"Lysol"

That Thing Called PAG-HANGA
Please Subscribe to read the full chapter

Masaya ang February 14 ko, Blue Rose? Ano kaya ‘tong bigay ni Seulgi na ito? Ang daming kulay ng roses pero itong color yung pinili niya.

 

“Seul, saan mo naman ‘to nakuha? Tsaka blue talaga?” Pag tanong ko sa kanya habang naglalakad kami pauwi ng apartment ko noon galing Jose Reyes.

 

“Ah, ay sa Dangwa nakita ko lang kaya binili kita, nagandahan ako sa color eh.” Sagot nito sa akin. Mabigat ang bag ng laptop at tablet ko ng gabing ‘yun dahil dala ko ang Mims at Youmans ko at halatang halatang pagod sya sa duty nya sa San Lazaro dahil hinahanda na nila ang medical facility nila sa pasyente na may COVID-19.

 

“Alam mo ang haggard mo today. Halatang ang dami niyong ginawa ngayon dapat dumiretso ka na ng uwi.” Pag-puna ko sa mukha niya habang kinukuha ko yung bag ko sa kamay niya.

 

“Hindi pwede, From duty ka ngayon eh, dapat susunduin kita. Dapat mag-didinner tayo ngayon kasi February 14 ngayon.” Tugon nya sa akin sabay sukbit ng bag ko sa likod nya para di ko na maagaw.

 

“Pagod ka na Seulgi eh.”

 

“Mas pagod ka, kaya okay lang.”

 

 

Nung gabing yun nag-Grab food lang kami ng sa apartment ko. Umuwi rin sya ng midnight, reasoning out na hindi ako makakatulog ng maayos dahil magdadaldalan lang kami mag-damag.

 

Actually, I wasn’t really able to sleep tight that night kahit pagod na ang katawang lupa ko kakaisip kung bakit Blue Rose, out of all the colors na available sa Dangwa.

 

Google Search:

Blue Rose - signifies true love, associated with the unattainable. A blue rose can mean unreachable, unattainable or unrequitted love.

 

Hindi yun sa ganun Seulgi, hindi yun ganun.

 

 

 

Pag tapos ng February 14, medyo dumalang lalo ang pagkikita namin. Swerte na yung tumatawid siya sa sikretong lagusan ng Jose Reyes OPD mula San Lazaro, madalas may dalang turon o banana cue. Mukhang panghimagas ni Seulgi tuwing nagtatanghalian sya.

 

Meron pa ngang mga pagkakataon na dadaanan niya ako upang kumaway lang. Walang isang minuto yun. Hindi pa lumalapit pag nakita nyang busy ako sa pamamasyente.

 

To Seulgi:

Bakit di ka lumalapit? Baliw!

 

To Hyun:

Busy ka eh, okay na yun nakita naman na kita.

 

 

Hindi kasi okay sa akin yun. Alam kong busy ka rin ngayon. Pero nami-miss na din kita.

 

 

Dumating ang March, hindi ko naman alam na bubungad ang lintik sa akin sa buwang ito. Una, nag-red alert sa paligid. Sikat ang San Lazaro at DOH kung saan pinagigitnaan kaming Jose Reyes. Nonstop at nakatambay na ang mga sasakyan ng media. Panay pressconference, at panay din ang lock-down ng San Lazaro.

 

Hindi ako mapakali sa lagay ni Seulgi. Ang hirap ng precautionary measures ng sinasabi nilang bagong pandemic. Kahit akong tiga dito sa kabilang ospital ramdam ko yung pagiging delikado nya dahil unti unting pinupull-out ng mga school ang Clerk Doctors nila. Pahirap ng pahirap ang duty ko at hindi na rin maiwasan na magkasakit ako.

 

 

March 6, 2020

 

Pangatlong araw na ng lagnat ko, may ubo na rin ako. Niresetahan ko na rin ang sarili ko ng antibiotic. Pero ang bagal ng recovery ng katawan ko. Mahaba na yung makatulog ako ng tatlong oras. Tagang taga na rin ako sa mga duty ko dahil wala na rin akong aasahang mga junior na pwede kong mautusan.

 

At dahil nga galing sa China ang virus at half-Chinese ako medyo hirap rin ako mamasyente dahil nagiging maselan ang mga tao.

 

Pero keber ko naman sa opinion nila sa akin. Basta wag nila ko duduraan habang pinapasyente ko sila. Okay lang.

 

 

To Hyun:

San ka ngayon? Nag duty ka pa rin ba? Nilalagnat ka na eh.

 

To Seulgi:

Patient rounds, sa pedia ward. Kaya ko pa Seulgi. Wala akong choice.

 

To Hyun:

Papunta ko dyan. Nabili ko na yung antibiotic mo for the last 4 days. Nag dala din ako ng surgical mask at N95. Di ka na dapat nagra-rounds ng hindi ka naka mask mahirap na ngayon.

 

To Seulgi:

Paano mo nabili anti-biotic ko? Hindi ko naman pinakisuyo sayo, kahit prescription di kita binigyan?

 

To Hyun:

Friendly ako di ba? Kadikit ko yung mga Consultant dito sa SLH kaya nakabili ako. Fourth floor yang pedia di ba?

 

To Seulgi:

Oo, 4th floor Seul. Pero umiikot kami, hindi kita maaasikaso.

 

To Hyun:

Mag-aabot lang naman ako sa’yo eh. Aalis din ako agad.

 

 

Tatlong box ng surgical mask, walong piraso ng N95, isang litro ng alcohol, 12 pcs ng Co-amoxiclav (good for 4 days) at isang fully-loaded meal ng KFC. Literal na inabot lamang ni Seulgi ang mga iyon sa akin habang pinag mamasdan nya akong tumitingin ng mga pasyente ko ng hapon na iyon.

 

Walang kahit ‘Hi’ or ‘Hello’, alis sya kaagad.

 

Nakakalungkot yung mga ganitong tagpo namin these past few weeks. Kasi mas gusto ko pa syang makasama ng mas matagal.

 

To Seulgi:

Bakit ka umalis agad? Sabi mo delayed ang sweldo mo? Bakit ang dami nito?

 

To Hyun:

Kailangan mo eh, di naman kita mabantayan ngayon palagi. Dapat gumawa ako ng paraan para alam kong safe ka palagi.

 

Sabi ko nga, kaya kahit since 2009 akong nag-tatago ng nararamdaman ko para sa’yo hindi ko pa rin sya ma-set aside.

 

 

At dumating yung time na ni-lock down na yung inner gates na nag-coconnect sa DOH, San Lazaro Hospital at Jose Reyes. Intense na daw kasi ang admission ng COVID-19 patients sa Sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
_m3owrene
1023 streak #1
Chapter 4: Nakakamiss ung kulit ng tatlong itlog 🤣
dreamwityou #2
Chapter 21: Hinanap ko talaga uli tong fic na to. otor bekenemen hehe
gomtokkim
2142 streak #3
Chapter 21: Di ko napansin yung update peri thank you authornim<3
brdfillet #4
Chapter 21: late nabasa pero yesss may update! miss ko nang kiligin haahahaha thanks authornim ingat po kayo lagi!
Hyun_Seul
#5
Chapter 21: Sanaol may neurosurgeon nga naman
Hyun_Seul
#6
Chapter 20: Successful search ops na ba to? Lol
Hyun_Seul
#7
Chapter 19: Sobrang lupet nitong story, author-nim. Shame that I've only seen this recently. Sana always safe ka din. :) matatapos din tong pandemic!
chocochipc00kie
#8
Chapter 21: Woooow may update!!! Salamat sa update!!!
Lagyan na ng slowburn tag ito. Charot 😂
rish08 #9
Chapter 21: Pigil na pigil ung kilig Hyun? Haha.. sige kung san kayo masaya hihintaying nlng namin na magkaaminan na hahaha
ohyeah12 #10
Chapter 21: Ang tagal tagal na nilaa pls huhu wala na humadlang parang awa nyo na