malisya niyang pagtataka.
 
 
"Iy-yong p-paghalik mo saken!?" "Hindi ko lang kasi matiis ang kagandahan mo eh." 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Naging matalik na magkaibigan sina Doyeon, Eunhye at Kyungsoo. Sa katunayan ay nagpalipat ng section ang binata para maging kaklase ang dalawang dalaga. Inamin ni Kyungsoo kay Eunhye na may gusto siya kay Doyeon. Masaya naman si Eunhye sa nalaman.
 
 
Habang nasa canteen si Doyeon ay may humila sa buhok niya.
"Hoy! Babaeng siga!" Sabi ng isang lalaking may kagwapuhan. "Anong problema mo?" Pataray niyang tugon.
 
 
"Alam mo galit na galit ako sa mga taong nakikigulo pa sa trip namin! Alam mo naman yun siguro!"
 
 
"Alam ko! Kaya nga ako nanggugulo eh!"
 
 
"Sumasagot ka na ha?" 
 
 
"Alam mo Boss Dong dong--" "Donghyun!!" Pagtatama ng lalaki.
 
"Owedi Donghyun! Proud pa eh!" 
 
"Hintayin mo lang mamayang dismissal, uuwi na namang duguan yang boyfriend mo! Hahahah"
 
"Pasensya na Dong Dong-ah! Alam mo kasi, transferee lang yang si Dyo, pero di yan lampa at duwag kagaya mo!" Umalis si Doyeon at iniwan ang bulling si Donghyun na nanggigil sa galit.
 
 
Sa totoo lang ay  kinakabahan si Doh sa mangyayari mamayang uuwian, kaya inagahan nila ang paguwi.
 
"Phew! Buti nandito na tayo." "Bat ka ba nagmamadali Doh?" Tanong ni Dyo.
 
 
"Eh kasi, kanina naka engkwentro ko si DongDong, yung lalaking nambugbog sayo. Sabi niya aabangan ka niya mamaya, kaya ito bilang bodyguard mo, tinakas na kita para iwas trobol!"
 
 
 
Natuwa si Dyo at napayakap na naman kay Doyeon. Maligaya si Dyo, sa tuwing magkasama sila ni Doyeon, si Eunhye rin ang daan ni Dyo para lalo silang magkalapit. Siya ang kakonchaba ni Dyo sa mga pagpaparamdam niya kay Doyeon.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
May isang araw na nagiwan si Dyo ng love letter kay Doyeon, minsan si Eunhye ang nagaabot ng bulaklak na galing kay Dyo, pero itatanggi ng dalaga kung sino at kanino galing ang mga bulaklak. 
 
 
Ilang buwan pa ang nakalipas. Tinigilan na ng mga bad boys sina Dyo at Doyeon. "Masaya ako dahil hindi ka na nila ulit sasaktan."
 
"Salamat Doh! Kung hindi dahil sayo baka lagi akong nasa ospital ngayon." Niyakap ulit siya ng binata.
 
"Alam mo Dyo. Lagi mo na lanh akong niyayakap! Napapansin lo yun palagi! Nagugulat ako!"
 
"Ah.. Guyth.. Maiwan ko muna kayo ah." Pasimpleng takas no Eunhye.
 
"Masaya lang ako."
 
"Pero di mo naman ako dapat yakapin! Naairita ako!" 
 
"Edi, sorry.." Malungkot si Dyo na naglakad mag isa, iniwan niya si Doyeon at nagpatuloy lang sa paglalakad.
 
 
 
 
Hanggang sa kinagabihan ay naiisip pa rin ni Doyeon ang pagtatampo no Dyo sa kanya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Hawak hawak niya lang ang cellphone niya, nagdadalawang isip lung tatawagan ba niya si Dyo o hihintayin ang tawag ng binata. 
 
 
"Ano ba tong nararamdman ko! Di naman ako ganito dati eh. Hindi ako ang nagsosorry!" "Aish!! Do Kyungsoo!! Umalis ka nga sa utak ko!!" "Tuwing naiisip kita namumula ang pisngi ko! Ano ba yun? Ang weirdo ng tiyan ko! Minsan naman--"
 
 
 
Kriiiiing.....
 
 
 
"Ugh.. Hello?"
 
"Hello Doh.. Pwede ba kitang makausap?"
 
"Oo naman, kanina ko pa nga hinihintay ang taw-- Ano bang paguusapan natin?"
 
"Pwede ka bang pumunta dito sa bahay? Wala kasing akong kasama eh.."
 
 
--ano ba yun? Bat pinapapunta pa ko sa bahay nila! Duwag talaga!
 
 
"Ah.. Hello Doh?"
 
"Ay! Oo na sige na! Pupunta na ko!! Bye!!"
 
 
 
 
Pinatay niya ang cellphone at nagbihis para pumunta sa bahay no Dyo.
 
"Bat ganun siya? Galit pa rin ba siya saken?" "Tsk. Ano ba yan.." - Dyo
 
 
Nakarating si Doyeon sa bahay ni Kyungsoo at pinindot ang doorbell ng sobrang bilis.
 
"Wait Doh!" 
 
"Ano bang paguusapan natin?! Dalian mo!" 
 
"Galit ka ba?"
 
"Hindi ako ang galit. Ikaw!"
 
 
 
 
 
Pumasok silang dalawa sa kwarto.
 
"Doh, kalma muna pwede? Eto o, naghanda ako ng popcorn at action DVD's , upo ka muna."
 
"Ok sige, pagbibigyan kita." Umupo siya sa sahig, sa gilid ng kama ni Kyungsoo.
 
Nanahimik ang dalawa. Matagal. Nkatingin lang sila sa TV at nanonood. Pero ang atensyon nila ay nasa isa't isa.
 
Hinawakan ni Kyungsoo ang kamay ni Doyeon.
 
O__O 
 
"Doh, meron akong gustong sabihin sayo, sa totoo lang matagal ko ng tinatago to, kaya lang natatakot ako. Kasi ayokong ma reject. Pero napagisip isip ko na, kelangan kong subukan."
 
 
"Ako muna Do Kyungsoo!!" Interupt niya sa binata. "Alam mo kasi naiinis ako sayo eh! Nkakairita yung mga bagay na ginagawa mo saken! Pag niyayakap mo ko naiinis ako na ewan! Gusto kong magwala! yung tiyan ko prang may paruparo! Hindi ko maintindihan! Kpag nakikita kita parang gusto kong tumalon sa tuwa! Kpag kasama kita, parati akong kinakabahan! Hindi ko na alam Dyo!"
 
 
Napangiti sa tuwa si Dyo. Hindi niya inaasahan na mauunahan pa siya ng dalaga na aminin ang nararamdaman nila sa isa't isa.
 
 
 
"Bakit??"
 
"heheh.. Ha? Wala! hahaha" Dyo
 
"Ano nga!? Meron eh!!"
 
"can I kiss you?" tanong ni Dyo.
 
"ano??"
 
"Can I?"
 
"AYok--"
 
Hinalikan ni Dyo si Doyeon. Panatag ang lob ng binata dahil ramdam na niya na mahal rin siya ni Doyeon. 
 
 
"Akala ko sasapakin mo ko. Yun pala mahal mo rin ako."
 
 
"Mahal kita? Pano?" Doh
 
 
"Hindi mo maintindihan ang nararamdaman mo? Nraramdaman ko rin yun para sayo. Mahal na mahal din kita Doyeon, naunahan mo lang talaga ko mag confess.."
 
 
 
 
Kiniss niya ulit si Doyeon pero this time conscious na si Doyeon sa ginawa ni Dyo. 
 
 
 
 
 
"Siguro nga Dyo... Mahal na nga talaga kita..."
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
maralee1513
10 subscribers.. thank you so much po!!!! n_n

Comments

You must be logged in to comment
Babywolf1123 #1
Chapter 8: yan na eh! awts! lang luhan... Kasi nga tayo ang para sa isa't-isa arasso??? :")
netmin
#2
Chapter 8: yAN TAYO EH.... ARTE KASI NUNG BABAE! KUNG AKO YAN SUSUNGGABAN KO NA SI LUHAN!!!XDDDDD hahahahahahhaha... jk, :) ganda! Chen naman! wahahahhahahah! para masaya....
netmin
#3
Chapter 6: Ayo GG! Wahahaha! Ngayon lang ako nagcomment kasi Trip ko lang!xD
IN! Kilig ako kay D.O Kasi second Bias ko sya!xD tapos kay Sehun ang THWEET! Tapos yung kay KAI ang drama lang! Hahaha! PERO FEEL KO AKO YUNG GURL! Tapos yung kay Kris Wahahaha! No comment!xD Tapos yung kay Chanyeol.. NAKU! Magaapply na kong maging P.A! Jusko!xD and yung kay Suho naman... NOSEBLEED TEH!XDD SAKIT SA UTAK! English eh..hahahahaha! Good good.. Gawa ka pa dali! XD
minchanhun #4
autor-nim update juseyo~~
minchanhun #5
Chapter 3: ;A; kawawa nemen c kai