Chapter 26C
Anghel ni Seulgi
Magkatabing nakaupo si Joohyun at Seulgi habang pinagmamasdan ang ang mga kaibigan at pamilya na masayang nagkekwentuhan. Kahit ang nanay ni Joohyun ay paminsang sumasali sa usapan ng mga bata.
"Kulit, tignan mo sila. Di ko inexpect na posibleng mangyari 'to." bulong ni Joohyun kay Seulgi.
"Ako rin. Sobrang pasalamat ko talaga kay Tita Jean. Kung hindi dahil sa kanya malayo layo pa tayo dito."
"Kanina ko pa gustong itanong sa' yo yan. Anong nangyari? Paano mo nabago ang isip ni Mama?"
"Hindi naman ako ang nakapagpabago ng isip ni Tita. Sarili niyang desisyon yun." hinawakan ni Seulgi ang kamay ni Joohyun. "kwento ko sa'yo mamaya lahat."
Pinagmamasdan lang sila ni Joy. Bakas sa mata niya ang saya para sa bestfriend. "Love, tignan mo sila. Grabe yung pagmamahal no? Ramdam na ramdam ko." sabi ni Joy kay Wendy.
"Oo nga lalab, pag tinignan mo sila kahit hindi sila magsalita, sa mga tingin pa lang mararamdaman mo na eh." pagsangayon ni Wendy.
"Joo, masaya ako para sa'yo at sobrang proud ako. Parang kailan lang confused ka pa sa feelings mo pero tignan mo naman ngayon." nakangiting sabi ni Joy.
"Siguro lost at confused pa rin ako kung hindi mo ako tinulungan marealize ang mga bagay bagay, Joy. Isa ka sa dapat naming pasalamatan ni Seulgi." niyakap ni Joohyun ang bestfriend.
"Ano ka ba, bestfriend mo ko. Trabaho ko yun. Nandito lang naman ako palagi pag kailangan mo ng kausap."
"Ate Seulgi, pag pinaiyak mo si ate yari ka sa'kin." banta ni Yeri.
"Di ko gagawin yun, Yerms. Mahal ko yang ate mo." bahagyang ginulo ni Seulgi ang buhok ni Yeri.
"Promise yan ah. Tsaka pala may utang ka pa sa'kin."
"Ha?" nag-isip saglit si Seulgi. "Ah! Yung pizza! Sorry na. Di na kami nakabili. nakatulog na kasi ate mo sa kotse di ko alam anong flavor gusto mo."
"Meron pa hindi lang yun."
"Ha? Ano pa?"
"Yung dalawang rank na bigla mo na lang akong iniwan." tinitigan ng masama ni Yeri si Seulgi.
"hahaha oo nga. Sige laro tayo minsan." inabutan ng pera ni Seulgi si Yeri. "Pambili mo ng pizza."
"Wow the best ka, Ate Seulgi." niyakap ni Yeri si Seulgi.
Lumapit si Byul, Lisa, at Wendy kay Seulgi.
"Nakita ko yun 'tol. Aga manuhol ah?" biro ni Byul.
"Hindi suhol yun. May utang akong pizza eh." paliwanag ni Seulgi.
"Paano naman kami tropa?" tanong ni Wendy.
"Oo nga! Nauuhaw na atay namin, erp!" sabat ni Lisa.
"Basta alak isisingit niyo talaga eh! Sige papainom ako pero di muna ngayon ah. Babawi muna ko sa GIRLFRIEND ko." napapikit si Seulgi habang nakangiti.
"Pucha kinikilig ako." pagmulat niya iniwan na siya ng mga kaibigan.
"Anong ginagawa mo dyan?" natatawa si Joohyun dahil nakita niya kung paano iniwanan si Seulgi ng mga kaibigan.
"Hehe kinilig kasi ako sabi ko babawi ako sa girlfriend ko."
Namula si Joohyun pagkarinig ng salitang girlfriend. Mas masarap pala pakinggan yun mula sa bibig ni Seulgi.
"Girlfriend." nakangiting sagot niya. "Speaking of babawi, anong gagawin natin mamaya? 1 week mo 'kong di pinuntahan." nagpout si Joohyun. Alam niya kung gaano ka-powerful ang pagpa-pout kaya lulubus-lubosin na niya ito.
"Nanghihina ako." madramanf sagot ni Seulgi. "Sabi ko naman di ba? Babawi ako. Sa bahay lang tayo pagtapos dito. May surprise pa ako eh."
"Hindi ka talaga nauubusan ng tricks no? Kaya ang daming may gusto sa'yo eh."
"Di ko naman sila gusto eh. Hyun, kahit buksan pa ang dibdib ko, matatagpua'y larawan mo." malokong sagot ni Seulgi.
"Aaah stop. Ang cheesy na." tumalikod si Joohyun dahil kinikilig na naman siya at nahihiya siyang baka makita ng nanay at kapatid niya.
"Hahaha Kang Seulgi effect." sabi ni Jennie pagkakita niya ng ginawa ni Joohyun kaya nagtawanan na tuloy lahat ng mga kaibigan nila pati si Tita Jean at Yeri.
Umuwi na rin sila bago magtanghalian dahil napakataas na ng araw. Hindi na rin ganun kahangin sa paligid.
"Seulgi, yung mga bilin ko ah?" sabi ni Tita Jean. "Joohyun, 10PM nasa bahay ka na. Naintindihan mo? Mag-behave kayo ah." banta ng nanay niya.
"Opo. Promise po." sabay na sagot ni Seulgi at Joohyun. Una silang hinatid ni Byul sa bahay nila Seulgi.
"Hyun, tara." aya ni Seulgi. Bigla kasing huminto si Joohyun sa may pintuan nila.
"Kinakabahan ako, kulit."
"Bakit naman?" takang tanong ni Seulgi.
"Di ko alam. Baka di pala ako gusto ni Tita Cherry maging girlfriend mo."
Natawa naman si Seulgi sa pinoproblema ni Joohyun. "Tsaka ka na kabahan kay Mama pag nandito na siya. Pinuntahan niya sa Papa. Sa monday pa uwi hehe." sabi ni Seulgi kay Joohyun habang nagwi-wiggle ang eyebrows.
"Bakit di mo sinabi agad? Nakakainis 'to kanina pa ako kinakabahan."
"Di ka naman nagtanong hehe. Pasok na tayo."
"Mahal, liligo lang ako ah. May virus pa sa labas eh." paalam ni Seulgi.
"Mahal?" nakangiti si Joohyun.
"Oo, mahal. Ayaw mo ba? Palitan natin? Bhie? Bebe? Azawuah quoh? mHiLabz? Pili ka na po." asar ni Seulgi sa kaniya.
"Hahaha ewan ko sa'yo, mahal." sagot ni Joohyun sabay kindat.
"oh shiiiii@ yung puso ko."
"Kuha ka na lang damit sa kwarto ko kung gusto mo rin maligo. Nagkalat pa virus sa labas."
"Nakakahiya naman makikiligo pa ko dito ang lapit lang ng bahay ko. Uwi na lang kaya muna ako?"
"Maglalakad ka pa ang init kaya. Dito ka na lang maligo." sabi ni Seulgi.
"O-okay." nahihiyang sagot ni Joohyun.
'Seulgi, ano bang gagawin ko sa'yo. Minsan ang inosente rin ng isip mo eh.' sabi ni Joo
Comments