TzuGi Moments = Selos Moments

That Thing Called PAG-HANGA
Please Subscribe to read the full chapter

 

‘Look at this stuff, isn’t it neat? Wouldn’t you think my collection’s complete?’

 

‘Wouldn’t you think I’m the girl? The girl who has everything.’

 

 

Juice colored! Patawarin, nag-duet na naman ang dalawang hunghang. Mag-iisang linggo na ng ma-LSS etong si Oso sa “Part of Your World” yung OST ng Little Mermaid.

 

Noong una cute eh, at galak na galak kami ni Baklas para sa kanya, kasi may hidden talent din pala ‘to sa pagkanta.

 

Kaso mo mag-1 week na mula nung napag-tripan niya ang kantang ‘to. At para siyang naging pirated CD kaka-ulit. Petmalu pa nung nagka-laon kasi yung monologue na “Maybe he’s right. Maybe there is something the matter to me…” sa simula feel na feel pa nyang uulit-ulitin yun sa harap ko with feelings.

 

Pero sino ba yung kasagutan netong si Seulgi at ganadong-ganado ang loko sa pag-kanta neto?

 

Uy hindi ako ah. Supportive ako pero nasa tamang katinuan pa ko para patulan yung mga ganitong paandar ni Seulgi.

 

 

“Uy nakalimutan mo yung maybe he’s right!’ Pag-puna netong si Tzuyu kay Oso sabay tabi neto sa kanya.

 

“Ay oo nga!” pag-tugon naman netong si Oso at ginawa pang mic yung ballpen kong may design na soccer ball na nabili sa Divisoria.

 

“Maybe he’s right. Maybe there is something - “

 

“Adik mo, nagsusulat ako eh!” Pag-hatak ko sa kamay ko. Oo gamit ko kasi yung ballpen at malamang sa alamang mahahatak na naman ako sa kaharutan netong si Oso.

 

“Hala, jelly-ace ka ba Bae?” pa-andar netong si Oso sa akin sabay lapit ng mukha niyang mukhang stuff toy sa mukha ko.

 

“Bakit naman? Ang gulo mo kaya!”

 

“Hala sya, gelatin nga si Bae Joohyun!” sabay grab ng mukha ko at squeeze dito. “Wag ka mag-alala ikaw naman first love ko!”

 

Ay gagi ka talagang Oso ka. Bitiw pa more ng mga kalandian mo…hindi mo alam baka may sumeryoso. AKO.

 

 

-----

 

Sa previous chapter tanong ko kung papano nga ba nadagdag sa barkadahan namin si Zhou Tzuyu. And in this chapter sariling sikap ko na rin sasagutin yung tanong ko.

 

Sabihin niyo sadista ‘tong si Joohyun, talagang ikukwento niya pa yung mga karibal moments niya kay Oso.

 

But oh well papel, pansin ko kasi na tradition yata kapag SeulRene tagalog fic na kaagaw ni Bae at some point ang alien na ‘to. Kaya kahit napaka sakit Kuya Eddie na lang ang dramahan ni Bae. Pipilitin na lang niya para matiwid ‘tong chapter na ‘to.

 

 

 

It all started nung second year 1st sem at more than 1 week pa lang ang lumipas since nag start ang pasukan. Organic Chem lab noon at grouping na naman ang usapan.

 

As usual etong Seulgi talagang hanap ng matalino para sa ika-uunlad ng ekonomiya at grades niya. Well, meron naman kaming dependable Son Seungwan na sandigan pero kasi group of five etong requirement. Bale Bae Joohyun, Son Seungwan, Kang Seulgi at Suho Kim na ang line up. Cutting classes ang gunggong na Jackson kaya grumupo sa amin etong si tisoy na hilaw at Yooa and Somi grouped with another set of peeps.

 

“Apat na tayo, isa pa.” usal ko kay Seungwan at Suho.

 

“Cutting si Jack, bahala sya sa buhay niya.” sagot netong mestisong hilaw.

 

 

“Uhm, guys meet my new friend Zhou.” Biglang bungad sa amin ni Seulgi out of nowhere matapos siyang mag roam around sa buong klase para maka-hanap ng matalino.

 

“EH!?!?” laking gulat ko. Hayup kang Oso ka, effort mong umakbay 3-inches ang tangkad niyan sa’yo. Magka-kulani ka sana sa kili-kili!

 

“Ay oo nga pala, nabalitaan ko nag-transfer sa FEU si Chaeyoung…si Dahyun naman nasa CTHM (College of Tourism and Hospitality Management) na!” bungad netong si Baklas. “Sige wag ka mag-alala Zhou, hindi ka mangungulila sa piling namin!”

 

At mula nung araw na ‘yun nakasama na sa circle of friends namin si Zhou. At nagkaroon na ko ng kahati sa puso ni Kang Seulgi.

 

 

 

Maganda, matangkad, morena, maaasahan, medyo athletic at smart din ‘tong si Yoda. Noong una hindi maka basag pinggan kaso nung nagka-laon lumabas na rin yung kulo ng loka.

 

Sabi nga ni Jackson at Suho, ayan na yung kabaliktaran mo Joohyun. OO NA BOYS! Ako na yung bihirang maarawan, hindi katangkaran at malamya sa barkada…yung tipong 50 steps pa lang ang naitatakbo sa soccer field pinupulikat na.

 

 

 

Lang hiyang memory sa P.E. football namin yan oh. Ni hindi nga na-touch ng heel ko yung soccer ball pinulikat na ko. Masaklap nun napatili pa ko ng parang nana.

 

“SEULGI, SEUNGWAN. HELP!!!”

 

“ATHLETIC KA TALAGA BAE!” usal ni Oso.

 

“Star player namin oh. Buwis buhay yan!” isa pang kupal ‘tong si Seungwan sa pagmamayabang ng nangyari sa akin sa mga classmaes namin.

 

 

 

So going back kay Tzuyu na total opposite ko…oh well…as far as I hate to say this. Her personality complements Seulgi’s very well.

 

-----

 

 

Magkasundo sa music taste, rich kids, health enthusiasts…ganyan sila madalas. Yung mga bagay na pinipilit kong sakyan kasi alam kong trip ni Seulgi, meron niyan lahat kay Zhou Tzuyu. Ang masaklap nun, kaya rin ni Tzuyu sumayaw…oh well hindi kasing galing ni Seulgi pero carry niyang sumabay after few tries. Something that was really bothersome for me at dapat kong ika-threat kasi passionate si Oso sa pag-sayaw.

 

Meron pa yung sa kalokohan. Kung naaalala niyo yung mga panahon na nahilig ang mga pinoy sa pag gawa ng Tagalog version ng mga hit songs noon tulad ng Umbrella ni Rhianna na “Payong”, Clumsy na “Lampa” ni Fergie at yung nakakalokang tagalog version ng Bleeding Love na “Sugat sa Puso”…+@ng !n@ lang talaga nila minsan pareho, hindi namin alam kung saan nila nakukuha yung confidence na sumayaw-sayaw na lang bigla sa classroom at magkakakanta ng ganito.

 

Minsan napikon na nga si Jackson sa dalawang ‘to, gentleman ang unggoy pero mananakit na daw siya ng babae for the first time dahil sa harot netong dalawa.

 

“Oooh, wag na ko intindihin pa…ayos lang ako wag kang mag-alala~” feel na feel na pagkanta ni Seulgi.

 

“Hindi na ako muling luluha pa ~” pag-second voice netong si Tzuyu with feelings and very familiar pa yung tono dahil nung mga panahon na yun sikat na sikat yung kantang yung ni Ne-yo.

 

 

“Ay hala sila!” gulat netong si Seungwan na kasalukuyang tinuturuan sa Physics assignment si Jackson.

 

“Saktan ko na ba Wannie?” nag-taas na ng sleeves si Jackson.

 

Habang ako at si Suho tawa lang ng tawa.

 

“Ano na naman yang kinakanta niyong dalawa, huh?” ani Suho.

 

“Go on Girl.” sagot netong si Yoda.

 

“Ay bruh, Ne-yo daw oh!” pang-aalaska ni Suho kay Jackson na alam naman ng lahat na idol sina Chris Brown, Usher at Ne-Yo.

 

“Ano?!?” hindi pa makapaniwalang reaction ni Jackson.

 

“Go On Girl daw, Tagalog version.” Pag-ulit ko sa sinabi ni Suho sabay tawa ko.

 

OH MY FREAKING ASDFGHJK! Sumabog na ‘tong si Wang at pasugod na inapproach yung dalawang ugok na patuloy sa jamming.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
_m3owrene
1023 streak #1
Chapter 4: Nakakamiss ung kulit ng tatlong itlog 🤣
dreamwityou #2
Chapter 21: Hinanap ko talaga uli tong fic na to. otor bekenemen hehe
gomtokkim
2142 streak #3
Chapter 21: Di ko napansin yung update peri thank you authornim<3
brdfillet #4
Chapter 21: late nabasa pero yesss may update! miss ko nang kiligin haahahaha thanks authornim ingat po kayo lagi!
Hyun_Seul
#5
Chapter 21: Sanaol may neurosurgeon nga naman
Hyun_Seul
#6
Chapter 20: Successful search ops na ba to? Lol
Hyun_Seul
#7
Chapter 19: Sobrang lupet nitong story, author-nim. Shame that I've only seen this recently. Sana always safe ka din. :) matatapos din tong pandemic!
chocochipc00kie
#8
Chapter 21: Woooow may update!!! Salamat sa update!!!
Lagyan na ng slowburn tag ito. Charot 😂
rish08 #9
Chapter 21: Pigil na pigil ung kilig Hyun? Haha.. sige kung san kayo masaya hihintaying nlng namin na magkaaminan na hahaha
ohyeah12 #10
Chapter 21: Ang tagal tagal na nilaa pls huhu wala na humadlang parang awa nyo na