SIX

Remained feelings, forgotten memories

Sa canteen…

 

Woohyun: Sungjong anong gusto mo? Kasi akin sushiiiiii~ May kimbap dito.

 

Sungjong: Sige. Yang kimbap nalang.

 

Dumating sila Sunggyu, Sungyeol at Myungsoo sa canteen pagkatapos umorder nila Woohyun at Sungjong.

 

Dinaanan ni Sunggyu si Woohyun sabay kinuha ang tray ng pagkain nya.

 

Sungjong: Hoy! Pulubi ka ba?! Ibalik mo nga yan!

 

Woohyun: Ano ka ba Sungjong, okay lang bibili nalang uli ako.

 

Sunggyu: Ano?! Ulitin mo nga yun. PULUBI?! (hinila yung collar ni Sungjong)

 

Sungjong: Oo! Bakit? May angal ka? Wala ka kasing pambili ng sarili mong pagkain kaya kinikuha mo yung pagkain ng iba!

 

Woohyun: Okay lang talaga Sungjong, hayaan mo na.

 

Sungjong: Hayaan? Kaya nasasanay yang mga patay gutom na yan eh.

 

Nakita ni Sungyeol ang pagkakainitan nila Sungjong at Sunggyu kaya naman tinawag nya agad si Myungsoo.

 

Sungyeol: Myungsoo! KIM MYUNGSOO! Si Sunggyu may ginagawa nanamang gulo.

 

Tumakbo sila Sungyeol at Myungsoo papunta kay Sungjong at Myungsoo.

 

Myungsoo: Kim Sunggyu! Tama na yan.

 

Sunggyu: Anong tama na? Alam mo ba kung anong tinawag nya sakin? PULUBI DAW AKO! PULUBI!

 

Myungsoo: Ako nang bahala Gyu. Iwan mo na sakin yan.

 

Sunggyu: Sige. Bahala ka na dyan!

 

Myungsoo: Pasensya ka na sa ginawa ni Sunggyu, ako na humihingi ng paumanhin para sa kanya.

 

Sungjong: Oh sige pero eto na ang una at huling pagkakataon na papatawarin ko sya. Pasalamat sya di ko sya pinaluhod sa harapan ko. Akala mo naman kalakihan yung mata nya.

 

Myungsoo: Pfft. Hahahahaha. Ay sorry. Pero salamat talaga tsaka pasensya uli.

 

Sungjong: Sure.

 

Nakuha na uli ni Woohyun ang pagkain nya at umalis na din silang dalawa ni Sungjong sa canteen.

 

Sunggyu: Anong tinitingin tingin nyo? (sumigaw sa estudyanteng nakatingin sa kanya) Mga chismoso’t chismosa! Aiiish! Gutom na ko eh. Atsaka Myungsoo, bakit ka pa nag sorry dun sa lokong yun eh wala ka namang ginawang mali! Sya ang nang insulto sakin.

 

Myungsoo: Gyu, naalala mo ba yung lagi kong kinekwento sa inyo ni Yeol yung bestfriend ko nung bata ako, si Sam. Para kasing may pagkakahawig sya sa kanya.

 

Hindi na matandaan ni Myungsoo ang itsura ni Sungjong dahil labing dalawang taon na ang nakakalipas nang huli silang nagkita.

 

Sunggyu & Sungyeol: SAM NANAMAN?!

 

Sungyeol: Myungsoo, ikaw na nagsabi na na aksidente yung pamilya nila at hindi mo alam kung buhay pa ba sya o hindi.

 

Sunggyu: Kalimutan mo nalang sya Myung. Andito naman kami ni Sungyeol di ka naming iiwan.  Diba Sungyeol?

 

Sungyeol: Oo nga! Andito kami. Ang mga gwapo mong kaibigan

 

 

Myungsoo: Mga loko talaga kayo hahahahaha!

 

 

Myungsoo: Pero kasi, nangako ako na poprotektahan at hindi ko sya kalilimutan. Minsan ko na syang hindi naprotektahan kaya dapat hindi ko sya kalimutan.

Sungyeol: Ang cheesy masyado.



 

HI GUYS.

 

 

WALA LANG TRIP KO LANG MAG HI.

TATYPE KO PALANG NEXT NA PART. WAITEU LAAANG~

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
koress
#1
Chapter 18: gosh! I love your story ! I like the way how you write it ! And this is the first time i read tagalog story here. And sobrang nakaka excite! Sa sobrang excitement ko di nako makapaghintay na maalala na ni sungjong ang past niya at makilala na niya si howon na kapatid niya at si myungsoo na bestfriend niya.
And hey~ good idea to put some gif here because it adds a lot of expressions and excitement !
i also love the Woogyu couple haha they're adding some funny moments here! THUMBS UP ! I LIKE IT VERY MUCH!