Chapter 60
Anghel ni Seulgi
"Joojoo..." nahihiyang lumapit si Jooyoung sa kaibigan.
Tumingala si Joohyun at tumingin sa harap niya.
"Jooyoung, you have a lot of explaining to do. I want to hear your excuses." sabi ni Joohyun sa kaibigan.
"Alam ko, Joojoo. I- I don't know how to explain everything."
"Just tell me your reasons. Gusto kitang maintindihan."
"Pwede ba tayong lumipat ng lugar? Dun sa mas tahimik?" tanong Jooyoung habang palinga-linga sa paligid.
"Hindi ako aalis dito." tipid na sagot ni Joohyun.
"I promise I won't do anything stupid. Kahit ikaw mamimili ng lugar o kaya isama natin si Seulgi. I want to explain everything, Joojoo." malungkot na sabi niya.
Napaisip saglit si Joohyun dahil hindi nga naman magandang lugar ang canteen para pag-usapan nila ang nangyari. Hindi makakasama si Seulgi kaya she's left with the other option.
"Dun tayo sa cafe sa dulo ng kabilang street." sagot ni Joohyun habang naglalakad palabas ng canteen. Tinext niya si Seulgi para ipaalam na lilipat sila ng lugar.
Nakasunod lang si Jooyoung sa kaibigan. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa pagitan nila kahit na napakaraming tao sa paligid.
Paglabas nila sa lobby ay huminto sa harap nila ang isang itim na SUV. Walang gaanong alam si Joohyun sa mga sasakyan lalo pa't mamahalin kaya napatingin siya sa logo nito sa harap.
"Range Rover."
Napansin niyang naglalakad palapit si Jooyoung sa magarang kotse at binuksan ang pinto sa gilid. "Sakay ka na." nahihiyang sabi nito.
She's disappointed but not surprised. Inasahan na niyang bibiguin siya ni Jooyoung pero masakit pa rin palang ma-confirm yung haka-haka nila ni Seulgi.
"Maglalakad na lang ako kita na lang tayo dun." tumalikod si Joohyun.
"Alam ko marami kang tanong. Siguro takot ka na rin magtiwala sa akin. I'm sorry." sabi ni Jooyoung habang pilit na sinasabayan ang mga hakbang ng kaibigan. Hindi na siya sumakay sa sasakyan at piniling maglakad kasama si Joohyun.
Walang imik na nagpatuloy si Joohyun sa paglalakad. Hindi niya alam kung anong dapat isagot sa sinabi ng kaibigan. Gusto niya munang marinig ang paliwanag nito bago niya harapin ang nararamdaman niya.
Ayaw na ni Joohyun magpaligoy-ligoy pa kaya pagkaupo ng kaibigan matapos kunin ang inumin nila sa counter, nagsalita siya agad.
"Explain yourself." mahinahong sabi ni Joohyun.
"Hindi ko alam paano mag-uumpisa." sagot ni Jooyoung habang tinutulak sa harap ni Joohyun yung hot choco na binili niya. Tinitigan lang ito ni Joohyun at hindi man lang hinawakan. Nakaramdam ng kirot sa puso si Jooyoung sa ikinilos ng kaibigan.
"Sa totoo lang ang dami kong tanong pero para maging madali para sa atin. I'll only ask the most important ones. Una, alam mo na bang hindi makakasama si Seulgi kagabi even before inviting me? Pangalawa, I'm dreading your answer pero I have to know. Were you trying to get me drunk? Pangatlo, yung sasakyan mo. Yan ba yung grab na sinasabi mong pinabook ko sa'yo kagabi?" tanong ni Joohyun while making air qoutes sa salitang grab.
Napahawak sa sintido si Jooyoung. Ito na yung sakit na na-anticipate niya kanina. Sakit ng ulo at yung kirot sa puso niya knowing na sinira niya yung tanging bagay na nagkokonekta sa kanilang dalawa ni Joohyun; yung friendship na nabuo nila. Kung sana lang ay nakuntento na siya dun at di na naghangad pa ng iba.
"Mahal kita." tipid na sagot ni Jooyoung na siya namang ikinagulat ni Joohyun. Sa dami ng tinanong niya sa kaibigan hindi niya inaasahan ang dalawang salitang narinig.
"I-i know I told you na okay lang sa akin when you turned me down noon. Tinanggap ko yung offer mong friendship kasi akala ko kaya kong maka-get over sa feelings ko para sa'yo." malabong paliwanag ni Jooyoung.
"Kinlaro ko sa'yo yun, Jooyoung. Wala akong pinakitang kahit ano na magbibigay ng maling impression." depensa ni Joohyun.
"Alam ko, Joojoo. Ako yung may mali. Ako yung umasang isang araw magiging kaibigan na lang ang tingin ko sa'yo. Almost. Kinaya ko naman and at some point unti-unti, nawawala yung feelings until dumating si Seulgi."
"Anong kinalaman ni Seulgi sa nararamdaman mo at sa lahat ng nangyari kagabi?" nakaramdam ng inis si Joohyun dahil kahit sa paliwanag ay mukhang sinisisi ng kaibigan si Seulgi.
"Noong sinabi mo sa akin na iniintay mo yung ex mong matagal nang hindi nagparamdam. I misinterpreted your words, ang akala ko noon kaya hindi mo ko matanggap kasi nagaantay ka pa. Sa tagal mong nagintay confident akong hindi na siya babalik kaya I did everything para mapasaya ka. Thinking na mare-realize mong it's best to choose me kasi ako yung nandito."
"Hindi yan ang sinabi ko sa'yo noon." kalmadong sagot ni Joohyun. "Ang sabi ko sa'yo hindi ko matatanggap yung feelings mo dahil wala akong ibang mahal kundi si Seulgi. Magparamdam man siya o wala. I don't have plans na mag-entertain ng kahit na sino."
"That's my first mistake. Nabuhay ako sa maling akala ko na yun. Nung na-realize kong mali ako sinubukan kong mag-hanap ng iba. Nakipag-date ako sa kung sino-sino at somehow, nakatulong yun. I started seeing you as just a friend."
"Then what changed? Bakit tayo umabot sa ganito?"
"Dumating si Seulgi. Nabago ang lahat. Nakita ko yung pinagkaiba ng mga ngiti at tawa mo kapag kasama mo siya kumpara sa mga ngiting binibigay mo sa akin kahit na I did everything I can. Kahit na wala atang gawin si Seulgi sasaya ka pa rin basta kasama mo siya. Nainggit ako, Joohyun." napapikit si Jooyoung para pigilan ang napipintong pagtulo ng luha. Ayaw niyang makita ni Joohyun gaano siya ka-miserable ngayon.
"Nung hiniling mong bawasan ko yung pagiging clingy ko I immediately agreed kasi ayokong pati yun mawala. Naisip ko noon magiging okay na ako sa kakarampot na oras at atensyong maibibigay mo sa akin. Kaibigan lang naman ako kaya dapat
Comments