"Swab"

That Thing Called PAG-HANGA
Please Subscribe to read the full chapter

Dapat talaga di counted sa life span nating lahat itong 2020. Lahat huminto, maraming nawalan ng kabuhayan, career at mga mahal sa buhay. Pero bilang isang doctor masasabi kong huminto man ang lahat dahil sa pandemic na ito hinubog naman ng panahong ito ang pagiging professional ko. 

 

Nitong nakaraang mga buwan, masasabi kong literal na ‘mas’ mahirap kumpara sa buhay ko noong 2019.

 

Physically and emotionally draining palagi sa ospital, emotionally draining din to worry about my own family na nito na lang na-lift yung ECQ sa NCR nakita ulit. Marami akong kapatid na mas bata at malilit pa, hindi ko pwede ipilit yung uuwi ako dahil pagod na ako sa hospital setting dahil baka mahawa ko sila. Likewise, to my papa and mama. At hindi ko rin maiwasang mag-alala para kay Seulgi na trabaho ang mag RT-PCR testing sa kabilang ospital. I swear nakakatakot ang mamasyente ng COVID patients sa ward pero mas nakakatakot ang mag run ng PCR sa loob ng molecular lab kung saan hundreds or even a few thousands na swab samples ng iba ibang tao ang kaharap mo sa isang biosafety cabinet.

 

April 11, 2020

 

To Joohyun:
Nag Negative na ko sa swab Hyun. Finally, isa pang swab na negative I’m free.

 

To Seulgi:
Excited na rin ako para sa’yo. Pag magaling ka na mag-kita tayo.

 

Nagpapasalamat talaga ko kay Lord pinanganak kang bionic woman Seulgi. Na yung effect ng COVID-19 sa’yo parang simpleng trangkaso lang. Actually natakot talaga ko para sa’yo noong minessage mo ko na tinamaan ka dahil ilan na rin sa mga kilala kong doctor ang tinamaan at hindi kinaya. Hindi sila pwede paglamayan diretso abo agad. At higit sa lahat never yata akong magiging ready sa ganung pagkakataon when it comes to you.

 


After a week nagkita na rin naman kami, parang wala naman nangyaring masama kay Seul. Mukhang nasobrahan pa nga ng pahinga dahil sumobra din sa pagiging makulit. 

 

 

Isang gabi sa Jose Reyes…

 

Almost 10pm na rin ng gabi, kaka scrub out ko lang from an OR ng dumiretso ako sa doctor’s quarters para umidlip kahit isa o dalawang oras, literal na tulog kuwago kaming mga residente mula ng pinull out ang clerk doctors at PGIs ng ospital.

Ngingisi ngisi sa akin si Chief Res Taeyon sa entrada. “Bae, kanina ka pa hinihintay baka tunaw na yung yelo ng ice coffee mo. Ang tagal mo kasi.”

“Huh, sino po Chief?” sagot ko habang inaayos ang puyod ng buhok ko.

“Sino pa yung hero nating lahat dito sa DOH block.” Pa-mysterious na sagot pa nitong si chief res. “Sige na alis na ko, baka ma-spoil ko pa ang saya mo.”

‘Hi ~” pag bati ni Seulgi sa akin pag tayo nya sa bunk ko. 

“Oh, gabi na ah curfew ng 8pm bakit nasa labas ka pa.” pag sensyas kong umupo muli sa tabi ko sa kama ko.

“Naalala ko kasi baka gusto mo ng iced coffee?” sabay abot sa akin ng plastic ng Tim Horton’s na may lamang iced coffee at sandwich.


“Na-miss kita. Buti magaling ka na.” Hindi ko napigilang maluha ng bahagya at yakapin si Oso. Dalawang linggo din akong di mapakali kung kumusta na ang lagay nya at mukhang may nakikinig talaga sa dasal ko dahil mukhang mas masiglang Oso ang niyayakap ko at that very moment.

 

“Luh sya parang tanga, sinat at ubo lang yun noh Hyun.” Sagot sa’kin nitong si Seulgi habang naka-yakap ako dito sabay lapit ng plastic ng iced coffee sa mukha ko para idiit yung yelo. “Eto na magkape ka na. Parang ngayon lang naka-lapit sa poon oh, makayakap naman. Social distancing kaya.”

 

Oo nga pala social distancing nga pala new rule ngayon. Buwiset lang pag sa mga ganoong pagkakataon. Kaya nag-move ako hanggang sa bunk post ng double-deck ko.

 

“Di naman sobrang layong ganyan.” sabay kuha ng kanang kamay ko.

 

Hindi ko na rin sure, pero yung tenga ko biglang uminit bigla. Hindi ko pa iniinom yung iced coffee na pasalubong nya sa’kin pero may palpitations na agad.

 

“Pumunta talaga ko dito to see it first hand na okay ka. I need to make sure.” biglang seryosong tono nitong si Oso.

 

“Uh, okay naman ako dito. Pa-pagod lang palagi wala na yung juniors eh. Technically kaming first year residents na ulit bottom ng food chain.” kabado kong sagot sa kanya. Di ko rin sya matignan ng diretso bigla din talaga kong nahiya.


“Yun na nga eh, pagod ka palagi. Yung immune system mo for sure mababa.” pag higpit ng hawak nya sa kamay ko. Swear gusto ko inumin yung kape at kainin yung sandwich pero gusto ko din ma-experience ng maayos yung ‘moment’ naming dalawa.

“O-oo nga eh, madali na kong tamaang sakit these past few weeks.” Awkward kong pag agree sa kanya. Yung tenga ko at pisngi ko parang umiinit. Putek di ako pwedeng mahalatang kinikilig ako.

“Pero na-miss kita.” Bigla nyang seryosong tono. Nag hang din ako ng ilang seconds bago nag-sink in yung maikling statement na yun.


Yung yelo sa iced coffee ko hayaan ko na talagang matunaw ng tuluyan. Di baleng uminom ako ng kapeng lasang latak kelangan maparamdam kong every moment na magkasama kami really matters…really counts as a good memory. May plan akong makasama ka ng matagal Seul, yung mga pang yayari sa paligid natin at sa buhay nating dalawa just made me realize how hard should I strive to keep you. Na di sure ball na matagal ang buhay, minsan isang pitik pwedeng mawala at sobrang swerte mo na kapag napag bigyan ka pa ng isang chance.


“Tinakot mo ko nun sa text mo Seulgi.” Sabay yakap ko sa kanya.


“Social distancing uy!” Pag bibiro nitong si Oso. “Bakit naman, wala ka bang bilib sa’kin? Malakas ako ah. Baka nakakalimutan mo muntik na ko mag sundalo.” 


“Tanga, di ibig sabihin ng naka-recover ka na entitled ka na mag flex.” 


Babawiin ko na sana yung yakap ko kaso di rin naman nya ko hinayaan. 


“Iniisip kita kung paano yung takbo ng buhay mo sa araw-araw Hyun. I spent half of this month in isolation like that.”
And I just let myself melt into that hug. Matagal oo, pero walang kiss na ganap. Sa utak ko lang yun. But seriously, occupying your thoughts during your entire quarantine period had my heart skipped a thousand times…sporadically.


Since that meeting we decided to meet each other once a week. Late dinners together ng malamig na dinner na pina deliver nya several hours before we eat it. Lock down eh, kahit lasang karton na french fries yata pag hahatian na namin basta magkaroon lang ng something to share para matawag na dinner.

 


10:45pm – Apartment


“Curfew na di ba? Makakauwi ka pa ba? Susunduin ka ba ni Yeol?”


“Hindi, baka maglakad na ko Hyun, anyway naka rubber shoes naman ako di na hassle. Wala pa kasi DOH sticker ni Yeol baka next week pa ko mabigyan.” Sagot sa akin nitong si Oso habang pinipilit ubusin yung sashimi na di ko na maubos. “Paano mo ba naging favorite ‘to Hyun, hilaw naman.”

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
_m3owrene
1023 streak #1
Chapter 4: Nakakamiss ung kulit ng tatlong itlog 🤣
dreamwityou #2
Chapter 21: Hinanap ko talaga uli tong fic na to. otor bekenemen hehe
gomtokkim
2142 streak #3
Chapter 21: Di ko napansin yung update peri thank you authornim<3
brdfillet #4
Chapter 21: late nabasa pero yesss may update! miss ko nang kiligin haahahaha thanks authornim ingat po kayo lagi!
Hyun_Seul
#5
Chapter 21: Sanaol may neurosurgeon nga naman
Hyun_Seul
#6
Chapter 20: Successful search ops na ba to? Lol
Hyun_Seul
#7
Chapter 19: Sobrang lupet nitong story, author-nim. Shame that I've only seen this recently. Sana always safe ka din. :) matatapos din tong pandemic!
chocochipc00kie
#8
Chapter 21: Woooow may update!!! Salamat sa update!!!
Lagyan na ng slowburn tag ito. Charot 😂
rish08 #9
Chapter 21: Pigil na pigil ung kilig Hyun? Haha.. sige kung san kayo masaya hihintaying nlng namin na magkaaminan na hahaha
ohyeah12 #10
Chapter 21: Ang tagal tagal na nilaa pls huhu wala na humadlang parang awa nyo na