"Paskuhan"

That Thing Called PAG-HANGA
Please Subscribe to read the full chapter


 

“…and you came without warning.”


You guys might think that this is another fan-fiction! That I misplaced that quotation above. But NO! It is intended to be there and maybe meron naman kayong idea who I am exactly pertaining to. Yeah, yeah…sa foreword part naman yung bonggang pambungad ay:” In which, and jologs at 'mailap na ganda' na si Bae Joohyun ay head-over-heels sa best friend niyang si Kang Seulgi."


From chapters 1 to 4 kasi puro kalokohan ng tatlong itlog and mainly ni Son Seungwan (Baklas) ang tipong na-highlight, and I’m kind of alarmed that you might suggest me one of these days na I should change the title of this college AU because of that. So I wanted to further enlighten everyone kung bakit ganun ang entrada netong story.

And of course, you gotta read this chapter until the last word to know why…

“Joohyun, look at this one.” (With –matic hila ng kamay)
 

“Joohyun, para sa’yo oh…don’t tell Seungwan.”
 

“I don’t think I have seen someone prettier than you here in USTe, Hyun. Kahit si Jung Soo Jung.”
 

"There's nothing to change about you, Hyun. I like you the way you are…”
 

“Favorite person? Syempre IKAW!”
 

“Syempre una ka palagi…best friend kita eh!”


Napaka-mundane ng buhay ko noong hindi ka pa nag-eexist sa buhay ko Kang Seulgi. And yeah, I am very aware that those words and gestures that makes my heart flutter and my whole being feel ecstatic shouldn’t be taken that way. Kasi nga naman “BEST FRIEND MO AKO.”
 

Hindi ko alam kung bakit nga ba ako nagka-ganito sa’yo? Dahil ba ang sweet at ang cool mo pakinggan kasi flawless English ka mag-salita?
 

Pero kasi, you keep making me feel special.
 

Actually you make me feel and Seungwan special. PERO kasi nilinaw mo na mas close tayo.
 

At bakit kasi yung mga simpleng harot mo in an instant nadadala ako?
 

Or napaka shallow ko nga bang tao kasi ambilis kong madala sa mga gestures mo?
 

NAMAN!
 

And one day, yun na lang *POOF!*

 

Just like that! Na-realize ko na mas special ka pa sa Special Ube Siopao na paborito kong kainin sa Eng Bee Tin sa Binondo. Na mas pipiliin na kita over sa favorite Matcha flavored mooncake ko. Na I am easily, rather automatically feeling distressed sa tuwing mag-aabsent ka dahil sa Eczema mo, una kasi may sakit ka nga and pangalawa hindi kita makikita sa buong araw. Na lahat na lang ng lalapit at poporma o magpapasaring na may gusto sa’yo mapa ate girl man o kuya boy napagplanuhan ko na kung papano papatayin sa isip ko. (Ex. Si Jackson, lalagyan ko ng lason ang water bottle na madalas niyang binuburaot sa’yo especially during P.E. time bago ko pa ibigay sa kanya ito. Kasi minsan naibabalik pa niya sa iyo ito at iniinuman mo naman…eh ano yun indirect kiss?)

Hay KANG SEULGI!

If only I am the type to put things at stake para lang malaman ko kung para sa akin ang bagay na gusto ko, ginawa ko na yun. Pero sa academics at career lang yun applicable para sa akin. People can judge me all they want na etong si Joohyun ‘duwag’, wala pa ngang nagagawa tiklop na agad.

 

PERO KASI, may mga bagay na nasa PERFECT STATE na at hindi na dapat ginugulo pa. And if you asses my being best friends with Oso, nasa perfect state na nga kami. Tsaka haller!?!? Mag-freak out yun noh! Malaman niyang yung bff niya may-hidden desire pala sa kanya? Ay waw lang.

 

Siguro these feelings will eventually fade along with time. Hindi ka pa naman ganun ka-tagal na nag-exist sa buhay ko. Only time could tell if this is just a mere girlcrush, infatuation...or nalintikan na nga ako dahil love na nga.


Duwag na kung duwag. Pero etong friendship na ‘to, kung hanggang dito lang talaga…gusto ko na lang pangalagaan.
 

*AY $#!t! ang Angst baka akalain niyo angst fic na ‘to or yung other fan-fic na sinulat ng author-nim neto*

 

 

 

 

 

It was a typical December 16 afternoon at around 1:30PM wala na kaming klase sa last two subjects. Last day na rin and within 2 days Paskuhan na.

 

Sabi ng Kuya Bong ni Seulgi may pinapadaanan pa daw si Dadi Kang sa kanyang client around Taft at past 3pm na niya masusundo itong si Oso. So as hitch girls at bffs niya nag-decide kami netong si Seungwan samahan si Osong mag-hintay. At yun na nga, wala sa mood mag-DOTA itong si Jackson at mukhang LQ sila neto ni Suho kaya sumama itong tumambay sa amin sa Hanayo.

 

“Uy anong flavor na naman yang sa’yo Seulgi?” Pag-tatanong ni Jackson na kakaubos lang ng sarili niyang chocolate Korean ice cream bread. “Penge.”

 

“Kiwi ‘to Wang.” At automatic naman inoffer ni Seulgi ang Kiwi ice pop neto kay Jackson ng sobrang casual na casual para kagatan. Jusko minsan nga mag jowa nagkaka-ilangan pa mag-share sa iinumang baso kayo naman ice pop na yan nadilaan mo na Oso ka parang wala-wala lang sayo kung kakagatan/didilaan ni Jackson. Wui, mag-pigil ka nga.

 

“Nampucha hihingin mo pa Jackson? Nakita mo bang nilawayan na ni Seulgi all over yang kiwi ice pop niya?” Ani Seungwan baklas na automatic na nag welga ng i-offer ni Seulgi sa harapan ng mukha ni Jackson yung kiwi ice pop niya.

 

“Hindi naman hingi. Tikman ko lang.” Pag defend ni Jackson na kinuha na yung ice pop. “Thanks Kang -”

 

At akong tatahitahimik lang sa tabi ni Oso at audience lang sa pag-uusap at sweet-sweetan kuno netong Seulgi at Jackson na ‘to ay hindi na napigilang sumabog at dakmain yung kiwi ice pop sa kamay ni Wang at walang pasabi na kinain ito.

 

Puchaness naman, parang ‘INDIRECT FRENCH KISS’ ang ganapan kung kakagatin or didilaan ni Jackson yung ice pop ni Seulgi. And again, Wang Jackson hindi ko mapigilan yung isip ko mag strategize kung papano ka papatayin this time. Kaya mabuti na ‘tong mag mukha akong PG kesa magka-sala na naman ako.

 

“Gutom ka pa ba Hyun?” Gulat na tanong ni Oso sa’kin.

 

“Hindi ba obvious Seul?” Sagot ni Seungwan. “Dadakmain niya ba ng parang batang badjao yang Kiwi Pops mo kung hindi pa?” Sabay ako naman ang tinanong. “Pero Hyun kala ko ba ayaw mo ng fruit flavored ice creams?”

 

Ayoko nga, pero mas ayoko naman ng indirect laplapan ni Oso at ni Wang noh, Seungwan! “Maiba lang Wannie. Masarap naman pala.” Pero anak naman ng tinapa talaga oh, ang mga prutas kasi direktang kinakain, except sa avocado na paborito ko pag naka-shake.

 

“Masarap pero yung mukha mo ngayon di maipinta. Yung totoo?” Nako Son Seungwan don’t me! Wag kang imbestigador ngayon sa’kin ah. Di ka nakakatulong!

 

 

At dahil nga may pagka dugyot kumain etong si Seulgi at one time big time kong kinain yung kiwi ice pops niya para pigilan yung indirect French Kiss nila ni Jackson, di naiwasan maging messy at mag smudge ito sa gilid-gilid ng bibig ko.

“Uy Hyun, para kang bata -” Automatic namang hinarap ako ni Seulgi sa kanya at pinunasan yung ice cream smudge sa gilid ng labi ko, nung una thumb pa talaga niya eh pero na-realize niya medyo marami kaya kumuha na siya ng tissue.

 

“Ako din Seulgi.” Pag bibiro ni Jackson habang nilalapit ang mukha niya kay Oso.

 

Hmmp! Asa ka naman Wang! Alam naman ni Oso kung hanggang saan lang ang landian niyong dalawa noh!

 

“Wag ka nga, jowa ka ba?” Sabay wagas na palo ni Seungwan sa braso netong si Unggoy.

 

“Aray, Son! Ano bang galit mo sa’kin? Ako na lang palagi? May gusto ka sa’kin noh?” Pambungad netong may katok na si Jackson.

 

“Luh siya, di ka ba kinikilabutan sa mga sinasabi mo? Ayusin mo muna grades mo. Baka pag-isipan ko pa!” Pambara ni Seungwan. Hard. Hindi naman ganun ka tarantado si Jackson, cooperative naman ang gungong pero knowing Seungwan’s standards kahit ilang libong beses niya pa etong i-deny na she never set that kind of ‘high standard’...alam naming ganun sya. Dahil sa sarili nga niya mismo hard worker siya eh so deserve niya rin talaga makatagpo ng matinong katapat.

 

“Hindi nga ko jowa, pero bakit si Joohyun pwede?”

 

“Tanong mo kay Seulgi, baka jowa na niya si Joohyoon...di ba Seul?”

 

Ay just when I thought na yung ‘loyalty’ mo nasa amin...ganyan ka Son Seungwan!

 

And with that remark di ko napigilang manlaki ang mga mata ko. Haler!? Alam mo namang nagiging awkward si Seulgi sa mga ganyang usapan. So ako na nag-initiate na dumipensa, “Uy, grabe...jowa, jowa agad pinunasan lang ni Seulgi bibig ko eh!”

 

At oo, as I predicted ganun na nga ang nangyari may awkward vibe na naman ‘tong si Oso. And no matter how hard she tries to hide it with her idiotic smile, ramdam ko.

 

“Luh grabe naman pinunasan ko lang eh!” Sabay biglang abot sa’kin nung tissue paper na pinamunas niya sa bibig ko. “Hyun oh...”

 

YAAANNNN!!!!!! Dyan ako takot na takot sa tinginang AWKWARD na yan. Kasi kahit anong try mong pag-sakay sa lokohan, sakit mo yang maging-awkward tuwing tutuksuhin akong jowa/babe mo.

 

Pero bakit nga ba Seulgi? Pag dating sa’kin nag kaka ganyan ka samantalagang kapag si Seungwan naman ang itinukso sa’yo game na game ka naman? Ang landi landi mo pa! Wala ba talaga ko sa hinagilap ng radar mo? Prefer mo ba yung mga savage at matatalino over sa mahihinhin at takot sa araw na tulad ko? WenSeul ba ‘tong college AU na ‘to? Sabihan ko nga yung author-nim, mali-mali yung taggings. Ganern?

 

 

Sabi nila pag-awkward may nararamdaman.

 

Pero ang sama pa rin talaga sa pakiramdam eh. Yung feeling na kung malaman mo yung feelings ko, baka lumayo ka. Yung friendship na nag-sisimula pa lang at tumitibay pa lang nakakatakot baka mag-lahong bigla dahil sa very aggressive feels na nararamdaman ko para sa’yo.

 

“Ah, t-thank you Seulgi.” kinuha ko yung tissue paper na inaabot niya. I tried to play it cool na lang para ma-lessen yung tension sa aming dalawa. Eto kasing Wang Jackson at Son Seungwan na ‘to eh!

 

 

“Yan na-awkward tuloy si babe.” Ani Seungwan. Asar pa more! “Babe kasi, ang messy mo kumain. Awtsu…” Pang-aalaska pa sa akin lalo ni baklas.

 

Minsan may pagka-indifferent biatch din talaga ‘to eh. At dahil nga serial killer ako, pinag-iisipan ko na kung papano ko kakalasin ‘tong pinaka payat naming myebro.

 

Wala na kong nagawa kundi pasimpleng yuko. Hindi ko talaga carry tignan si Oso.

 

“Ay Bae, yung tenga mo namumula. Yung cheeks mo nagba-blush!” Pag-puna sa’kin ni Jackson.

 

“H-Huh?” Gulat kong titig sa kanila ni baklas.

 

“Di joke lang!” Sabay tawa nilang dalawa ni Seungwan.

 

“Hindi naman eh!” Hindi ko na napigilang hindi mag-react. Nakakapikon na kasi ‘tong dalawang damuho na ‘to. Wala ng ibang talent kundi mang-g@*0! Sabay tayo ko at pinag untog ang ulo nilang dalawa.

 

“Aray naman, pikon!” Pag-angal ni Son na obvious naman na mas malambot ang bumbunan kesa kay Jackson. “Ikaw Hyun, scary ka. Tsaka bakit ka nga ba na-pikon? Guilty ka ba?”

 

“Huh, g-guilty?” Juice colored, please! Alam kong joke time ‘to pero bakit tagos sa laman yung tanong?

 

Sa ilalim ng table naramdaman kong may humawak ng right hand ko, as if signalling me that I shouldn’t lose my cool over Jackson and Seungwan’s puns being thrown at me. And I know that this person is trying to calm my senses but she’s just making my heart race instead.

 

“Anyway, any plans during Paskuhan or tayo-tayo din magkakasama nila Yooa?” Biglang segway ng topic ni Oso.

 

“Isasama ko si Mark, remember yung cousin ko from DLSU Taft na kinukwento ko sa’yo Seulgi? Sabi ko kasi pwede naman mag-sama ng outsiders. So I invited him to go with me, then siguro DOTA after. Try namin tumawid ng TAMS sa Morayta...mas bulakbol at mas malaki tumaya players dun eh.” Agad na sagot ni Jackson sa peborit girl niyang si Oso. “...gusto niyo ba kitakits tayo for dinner at least? Attendan niyo na lang yung mass for me, i-attendance niyo na lang ako if meron, please? Libre ko kayo in return.”

 

“Uy gagi ka talaga umattend ka man lang nun bago kayo mag-DOTA, tsaka start ng 400 days countdown prior sa Quadricentennial founding celeb oh wala ka bang school spirit Wang?” Sagot netong si Seulgi. “I’m still not sure if I am going to bring anyone with me...maybe Yeol? But I guess I would hate babysitting my shoti. Kayo Hyun, Wannie?”

 

At this rate, hindi ko alam kung bakit parang may nakabarang tapon sa lalamunan ko. Or hindi ako makasagot kasi instead na bitawan netong si Oso yung kamay ko sa ilalim ng table. She’s been playing with it, drawing shapes and stuffs while clasping it from time to time. Ay lang! How would I move a single muscle when you are like that Kang?

 

“Kasama ko H.S. friends ko sa Paskuhan eh...okay lang ba na hindi tayo WenSeulRene pag dating ng gabi? Mga 6 to 6:30 ko kasi imi-meet sa Dapitan gate yung mga yun eh. “ Sagot netong si baklas. Ay pucha naman, ano ‘to date namin ni Oso kung hindi nga niya isama si Yeol-bro niya?

 

“Ikaw Hyun?” Tanong netong si Oso na obvious na obvious na pasimpleng tingin sa kamay naming magkahawak sa ilalim ng table. Ngiti ngiti ka pa diyan ah, static na nga ako dito!

 

“Uh, ah...I wasn’t even thinking of bringing anyone with me sa Paskuhan.” Hesitant kong sagot as I slowly removed my hand from this bear-girl’s hold para mabawasan na rin yung tension na nararamdaman ko. “Siguro either si Sehun or si Yeri? Tsaka kasi feeling ko hindi ko naman masyado ma-eenjoy yung concert and maabutan yung fireworks kasi di naman ako papayagan ng parents ko mag stay until midnight baka mga 9:30pm uwi na ko.”

 

“Hala KJ lang? 9:30? Seryoso Hyun?” Paninigurado netong si baklas.

 

Tumango na lang ako.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
_m3owrene
1023 streak #1
Chapter 4: Nakakamiss ung kulit ng tatlong itlog 🤣
dreamwityou #2
Chapter 21: Hinanap ko talaga uli tong fic na to. otor bekenemen hehe
gomtokkim
2143 streak #3
Chapter 21: Di ko napansin yung update peri thank you authornim<3
brdfillet #4
Chapter 21: late nabasa pero yesss may update! miss ko nang kiligin haahahaha thanks authornim ingat po kayo lagi!
Hyun_Seul
#5
Chapter 21: Sanaol may neurosurgeon nga naman
Hyun_Seul
#6
Chapter 20: Successful search ops na ba to? Lol
Hyun_Seul
#7
Chapter 19: Sobrang lupet nitong story, author-nim. Shame that I've only seen this recently. Sana always safe ka din. :) matatapos din tong pandemic!
chocochipc00kie
#8
Chapter 21: Woooow may update!!! Salamat sa update!!!
Lagyan na ng slowburn tag ito. Charot 😂
rish08 #9
Chapter 21: Pigil na pigil ung kilig Hyun? Haha.. sige kung san kayo masaya hihintaying nlng namin na magkaaminan na hahaha
ohyeah12 #10
Chapter 21: Ang tagal tagal na nilaa pls huhu wala na humadlang parang awa nyo na