What's on your mind, Hyun? #3
Anghel ni Seulgi
"Tiffany! Hindi ba sinabihan na kita na tigilan mo na yang relasyon mo sa babae na yan?!" sigaw ng lola nila.
Naaubutan sila Taeyeon at Tiffany ng kaniyang lolang magkasamang naglalakad, magkahawak ang kamay sa may pasilyo ng registrar's office ng university.
"Lola? Wag po kayo sumigaw dito please. Nakakahiya po." sagot ni Tiffany sa kaniyang lola. Katabi ang pinsan niyang si Joohyun.
"Sa sigaw ko nahiya ka pero sa ginagawa niyong dalawa hindi ka nahiya?!"
"Wala po kaming ginagawang masama ni Taeyeon, lola. Wala pong nakakahiya sa amin dahil lang sa parehas kaming babae."
"Binalaan na kita na wag tumulad sa tita niyong walang utang na loob. Pero sige matigas kang bata ka." huminto saglit sa pagsasalita ang lola nila at humarap kay Taeyeon. "Mahal pala ah. Mahal mo di ba? Ikaw na magpa-aral sa babaeng yan. Tignan ko kung makabayad kayo ng tuition gamit yang pagmamahal niyong yan."
Nakatitig lang si Joohyun sa buong pangyayari. Nagpasama ang lola niya na magpunta sa school ng pinsan niya para magbayad sana ng tuition. Tinext niya agad ang pinsan para balaan na pupunta sila ng lola nila pero hindi niya alam kung anong nangyari at hindi nabasa ang text niya.
..........
"Joohyun, wag kang gagaya sa pinsan mong yun. Walang utang na loob. Manang mana sa tita niyo." pangaral ng lola ni Joohyun.
Hindi sumagot si Joohyun dahil sa tingin niya ay di siya matutulad sa pinsan niya kasi wala pa namang pagkakataon na nagkagusto siya sa babae. Pero naisip niya kung siya ang tatanungin walang masama sa relasyon ni Taeyeon at ng pinsan niya.
..........
"Mama, ano po bang nangyari kay lola at kay tita noon. Bakit galit na galit si lola sa kaniya pati kay ate tiffany?" tanong ni Joohyun sa kaniyang ina.
"Nak, ang lola mo kasi dahil na nga sa edad niya ay di sang-ayon sa ganiyang klase ng pagmamahal. Siguro dahil sa panahon nila hindi lantaran o bihira ang ganiyang relasyon. Tumanda siyang pinaniniwalaan na kasalanan ang pakikipag-relasyon sa kapwa babae." paliwanag ng nanay niya.
"Nung namatay ang Papa mo sobrang nalungkot ang lola mo. Ang Tito Rey mo naman hindi ganun ka-close sa lola niyo. Kaya sa Tita Kris mo nabuhos lahat ng pagmamahal ng lola mo. Siguro kasi nagiisang babae sa magkakapatid."
"Eh ano pong nangyari kay Tita Kris?"
"Pinadala ng lola mo sa America para mag-aral. Nakitira sa mga kamag-anak nila dun. Tapos nalaman ng lola mong may karelasyong babae ang tita mo. Sumunod ang lola niyo dun para pigilan pero naglayas ang tita mo. Ilang taong di nagpakita. Nabalitaan na lang namin 2 years ago na nagpakasal na ang tita mo sa babaeng karelasyon niya nung nagpadala ng wedding invitation sa lola mo." mahabang paliwanag ng nanay ni Joohyun.
...............
"Ate, sorry. Dapat tinawagan na lang kita noon para sabihin na papunta kami sa school mo. Sana di kayo nakita ni Lola."
"Hyunnie, wag kang magsorry. Di mo naman kasalanan yun. Si lola yung hindi makaintindi ng sitwasyon." sabi ni Tiffany.
"Eh kaso ate dahil dun di ka nakapag-exam tapos nahinto ka pa ngayon." malungkot na sagot ni Joohyun.
"Wag kang magalala, isang sem lang naman akong hihinto para magtrabaho. Magiipon lang ako ng pang tuition. Bagay naman sa akin 'tong suot ko diba?" umikot si Tiffany sa kinatatayuan para i-pakita kay Joohyun ang suot niyang Jollibee uniform.
"Ate..."
"Wag kang magisip ng kung ano ano. Tinutulungan din ako ng Ate Taeyeon mo. Mas mahirap nga ang ginagawa niya dahil working student siya ngayon. Pandagdag daw sa gastusin pag bumalik na ako sa school. Tsaka andiyan naman si Papa kailangan lang namin magtipid tipid ng kaunti." nakangiting sabi ni Tiffany sa pinsang niyang si Joohyun.
...............
Pinatawag ng lola nila ang anak na si Rey, ang asawa nito at ang nanay ni Joohyun. Kasama rin silang mga apo sa nagpunta sa bahay ng lola.
"Rey, hindi mo ba talaga makastigo yang anak mong yan?" turo ng lola kay Tiffany na tahimik lang sa gilid.
"Ma, alam kong galit ka kay Kris sa nangyari pero wag mo naman sanang gawin yung ginawa mo kay Kris sa anak ko." pagtatanggol ng tatay ni Tiffany.
"Kasalanan yang ginagawa ng anak mo! Hindi ko alam bakit sumunod pa yan sa ginawa ni Kris. Ikaw, bata ka." turo ng lola kay Tiffany. "Mas gugustuhin mong huminto ng pagaaral para lang sa babaeng yun?!"
"Lola, sorry po kung makasalanan ang tingin niyo sa amin ni Taeyeon pero mas gugustuhin ko na pong igapang ang pag aaral ko kesa sa layuan si Taeyeon."
"Tignan mo na Rey, ganyan ba pagpapalaki mo sa anak mo?!"
"Mama, maayos kong pinalaki ang anak ko. Hindi ibig sabihin taliwas sa nakasanayan ng mundo ang pagmamahal na meron siya eh masamang bata na siya. Ma, sana maintindihan niyo kami."
Tahimik lang ang pamilya nila Joohyun. Di nila alam bakit sila sinama sa pinatawag ng lola niya.
"Pati ikaw Rey, magma matigas na rin?! Oh sige, bibigyan ko sana kayo ng huling pagkakataon ngayon pero mukhang wala naman kayong balak sumunod. Ikaw na ang magpa-aral sa anak mong suwail. Wala kayong makukuha sa akin hanggat nabubuhay ako. Antayin niyo na lang na mamatay ako para makuha niyo
Comments