Waiting Game

That Thing Called PAG-HANGA
Please Subscribe to read the full chapter

December 12,2019

"Hindi kita dinaanan dito, I'm with my workmates mag-Samgyup kami sa Romantic Baboy kasi. Actually, nautusan kami ng seniors na magpa-reserve now Hyun."

"Ah ganun ba?" Medyo pahiyang ngiti ko sa babaeng kasama ni Oso. "I mean kasi di ba sa likod ng SM yung Romantic Baboy so bakit dito kayo sa Jose Reyes dumaan?"

"Hmm, short cut? Ito yung pinaka madaling lagusan eh." Flat out na sagot ulit sa akin nitong si Oso.

 

More than two weeks na eversince nagka-initan kami ng ulo nitong si Seulgi. Jammed yung schedule ko, nag-sabay yung Christmas related programs na dapat akong mag-participate sa usual hospital routine ko at dahil dun puro naging drawing ang plans namin ni Oso.

 

"Uh...ahh...ganon ba?" Di ako maka-sagot. Ramdam na ramdam ko yung tension na bi-nrought up niya.

"Oo...bye Hyun." Wala ng kung ano man, umalis na sya kasama ng workmate niya. Ni hindi man lang niya ko pinakilala.

Mula yata nung nagka-kilala kami mabibilang ko lang sa daliri ko yung moments na nag-bangayan kami nitong si Seulgi. Sa aming dalawa ako yung pikunin at sya yung tipong easy lang sa mga bagay-bagay at matagal bago sumabog. Yung tipong wala kang clue kung galit na sya o carry nya pa yung situation. Pero the moment na sya na yung mapuno finish ka na.

Nakita ko na 'to ilang beses na, hindi lang ako yung taong wino-walkoutan niya. Ganitong ganito yung mga cold outro niya sa mga naging ex niya.

That moment, nangilid yung luha ko. Pero pati yung pag-iyak na 'yun di ko talaga naituloy. Andun din yung iba kong seniors. As usual, marami pang gagawin si Doktora Bae.

 

 

December 28,2019 - 11:55pm

"Uy sorry, mukhang hindi tuloy yung Samgyup natin Seul, nag unstable bigla yung spina bifida case namin. Sobrang maselan, Pedia case eh."

Ito yung mga oras na pagod na pagod na ako, bukod sa mag 12 midnight na at quota na ko sa pamamasyente maghapon kahit gabi mas nakaka-drain yung feeling na baka mapuno ko na naman yung salop ni Seulgi. Nangyari na less than a month, ayoko ng umulit kasi ayoko sya mawala.

"Okay."

Nako naman, ito na nga ba sinasabi ko eh. Ano ba? May part-2 ba yung cold war natin?

Hindi na ba ko si best friend mo?

Pag-papalit mo na ba ko sa mas madalas mong nakakasama ngayon?

Ang childish ng tumatakbo sa isip ko. Pero...pero ito talaga yung bagay na kinaka-takutan ko.

"Sorry. Sana maintindihan mo na may two years pang magiging ganito yung takbo ng buhay ko. Kahit seniors ko puro cancel lang ng cancel ang mga lakad e."

"Nag-papahintay ka ba?"

"Huh? Seulgi, hindi...hindi pa ako makaka alis ngayon. I mean nasa gitna pa ko ng operation. After nitong tawag, papasok na ko sa OR ulit."

"No, I mean nagpapahintay ka ba? Two years?"

Nag-lag ako ng bahagya, akala ko insisting sya na matuloy yung lakad namin. Iba palang klaseng pag-hihintay yung tinatanong nya.

 

Seulgi kaya mo ba? Kasi ang dasal ko, sana.

"Kaya mo ba?"

"Hmm...???"

"Mahihintay mo ba ko Seulgi?"

"Okay."

"Anong okay?" Tanong ko pabalik sa kanya. Paano kasi yung tonong flat at yung sagot na matipid ayun yung familiar tone ni Seulgi whenever she's on a brink of break up. Her tone when she ended her past relationships with her EXes.

"Okay na hintayin kita."

"Hindi ka upset sa'kin?"

"Upset now... but I'll still wait for you."

 

Kung magpapa-ECG ako at that very moment, baka pagkamalang naka-epinephrine drip ako sa sobrang erratic ng tibok ng puso ko. Sobrang akala ko mapupunta na naman sa away yung usapan. But thank God it's the other way around.

"Seulgi, sorry..." ang dami ko pang gusto sabihin sa kanya. Alam ko responsibility ko ipa-intindi sa kanya na since pinili ko itong Neurosurgery oras ko para sa kanya yung mawawala.

"Sige na, pasok ka na ulit sa loob ayaw kita mapagalitan ng seniors mo. Dadaan-daanan na lang kita dyan pag maluwag ka." Hindi na nya ko pinatapos sa sasabihin ko.

"Kung matapos ako ng mga bandang 3:30am, tawagan kita agad Seulgi."

"No, no...itutulog mo na yun. Dalawang araw ka ng walang tulog eh."

"I mean, kung kaya naman-"

"Sabi ko naiintindihan ko. Pag mahal mo kahit parang ang unfair...iintindihin mo. Sige na, I'll hang up na."

 

Nung natapos yung call, nangilid yung luha ko. I cannot help myself but to feel bad with my current situation. I see why my seniors most of the time ended up with their colleagues, at marami-rami din yung pinili na lang maging single kahit late 30s and 40s na sila. Literal na kung di strong yung relationship niyo ng partner mo, malamang sa break-up mauuwi. Sasaludo na yata ako dun sa mangilan-ngilang boyfriend/girlfriend or asawa nila, yung madalas mga nakakatulog na naghihintay sa waiting shed or benches ng mga ward na wala namang binabantayang pasyente, sobrang tyaga nila sa mga partners nilang doctor na tulad ko. Reality yung break ups pag dating sa med.

Pero sana, kasama kami ni Seulgi dun sa opposite side nung general population.

 

Teka wait..."Pag mahal mo kahit parang ang unfair...iintindihin mo?"Did Seulgi just confessed to me?

 

 

January 01,2020 (12:45am)

Ito yata yung pinaka-malalang New Year ko sa tanan ng buhay ko at ipinagdarasal kong di ko na danasin ulit sa natitirang life span ko, bida na naman ang Jose Reyes at mga staffs Mang Jose sa dami ng mga naputukan. Noong bata-bata pa ako, akala ko exciting yung ER dramas, yung tipong unli yung mga pasyente katulad nung mga ganito. Hay, netong naging first hand experience ko na ang sabi ko na lang kay Lord pabilisin yung panahon gawin Niya na kong consultant, na sa ibang kasamahan ko na lang yung mga compliments na magaling at matalino basta ako may kamang malambot at mahimbing ang tulog.

Oo, 'life span' yung term ko tama ka ng basa. Sa dami ng mga gabing mulat na mulat ako Cobra - yellow, green, red, Sting, Red-Bull at Samurai na nilalaklak ko para lang maging mulat sa araw-araw kong duty pakiramdam ko maswerte na ko pag umabot pa ko ng 70+ years old.

 

From: Seulgi (12:00am)

'Happy New Year Joohyun, I'm praying that you'll come out strong there in Jose Reyes. I'll always be here for you like how you're used to. '

 

From: Joohyun (2:35am)

'Sorry sa late reply. Happy New Year Seulgi :))) Thank you sa lahat esp.sa pagiging matyaga. Wag ka mag-sawa sa'kin please?'

Nilakasan ko na yung loob ko. Ayun naman talaga yung kinakatakutan kong mangyari. Nag give-up na nga yung ibang mga barkada namin at pamilya ko sa kakabisita sa akin eh.

 

From Seulgi (8:30am)

I may easily get used to so many things. Ginawan ko pa nga ng paraan para isang pader na lang yung boundary natin di ba?

 

Totoong isang pader lang ang pagitan ng workplace namin ni Seulgi, ako sa balwarte ni Mang Jose habang siya naman sa San Lazaro na konektado ng isang eskenita kung saan tinatambak yung mga lumang hospital equipments ng mga nabanggit kong ospital. So may other motive pa pala si bear bukod sa pagiging permanent government employee dun.

 

Hindi ko mapigilan mangiti.

 

Ang ganda ko naman.

 

From: Joohyun (9:10am)

What do you mean by that?

 

From: Seulgi (9:30am)

Di ko magagawa yung mag-sawa.

 

Hindi ako man hilig tumingin sa horoscope at mga bituwing gabay eh nagawa ko 'yun for being hopeful dun sa huling reply ni Seulgi sa akin.

 

Hindi pa rin kami nagkaroon ng opportunity magkita ng Oso for the first week of January. Mabuti na lang madalas na kaming mag-text at tawag, pero deep inside napaka kulang nun. Lakas lang maka-LDR ng vibes kahit isang pader lang ang pagitan namin.

 

January 09,2020 (6:30am)

“Doctor Zhang at Bae, pagkatapos ng morning rounds pull-out kayong dalawa. Gawin niyo muna yung 2020 PDS niyo kung ayaw niyong masipa dito sa Mang Jose ng di oras. Before 2pm bago tayong mag group rounds sa hapon ipasa niyo sa HR ah.” Pag papa-alala sa amin ni Chief Resident Kim.

“Yes po doc.” Kunyaring nahihiya kong sagot sa senior namin.

Agad naman akong napansin ni Yixing sa pag-ngisi ko pagka talikod na pagka-talikod sa amin ni Chief Res.”Uy, loko ‘to ah, mukhang pumaparaan kang maka-labas Bae ah.”

“Bakit ikaw rin naman ah, ipu-pull out magkaka-free time.” Pag-tatanggol ko sa sarili ko. “Basta tapusin natin morning rounds ng saktong 10 ah.”

“Mukhang may balak kang sulitin Joohyun ah.” Buwelta sa’kin nitong si Yixing. “Ako kasi konti lang ie-edit ko sa PDS ko nung 2019 pwede nay un pang 2020, babalik agad ako.”

“Choice mo yan, basta ako ico-consume ko yung free time until 2.”

Bahala na talu-talo na ‘to. Kelangan ko ng free time. Hindi na nga free day ang hinihiling ko eh.

At agaran kong minessage si Seulgi regarding dito.

From Joohyun (8:15am)

‘Seulgi, may free time ako today. :)))’

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
_m3owrene
1023 streak #1
Chapter 4: Nakakamiss ung kulit ng tatlong itlog 🤣
dreamwityou #2
Chapter 21: Hinanap ko talaga uli tong fic na to. otor bekenemen hehe
gomtokkim
2142 streak #3
Chapter 21: Di ko napansin yung update peri thank you authornim<3
brdfillet #4
Chapter 21: late nabasa pero yesss may update! miss ko nang kiligin haahahaha thanks authornim ingat po kayo lagi!
Hyun_Seul
#5
Chapter 21: Sanaol may neurosurgeon nga naman
Hyun_Seul
#6
Chapter 20: Successful search ops na ba to? Lol
Hyun_Seul
#7
Chapter 19: Sobrang lupet nitong story, author-nim. Shame that I've only seen this recently. Sana always safe ka din. :) matatapos din tong pandemic!
chocochipc00kie
#8
Chapter 21: Woooow may update!!! Salamat sa update!!!
Lagyan na ng slowburn tag ito. Charot 😂
rish08 #9
Chapter 21: Pigil na pigil ung kilig Hyun? Haha.. sige kung san kayo masaya hihintaying nlng namin na magkaaminan na hahaha
ohyeah12 #10
Chapter 21: Ang tagal tagal na nilaa pls huhu wala na humadlang parang awa nyo na