TWELVE

Remained feelings, forgotten memories

Kinabukasan maaga palang ay naghanda na si Sungjong para sa date nila ni Sunggyu.

 

Sinuot nya ang bagong bili nyang damit.

 

Sungjong: Sana kasama ni Sunggyu mamaya si Myungsoo.

 

Umalis si Sungjong ng 11:30 sa bahay nila.

 

At eksaktong alas dose ng tanghali ay nakarating sya sa restaurant kung saan sila magde-date.

 

Kalahating oras nang naghihintay si Sungjong pero ni anino ni Sunggyu ay wala syang nakikita.

 

Paalis na si Sungjong ng biglang dumating si Sungyeol.

 

Sungyeol: Hi.

 

Sungjong: Ayy, bakit ikaw? I mean, si Sunggyu?

 

Sungyeol: Di daw sya makakapunta, may importante syang lakad. Biglaan yun eh.

 

Sungjong: Ahh. Ganun ba.

 

Sungyeol: Upo na muna tayo.

 

Umupo na ang dalawa at umorder.

 

Sungyeol: Bakit mo naman gustong makipagdate kay Sunggyu?

 

Sungjong: Gusto ko kasi sana syang makilala pa lalo.

 

Sungyeol: Ahhh ganun ba. Eh bakit hindi nalang si Myungsoo inaya mo makipagdate?

 

Sungjong: Bakit?! Pwede ba? Single ba sya?

 

Sungyeol: Oo naman bakit hindi. Atsaka malamang single lang talaga sya, isa lang sya eh.

 

Napa-poker face nalang si Sungjong sa sinabi ni Sungyeol.

 

Sungjong: Ayyy. Joke ba yun?

 

Sungyeol: Oo, sayang di ka natawa. Tawa ka na dali.

 

Sungjong: Ha. Ha. Ha. Ha. Ha. Ha.

 

Sungyeol: Uyyy! Andyan na yung inorder! Kainan naaaaa!

 

Sungjong: Wag ka nga maingay, nakakahiya.

 

Sungyeol: Kumain ka nalang sumesermon ka pa eh.

 

Pagkatapos kumain ni Sungjong, biglang tumawag si Woohyun.

 

Woohyun: Sungjongieeeee! Punta ka dito daliiiii~ May libreng ice creaaaam~ Bagong bukas daw tong store na to kaya namimigay silaaaa~

 

Sungjong: Hala! Ganun ba?! Okay ka lang ba? Sige sige papunta na ko dyan. Bye.

 

Dahil ayaw ni Sungjong na kasama si Sungyeol, nagkunwari syang may emergency syang kailangan puntahan.

 

Sungjong: Sungyeol, mauna na ko ha. Kailangan ko na talaga umalis.

 

Sungyeol: Sige sige ingat.

 

Umalis na agad si Sungjong sa restaurant.

 

Pagdating ni Sungjong sa ice cream store hinanap nya agad si Woohyun.

 

Sungjong: Namgrea--- ayyy. Woohyuuuun!

 

Woohyun: Jongieee, andyan ka na pala? Dali bili ka naaaaa~ Sayang yung libreng ice cream. Hahahahahaha~

 

Sungjong: Ewan ko sayo mukha kang pagkain. Miss, isang cookies and cream ice cream po.

 

Counter: One cookies and cream ice cream po, yun lang po ba?

 

Sungjong: Opo.

 

Counter: Sige po maupo po muna kayo.

 

Humanap ng mauupuan si Sungjong at Woohyun at nag usap tungkol sa nangyaring date.

 

Sungjong: Woohyun, sige na. Sayo na sya.

 

Woohyun: HA?! BAKIT?! DI SYA SUMIPOT?! SERYOSO YAN?! AS IN WALA KANG NAKITANG ANINO NI KIM SUNGGYU DUN SA LUGAR NA YUN?!

 

Sungjong: Oo. Wala sya dun, pero may dumating.

 

Woohyun: Ayieee, sino yan? Si Myungsoo nooooh?

 

Sungjong: Sana nga sya nalang ang dumating pero hindi eh. SI SUNGYEOOOOOL!

 

Woohyun: WAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Oh ano kamusta naman ang date with Lee Sungyeoooool~

 

Sungjong: Para akong nakikipag usap sa 5-year-old na bata.

 

Woohyun: Wala tayong magagawa Choding nga eh.

 

Sungjong: Yun ba yung tinatawag nyong magaling sa pakikipag-date?! Eh magaling lang yun kumain at napakaingay pa, nakakahiyang kasama.

 

Habang nag-uusap si Sungjong at Woohyun dumating na ang inorder nilang ice cream.

 

Woohyun: Salamat po, pero asan na yung free ice cream?

 

Waitress: Ah eh… Ano po kas---

 

Woohyun: Ano ba naman yan.

 

Waitress: Ano po kasi, first 20 customers lang ang pwedeng maka-avail nun. Pang-sampu po kasi kayong umorder kanina.

 

Woohyun: Ahhh ganun ba. Sige thank you. Jjong, pasensya ka na naistorbo ko pa date mo para lang dito sa ice cream na to. Ako nalang magbabayad nito.

 

Sungjong: Sus! Ano ka ba. Okay na okay na okay na okay lang sakin. Buti nga tumawag ka eh, kasi kung hindi malamang nagtitiis parin akong kasama yung Sungyeol na yun.

 

Woohyun: Ayy sus. The more you hate, the more you love. AHHHHH! KAYA PALA!

 

Sungjong: Anong kaya pala?

 

Woohyun: Si Myungsoo. Diba? Ayaw na ayaw mo sa kanya noon. Pero ngayon… ayiiieeee~

 

Sungjong: Hay ewan ko sayo. Pero sa tingin mo, bakit kaya hindi sumipot si Sunggyu?

 

Woohyun: Hindi talaga sisipot yun. Kasi loyal sya sakin. Hahahahaha!

 

Sungjong: Haaay kawawa naman tong kaibigan ko, nabaliw na dahil sa pagiging one sided love nya para kay Gyu. Wag ka ngang assuming malay mo busy lang.

 

Woohyun: Busy kakahanap sakin, kasi ako talaga ang gusto nya makapiling ngayong araw na to.

 

Sungjong: Asa ka naman, bakit ka naman hahanapin nun. Ano ka ba nya?

 

Woohyun: Wala. Pero malay mo naman andyan lang pala sya sa tabi tabi, nagmamasid habang ako ay kumakain ng ice cream.

 

Habang naguusap ang dalawa ay may lumabas na lalaki sa ice cream shop.

 

May lalaking lumabas na nakatakip ang mukha at naka-jacket ng makapal.

 

Napansin ni Woohyun ang lalaking lumabas sa ice cream shop.

 

Woohyun: Siguro snatcher yun. Kung makatakip ng mukha akala mo taga Middle East eh.

 

Sungjong: Malay mo naman may pinagtataguan lang, eto naman masyadong mapanghusga.

 

Woohyun:Sira! Eh diba nga pag nagnanakaw nagtatago din yung mga yun.

 

Sungjong: Ayyy. Oo nga noh.

 

Habang patuloy ang walang kwentang pag-uusap ng dalawa ay lumabas ang waitress ng ice cream shop.

 

Waitress: Sir, naibigay ko na po yung ice cream na pinabibigay nyo dun sa customer, nag-aya pa nga po ng kaibigan nya eh akala nya po siguro may libre talaga kaming ice cream na binibigay.

 

Sunggyu: Eh anong sinabi mo?

 

Waitress: Sabi ko nalang po na first 20 customers lang ang nakakakuha ng free ice cream tas pang sampu syang bumili.

 

Sunggyu: Sige sige. Maraming salamat.

 

Waitress: Walang anuman po.

 

Tinawagan ni Sunggyu si Sungyeol.

 

Sunggyu: HOY LEE SUNGYEOL! MAGKITA TAYO MAMAYA HA! TATANGGALAN KITA NG GILAGID!

 

Sungyeol: Ano nanaman ba Kim Sunggyu? Ganyan ka nab a ka agresibo porke inlove ka? Hala sige magkita tayo. KUNG! MAKIKITA MO KO! DILAT DILAT DIN! BLEEEEH! HAHAHAHAHA!

 

Pinatayan ni Sungyeol ng telepono si Sunggyu.

 

Sunggyu: ABA LOKONG BATA TO AH! ANONG AKALA NYA SA MATA KO, EH ETO NGA YUNG ASSET KO EH.



 GUYTH! SORRY SA SUPER DUPER LATE UPDATE!

NAWA'Y MAPATAWAD NYO ANG PAGKUKULANG KO.

AYLABYU OOOOL!

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
koress
#1
Chapter 18: gosh! I love your story ! I like the way how you write it ! And this is the first time i read tagalog story here. And sobrang nakaka excite! Sa sobrang excitement ko di nako makapaghintay na maalala na ni sungjong ang past niya at makilala na niya si howon na kapatid niya at si myungsoo na bestfriend niya.
And hey~ good idea to put some gif here because it adds a lot of expressions and excitement !
i also love the Woogyu couple haha they're adding some funny moments here! THUMBS UP ! I LIKE IT VERY MUCH!