Chapter 32
Anghel ni Seulgi
"Wooooah!" humarap si Seulgi kay Joohyun na kasunod niyang pumasok sa kwarto.
"Surprise! Hindi ako kasing galing mo pagdating sa mga ganito pero I tried kasi I want to make you smile." sabi ni Joohyun. Niyakap niya si Seulgi.
"Paano mo naset-up?" tuwang tuwa si Seulgi sa naabutang surprise ng girlfriend.
"Kanina before duty nagpunta ako dito kasama si Yeri. Nag-ayos kami. You like it?" nakangiting tanong ni Joohyun.
"Hyun, I love it! Thank you, mahal."
Pagka-alis ni Seulgi para sa 6AM duty niya kanina nagpunta agad si Joohyun at Yeri sa bahay nila Seulgi para ayusin yung surprise niya. Umalis na lang si Joohyun bago magtanghali para makaabot siya sa 2PM duty.
Nagkabit sila Joohyun at Yeri sa wall ng mga polaroid pictures nilang dalawa ni Seulgi. Mga captured memories nila mula nung magkaklase pa lang sila, mga moments na naguumpisang sumulpot si Seulgi sa store, mga eksena nila sa Sunken nung naging official na sila, yung mga random selfies nila habang nasa kwarto sila ni Seulgi. Punong puno yung wall ng kwarto ni Seulgi ng masasayang ala-ala.
May mga nakakalat na pink balloons sa paligid at sa tabi ng kama ni Seulgi nakaset sa table ang late dinner nilang dalawa. Napansin din ni Seulgi na bago ang bedsheet sa kama niya.
"Hyun, nasa kwarto mo ba ako? Nadagdagan yung pink sa dito ah." natatawang sabi ni Seulgi habang tinitignan ang mga litrato. Naalaa niya nung una silang mag-date ni Joohyun sa mall. Yung mga panahong siya pa lang ang patay na patay sa girlfriend. Nagising siya mula sa pagrereminisce nang magsalita si Joohyun.
"Para pag nandito ako pink pa rin. Cute kaya ng pink."
"Aaah para sa'yo pala 'tong surprise mo ah." kiniliti ni Seulgi yung tagiliran ni Joohyun.
"Kuliiit!" napatili si Joohyun.
"Hahaha sshhhh...wag ka maingay magigising si Mama."
"Gising si Tita. Ininit niya yung food natin." sabi ni Joohyun pagtapos niya kumalma.
"Wow. Love ka talaga ni Mama no? Di nga yun gumisgising pag late ako umuuwi eh pero ngayon oh napaginit pa siya ng food."
"Sabi ko sa'yo mas love ako ni Tita Cherry kesa sa'yo eh." biro ni Joohyun.
"Mas love kaya kita." hahalik sana si Seulgi kaso tinulak siya ni Joohyun ng bahagya.
"Kain muna tayo. Mamaya unli kisses." bulong ni Joohyun habang nakapulupot ang mga braso sa batok ng girlfriend.
"Ugh, bilisan natin kumain." hinila na ni Seulgi si Joohyun gently papunta sa table.
Natatawa namang sumunod si Joohyun. Ang dami na namang memories ang nagflashback sa isip niya tungkol sa mga kisses nilang dalawa. Kung siya, she loves hugs. Si Seulgi naman loves kisses. Kaya palagi silang nauuwi sa momol pero Seulgi is very respectful. Hindi niya pinipilit si Joohyun sa mga bagay na hindi pa ito kumportbale kaya they never go beyond making out pa. They both believe it's not the right time yet.
"Hyun, Ikaw nagluto nito?" tanong ni Seulgi sa girlfriend habang ngumunguya ng skillet lasagna na nakahain.
"Oo. Di masarap?" nahihiyang tanong ni Joohyun.
"Parang lasang ano eh..."
"Lasang?" tanong ni Joohyun para ituloy bi Seulgi ang sinasabi.
"Parang lasang pwede na mag-asawa." nakangising sagot ni Seulgi.
"Seulgi kasi! Seryoso na ano nga lasa? First time ko iluto yan tapos ininit na lang kaya hindi na yan masarap for sure."
"Hahaha joke lang. Masarap, mahal. Pwera biro. Mauubos ko na nga oh." turo ni Seulgi sa plato niya.
Napangiti naman si Joohyun pagkakita niya ng paubos na pagkain ng girlfriend.
"Gusto mo pa? Feeling ko may natira pa eh. Init natin?"
"Hindi na." Seulgi said while wiggling her eyebrows.
"Cant wait to be kissed, mahal?" malokong tanong ni Joohyun.
"Naiinip na nga." sabi ni Seulgi pagtapos ng huling subo.
Tumayo si Seulgi at dahandahang hinila si Joohyun para mapalapit sa kaniya. Nilapit niya ang kaniyang mukha sa dalaga. Of course, Joohyun was anticipating a kiss from Seulgi kaya pumikit siya pero nagulat siya nang yakapin siya ni Seulgi.
"Thank you for this, Hyun. Mahal na mahal na mahal kita. Sana hindi ka magsawang marinig yang mga salitang yan kahit madalas kong sabihin. Gusto ko lang talagang iparamdam sa'yo palagi na ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. I can't ask for anything else." sabi ni Seulgi habang hinahaplos ang likod ni Joohyun.
"Hindi ako magsasawa mahal, kasi you have my heart. I feel like the luckiest girl when you hold me like this." sagot ni Joohyun sa
Comments