"Platonic"

That Thing Called PAG-HANGA
Please Subscribe to read the full chapter


"Sa'kin ikaw pa din ang baby ko, ang baby ko..." Pag-kanta nitong si Oso sa tabi ko habang nag-bubulatlat ng kung ano man sa cellphone ko. Grabe ang tagal mo ng LSS yan ah, para kang tricycle driver Seul. Hay nako, kahit anong kalkal mo dyan Seulgi, wala kang makikitang bakas dyan ng jowa. Una dahil wala naman na talagang nanliligaw sa akin ngayon. Pangalawa, ghosting nga ang ginawa sa akin ni Donghae.

Hay, first year resident doctor na ko ngayon pero ang maranasan ang proper love life never pa yatang nangyari. 

"Ano bang hinahanap mo dyan Seulgi?" Finally, nakakuha din ng tyempo para basagin ang kalokohan ng katabi ko. 

"Late messages ni 'babe' mo sa'yo." Pang-aasar na sagot ni Seulgi. Ayan na naman siya sa sintu-sitong ngisi nya.

"Huh? Naghahanap ka ng ebidensya namin ni Donghae? Wala na nga!" This time, inagaw ko na sa kanya ang cellphone ko. "Kanina gallery, ngayon messages na! Akin na nga!"

"Hala, malay mo may di ka pa pala nabura." Pag-higpit nya sa grip nya sa phone ko. Sabay neck slice sa akin. Alam mo yun Seulgi, napaka laking bulas mo lalo na ngayon.

"Akin na!"

"Pag wala na, dapat hindi na guilty!" 

"Hay nako ang kulit!" Kailangan ko na pairalan ng sungit 'tong si Oso kung hindi ako na naman ang kawawa.


"Eto na po." Sabay bigay niya sa akin ng phone ko. 

Akala ko di ka na madadaan sa kunot ng noo eh. Buti naman. 

 

Minsanan lang yung mga ganitong alanganing dinner. Past 10pm na pero ikaw lang yung taong matyagang mangulit at puntahan ako sa Jose Reyes. Kadalasan limot na ko ng mga tao sa paligid ko, kahit nanay at tatay ko mabibilang lang sa daliri kung ilang beses akong pinuntahan dito sa hospital. Paano nga naman, nakaka walang gana daw yung 2-4 hours na pwede akong pumuslit sa hospital. So, hinayaan na talaga ko ng ibang tao sa buhay ko.

Nakakatakot yung minsan makalimutan ka na ng bunso mong kapatid. Yung tipong akala niya si Sehun ang pinaka matanda niyang kapatid at nalimutan niyang may ate pala syang Joohyun ang pangalan. I guess sobrang bihira ko ngang umuwi sa sarili naming bahay dahil nangyayari ang bagay na yun.

 


Wai Ying, ito yung hilig nating Chinese fast food ever since. Stress sa exams, small celebrations, trip trip lang basta medyo makalayo at makakain ng masarap at mura ito yung go-to place natin. Isang tricycle na worth fifty pesos mula sa Jollibee-Asturias.

2009 to 2019, ten years na pala tayong ganito Seulgi. 

Ang tagal na pala nating magkakilala, pero parang kelan lang lahat. Kasi ang dami kong memories na keri ko pang i-kwento ng walang mintis. OR, ganun lang ako ka-invested sa usapang TAYO?

I don’t want to make myself that obvious towards you kaya madalas I act forgetful or pre-occupied. Madali naman mag panggap on my part. Doctor ako. Pwede kong sabihing nakalimutan ko na yung memories sa sobrang dami kong iniisip sa hospital at sa dami kong inaaral. Na-master ko na sya through the years. Alam ko kung kelan ka may jowa at kung kelan ka nagiging single ulit Seulgi. Announced man or unannounced. I somehow feel hurt either way. 

Sabihin mo man o isikreto mo sa akin.

 

 

“Kulit mo, parang wala kang sariling phone!”
 

“Curious lang ako kay babe mo, at kung paano ka nya nagawang iwan sa ere bigla kahit alam niyang mutual na kayong dalawa.” Biglang seryosong tono nitong si Oso at diretsong naka-eye contact sa akin habang binabanatan ang Curry Beef dumpling niya. Okay na sana yung serious mood eh, kaso may kasamang pag nguya. 
 

“Hindi ko din alam, Seul. Two months na since the last time he messaged me. Hindi ko gets kung saang banda ko nagkamali.”
 

“Oo nga eh. Si kuya Shin Dong nga panay na rin text sa’kin ngayon kung anong bet mong ulam, ano yung nga ayaw mo. Hala, nag overlap na yung supposed to be boyfriend mo at new suitor mo.” 
 

EWAN ko sa’yo Seulgi. Panay entertain mo sa mga ganyan. Minsan hindi ko tuloy alam kung ikaw na mismo nagbubugaw sa akin. “Oh ano naman sinabi mo kay Kuya Shin Dong? Binenta mo na naman ako sa mga hilig kong kainin?”
 

“Ayaw mo ba kay kuya?”
 

“Sinabi ko bang may pag-asa sya?”
 

“Sabi ko nga ayaw mo sa kanya Hyun.” Pag patol sa akin nitong si Oso. “Syempre yung loyalty ko sayo.Wala akong sinabi sa kanya. If you’ll have a boyfriend of course, I want him to be a good man…hindi lang good front.” 
 

With her statement, alam kong si Donghae ang pinapatamaan niya. He was a really good guy in the beginning. After almost a year at nagka gusto na rin ako sa kanya, he began to do things in his advantage. Like breaking my curfew and going on places far from my house randomly. Hindi umubra yung bagsik ng mami Bae at dadi Bae ng mga panahon na yun. Pumupuslit ako para sa kanya.
 

Oso and Baklas on the other hand, became his primary bashers for doing so. Especially Seulgi who has more time for me.
 

“Oo alam ko na ngayon. Sorry.” Ang hirap umamin ng mali. Higit sa lahat ng paumanhin at that very moment. But somehow, I felt that I need to. Parang ang laki ng asunto ko kay Oso in regards with this matter.
 

“Oo talaga, sobrang inaalagaan kita eh. Tapos gusto pag lalabas kayo, ikaw ang maghihintay sa kanya kahit curfew mo na. Basta maipilit lang na makipag kita. Then ngayon, dahil super busy mo na sa Jose Reyes di mo na kayang makipag meet midway iniwan ka na lang bigla. Tama ba yun?”
 

“Sorry na ulit Seulgi.” Hindi ko na alam yung dapat ko sabihin. Kahit yung asado siopao ko di ko na rin feel kainin dahil lahat ng sinasabi niya tagos hanggang sa buto.
 

“You don’t need to apologize Hyun.” Seulgi began, getting the siopao that was in the middle of us and cut it into half. Mata-touch na sana ko ng todo  kung walang pasimpleng buraot ng pagkain ko eh. “Gusto ko lang, marunong ka mamili ng taong gugustuhin mo sa mga susunod na pagkakataon. Kasi I have taken care of you for the longest time.”
 

“Uy siopao ko yan. Ang dami mo ng nakain!” Sadyang pag puna ko, I want to keep my calm façade in front of her. Pero sa totoo lang, I’m shying away from her statements.”Oo nga eh, ten years na tayo, taon-taon Seulgi may nagiging jowa ka at nakikipag break ka.”
 

“Uy grabe ka, hindi naman taon-taon. Oo nga noh, ten years na tayo…”Pabirong sagot sa akin ni Seulgi at biglang banat nito ng, “…at least tayong dalawa di nag bi-break!”
 

Hindi ko alam kung paano mag rereply. Nangiti na lang ako bigla sa narinig ko. Hindi ako urauradang naka-react. 
 

“Di ba? Di ba???” Pangungulit pa nito. “…di tayo nag bi-break? At least ako nang aagaw lang ng siopao pe

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
_m3owrene
1023 streak #1
Chapter 4: Nakakamiss ung kulit ng tatlong itlog 🤣
dreamwityou #2
Chapter 21: Hinanap ko talaga uli tong fic na to. otor bekenemen hehe
gomtokkim
2143 streak #3
Chapter 21: Di ko napansin yung update peri thank you authornim<3
brdfillet #4
Chapter 21: late nabasa pero yesss may update! miss ko nang kiligin haahahaha thanks authornim ingat po kayo lagi!
Hyun_Seul
#5
Chapter 21: Sanaol may neurosurgeon nga naman
Hyun_Seul
#6
Chapter 20: Successful search ops na ba to? Lol
Hyun_Seul
#7
Chapter 19: Sobrang lupet nitong story, author-nim. Shame that I've only seen this recently. Sana always safe ka din. :) matatapos din tong pandemic!
chocochipc00kie
#8
Chapter 21: Woooow may update!!! Salamat sa update!!!
Lagyan na ng slowburn tag ito. Charot 😂
rish08 #9
Chapter 21: Pigil na pigil ung kilig Hyun? Haha.. sige kung san kayo masaya hihintaying nlng namin na magkaaminan na hahaha
ohyeah12 #10
Chapter 21: Ang tagal tagal na nilaa pls huhu wala na humadlang parang awa nyo na