Xiumin Is Happy
EXO IN RANDOM SCENARIOS
cr: to owner/s
Umuwi kang galit na galit mula sa eskwelahan niyo. Ramdam mo na naman ang pagod ng isang graduating college student. Mula sa mga naguumapaw na activites, thesis, at kung ano ano pang mga completion documents na kakailanganin para maka graduate, idagdag mo pa ang nga nakakaasar mong mga professors na sobrang torture kapag nagpagawa ng activities.
Ikaw si Sena, 21 years old. Isang full time student sa isang prestigious na skul. Maluwag ang pamumuhay ng pamilya mo na nakatira sa Gwangju pero dahil nasa city ang skul mo kinailangan mong magdorm at kasama mo roon ang boyfriend mong si Xiumin na isang simpleng journalist.
"Hello... Andito na ko.." Nagtanggal ka na ng sapatos mo at ibinagsak ang sarili sa sofa.
"Oh! Nako pagod na pagod na ang baby ko." Sabi niya mula sa kusina at dala ang isang baso ng juice.
"Inom ka muna.." "Salamat." Maya maya ay umupo na siya sa tabi mo at ready nang makinig sa mga hinaing mo.
"Game, magkwento ka na yeobo.." Pasimula ni Xiumin. Huminga ka ng malalim.
"Arrgh!! Naiinis na talaga ako yeobo eh!"
Ginulo gulo mo ang buhok mo. "Alam mo yun? Yung tipong ang ganda ng gawa mo tapos sasabihin mali!? Ughhh!! Kakainis tlaga! Tas eto pa ha!? Kanina nagpasa ako ng assignment sa algebra namin! Alam mo ba hindi niya tinanggap! Ay jusko! Sabi niya deadline na daw kanina! Eh sa friday pa nga yung sinabi niya eh! Tapos meron pa! Eto! Andami kong isusulat na research about sa sa bituka ng palaka! And take note yeobo! Bawal ang print out! Ang gusto hand written!! Ewan ko ba!! Nakakainis tlaga!" Hinihingal ka ng matapos mong ikwento lahat ng hinanakit mo at para bang nagpipigil na ng posible mong pagsabog.
"Tapos! Tapos tapos! Nawala pa yung 2000 won ko!! Hindi tuloy ako nakabili ng pagkain kooo!!! Yeobo!! Bwisit na bwisit tlaga ako!" Seryoso kang pinaglalaban ang mga hinaing mo habang si Xiumin ay nakangiti lang habang nanonood sayo.
"Bakit?!" umiling siya.
"Tinatawanan mo ba ko!?"
"Ah.. Hehehee hindi yeobo.."
"Kakainis ka naman eh! Akla ko naman matutulungan mo kong burahin tong pagka uyam ko tapos tatawanan mo lang pala ako! Hmmp~!" Tumalikod ka sa kanya.
"Aniyo.. Lalo ka kasing nagiging cute kapag galit ka. Ang ganda mo pa rin kahit na inis na inis ka na." Uminit bigla ang pisngi mo, hanggang ngayon di mo pa rin maiwasan na mamula kapag nagsasalita siya, malakas parin ang impact ni Xiumin sayo kahit na boyfriend mo na siya. "Kaya love na love kita eh.."
"Yeobo! Nakakinis ka!" Ngumiti ulit siya at hinawakan ang balikat mo. "Kumalma ka muna yeobo.. Inom ka na muna nung juice." Sinunod mo siya at nilagok ang juice.
"Alam mo baby ko.. Ganyan talaga ang buhay estudyante.. Minsan kelangan mong maranasan lahat ng nakakainis na bagay para magsucceed.. Pero at the end doon mo marerealize na worth it ang paghihirap mo dahil mataas ang mga grades mo." Pero di pa ka pa din natinag at nagdaldal pa rin.
"Eh kasi naman! Sobrang nakakasar na tlaga eh! Yung parang nananadya nap--" naputol ka na nung may labi na tumakip sa bibig mo.
O//•//O
"Yun lang pala makakapagpatahimik sayo eh.."
O_O "ah-eh.. Ano eh.." Saka siya humalik ulit at ulit at ulit at ulit..
"Stop!"
"Bakit yeobo?"
"Kinikilig akooo!" Saka mo siya niyakap ulit.
"Cute"
"Ka"
"Kahit"
"Galit" Sabi niya sa pagitan ng kanyang mga sweet kisses.
BADUY BA? AHHAAHAH ECHOS KBYE!
Comments