Chapter 35B
Anghel ni SeulgiWednesday.
"Lisa, malaman ko lang na maayos ang lagay niya okay na ako. Please tell me she's safe?" worried na tanong ni Joohyun.
"Classmate, wag mo na alalahanin yun. Papasok din si Seulgi. May kailangan lang siyang gawin." sagot sa kaniya ni Lisa.
"Pero okay lang ba siya?" malungkot na tanong ni Joohyun.
"Ha? Ah okay lang naman siguro yun."
Wala na naman siyang nakuhang definite na sagot kung okay lang ba si Seulgi.
'Kasalanan ko lahat' to.' Joohyun told herself.
Kinakain na siya ng guilt at lungkot dahil sa naging epekto ng ginawa niya sa kanilang dalawa.
Thursday.
Araw na naman ng clinical duty nila sa bulacan. First time ni Joohyun na pupunta dito by public transport kaya inagahan niyang umalis ng bahay. Umaasa rin siyang aabutan niya si Seulgi doon. Balak niyang kausapin ang ex-girlfriend para kumustahin at humingi ulit ng tawad. Obviously, yung break up nila hurt them both mentally and emotionally.
Dumating siya ng tanghali sa ospital. Dali dali siyang pumasok sa loob ng student lounge na pinags-stayan nila kapag may duty sila doon. Wala halos lahat ng groupmates ni Seulgi except kay Taemin.
"Bakit ang aga mo pumasok, Joohyun?" bungad na tanong sa kaniya ni Taemin.
"Nag-commute lang kasi ako papasok di ko pa natantsa traffic papunta dito." sagot niya pero nakatingin siya sa may pintuan at inaabangan si Seulgi.
Napansin ito ni Taemin. "Sino hinahanap mo? Si Seulgi ba?" confused na tanong ng lalaki. Di pa kasi alam sa buong klase ang break up ni Joohyun at Seulgi kaya palaisipan kay Taemin kung bakit parang hindi alam ni Joohyun kung nasaan ang dalaga.
"Ah...oo. Pumasok na ba siya?" tanong ni Joohyun.
"Bakit di mo alam? Nag-away kayo?" biro ni Taemin pero nagsisi siya agad sa biro dahil nagiba ang expression sa mukha ni Joohyun.
"Sorry...bad joke. Di siya pumasok eh. Ang alam ko hanggang bukas di siya makakapasok. Narinig ko yun yung sabi ni Byul kay Ms. Lee kanina." bawi ni Taemin.
"Narinig mo ba kung bakit hindi makakapasok si Seulgi?" desperate na si Joohyun malaman kung anong lagay ni Seulgi kaya kahit na kay Taemin ay nagtanong na siya.
"Hindi eh basta may inabot lang si Byul na white envelop kay Ms Lee tapos binasa niya yung laman tapos ayun tumango lang sa kanila si Ms Lee."
Friday.
Buong linggong hindi makatulog ng maayos si Joohyun. Hindi rin siya makakain ng matino dahil bawat subok niyang kumain naalala niya si Seulgi. Yung mga texts nitong nagreremind sa kaniya na wag magpalipas ng kain, yung mga surprise food delivery ni Seulgi para sa kaniya, yung mga spontaneous date nila na kakain lang sila ng kakain,
Comments