DARK NAPE 2: SIOMAI RICE

That Thing Called PAG-HANGA
Please Subscribe to read the full chapter

A/N: Before reading this chapter, let me remind you na original character si Dark Nape, and that you should use your imagination. ALSO, don't forget to leave a COMMENT and SUBSCRIBE. Upvote niyo na rin if you think so, Thank You!

 

-----

 

Kung ang school mo is within the vicinity of U-Belt (University Belt) malamang di foreign sa’yo yung infamous kasabihan na inimbento din ng mga ka-edaran rin natin na, “Ang estudyanteng nagigipit, sa Siomai Rice kumakapit.” Kung meron man akong isa sa ipag-mamalaki in my entire academic stay sa USTe is I survived eating approximately 75% Siomai Rice for four years with my Cholesterol level still in normal range, and that my kidneys are still with me.

Tipid eh! Biruin mo 45 pesos may apat na Siomai at isang serving ng kanin ka na, maki – FC ka pa sa ateng na service crew lalaliman niya pa yung pag sandok gamit yung takalan ng kanin, eh di parang one and a half rice na yung labas ng serving ng kanin mo. Malasa din naman yung toyo nila Kikoman eh, and damihan mo na lang yung pa-anghang, laman tiyan din yun!

Well in case na kuya boy ang service crew, isang sweet smile lang naman katapat niyan tapos konting pabebeng pep-talk. (Based yan kay Oso na hindi rin namin maintindihan kung saan niya hinuhugot yung mga pa ganyan-ganyan niya at lahat tipong nahuhumaling sa kanya.)

May katotohanan ito sa buhay namin ni Seungwan, kapag tinamad ang mga nanay namin na mag-handa ng agahan. Waley! Sa Siomai Rice talaga naka-salalay ang buhay namin sa buong mag hapon.

Iisa lang naman ang consistent na hindi nakaka-ranas ng tag tuyot or de peligro sa aming tatlo, at ito ay si Oso.

Baka sabihin niyo pulubing lubos kami ah, o tawagin niyo din kaming WenRene na Peasants. Siguro kung sa level ni Seulgi, pwede. Ikaw ba naman ang pabaunan ng nanay mo ng 750php per day pwera pa sa packed lunch siguro gugustuhin mo na lang maging anak ni dadi Kang at mami Kang, kasi tinalo pa niya yung nag ta-trabaho at sumusweldo ng minimum.

Minsan napapa-isip ako kung ano ang kabayanihang ginawa nitong si Oso nung nakaraang buhay niya bakit ang swerte niya madalas.

Sabi nga one-time ni baklas nung kulang-kulang na two weeks na tinamad mag handa ng agahan si mama Son at purgang-purga na siya sa siomai, carry na daw niya ipag-papalit yung talino niya makuha lang yung swerte ni Oso sa katawan.


 

Pero bakit nga ba installation pa rin ng DARK NAPE etong kwentong Siomai Rice ng WenSeulRene?

At ano bang kinalaman na naman niya sa Siomai diet ng WenRene?

 

Better read this chapter until the last word to know why…


 

 

 

It was one of those random days na medyo matagal-tagal ang break ng section 1-C, long enough kind of lunch break na sapat para hindi kumain sa 4th floor canteen ng main building, pero kamalas-malasan lang din ng WenRene dahil pinag-usapan ng mga mami nila na tamarin ng sabay at wag pabaunan ng packed-lunch noon araw na iyon.

Well, di hamak talaga na mas mautak si Son kay Bae kasi at least ay may dala itong transparent microwavable container na punong puno ng kanin. OO! Punong-puno ng KANIN! Personal talent nga kasi ni Son Seungwan ang pagkain ng kanin (as written in Chapter 1 sa character description nilang tatlo dito sa school AU na ito).


 

“Kahit dalawang siomai lang siguro, pwede na!” Waw lang, ang saya-sayang sinambit ito ni Seungwan.

“Huh? Dalawang siomai lang? That’s all you need to consume that entire container of rice Seungwannie?” Ani Osong di pa rin makapaniwala sa personal talent ni Son kahit ilang beses na rin niya itong nakita na ganern.

“Friend, by 4 ang bentahan nila ng siomai per serving eh. Yung no rice 35 pesos.” Pag-sunod kong sagot kay baklas. Sa pagkaka-alam ko ako yung pinaka low-profile sa aming tatlo….dahil anak nga si Son ng high ranking official sa AFP. Kaya laking taka ko din bakit madalas parang sa usapang pagkain itinatawid niya yung sarili niya sa serving na lang ng kanin. Maybe effect din ng walo silang magkakapatid? Pag nag-baon din kasi talaga siya tipong gabundok yung kanin then dalawang junior size hotdog lang ng tender juicy or 1 pc chicken leg lang talaga (yung tipuhang mukhang sisiw pa yung pinanggalingan sa slim).

“Ay ganun ba? Pwede bang tig-dalawa na lang tayo Bae?”

 

Hala ‘to! Tingin mo sa akin inaamoy ko yung ulam pagkatapos every tatlong kutsara ng kanin dun lang ako susubo ng ulam? Baliktad tayo Son, buhay ako kahit walang kanin…basta may ulam! “Huh, eh sapat lang yun sakin Seungwan eh…tsaka wala din akong balak mag rice.”

 

Oo, tag tipid din kasi ako ng araw na yun. Hindi dahil sa may pinag iipunan ako pero dahil mas masarap yung mga pagkain sa paligid ng USTe kapag hapon.

“Okay, sige…sige.” Napilitang sagot nito sa’kin. “Seulgi, tara sama ka sa’min? Dimsum Treats sa Asturias, bili lang tayo.” Aya ni baklas sa Oso.

“Uh, huh?” Medyo awkward na usal ni Oso. Hindi ito makasagot. Several months na rin naman tayong tatlong itlog and medyo memorize na rin namin netong si Seungwan ang ugali ni Oso. She doesn’t really like going out the near streets of UST and eat street foods, hindi lang sya vocal siguro, either nahihiya or ayaw maka-offend. And if mag-aya man ito ng food trip either sa Carpark or sa kung saan mang medyo pricey na kainan sa labas. Minimum of Moonleaf or Simple Line milk tea, since popular rin naman ito ng mga panahon na iyon.

 

“Uy, sabi mo you will try eating with us…as in yung food trip.” Pag biro ko sa Oso, pero kasi month-long truce na nga yata namin tatlo ito.

 

“Oo nga Seulgi. Sabi mo nung Inorganic Chem sasama ka sa’min ni Hyun mag-food trip…umuuwi ka naman agad madalas.” Pag-support sa akin ni Seungwan.

 

“Huh, eh di ba we’re doing food trip naman even before? Nag Moon Leaf naman tayo just this Monday ah.” Pag reason out ni seniorita Oso. “I’ll just wait you guys here and watch your stuffs, go ahead.”

Naman! More than 50php dun, at air-conditioned area yun at higit sa lahat INIINOM YUN! Ang ibig sabihin namin ni Son yung literal foodtrip sa labas ng kalsada. Yung tuhog-tuhog, ihaw-ihaw. KANG SEULGI ANO BAAA!!!???

“O sige Kang kung nagfu-food trip na nga talaga tayo ano yung Betamax?” biglang tanong ni Seungwan. Uy dre, hinay-hinay ka lang…parang awa mo na wag mo patulan! Syempre hindi nya yan alam.

 

“Ah, eh – is there such? Eh di ba yun yung before mauso yung VCD?” sagot ni seniorita Oso.

Juice colored, mahabagin! Kahit man akong hindi kumakain nun at hindi masyadong nasisinagan ng araw sa hindi paglabas ng bahay alam kung papano i-describe yung ihaw-ihaw na Betamax!

Natawa na lang si Seungwan sa sagutan ni Seulgi. “ Ah o sige, o sige…basta mamaya ah! Wala ka ng kawala.”

 

And the rich kid’s reasoning starts in 3…2…1 –

 

“Ah, uh – G! basta let us just be quick ah. Kasi I still have appointment sa derma namin sa Timog. I need to be there before 6pm. Facial, you know…”

 

“Orayt! Orayt!” Tawa naming pareho. Segway mo talaga Oso, pero donchuwori, mahal ka pa rin namin noh!



 

“Uy, derma? Can I come with you Seulgi?”

 

Naku po! Pag nga naman narinig ng epal. Tsk! Tsk! Tsk! Eto na naman po siya, si Dark Nape.

 

“Uh –“

“Pretty please? Medj hassle pa kasi pumunta dun sa Derma naming ng cousin ko, sa may bandang Benilde pa kasi yun. And I’m kinda looking for a new skin clinic.” Pag-reason out netong maitim na batok na ‘to.

“Huh? Talaga, nagpapa-derma ka na sa lagay na yan?” Hindi ko napigilang itanong sa sobrang gulat ko. Ang tanong ko, bakit hindi muna skin bleaching yung naging concern mo? Para at least pumuti kahit papano yung batok mo. Medyo may pimples ka nga pero more than that, feeling ko talaga you should focus more on eliminating those dead skin cells around your nape. Very unhygienic kasi tignan honestly, at sana pumuti na rin yung budhi mo kung sakaling mag papa-bleach ka.

“Nag-papa facial bakit Bae Joohyun? Anong masama? Di ka pa ba nakaranas nun? Every two weeks yun dapat ginagawa religiously ah.” Pag-dedefend ni Dark Nape sa sarili niya, na alam kong may halo ring pang-aalaska kasi it’s a known fact na may pagka-kuripot kami ni Seungwan sa buong klase. “…or di ka pa nakaka ranas magpunta sa Derma?”

Knowing na para akong turtle na automatically nagtatago sa sariling shell with such kind of convos, hindi na ako nakasagot.

Buti na lang talaga there’s always our genius Son to back me up, “Hala talaga? Nag papa-derma ka pala twice a month.”

Nako, ang ganda na naman ng ngiti neto ni Baklas and knowing her, may something brilliant na naman itong gustong sabihin.

“Oo nga Son nagpapa-facial nga ako, ulit-ulit?”

“Si Joohyun kasi kutis papel na at half-Chinese kaya natural na makinis ang balat niyan kaya di niya talaga kelangan. Pero alam mo, hindi mo rin naman talaga kelangan ng facial eh...” Biglang dantay netong si Baklas kay Dark Nape.


 

“Eh ano, Son?” Seryosong tanong netong si maitim na batok.


 

“Himala.”

 

 

Tong ino kohhhh, Son Seungwan. Halika ditooo sa gitna namin ni Oso kung ayaw mo mabaklas!!!

Lakas ng kaba ng dibdib ko, juice ko! Matakot ka Son, braso pa lang niyan halos buong torso mo na. Mahal ka namin ni Oso. First year college pa lang tayo, hindi pa kami handang pumanaw ka!

 

.

..

….

“JOKE!” Biglang tawang pag-bawi na naman nitong si Baklas.

 

“Whatever Son!” Umirap na sagot netong si Dark Nape. As in literally eyeballs rolling like a Mean Girl member ang peg ng lola niyo. “May atraso pa kayo sa’king dalawa ah, walang nag coconfirm sino bibili ng experiment materials for Inorganic Chem! Si Seulgi lang ang nag-reply sa inyo…si Yooa and Somi nakikipag-cooperate din.”

“Ay sorry!” Usal ko. Bihira lang din n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
_m3owrene
1023 streak #1
Chapter 4: Nakakamiss ung kulit ng tatlong itlog 🤣
dreamwityou #2
Chapter 21: Hinanap ko talaga uli tong fic na to. otor bekenemen hehe
gomtokkim
2142 streak #3
Chapter 21: Di ko napansin yung update peri thank you authornim<3
brdfillet #4
Chapter 21: late nabasa pero yesss may update! miss ko nang kiligin haahahaha thanks authornim ingat po kayo lagi!
Hyun_Seul
#5
Chapter 21: Sanaol may neurosurgeon nga naman
Hyun_Seul
#6
Chapter 20: Successful search ops na ba to? Lol
Hyun_Seul
#7
Chapter 19: Sobrang lupet nitong story, author-nim. Shame that I've only seen this recently. Sana always safe ka din. :) matatapos din tong pandemic!
chocochipc00kie
#8
Chapter 21: Woooow may update!!! Salamat sa update!!!
Lagyan na ng slowburn tag ito. Charot 😂
rish08 #9
Chapter 21: Pigil na pigil ung kilig Hyun? Haha.. sige kung san kayo masaya hihintaying nlng namin na magkaaminan na hahaha
ohyeah12 #10
Chapter 21: Ang tagal tagal na nilaa pls huhu wala na humadlang parang awa nyo na