Freshmen Orientation/WenSeulRene

That Thing Called PAG-HANGA
Please Subscribe to read the full chapter

Ano yung pinaka complicated love story na alam mo?

 

Yung Romeo and Juliet?

 

Yung kay Ibarra at Maria Clara?

 

Yung kay Jack at kay Rose?

 

Yung kay Popoy at kay Basha?

 

NOTA (None of the above), yan ang paniniwala ni Bae Joohyun. Para sa kanya, yung  tragic kind of love ay yung kind of love na wala pa man din nangyayari hopia na. Pwede magparamdam (tinalo mo pa multo), pero HINDI mo pwedeng aminin, kasi perfect na yung current state.

 

Best friends na eh.

 

Pag nag-hangad pa ng mas instense dun. Hala kasi baka mawala pa.

 

Yung tipong galit na sayo yung ibang tao hindi sila maka-porma or makapag pa-cute sa crush nila kasi andyan si best friend. Tinalo pa yung anino at buntot, or laking harang sa view. Well, ganyan ganyan si Bae sa fan-girls at fan-boys ng bff niyang si Kang Seulgi, ang everyone’s favorite girl sa batch 20** ng BSLS (Laboratory Science) sa Unibersidad ng Sto. Tomas.



 

Freshmen Orientation

Joohyun’s POV:

 

Shemay! Anak naman ng nanay at tatay ko oh, grabe naman tong Espana Blvd! Bakit kelangan parang patintero makipag-deal sa mga sasakyan? Sinisisi ko din kayo for never exposing me enough to sunlight ni tumawid dito sa daan na ‘to hindi niyo ko pinayagan. Kahit nga yung Patintero sa school ko pa natutunan kasi graded yun sa PE. Add the fact na hatid sundo ako ng infamous classic blue and yellow school bus nung school ko from Elem to HS ng Saint Jude Catholic School. Grabe, feeling ko kelangan ko lumuhod kay Saint Jude for my hopeless case at the end of this day. (BUT WAIT? How to go there again from UST? Eh tumawid nga ng Espana problemang malupet ko na?)

 

As a result, late ako ng 50 minutes sa first subject at orientation ko. Naman, around Mayon QC lang naman ang bahay ko paano ako mag reason out na na-late ako ng 50 minutes? Eh lumilipad ang jeep sa bilis nung panahon na yon. Di pa uso forever sa EDSA. At kung traffic man, di pa naman abot sa point na babalakubakin ka sa stress unlike now. Alangan aminin kong hindi ako marunong tumawid sa main road? Eh di wow! Hulas na nga yung ganda ko running from Espana gate going to Main Bldg. Explain pa kung bakit na-late?

 

Tinignan ko sched ko, Inorganic Chem. Prof. Kwon? Ay, piaosi (B**ch in Mandarin)! Kakasabi lang ng pinsan ko sa med school na tumitingin tong prof na to sa punctuality ng studyante. Pero hindi sige, diwata nga pala ng Mapua yung nanay ko nung 19 chenes chenes kaya nga no doubt sinunggaban na ng tatay ko agad agad eh at nabuo ako. Maging diwata din kaya ako ng USTe? Luh, sya! Unang araw pa lang Bae, olats na reputation mo!



 

Sumilip ako ng pasimple sa window nung door sa back entrance ng classroom ng section ko. May gahd, I hate drugs! In the midst of orienting my other classmates na nga yata yung Prof Kwon. In particular, yung rules pa niya at parang pinagagalitan talaga ko kasi sakto yung 2nd or 3rd sentence nyang narinig ko was regarding tardiness. Nak nam pots! Ako ba yun? Nasagap ba ng radar ni Prof Kwon na andito na ko sa labas? Sakit eh. Open rebuke is better than secret love nga!

 

Inayos ko yung collar ng super tingkad na yellow collared shirt ko. Lacoste yan, legit na alligator hindi colored na butiki gift sakin ni mommy nung grad bukod sa external memory at HD monitor sa ina-assemble kong gaming computer. Ah yeah, isa din akong nakaupong patatas na pakuyakuyakoy sa bahay. Hindi ako pinapalabas eh. So yung mga kwentong kababata and larong kalye eh mailap talaga sa menory ko. Yung playmates yata namin yung dinadayo kami sa gate at yung mga nakipag laro ng Tekken nung bata kami. Sad life noh? Ang lupet ng segway ko, mas mahaba pa sa main thought.

 

Oh well, balik sa yellow shirt. Yun nga inayos ko yung collar. Then I geared up my backpack, Everlast to na moutain bag binili ni paps nung sale sa Cash and Carry. Para sakin unique, mas malaki mas maganda, mas mukhang outgoing, mas mukhang adventurous parang yung mga sa nilalaro kong video games noon.

 

Pero bakit kaya yung mga nasa loob ng classroom kung hindi yung Letterman bag, Jansport gamit?

 

Tsaka UST kami di ba? So dapat naka yellow?

 

Bakit dadalawa lang yata yung naka yellow tapos iba iba na?

 

Pwede pa bang mag pasaway during first day?




 

“...wo hen hao, ni yao qi na li? (I’m fine, where are you going?) Uy, Mandarin, may makakasundo ako! Sabay lingon ko sa kanan ko kung saan nanggaling yung boses.

 

At hindi ko inaasahan mapangiti din ng matic as soon as makita ko yung heart melting oh so nakaka wedgy mong ngiti sa kausap mong friend.

 

Then, napatingin ka sa direction ko ng bahagya, na feel mo yatang may nakatingin na sayong iba. Napayuko na lang ako para bumati.

 

Nag-paalam ka na dun sa kasama mo then hinubad yung isa sa in-ears mo at tinignan ako ulit. Nakakaloka yung titig mo ah, why do you have to crease your eyebrows while looking at me pero naka ngiti?

 

Grabeng ngipin yan! Amputi.pantay-pantay, ni-ruler ate? At oo yung kilay mo, mas maayos pa sa direction ng buhay ko pero halatang natural lang at hindi ka #kilayislife. Una kasi hindi pa na ang hashtag na yun, pangalawa hindi pa uso yung pentel pen na ginagamit sa pang kilay noon. Ano ngang tawag ulit dun?

 

Tsaka kahit simplehan yung porma mo, datingang normal na teenager pero nag susumigaw na “mamahalin ako.” Ikaw yung tipong kung schoolmates tayo sa Saint Jude Catholic School noong Elementary at HS ikaw yung walang dudang kikidnappin.

 

OOTD Hanep!

 

Shirt: Plain white na CDG (with matching yung hearts. Alam ko naman tumingin nung legit sa hindi at alam ko legit yung sayo)

 

Watch: Gintooo...pero hindi yung Casio gold ah, na madalas mapepeke ka pa sa bangketa. Kate Spade. Ikaw na! Mura na 18,000php niyan sa Macau kung makaka tyempo ka.

 

Jeans: Skinny jeans yata ng Guess yan. Tama ba?

 

Shoes: Canvas Tretorn white. Yung worth 3299 pag naka sale sa Fisher mall. Pero may dark blue accent, yung mga style na tipuhang hindi sinesale nung brand na yun.



 

PERO HINDI, hindi ang mga bagay na yun yung nagpa-freeze ng mundo ko for a few seconds sa pag titig sa’yo.

 

Yung unrelenting eye smile at ngiping wagas sa pagiging pantay pantay talaga nagdala eh.

 

“Uhm, do you also belong in this class?” Tanong mo sakin habang naglalakad ka papalapit.

 

Ay piaosi talaga oh! Hindi ako palamura pero ang sarap pakinggan ng English mo. Imported ka ba? Bakit kanina Mandarin narinig ko? Nag-aral din naman ako sa Chinese school ah, pero bakit Math na pang weteng yung kinagaling ko? Hindi yung ganyang English na papasa as foreigner...hindi yung maarte tulad nung mga ate girls at mga kuya boys sa labas kanina?

 

“Ah...oo.” Nahiya kong tugon.

 

Pero ngumiti ka na naman at tinitigan ako ng nakakaloka for a few seconds from head-to-toe.

 

May mali ba sakin?

 

Okay naman ah, in proper dress code ako. Yellow shirt (Collard pa nga eh!), Bootleg jeans (yung medyo malaki pa flare sa dulo kala mo buntot ng isda sa lapad),puting rubber shoes, tsaka tong Everlast mountain backpack ni papa. OH ANO? TINITINGIN-TINGIN MO DYAN?

 

Then bigla mong kinuha yung black backpack mo sa floor sabay abot sakin.

 

Ang weird, ano problema? Bakit?

 

“Akin na yung bag mo, medj mabigat tignan eh.” Pilit kang nakipag exchange ng bag sakin.

 

Ay wow sya, Samsonite...travel bag ng nanay ko ‘to ah may back pack pala nito? Infair, hindi sya Jansport girl tulad ng nakararami.

 

“Let’s go?” You led me going inside the class room quietly.



 

“Uy Kang grabe naman mamumundok ka ba?” Sabi ng isa nating classmate seemingly teasing you half-whispering.

 

Hinatak mo ko para mag lakad ng mas mabilis dun sa left most 4th row seats.

 

Nung umupo tayo. Napansin ko parang akin yata yung pinaka malaking bag ah. Oh my gahd! Out of place na naman ba ko?

 

Buti na lang etong si ate ganda naki pag exchange ng bag sakin at sinapo yung kahihiyan na dapat para sakin. Than

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
_m3owrene
1023 streak #1
Chapter 4: Nakakamiss ung kulit ng tatlong itlog 🤣
dreamwityou #2
Chapter 21: Hinanap ko talaga uli tong fic na to. otor bekenemen hehe
gomtokkim
2142 streak #3
Chapter 21: Di ko napansin yung update peri thank you authornim<3
brdfillet #4
Chapter 21: late nabasa pero yesss may update! miss ko nang kiligin haahahaha thanks authornim ingat po kayo lagi!
Hyun_Seul
#5
Chapter 21: Sanaol may neurosurgeon nga naman
Hyun_Seul
#6
Chapter 20: Successful search ops na ba to? Lol
Hyun_Seul
#7
Chapter 19: Sobrang lupet nitong story, author-nim. Shame that I've only seen this recently. Sana always safe ka din. :) matatapos din tong pandemic!
chocochipc00kie
#8
Chapter 21: Woooow may update!!! Salamat sa update!!!
Lagyan na ng slowburn tag ito. Charot 😂
rish08 #9
Chapter 21: Pigil na pigil ung kilig Hyun? Haha.. sige kung san kayo masaya hihintaying nlng namin na magkaaminan na hahaha
ohyeah12 #10
Chapter 21: Ang tagal tagal na nilaa pls huhu wala na humadlang parang awa nyo na