"Yolo"

That Thing Called PAG-HANGA
Please Subscribe to read the full chapter

Kayo ba yung tipo ng mga batang pinalaking sheltered? Yung kahit lumampas na ng high school at college ang turing sa'yo ng magulang mo teenager pa rin. Yung tipong 8pm pa lang ng gabi at mga 8:30pm ka dumating ng bahay nakikita mo ng umuusok ang butas ng ilong ng nanay o tatay mo. Kung isa kang sheltered kid I am waving at you. Hello! Katulad mo ako.

 

I am already 26 years old, almost 27 few months from now. Parties and sleep overs, once or twice ko lang yata yan nagawa sa entire stay ko sa USTe. Once lang din ako pumunta ng isang beer-pong party ako pa ang KungFu (Kung Fumulutan - kabarkadang umuubos ng pulutan at di tomotoma). Sleep over na once or twice lang din, once kanila Baklas at twice kanila Oso at never sa ibang barkada, 8pm impunto ang uwi sa bahay kundi tulog ka sa labas ng gatedahil ni-lock na ni dadi Bae. Yung ngang unang night duty ko sa San Lazaro akala ng dadi Bae nagrerebelde na ako at nag beer house sumugod pa talaga sa San Lazaro para mag-inspect sa akin. Ako din yung tipong never tried drinking and smoking until mag 22 ako (basahin niyo yung buong chapter para malaman niyo kung paano). Lumaki rin akong ang tingin sa umiinom at nag-yoyosi at hindi regular na nag-sisimba every Sunday eh matic na masasamang tao.

 

Judgmental, uptight and conservative as others often describe me.

 

Parang kailan ko lang natutunan na huwag tignan or mag-judge sa tao sa ganun kababaw na mga dahilan.

 

Ako yung batang bahay-school-hospital-simbahan ang ikot ng buhay. Mall,Concerts at Enchanted Kingdom ang pinaka thrilling experiences sa buhay.

 

Monotonous...

 

Boring...

 

 

Until one day, second year 2nd semester ko sa med school may nangyaring di maganda sa scholarship ko sa PLM. Ayun yata yung pinaka "shuta" kong araw sa tanan ng pag-aaral ko. Nawala yung 75% scholarship ko dahil nag 3.0 ako sa dalawang subjects ko.

 

Hindi nga ako napili sa selection sa UST-FMS kaya ako napadpad sa PLM. Sa dami kong nilakad at pinaki-usapan ng pabor para maka-tuloy lang ng medisina sa PLM as a category B scholar. Huminga-hinga lang ako ng kaunti, binawi ang scholarship ko sa isang iglap. Swoosh!

 

 

 

"Seulgi, san ka? Pauwi ka na ba?" bungad kong tanong kay Oso over the phone habang nag dadrama sa isang parte ng Intramuros walls, yung malapit sa Round Table. Kakalabas lang ng grades namin sa dean's office. Past 6pm na rin ng mga panahon na 'yun pero parang may pumipigil pa sa aking sumakay ng jeep pauwi sa amin sa D. Tuazon.

"Huh ako? Leave ako sa work today and tomorrow. Destino ako sa Zambales ng Friday, Sat, Sun eh. Ikaw ba tapos na exams mo?" Tanong nito sa akin. "Uy, may pantawag ka ah!"

 

Bihira akong mag phone call, hanggang text message lang ang afford ko. Yung mga promo ng Globe at Smart na may Unli Call and Text hindi ko afford yan. Fifty pesos lang ang budget ko sa load per week, 200 pesos per month. Dahil nasa med school man ako 5000php lang ang baon ko sa isang buwan. Pag tumawag ako it's either emergency or talagang importante na talaga. "Bahay ka? Pwede ba kong dumiretso dyan?"

 

"Nasa USTe ako Hyun, dinalaw ko si Seungwan at Tzuyu, hinihintay namin now si Soojung kasi 6:30 pa daw out nya eh. Tambay lang sa Starbucks sa Pacific." Pagtugon nito. "Dito ka na kaya dumiretso."

Ay, catching up pala 'to. Wala ako sa mood makipag kita or catch up sa mga barkada. Isa pa baka masira ko ang overall mood ng barkada. Catching up nga sisirain ko ng pagiging down ko. "Ay, sige pala Seul, mag Rob na lang muna ko."

"Oh anong nangyari?"

"Wala wala."

"Sige punta kang Rob Ermta. Hintayin mo ko dun."

 

Medyo may pagka social butterfly 'tong si Seulgi. Kahit i-deny niya at sabihing kami lang ni Baklas ang talagang solid niya, marami syang kakilala sa ibang section, ibang year at kahit sa ibang course. Pero swerte ko na rin talaga, hindi ko na kelangan mag explain kapag masama o down ang mood ko. Yung tipong wala kaming pinag usapan pero alam niya na yung timpla ko agad.

Wala ng tanong tanong nag kita kami ni Seulgi that night sa Robinson's Ermita.

 

Halos 8:30pm na rin nung dumating sa sa Rob, medyo nahirapan daw syang humiwalay sa barkada dahil kay sa pangongonsensya ni Tzuyu at Soojung.

 

"Anong nangyari sa'yo Hyun? Bakit ayaw mo pumunta sa USTe? Kung andun ka halos complete attendance na sana ang girls ng barkada." Bungad nya sa'kin ng magkita kami sa may entrance ng Rob Manila sa bandang Jamba Juice.

"Oo nge eh." Ang tanging naisagot ko.

"May problema noh?" Sabay kuha niya ng backpack kong may lamang laptop at mga libro sa likod ko. "Ano?"

"Wag na Seul. Mabigat."

"Keri lang Hyun, kanina mo pa dala-dala." Pilit niyang kuha sa akin at sukbit nya sa balikat niya. "Uwi na ba tayo or may gusto ka pa bang gawing iba?"

"Dinner, pasyal. Kahit ano."

"Teka, 8:30 na curfew mo na nga actually. Nag-paalam ka ba kanila tito at tita?"

"Oo, nag paalam ako..." Pag sisinungaling ko sa kanya. Sa mga oras na iyon alam kong baka nilalabasan na ng usok sa ilong dahil sa galit sina dadi at mami pero sa sama ng ibabalita ko sa kanila hindi ko alam kung paano ako uuwi ng sarili naming bahay. Nag-airplane mode ako ng pa-simple para hindi mahalata ni Seulgi at wala talaga kong matanggap na text o tawag sa mga magulang ko that night. "...pinayagan nila ko until 1pm. Kung di ko daw kayang umuwi matulog na lang daw ako sa inyo."

"Huh? Talaga ba?" Manghang sagot sa'kin ng Oso. "Pero kung sakaling mag-bago ang decision ni tito at tita tapos biglang tumawag sa'yo sabihan mo ko agad ah para ihatid ka pauwi."

"Oh okay." Hindi ko na kayang dugtungan yung kasinungalingan ko sa kanya. Ewan basta, ang alam ko lang at that very moment hindi ko alam kung paano haharap sa mga magulang ko, sawang sawa na ko mag-aral, sawa na kong maging boring na tao.

 

Sa dami kong mga bagay na hindi pa rin alam gawin at hindi ko pa rin tinangkang gawin sa edad kong 22, that night may sumapi yata sa aking mali at gusto ko masubukan lahat.

Nung gabing yun inaya ko si Seulgi kumain sa GoKiZip! na Korean resturant. Ako yun taya at almost 800 ang total bill naming dalawa. Knowing na may limit akong 250php daily nagulat si Oso sa biglang aya ko at pag splurge ng pera.

"Uy 800 yun ah, Wednesday pa lng Hyun sabi mo may community service kayo ng Saturday sa Baseco. Di ba 350php ang gastos mo tuwing community? aabot ba allowance mo nun?" Pag-kwestyon sa akin ni Oso pag labas ng GoKiZip at naglalakad-lakad along M.H. Del Pilar ng walang sunod na siguradong pupuntahan. "Teka, anong gusto mo gawin? San tayo next?" Tanong niya.

"Hindi ko alam, sana umabot. Baka galawin ko yung ipon ko sa cabinet." Pag sagot ko ng matipid sa kanya. "Lakad lakad lang siguro Seulgi...gusto ko lang talaga mag walwal ngayon. Please."

"Okay, kung yan ang trip mong gawin." Tugon niya, sabay hawak sa braso ko para humarap ako sa kanya." Hyun, are you feeling stressed on something?"

 

Hindi ko talaga alam kung ano bang gusto kong gawin that very moment. Ang alam ko lang hindi ko pa trip umuwi ng bahay noon. ang alam ko lang kelangan ko i-break yung everyday routine ko. "Hmm, tara Seulgi lakad lakad." Di ko alam kung anong bad influence yung pumasok sa'kin or may masamang entity bang bumulong sa akin ng bigla kong matanaw ang isang 7/11 sa tawid na kanto at yung mga taong nag-yoyosi sa may bandang entrance nito. "Tara 7/11, Seul."

 

 

 

"Uhm, sigurado ka dito Hyun?" Di mapakaling tanong sa akin ni Seulgi habang tinititigan ang Heineken at ang kaha ng Marlboro Black na binili namin.

"Okay lang naman sa'kin Seulgi kung ako na lang mag try mag-isa." Pataray na pag-sumbat ko sa kanya.

"Alam mo if down ka pwede naman natin pag-usapan Hyun eh." Pag-brought up ng dahilan kung bakit dis-oras na ng gabi nasa galaan pa kaming dalawa. "Di ako marunong gumamit nito. Kahit itong liquor na 'to never tried. If you have a problem para namang bagong tao ka sa'kin, pwedeng pwede mo sa'kin sabihin."

Parang sasabog yung dibdib ko sa pressure, Kilala ko ni Seulgi na matyaga mag-aral. Never failed a subject, never recieved a grade lower than 2.25 considering na very demanding ang career path na pinili kong tahakin. Ngayon pa lang, at kung aamin ako takot ako dun sa pwedeng maging reaction niya. Kasi kung grabe sya maging hype woman namin ni Seungwan tuwing may achievements kami, nakakatakot na i-break yung expectation nya.

"Tara lakad tayo pa-Roxas Blvd., sabi ko nga kung di mo trip i-try hayaan mo lang ako."

 

 

At naglakad nga kami pa-dagat. Medyo malayo ang lakad namin kasi mula Malate church, to Ospital ng Maynila nag-settle kami sa may bandang PICC na, Bandang side ng Headquarters ng Philippine Navy.

 

Naka-upo na kami sa tabign dagat, amoy na amoy yung salty smell, madilim at puro yate lang ang matatanaw dahil sa mangilan-ngilang light posts sa tabing dagat. Medyo nakakatakot kasi kokonti nal ang ang mga taong nakatambay at naglalakad. Pero ayoko gusto ko muna talaga magpahangin, bukod pa dun gusto ko muna palipasin yung gabi ng di iniisip yung mga posibleng sermon na marinig ko sa bahay.

"Ano ba 'to?" Maduwal duwal na tanong ni Seulgi sa pangalawang inom niya ng Heineken habang ako naman nag si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
_m3owrene
1023 streak #1
Chapter 4: Nakakamiss ung kulit ng tatlong itlog 🤣
dreamwityou #2
Chapter 21: Hinanap ko talaga uli tong fic na to. otor bekenemen hehe
gomtokkim
2142 streak #3
Chapter 21: Di ko napansin yung update peri thank you authornim<3
brdfillet #4
Chapter 21: late nabasa pero yesss may update! miss ko nang kiligin haahahaha thanks authornim ingat po kayo lagi!
Hyun_Seul
#5
Chapter 21: Sanaol may neurosurgeon nga naman
Hyun_Seul
#6
Chapter 20: Successful search ops na ba to? Lol
Hyun_Seul
#7
Chapter 19: Sobrang lupet nitong story, author-nim. Shame that I've only seen this recently. Sana always safe ka din. :) matatapos din tong pandemic!
chocochipc00kie
#8
Chapter 21: Woooow may update!!! Salamat sa update!!!
Lagyan na ng slowburn tag ito. Charot 😂
rish08 #9
Chapter 21: Pigil na pigil ung kilig Hyun? Haha.. sige kung san kayo masaya hihintaying nlng namin na magkaaminan na hahaha
ohyeah12 #10
Chapter 21: Ang tagal tagal na nilaa pls huhu wala na humadlang parang awa nyo na