Chapter 34A
Anghel ni Seulgi
Pagpasok ni Seulgi sa bahay nila ay agad niyang hinanap ang girlfriend.
"Mama, si Joohyun po?"
"Ay pinapanhik ko sa kwarto mo. Ang sabi ko magpahinga muna siya doon at mukhang puyat. Mukhang nagaral ata magdamag. Namamaga pa ang mata."
"Sige Ma, akyat muna po ako."
"Lalabas ako anak, mago-grocery ako may ipapabili ka ba?"
"wala naman po." sagot ni Seulgi na nasa may hagdan na.
Mahinang kumatok si Seulgi sa kwarto niya para ipaalam sa girlfriend ang pagdating.
Naabutan niya si Joohyun na nakaupo sa sahig habang nakasandal sa frame ng kama niya, isa sa paborito nilang pwesto kapag magkasama sila sa kwarto ni Seulgi. Nakayuko si Joohyun at nakapatong ang ulo nito sa tuhod.
Nang bumukas ang pintuan, tumingala si Joohyun at nagtama ang kanilang mga tingin.
Tahimik palang umiiyak ang kaniyang anghel. Parang kinurot ang puso ni Seulgi sa nakitang sitwasyon ng girlfriend kaya yung inis niya kanina ay nawala na lang bigla.
"Mahal, anong nangyari?" niyakap niya ito dahandahan. Naramdaman ni Seulgi ang panginginig ng katawan ni Joohyun dahil sa pigil na pagiyak.
'Ito na yung matagal kong iniwasan. Patawarin mo ko, mahal.' sabi ni Joohyun sa sarili.
"Na-natatakot ako, mahal." sabi ni Joohyun na humihikbi.
"Saan, Hyun?" nagaalalang tanong ni Seulgi. Hinahaplos niya ng dahandahan ang buhok ni Joohyun para kahit paano ay maibsan ang bigat sa dibdib na dinadala nito.
"Natatakot akong masaktan kita." niyakap ni niya si Seulgi ng mahigpit.
"Masaktan? Anong ibig mong sabihin?" nakaramdam ng kaba si Seulgi.
"Si Tita Eula. May...sakit siya." said Joohyun in between sobs.
Inantay lang ni Seulgi na ituloy ni Joohyun ang pagsasalita.
"Kailangan niya ng malaking pera para sa operasyon at gamutan." naguumpisa nang lumakas ang pagiyak ng girlfriend ni Seulgi.
Hindi naiintindihan ni Seulgi kung bakit ganito kaapektado si Joohyun sa balitang ito. "Hindi ko naiintindihan, mahal. Anong kinalaman ng sakit ni Tita Eula sa takot mong masaktan ako?" tanong ni Seulgi. Kabado siya sa isasagot ni Joohyun.
"Si lola..." and it hit her. HARD.
'Syempre may kinalaman na naman ang lola mo, Hyun.' sa isip ni Seulgi.
"T-tulong lang si lola kung..." humikbi si Joohyun. Nahihirapan na siyang huminga. "kung makikipaghiwalay ako sa'yo."
Parang binuhusan ng nagyeyelong tubig si Seulgi. Ito ba talaga yung nakatakdang wakas nila ni Joohyun? Kahit ano bang laban nila ay mauuwi rin sila sa ganitong tagpo?
Nagisip muna si Seulgi bago siya nagsalita.
"Yung pera natin, mahal. Ibigay na lang natin kay Tita Eula." nanginginig ang boses ni Seulgi.
Umiling si Joohyun. "Hindi sapat yun, Seulgi." sinubukan ni Joohyun na ipaliwanag kay Seulgi lahat ng nangyari mula sa unang paguusap nila ng tita niya hanggang sa mga bigong paraang naisip nila ni Joy.
Napayukom ang isang kamay ni Seulgi. Bakit ngayon pa nangyari ito na hindi maganda ang lagay ng negosyo nila. Bakit ngayon na kailangang kailangan niya ay hindi siya makahingi ng tulong sa magulang niya.
"H-Hyun...yung kotse ibebenta ko tapos susubukan
Comments