Chapter 24
Anghel ni Seulgi
2 months. Dalawang buwan na ang nakalipas mula noong pinatawag siya ng nanay ni Joohyun. Nangako sa kaniya si Tita Jean na mag-uusap ulit sila kapag naayos na ang lahat. Matiyagang nagintay si Seulgi sa loob ng dalawang buwan at di niya inaasahang ngayong araw ang simula ng panibagong chapter ng buhay nila ng kaniyang anghel.
1 new message from Tita Jean.
Tita Jean: Seulgi, magandang balita. Dadaan ako diyan sa cafe pagtapos ng shift mo.
Seulgi: talaga po Tita? Ingat po kayo. Antayin ko po kayo.
"Tita, kumusta po ang biyahe?" tanong ni Seulgi sa nanay ni Joohyun pagkapasok niya ng cafe. End of shift na ni Seulgi kaya dito na lang nila piniling mag-usap.
"Maayos naman." ngumiti si Tita Jean sa kaniya. "Seulgi, nabayaran na yung lupa. Mas mababa nga lang sa presyong inasahan ko pero sapat naman ito hanggang sa maka-graduate si Joohyun. May matitira pa para kay Yeri." masayang balita niya.
"Talaga po tita?" masayang masaya si Seulgi sa sinabi ni Tita Jean.
2 months ago, pinatawag siya nito para kausapin. Kabadong pumunta si Seulgi sa bahay nila Joohyun noon. Akala niya ay pagsasabihan siyang layuan na si Joohyun. Nagready pa nga si Seulgi ng speech para lang magmakaawang hayaan silang dalawa.
Nagulat na lang si Seulgi nang biglang humingi ng patawad si Tita Jean sa tangka nitong pag pigil sa kanila ni Joohyun. Ikinwento ng nanay ni Joohyun kay Seulgi kung paano nito nahuli si Bogum sa pagsisinungaling. Kung paano ito nagsilbing wake-up call sa padalos dalos na decision noong pinayagan niya ang lalaki na manligaw sa anak. At sa takot niyang hindi kayanin ang pagpapaaral kila Joohyun kung sakaling hindi na sila tulungan ng biyenan.
May tatlong rason kaya pinakiusap ni Tita Jean na wag munang sabihin kay Joohyun ang napag-usapan nila.
Una, siguradong hindi papayag ang anak sa plano niyang ibenta ang maliit na lupa nila sa probinsya. Ito kasi ang tanging naipundar nilang mag-asawa noong nabubuhay pa ang tatay ng kaniyang mga anak. Kapag nalaman ito ni Joohyun, ipipilit nitong ipagpatuloy ang pagtatrabaho out of guilt. Una pa lang ay hindi na sang-ayon si Tita Jean na magtrabaho si Joohyun at Seulgi. Nagpapasalamat siyang natututong maging responsable si Joohyun pero siya pa rin ang ina at siya dapat ang gumagawa ng paraan. Ang gusto lang niya ay magkapag-focus ang mga bata sa paga-aral.
Pangalawa, Ayaw niyang mabigyan ng false hope si Joohyun kung sakaling hindi maging succesful ang plano niya. Sa sitwasyon nila ngayon, mas magdudulot ng sakit kung sakaling hindi ito matuloy.
Pangatlo, nalaman ng lola ni Joohyun na binebenta na ang lupa nila. Nabanggit kasi ito ng caretaker nila doon sa kaniyang biyenan kaya posibleng makabalita na rin ito sa mga nangyayari sa kanila. Hindi malayong mangyari ang pinaghahandaan nila sa mga darating na araw. Masyado ng mabigat ang problema ng anak para idagdag pa niya sa mga iisipin nito. Wala pa namang ginagawa ang lola ni Joohyun kaya naisip niyang wag munang sabihin.
Ngayong naayos na ni Tita Jean ang lahat at hawak na niya ang perang pinagbentahan, mapapanatag na siyang hayaang maging masaya si Joohyun at Seulgi. Tanggalan man sila ng sustento may sapat siyang pera pangpa-aral sa dalawang anak.
"Seulgi, salamat sa pagtiya-tiyaga sa sitwasyon namin ng mga anak ko. Nakikita ko kung gaano mo kamahal si Joohyun. Ngayon, hindi na ako matatakot kay Mama kahit pa nga hindi niya kami tulungan sa pagpapaaral kila Joohyun. Lumaki naman ang mga anak kong sanay sa simpleng buhay lang. Alam kong di sila interesado sa pera ng lola nila."
"Wala po iyon, Tita. Handa po akong gawin lahat para kay Joohyun." huminto saglit si Seulgi sa pagsasalita. "Di na po ako makapag-antay na ibalita sa kaniya 'to pero gusto ko po sana gawing special yung araw na yun. Ang tagal din po nating inintay ito." gustong umiyak ni Seulgi sa saya pero pinigilan niya dahil nakakahiya kay Tita Jean at sa mga katrabaho niyang makakakita kung sakali.
"Hindi mo na kailangang magtrabaho, Seulgi. Mag focus kayo ni Joohyun sa pag-aaral."
"Tungkol po diyan, tita. Maluwag pa naman po ang schedule ko every weekend. Itutuloy ko po muna magtrabaho pero promise po magaaral akong mabuti. Na-enjoy ko na rin po kasi yung ginagawa ko dito."
"Ganun ba? Basta anak, kapag nakakasagabal na pwede kang tumigil anytime." sabi ng nanay ni Joohyun.
Parang nabingi na si Seulgi pagkarinig niya ng salitang anak. Kung kanina gusto niyang umiyak dahil sa saya ngayon naman ay gusto niyang yakapin ang nanay ni Joohyun dahil sa pag tawag sa kaniyang anak.
'Sa wakas! Thank you po, Papa J. Tanggap na kami.' dasal ni Seulgi.
"Tita, may request po sana ako? Kung okay lang po."
"Ano yun?"
"Gusto ko po sana nandun kayo ni Yeri kapag tinanong ko na si Joohyun kung pwede ko siyang maging girlfriend. Mas magiging special po yung araw na yun kay Joohyun kung papayag kayo." medyo nahihiya pa siya kay Tita Jean
Comments