JEALOUS KRIS

EXO IN RANDOM SCENARIOS

 

 
 
 
cr: to owner/s
 
 
 
 
 
"Don't make me jealous!!"
 
"No. I'm not!!"
 
"Well I do!!"
 
"Pero bakit!?"
 
"Because I like you!!"
 
 
 
 
--------
 
 
 
Si Hana (you), isang babaeng napaka out going at sobrang takaw, di man siya kagandahan, pero nakitaan siya ng magandang kalooban. Isa na diyan si Kris Wu. 
 
 
Mayabang, mapang asar at seloso, pero lingid sa kaalaman niyo, si Kris ay ulila na. Mayroon siyang kapatid na babae na ayaw sa kanya, siya kasi ang sinisisi ng kapatid niya sa pagkawala ng mga magulang niya noong mga bata pa sila.
Pero si Kris ay responsableng lalaki, galing siya sa marangyang pamilya, pero di lingid sa kanya ang magwalis, maglaba, magluto, maghugas ng pinggan at maglinis ng banyo, kahit pa may mga kasambahay sila.
 
 
 
 
Nagsimula ang kwento nila noong araw ng school festival...
 
 
 
 
"Wooyy!! Bili na kayo!! Pst! Bili na mga ate kuya! Murang murang hotdogs!!! Pampahaba ng buhay! At garantisadong nakakaganda ito! Kaya bili na kayo jan!" Patuloy lang siya sa pagsigaw, at epektibo naman ito kaya maraming bumibili. 
 
 
"Sige lang mga mam, mga ser! Masarap po yan!"
 
 
 "Nako mam! Nakaka y po yan!" 
 
 
"Ser! Siguradong sasagutin ka na ng nililigawan mo niyan!"
 
 
 
Di naman nagagalit ang mga customers kay Hana, dahil mga ka-schoolmates niya naman ito at sanay na sila sa pagiging komedyante ng dalaga.
 
 
"Byunnie Beybe! Jan muna kayo ha! Ilalako ko lang itong ibang hotdogs! Para marami tayong mabenta, ska para manalo tayo sa iskul pestibal!"
 
 
"Ona! Sige kami na bahala dito ni Channie!"
 
 
"Witwiw!! Moment nyo na din yan! Hahaha" pagbiro niya sa dalawa.
 
 
"Onga samantalahin na natin Byunnie ko.." Sabat ni Chanyeol na biglang umakbay kay Baekhyun.
 
 
"Magtigil ka nga! Ambakla mo!" At pinagtabuyan niya si Chanyeol at ibinaling ulit ang tingin kay Hana. "Ingat ka jan Hannie! Tanga ka pa naman! Hahahaha." Pagbibiro niya.
 
 
"Tantado ka! Bwahahah! Sige" saka siya lumayas at nagkandirit na parang walang dala.
 
 
Sina Park Chanyeol at Byun Baekhyun ang mga matalik na kaibigan ni Hana. Nakasanayan na nila ang tawagang may 'ie'. Hindi naman siya malandi para magkaroon ng mga kasamang lalaki, sadyang di niya lang tipo ang ugali ng mga kaklase niyang babae. 
 
 
"Hi miss ganda, bili ka na ng hotdog ko! Murang mura lang!" 
 
 
"Ayoko allergic ako jan! Hhahaha" sagot ng estudyanteng pinagbebentahan niya.
 
 
"Ay ganon? Sige! Bili ka na lang pag wala ka ng allergy.." Pagkatapos ay naghiwalay na sila ng landas ng estudyante.
 
 
"La, la, la, la-aAAAaaaaray ko!!!" Napaupo bigla si Hana ng mabangga siya ng isang lalaking napakatangkad.
 
 
"Loko ka ha! Bulag ka ba bhuy!? Kita mo nangyari oh! Natapon ang mga paninda ko!! Bayaran mo yan!!" Galit niyang sabi sa lalaki.
 
 
Kumunot ang noo ng binata. "Excuse me Miss! Ikaw kaya ang nakaharang sa dadaanan ko! Bakit ko babayaran yan?".
 
 
"So pagmamay-ari mo tong daan!? Ikaw nga yung tumatakbo jan habang nakatingin sa likuran! Tapos ako pa may kasalanan!!?" Bira ni Hana
 
 
Pero patuloy pa rin sila sa pagbabangayan. "Eh nakita mo naman pala eh! Bakit di ka na lang umiwas!?"
 
 
"So, ako pa maga-adjust? Suntukan na lang oh! Ano!" Inandaran na naman ng espirito ng pagkalalaki si Hana at naghamon na ng away. Alam naman niyang mabibigo siya, dahil matangkad ang binatang kaharap niya.
 
 
"Sorry Miss! Pero isang kamay lang kita, wag ka nang lumaban kasi matutumba ka lang!"
 
 
"Hoy!! Nanliliit ka ba saken ha!!?" At hinampas nito ang lalaki sa braso.
 
 
"Aray ko!!! Wag mo kong hayaang patulan ka ha! Pasalamat ka babae ka!!"
 
 
"Bakit may sinabi ba kong lalaki ako! Baliw pala to eh!!"
 
 
"Ikaw ang baliw! Bahala ka na jan!! Aa-" napatigil siya sa pagsasalita ng may narinig siyang sigawan.
 
 
"KRIIIIISSSS OPPAAAA!!!!!"
 
 
"Wooyy!!! Bayaran mo tong mga natapon mong hotdog!! Hooy!!!" Di na niya napigilan ang binata dahil patakbo na itong umalis para iwasan ang mga kababaihang humahabol sa kanya.
 
 
"Yung mga hotdogs! Tsk! Lugi na kami neto!! Bwisit yung babalu na yun!! Argh! Bwiseeet!!"
 
 
 
 
 
 
 
 
---------------
 
 
 
 
Padabog na nilisan ni Hana ang lugar at bumalik sa stand nila.
 
 
"Humanda ka saken baba ka!!" Inis niyang bulong.
 
 
"Patay! Channie, mukang madilim ang aura ni Hannie ngayon." Pabulong ni Baekhyun habang tinuturo ang direksyon ni Hana na nakasambakol ang muka at nanginginig sa galit.
 
 
"Sshh.. Wag mo munang pansinin baka manganib pa buhay natin."
 
 
 
 
Kabado ang dalawang binata ng tuluyan ng nakalapit si Hana sa pwesto nila. Bawat galaw ni Hana ay nagugulat sila.
 
 
"H-hana?" Nagaalangan pang tanong ni Baekhyun sa dalaga kahit na alam na niya ang susunod na mangyayari.
 
 
"TAHIMIIIK!!!" Bigla niyang sigaw kaya naman nagulat si Baekhyun at biglang..
 
 
"Ayy.. Huu.. Eto na po boss.. Titigil na.. Hrr.." Bigla siyang dumikit kay Chanyeol.
 
 
"Sabi sayo Byunnie. Wag mo na munang kausapin.." Pabulong ni Chanyeol.
 
 
 
Nang mahismasan si Hana ay nagkwento na siya ng buong pangyayari.
 
 
"Ok lang yan Hannie.. May susunod pa namang festival.."
 
 
"Oo nga.. Babawi na lang tayo next time.."
 
 
Mahina siyang nagsalita. "Next time?" at tumango ang dalawa.
 
 
Pagkatapos non ay biglang sumabog na  ang galit ni Hana. 
 
 
"NEXT TTAAAAAYYYYIIIMM!??" ( At nag super science na ang bruha!)
 
 
"Kumalma ka Hanaaa!! Kumalma kaa!" Awat ni Chanyeol sa dalaga habang hawak ito sa braso niya.
 
 
"Byunnie!! Bilis!! Ang pampakalma!! Dalian mo!" Agad namang may kinuha si Baekhyun sa bulsa ng pants niya at agad iyong itinapat sa muka ni Hana
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
"Salamat sa Diyos.." 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
*****
 
 
Nagaaantay ang tatlo sa awarding kasama ang iba pa nilang mga ka-schoolmates para sa mananalo sa school festival. Pero sa kasamaang palad ay hindi sila nanalo dahil sa nangyari kanina.
 
 
 
 
 
Kinabukasan..
 
 
 
Pinapahupa pa rin ni Baekhyun ang inis ni Hana. "Hannie, ok lang yun.. Wag mo nang damdamin, tapos na eh, nangyari na.." 
 
 
"Di mo naiintindihan Byunnie.."
 
 
Seroyoso namang sumagot si Baekhyun. "Naiintindihan ko, dahil pareho tayong nagtatagalog..." 
 
 
Napaatras ng ulo si Chanyeol, at kumunot ang noo. "Baduy Byun! Walang kikita jan sa joke mo. Tss.." 
 
 
"Makita ko lang talaga yan letseng babalu na yan! Pepektusan ko talaga siya!"
 
 
"Aiiy.. Hannie, kalimutan mo na yun.."
 
 
"HINDI!" Pagmamatigas niya. 
 
 
 
Natakot sina Chanyeol at Baekhyun at napailing na lang, dahil hindi nila mapigilan si Hana.
 
 
Nakarating sila sa campus at sabay sabay na pumasok sa room, samantalang si Hana ay lumabas muna ng room para abangan ang taong kahapon pa niya gustong hatulan.
 
 
Maya maya ay may taong lumapit sa kanya at nagbigay ng mensahe.
 
 
"Uhm. Ate, ikaw po ba si Hana?"
 
 
"Ako nga bakit?"
 
 
"May naghahanap po kasi sa inyo sa library. Gusto ka daw niya makausap."
 
 
"Sino raw?"
 
 
"Ayaw niya sabihin, basta punta na lang po kayo dun." Atska agad na umalis ang estudyateng kausap niya.
 
 
 
Nagpunta siya sa library na sinabi ng babae, since hindi pa naman nagri-ring ang bell, ibig sabihin, hindi pa nagsisimula ang klase.
 
 
Nang palapit na sa library ang dalaga, sa di kalayuan ay may natanaw siyang isang tao sa may pintuan na parang may hinihintay. Siya lang magisa roon dahil maaga pa at wala pa masyadong estudyante at sarado pa din ang library.
 
 
Mukang kilala na ni Hana ang taong nagpapatawag sa kanya. Nakita niya ulit ang lalaking naka engkwentro niya kahapon sa festival at mukang siya na ata ang hinihintay nito.
 
 
"Walang hiya ka.." Bulong niya at tumakbo para sakmalin ang lalaki.
 
 
"Walang hiya kaaa!!" Napasalag naman ang binata at inawat siya.
 
 
"Teka lang! Teka lang! Please pagsalitain mo muna ako!"
 
 
"Pagsalitain? Bakit? Magpapaliwanag ka!? Pagkatapos mo kong ipahiya kahapon! Gusto mong magsalita!?"
 
 
"Oo na, kasalanan ko na.. Kaya nga gusto ko sanang humingi ng tawad sa nangyari kahapon... Sorry, hindi ko sinasadya.."
 
 
"Ganun? Sorry lang? Sa tingin mo mababayaran nun lahat?"
 
 
"Im really sorry... Hindi ko talaga sinasadya.." Naramdaman ni Hana ang seryosong pagpapakumbaba ng binata na ikinahina naman ng tuhod niya at nagpabago sa isip niya na pektusan siya.
 
 
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
 
 
"Malamang nagtanong ako?" Bara niyang sagot.
 
 
"Sa tingin mo ba mapapatawad kita?"
 
 
"Hmm.. Sa tingin ko, sa gwapo kong to, hindi mo ko matitiis.." Payabang niyang andar sa dalaga.
 
 
"Lakas ng arrive natin kuya ha! Akala ko ba nagso-sorry ka? Ang kapal mo naman at pinagmalaki mo pang gwapo ka!" *eh ang haba naman baba mo!*
 
 
 
"Ay.. Pero seryoso ako.. Sorry talaga.."
 
 
"O sige na.. Pinapatawad na kita.."
 
 
"Thank you.. Ako nga pala si Kris.."
 
 
"I know.. Kilala ka dito.."
 
 
"Gwapo ko kasi eh.."
 
 
"Alam mo hindi ka rin mahangin ano?"
 
 
"Hindi masyado, confident lang.." Nagkatinginan sila atska tumawa.
 
 
 
Mabilis silang nagkasundo, kaya lang minsan talaga malakas ang tama ni Kris. At malakas ang tama niya kay Hana. 
 
 
Isang araw bigla na lang siyang bumait at naging caring kay Hana, may panahon na bigla na lang naiinis si Kris kapag kasama nito sina Chanyeol at Baekhyun. At ang lalong ikinainis nito ay ang tawagan nilang tatlo.
 
 
"Kris may problema?" Takang tanong ni Hana habang inililigpit ang mga gamit niya sa bag. Umiling si Kris.
 
 
"O sige, ibabalik ko na lang muna itong mga libro sa bookshelf.." Umalis si Hana at nagtungo sa mga designated na lagayan ng mga librong hawak niya, pero sumunod si Kris.
 
 
Habang si Hana naghahagilap ng iba pang libro, si Kris naman at sinusundan siya ng tingin mula sa nakaharang na bookshelf sa pagitan nilang dalawa.
 
 
Napasilip si Hana sa uwang ng mga libro at nakita ang lalaking kanina pa nakasubaybay sa kanya.. 
 
 
"Kris?" Nakatulala lang sa kanya ang binata masama ang tingin. Umalis si Hana sa lugar niya at nagtungo sa kabila kung nasaan si Kris.
 
 
"Anong problema?"
 
 
"Wala!" Malakas niyang sagot.
 
 
"Galit ka ba?" 
 
 
"Hindi!"
 
 
"Eh bakit ka sumisigaw?" Sa huling salita ni Hana ay nasita na sila ng ibang estudyante sa loob ng library. Napilitan naman si Hana na sumama kay Kris palabas ng library, matapos  siya nitong hilain palabas.
 
 
 
 
Nang makalabas sila ay bumitaw si Hana sa mahigpit na hawak sa kanya ng binata
 
 
"Ano bang problema mo?" hindi ito sumagot. 
 
 
"Hoy! Magsalita ka!" Halos magmukang tanga si Hana dahil hindi siya kinakausap ni Kris na nakatingin lang sa lupa.
 
 
"Kris!" Galit na niyang tanong.
 
 
"Kris ano ba? Magsalita ka-"
 
 
 
 
 
"Can you please don't make me jealous!!" 
 
 
"What? No I'm not Kris!"
 
 
"Well I do!!"
 
 
"Pero bakit!?"
 
 
"Because I like you!!" Napanganga si Hana sa gulat dahil sa sinabi ni Kris. 
 
 
"Ak-ako?"
 
 
"Hana.. I don't know what's going on! Di ko alam ang nararamdaman ko! But I feel na sobrang bigat na and I need to tell you my feelings! Hana I like you.. I like you so much.." Kumalma na ang boses ni Kris, habang si Hana ay hindi pa malinaw sa kanya ang lahat.
 
 
 
Pero bigla pang nadagdagan ang kalituhan sa utak ni Hana nang dumilim ang nasa harap niya at naramdamang may labi ng nakadampi sa kanya.. 
 
 
Si Kris.. Hinalikan siya.. Pakiramdam nito ay para siyang lumulutang sa hangin at parang matutumba dahil sa panginginig ng mga tuhod niya. Pero sa wakas ay nalinawan na siya. Pumikit si Hana at dinama si Kris sa mga labi nito, tumingkayad siya at yumakap sa leeg ni Kris at nagpalitan na matatamis na halik. 
 
 
Nagbitaw ang dalawa para sumagap ng hangin. Nagkatitigan silang dalawa at tanaw sa muka ni Kris ang saya. 
 
 
"Gusto mo rin ba ko?" Tanong niya habang hawak hawak ang magkabilang pisngi ni Hana.
 
 
Napayuko si Hana na ikinalungkot ni Kris. "Sa tingin ko..." malumanay niyang sabi.
 
 
"Siguro nga magkaiba tayo ng nararamdaman.." Nalungkot ang binata at nawalan ang pagasang gusto rin siya ni Hana..
 
"Sa tingin ko, di lang kita gusto.. Mahal na kita Kris.." ang mga salitang iyon ang nagpaangat sa muka ni Kris sa kawalan at halos maiyak sa sobrang tuwa. Niyakap niya ng mahigpit si Hana sa paninigurong totoo ang nangyayari sa kanya, sa kanila.
 
 
 
"I love you.."
 
 
 


 

 
 
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
maralee1513
10 subscribers.. thank you so much po!!!! n_n

Comments

You must be logged in to comment
Babywolf1123 #1
Chapter 8: yan na eh! awts! lang luhan... Kasi nga tayo ang para sa isa't-isa arasso??? :")
netmin
#2
Chapter 8: yAN TAYO EH.... ARTE KASI NUNG BABAE! KUNG AKO YAN SUSUNGGABAN KO NA SI LUHAN!!!XDDDDD hahahahahahhaha... jk, :) ganda! Chen naman! wahahahhahahah! para masaya....
netmin
#3
Chapter 6: Ayo GG! Wahahaha! Ngayon lang ako nagcomment kasi Trip ko lang!xD
IN! Kilig ako kay D.O Kasi second Bias ko sya!xD tapos kay Sehun ang THWEET! Tapos yung kay KAI ang drama lang! Hahaha! PERO FEEL KO AKO YUNG GURL! Tapos yung kay Kris Wahahaha! No comment!xD Tapos yung kay Chanyeol.. NAKU! Magaapply na kong maging P.A! Jusko!xD and yung kay Suho naman... NOSEBLEED TEH!XDD SAKIT SA UTAK! English eh..hahahahaha! Good good.. Gawa ka pa dali! XD
minchanhun #4
autor-nim update juseyo~~
minchanhun #5
Chapter 3: ;A; kawawa nemen c kai