Chapter 26B
Anghel ni Seulgi
"tol, saan na singsing?" tanong ni Lisa kay Seulgi.
"Anong singsing 'tol?" takang tanong ni Seulgi. Kanina pa siya nagre-rehearse ng sasabihin niya kaso naghalo-halo na lahat sa utak niya kaya di na niya naintindihan yung tanong ni Lisa.
"Sobrang kabado mo kasi para kang magpo-propose sa itsura mo kaya hinanap ko yung singsing. Hahaha" asar ni Lisa.
"Taena naman 'tol eh dumadagdag ka pa. Kabadong kabado na nga akooooo."
Bago mag-sunrise nasa Sunken Garden na sila Seulgi para mag-ayos. Di na siya nakatulog mula pa kagabi kaya ang baba rin ng energy niya. Pinaghalong excitement, kaba, at saya yung nararamdaman niya ngayon.
'Ito na, Hyun. Panibagong chapter na tayo ng buhay natin.' sabi ni Seulgi sa sarili.
Tumunog ang ang cell phone niya dahil sa message ni Joohyun.
"Lisaaaaaaaa! Nagtext si Hyun ng good morning. Anong gagawin kooo?" panic na tanong ni Seulgi.
"Wag mo na muna replyan 'tol baka ikaw pa mismo mag-bisto sa sarili mo eh." sagot ni Lisa habang tinutulungan si Jennie at Joy mag set up. Si Wendy naman ay abala sa pagbabantay ng pagkaing dala nila.
"Byul, anong pakana 'to ni Seulgi?" tanong ni Joohyun.
"Hindi ko alam classmate basta sabi niya sunduin ko kayo kasi magpi-picnic kayo nila tita." maang-maangang sagot ni Byul.
"Mama, alam niyo pong susunduin tayo ni Byul?"
"Ha? Ah eh...oo anak. Sinabi ni Seulgi sa akin. Para daw di na tayo mahirapan sa biyahe." palusot ng nanay niya.
Hindi convinced si Joohyun sa mga sagot na nakuha niya kaya nagtext siya ulit kay Seulgi.
1 new message from Soon to be gf
Soon to be gf: Soon, anong meron? bakit mo kami pinasundo kay Byul?
"Tropaaaaaaaa, 'tooooooool! Nagtext ulit si Joohyun. Replyan ko na ba?" nagpapanic na si Seulgi.
"Kang, akin na nga yang phone mo ako na magtatago. Wag mo na replyan." inagaw ni Joy yung phone niya.
Walang na-receive na reply si Joohyun kaya lalo lang siyang na-curious.
"Yeri, kalaro mo ba ate Seulgi mo?" tanong ni Joohyun sa kapatid na busy sa phone niya.
"Hindi ate. Relax ka nga lang diyan. Baka tulog pa yun."
"Anak..." nabaling ang atensyon ni Joohyun sa ina nang magsalita ito. "Gusto ko lang magpasalamat sa'yo dahil napakabait mong bata. Nirerespeto mo pa rin ako kahit na may mga hindi tayo pinagkakasunduan. Patawarin mo ako dahil sa padalos dalos kong desisyon. Mahal ka ni mama kaya gusto ko maging masaya ka na." nakangiti lang si Tita Jean kay Joohyun.
Hindi alam ni Joohyun kung bakit biglang naging seryoso ang ina at kung bakit biglang iyon ang naging takbo ng usapan. Nagtatanong lang naman siya kung bakit sinundo sila ni Byul.
"Mama, bakit po? Hindi ko naiintindihan." tanong ni Joohyun.
Ngumiti lang ang kaniyang ina at niyakap siya ng saglit. Pagbitaw nila sa isa't isa nakita na lang niyang nagpahid ng luha ang ina.
"Ma, bakit po kayo umiiyak?" nagtatakang tanong ni Joohyun.
"Masaya lang ako." matipid na sagot ng ina.
"Seulgi, nagtext na si Yeri. Nandito na daw sila. Magpapark na lang si Byul." sabi ni Joy.
"Jooooy anong gagawin ko? Halaaaa. Naiihi ako teka mag-cr lang ako." akmang aalis si Seulgi pero pinigilan siya agad ni Wendy at Lisa.
"Anak naman ng ano, Seulgi. Mauuna pa si classmate sa'yo makarating dito pag umalis ka." saway ni Lisa.
"Paano pag naihi ako dito, ha?!"
"Gago kinakabahan ka lang. Di ka naiihi. Upo ka na dito." hinila ni Wendy si Seulgi papunta sa maliit na upuan katabi ng naka-set up na picnic area nila.
"Hawakan mo na nga 'to, Seulgi." inabot ni Lisa kay Seulgi ang gitara.
"Seulgi, why are you so nervous ba? You and Joohyun are together naman na diba? Label na lang naman ang kulang."
"Iba pa rin 'to classmate. Pwede akong ma-reject." kabadong sagot ni Seulgi.
"Asa kang irereject ka ni Joohyun. Di ka na papakawalan nun." sabi ni Joy.
"Uy gago malapit na sila." sigaw ni Lisa na umupo na rin siya sa cajon na nasa likuran ni Seulgi. "tol, kaya mo yan signalan mo na lang ako pag magstart na ah."
"Salamat 'tol." sagot ni Seulgi
Comments