Chapter 33A
Anghel ni Seulgi"Joohyun, iniiwasan mo ba ako?" tanong ni Tita Eula kay Joohyun.
Nagulat si Joohyun sa biglaang pagsulpot ng nanay ni Tiffany paglabas niya ng gate ng bahay nila. Pupunta sana siya sa cafe para surpresahin ang girlfriend kaso di niya expected na pupuntahan siya ni Tita Eula.
"Hi-hindi po, Tita. Busy lang po ako sa school." depensa niya.
"Kailangan ko pa bang magmakaawa sa'yo? Sa lola mo lang ako makakahingi ng tulong kaya sana naman pagbigyan mo na ako. Ayaw kong abalahin ang mag-ama ko. Sana naiintindihan mo."
Tahimik lang si Joohyun na tinatanggap lahat ng sinabi ng tita niya.
"Hindi ka siguro naniniwala ano? Ano bang tingin mo? Kaya kong magpanggap na may sakit para lang sa pera?" napalunok si Tita Eula dahil sa sinabi niya. Naisip niyang kornerin si Joohyun sa ganung paraan para mas mukhang makatotohanan ang pagpapanggap niya.
Nagulat si Joohyun. Aaminin niyang sumagi sa isip niya ang ganun bagay o baka naman hindi ganun kalala ang sakit ng tita niya at kaya pang mag-antay hanggang sa makagawa siya ng paraan.
Balak niya sanang ibigay kay Tita Eula yung ipon nila ni Seulgi. Mahigit isang taon na rin nilang pinagipunan iyon. Naisip
niyang baka sa kaling sapat na yun para hindi na umabot sa puntong kailangan niyang mamili.
"Tita, hindi po ganun. Inisip ko lang po na baka makatulong na sa inyo yung ipon namin ni Seulgi. Alam ko pong hindi sapat yun." napapikit na lang si Joohyun. Sa takbo ng usapan nila sigurado na siyang hindi tatanggapin ni Tita Eula ang alok niyang tulong.
"Ipon?" natawa si Tita Eula. "Ito. Ikaw na lang mismo ang magtantsa kung kakasya yang sinasabi mong ipon." inabot kay Joohyun ang isang brown envelop.
Nang buksan ni Joohyun iyon, tumambad sa kaniya ang ang mga diagnostic results, handwritten recommendation for an invasive procedure, at request for biopsy. May mga reseta rin ng gamot na kailangang inumin ng kaniyang Tita.
Right then and there, gusto nang maiyak ni Joohyun.
'Gusto ko lang naman maging masaya pero bakit napakahirap?' Joohyun thought.
"Kausapin mo na lang ako pag nakapag desisyon ka na." tumalikod ang tita niya at naglakad papalayo.
Napaupo na lang siya dahil nao-overwhelm na siya sa bigat ng desisyong kailangan niyang gawin.
"Joo?! Napano ka? Bakit ganyan itsura mo?" panic na tanong ni Joy pagbukas niya ng gate nila.
"Joy..." mangiyak-ngiyak na sagot ni Joohyun.
Pagpasok nila sa kwarto ni Joy ay napaupo na lang si Joohyun sa sahig. Hindi na niya kinaya ang bigat ng nararamdaman at napaluha na lang. Mga luhang kanina pa niya pinipigilang dumaloy.
Pagtapos kumalma ni Joohyun ikinwento niya lahat kay Joy ang nangyari. Pati na rin ang desisyon ni Joohyun na wag sabihin sa ina at sa girlfriend.
"Hindi ko maintindihan, Joo. Bakit ayaw mong ipaalam sa kanila?"
"Nung una akala ko kasi kaya kong gawan ng paraan. Medyo binalewala ko rin dahil ang akala ko hindi ganyan kalala yung sitwasyon." pag-amin ni Joohyun.
"Ibig mong sabihin di ka pa naniwala kay Tita Eula nung una?"
"Yung pagkakasabi niya kasi sa akin parang di siya sigurado kaya hindi agad ako naniwala."
"Tawagan natin yung ospital. Baka pwede natin i-verify yang mga yan." turo ni Joy sa mga papel na hawak ni
Comments