Chapter 3
Anghel ni SeulgiBago pa man makatungtong sa alas siyete y medya ng gabi ang kamay ng orasan ay naglalakad na si Seulgi papunta sa bahay nila Lisa na iilang kembot lang ang layo sa kanilang bahay.
7:28 PM
Seulgi: erp, dito na ko sa may gate niyo. Labas ka na.
7:28 PM
May Lisa: geh erp, magsasapatos lang.
Mga ilang segundo ang nakalipas at nakalabas na si Lisa.
"Anak ka ng ewan, tropa. Ano na naman yang dala mo? Bakit may dala kang lunch box? Gunugutom ka ba ng anghel mo?" pangaasar ni Lisa.
"Hindi 'tol..." naalala niya yung bigay na burgers sa kaniya kagabi. "Para sa mga aso' to." sagot ni Seulgi.
"Mag feeding program ka sa mga doggos?"
"Parang ganun na nga pero hindi ako." malakong sagot ni Seulgi.
"Eh sino?" takang tanong ni Lisa.
"Kayo ni Byul." maikling sagot niya.
"NO WAAAAY, ERP! Wala akong balak lumapit sa mga aso na yun no." pagtanggi ni Lisa.
"tropa, sige na. Pumayag ka na. Kawawa naman si Joohyun kung papahabol lang sa aso. Takot na takot siya kagabi. Di ko na nga sinabing butas butas yung shorts ko dahil sa kagat eh." pagkumbinsi ni Seulgi kay Lisa.
"Ano bang plano? Wala naman akong magagawa. Kawawa naman si Joohyun." pagsangayon ni Lisa sa tropa niya.
"Pag malapit na kami dumaan sa mga aso, pakainin niyo na para madistract sila at hindi na manghabol." paliwanag ni Seulgi.
Lumaki ang mga mata ni Lisa sa gulat. Magfi-feeding program nga sila sa mga aso. Medyo takot siya pero naisip niyang mas takot si Joohyun kaya napapayag pa rin siya.
"Alam ni Byul yang plano mo? Pumayag siya? Nasan na siya? Baka iwan ako nun!" sunod sunod na tanong ni Lisa.
"Kalma ka lang, erp! Oo, alam ni Byul at pumayag siya. Alam mo namang mahilig sa dogs yun. Walang pinipili. Sinabi ko na ngang aggressive yung mga dogs pero pumayag pa rin siya." sagot ni Seulgi.
Nagkatitigan naman sila ni Lisa at sabay sabing "Dog whisperer!" nagtawanan na lang sila.
Si Byul kasi sobrang hilig sa aso. Wala pa silang nakitang aso na galit sa kaibigan nila. Para bang may gayuma ito na nakakapagpa-amo sa mga aso.
Inabot na ni Seulgi kay Lisa yung dala dala niyang lunch box. Sa unang layer ay dry food at sa pangalawa naman ay mga treats at wet food. Binilin sa kaniya ni Byul na bumili ng dog food dahil hindi ito papayag sa plano niya kung tira tirang table food lang ang ipapakain nila sa mga aso. She went on a lecture spree kay Seulgi sa pros ng dog food vs sa cons ng table food for pets. Bawas na naman ang savings niya dahil napilitan siyang bumili ng dog food. Mas okay na rin yun kaysa naman habulin ulit siya ng mga aso.
"Erp, dun na lang ako tatambay kila Byul. Mauna na lang kami dun mamaya para pag daan niyo ready na yung red carpet." pangaasar ni Lisa.
"Tol, salamat ah. Di bale suportahan din kita pag naisipan mo nang lumapit kay Jennie." bumawi si Seulgi sa pangaasar.
Tinulak lang siyang bahagya ni Lisa sabay tawid na sa kabilang side ng kalsada papuntang bahay nila Byul. Parehas silang walang lakas ng loob ni Lisa. Ang kaibahan lang eh si Seulgi nakakalapit kay Joohyun. Si Lisa takot kay Jennie.
Naglakad naman papuntang burgeran si Seulgi. May ngiti sa mga labi niya dahil makikita na naman niya ulit si Joohyun. Nagkita naman sila kanina sa online class pero iba pa rin yung masilayan ang maamong mukha nito sa personal kahit pa nga mata lang ni Joohyun ang makikita niya dahil sa nakaharang na mask.
"Hyun, pabarya nga." inabot niya kay Joohyun ang isang 1000 peso bill.
Nagulat si Joohyun at umangat ng tingin mula sa pagbabasa nito. Nakita niya rin si Lisa sa kabilang side ng kalsada at naglalakad palayo.
"Oh nandito ka ulit. Bakit di ka sumama kay Lisa papunta siya kila Byul no?" hawak hawak na ni Joohyun yung 1000 ni Seulgi at nagbibilang ng pera para pamalit.
"Mas gusto ko tumambay dito eh. Fresh air!" nakangiti niyang sabi kay Joohyun. Masaya si Seulgi dahil nakita niya na naman ang anghel sa buhay niya.
"Fresh air ka dyan. Magaamoy burger patty ka lang dito tapos gustong gusto mo tumambay dito." inabot ni Joohyun kay Seulgi ang isang 500 peso bill, apat na 100 bill at dalawang 50 pesos.
"Luh ano yan, hyun? Sabi ko pabarya. Pwedeng tag pipiso? Pang piso net lang dyan oh." sabay turo ni Seulgi sa katabing computer shop ng store nila Joohyun. Wala naman talaga siyang balak iwan si Joohyun para maglaro. Wala lang siyang maisip na topic para makapag-usap sila kaya naisipan na lang niyang mangulit.
"1000 pesos tapos papalit mo sa akin ng tagpipiso? Wala akong ganung karaming piso. Nangaasar ka na naman Seulgi!" inis na sagot sa kaniya ni Joohyun.
"Hehe ayaw ko nitong binigay mo, Hyun." hawak niya yung baryang 1000 na binigay sa kaniya kanina. "Lagkit eh parang amoy burger pa nga. Balik mo na lang yung 1000 ko. Hehe" pangaasar ni Seulgi.
Isang gabi na namang makakarinig siya ng pangaasar mula kay Seulgi. Tahimik lang na binalik ni Joohyun kay Seulgi ang 1000 peso bill nito.
Nagpapanic na si Seulgi kasi ang tahimik na ni Joohyun. Mukhang nagalit na ata. Magsasalita na siya nang biglang...
"Hi Irene! Pabili ulit. Foot long naman. Dalawang order." pagbati ni Bogum na may malaking ngiti.
Comments