Chapter 8
Anghel ni Seulgi
07:55 PM
"Hyun!" masayang bati ni Seulgi pagkadating niya sa store. "may surprise ako sa'yo."
"Seulgi! Ano yun baka kalokohan na naman yan ah?" tanong ni Joohyun sa kararating lang na si Seulgi.
"tadaaaaaa!" May inabot sa kaniyang shoe box si Seulgi.
Curious si Joohyun kaya kinuha niya agad ito. May lamang mga masks, alcohol at bagong purple oven mittens. Sa pinaka-ilalim may nakita siyang nakatuping note. Napangiti si Joohyun dahil gustong gusto niyang nakaka-receive ng letters. Inisa isa naman niyang i-check ang mga laman ng box.
"Seulgi, thank you pero napapagastos ka palagi. You don't have to give me these, magtipid ka please?"
"Hyun, basahin mo yung note." proud na sabi ni Seulgi.
Kinuha ni Joohyun ang note at binasa ang nakasulat:
Hi! Thank you for browsing the items!
Welcome to Seulgi's Sari Sari Shop.
Please see the prices below:
KF94 mask: 58 pesos each
Alcohol: 95 pesos
Oven mittens: 250 pesos
You may only pay in cash.
Kung pwede lang sanang lamunin si Joohyun ng lupa, nagpalamon na siya.
Bae Joohyun! Sino kasing nagsabing mag-assume ka na bigay 'tong mga' to?! Nakakahiya ka! She mentally criticized herself.
"sorry Seulgi! Sorry! Akala ko kasi... Ayaw ko lang na palagi kang napapagastos. Ah ano, wait lang magkano lahat? I'll pay." panic na paliwanag ni Joohyun.
Tawang tawa naman si Seulgi habang halos mabulol na si Joohyun sa paliwanag.
"Hahaha! Hyun! Joke lang kasi 'yan. Check mo yung takip ng box may isa pang note."
Di napansin ni Joohyun na may nakakabit palang envelop sa loob ng takip ng box. Binasa niya ang laman nito:
Miss Marilag,
I bought these with you in mind. KF94 masks para sing-cool ka ng mga k-idols na nakikita ko sa twitter. Alcohol to protect you from Covid and purple oven mittens? Wala lang ang cute kasi eh. Para na rin protection mo sa mainit na mantika kapag nagpiprito ka ng patties. Please let me take care of your hands. I plan to hold them for a very long time. :)
-Kulit
I take it back. Ayoko na pong lamunin ng lupa. Gusto ko na lang pong magteleport sa kwarto ko ngayon para makasigaw ako. Ang sweet. Nakakainis! Joohyun silently prayed.
"Nakakainis ka, Seulgi!" tumalikod na lang siya dahil nagiinit na ang mukha niya. Sigurado siyang halatang halata na ang pagkapula nito.
"Hyun, sorry na. Joke lang yung note ng mga presyo. Never kitang pagbabayarin pero yung letter sa loob ng envelop totoo yun ah." paliwanag ni Seulgi.
Di pa rin humaharap si Joohyun kaya minabuti ni Seulgi na pumasok na sa loob ng store para makita niya ang reaction ng dalaga.
"Hyun, sorry na." mahinang sabi ni Seulgi.
Di naman galit si Joohyun eh tumalikod lang siya para pakalmahin yung puso niya at para makaisip ng isasagot kay Seulgi.
"Hyun..." tawag ni Seulgi sa kaniya.
"Nakakainis ka." nilamukos ni Joohyun yung prank note at binato kay Seulgi. Tumalsik ito papalabas at nalaglag sa kalsada. "Tuwang tuwa ka talagang inaasar ako eh!" nag-fake na lang siya ng pagkainis para hindi mahalata ni Seulgi na namumula siya.
"Ang cute mo kasi maasar eh. Pero totoo yung letter ah? Hindi yun pang-aasar."
"Thank you Seul pero please wag ka ng gumastos? Pandemic ngayon kailangan natin magtipid kasi di natin alam anong mangyayare bukas."
"Opo. De-delete ko na Shopee app sa phone ko. Peram walis ah nagkalat ka kasi eh sumbong kita sa baranggay." turo ni Seulgi sa crumpled paper na nakakalat sa kalsada.
Bukod sa tumalsik na note ay madami pang kalat na sandwi
Comments