THIRTEEN

Remained feelings, forgotten memories

Nang babaan ni Sungyeol ng telepono si Sunggyu ay agad agad syang umalis.

 

Dahil sa pagmamadali ni Sunggyu ay may nakabanggaan sya.

 

Sunggyu: Ano ba yan! Tumingin ka naman sa dinadaan mo.

 

Howon: Ay pasensya ka na, medyo naliligaw kasi ako.

 

Sunggyu: Bakit? Saan ka ba pupunta? Hindi naman sa pagmamayabang pero lahat ng sulok ng lugar na to eh kabisadong kabisado ko.

 

Howon: Ah eh, alam mo ba kung saan yung Big Star Entertainment?

 

Sunggyu: Ayyy! Oo naman! Dun kami madalas na nagpapractice. Bakit ka pupunta dun? Kinuha ka bang trainee ni Dongwoo Hyung?

 

Howon: Oo eh. Buti nalang alam mo pwede mo ba ko samahan?

 

Sunggyu: Oo naman, dun din ang punta ko.

 

Sabay na pumunta sa Big Star Entertainment si Howon at Sunggyu.

 

Pag dating nila dun ay nakita na agad ni Sunggyu si Sungyeol.

 

Sunggyu: Maiwan na kita dito ha, magtanong tanong ka nalang dyan kung asan si Dongwoo hyung ngayon. Ako nga pala si Sunggyu, Kim Sunggyu.

 

Howon: Lee Howon naman ang pangalan ko.

 

Sunggyu: Sige sige. Goodluck sayo. HOY LEE SUNGYEOOOL!

 

Umalis na si Sunggyu at sinundan si Sungyeol.

 

Habang hinahanap ni Howon si Dongwoo nakarinig sya ng isang pamilyar na boses.

 

 Employee: Wala po ngayon dito si Mr. Dongwoo ngayon Ms. Jang. May pinuntahan lang po ata sya saglit.

 

Jang Ge Yin: Ahh ganun ba, pakisabi sa pamangkin ko na tawagan ako mamaya. Kasi di makakapagpractice ngayon ang anak kong si Myungsoo at may ginagawa din sya.

 

Employee: Opo Maam.

 

Nang palabas na si Ge Yin sa opisina ni Dongwoo ay nakasalubong nya si Howon.

 

Ge Yin: Uhm, excuse me? Bagong trainee ka ba dito? Kasi ngayon lang kita nakita pero pamilyar yung mukha mo eh.

 

Howon: Opo bagong trainee po ako. Pero may tanong po ako. May kilala po ba kayong Julienne Jang?

 

Ge Yin: Oo, English name ko yun nung nasa America pa ako. Paano mo nalaman?

 

Howon: Tita Julienne, di nyo po ba ako naaalala? Ako po ito, si Hoya.

 

Nagulat si Ge Yin sa sinabi ni Howon at di nakapagsalita.

 

Howon: Ang tagal ko po kayong hinanap pero di ko po alam kung saan kayo hahanapin, nagtatanong po ako kung may kilala silang Julienne Jang, Michael Kim o Mark Kim pero wala daw silang kilala. Nawalan na po ako ng pag-asa na mahahanap ko pa kayo, kaya tumigil na po ako sa paghahanap sa inyo.

 

Napaluha na lamang si Ge Yin sa mga sinabi ni Howon.

 

Ge Yin: Hoya, patawarin mo kami ni Tito Michael mo. Di naming nagawa ang dapat na pag-aalaga sa inyo ni Sam. Babawi kami sa inyo ni Sam, pero si Sam asan na? Ano ba talagang nangyari sa inyo? Ang tanging alam lang naming ay naaksidente kayo pagkatapos nun wala na kaming nabalitaan.

 

Howon: Nung araw po nung aksidente ako lang po ang tanging nakaligtas, lumabas po ako sa kotse kahit na alam kong nanghihina na ako, humingi ako ng tulong pero naligaw ako. Lalo po akong natakot nung naligaw ako kasi hindi ko kabisado ang lugar na yun, may umampon po sakin sila din po nagligtas sakin. Tinulungan din po nila akong hanapin si mommy, daddy at Sam pero ang sabi nila hindi nakaligtas sa aksidente ang mga magulang ko. Wala po akong nabalitaan kay Sam, hindi ko rin po alam kung nakaligtas sya o hindi sa aksindenteng yun.

 

Ge Yin: Akong bahala sayo Howon simula ngayon, sisimulan natin sa paghahanap kay Sam. Asan na ang mga umampon sayo? Mababait ba sila sayo?

 

Howon: Opo, mabait sila. Pero kasalukuyan pong nasa ospital ang nanay ko dahil sa sakit na lung cancer.

 

Patuloy sa pagluha si Ge Yin dahil sa mga sinabi ni Howon.

 

Ge Yin: Ako na ang magpapagamot sa nanay mo Hoya. Dahil tinulungan ka nya, ako naman ang tutulong sa kanya.

 

Howon: Salamat po tita. Maraming salamat po talaga.

 

Tinawagan ni Ge Yin ang asawa nyang si Tae Woong.

 

Ge Yin: Tae Woong, si Hoya.

 

Tae Woong: Hoya? Si Hoya? Anak ng bestfriend ko?! Bakit? Asan sya ngayon?

 

Ge Yin: Andito sya ngayon, kasama ko. Kausapin mo sya.

 

Howon: Hello po, tito Michael ako po ito si Hoya.

 

Tae Woong: Hoya! Kamusta ka na, alam mo bang ang tagal ka na naming hinahanap. Sumama ka lang kay tita Julienne mo ha, wag kang hihiwalay. Pupuntahan ko kayo.

 

Howon: Opo tito.

 

Hinintay ni Ge Yin at Howon na dumating si Tae Woong at patuloy pa rin silang nag-usap sa mga nangyari.


At sa kabilang banda naman ay si Sunggyu at Sungyeol na patuloy ang pagbabangayan sa walang kwentang bagay.

 

Sunggyu: Kahit kelan ka talaga Lee Sungyeol, palpak ka.

 

Sungyeol: Ano ba kasi yun? Ano ba talagang tinutukoy mo?

 

Sunggyu: Dahil sayo nasira plano ko!

 

Sungyeol: Anong plano ba kasi yun?

 

Sunggyu: Dapat makakadate ko ngayon si Woohyun, pero biglang dumating yung Sungjong na yun.

 

Sungyeol: Ha? Paano sya nakapunta dun kay Woohyun, eh sabi nya may emergency daw syang pupuntahan.

 

Sunggyu: Ayun na nga ang punto ko! Palpak ka! Ibig sabihin ayaw sayo ni Sungjong kaya ayun nagkunwaring may emergency at iniwan ka sa date nyo!

 

Sungyeol: Ahhhh! Oo nga noh. Bat di ko napansin?

 

Sunggyu: Haaaay! Ako lang talaga matalino dito!

 

Sungyeol: Hahahahahahahaha! Okay lang yan, pero seryoso ka ba talaga dyan kay Woohyun?

 

Sunggyu: HINDI BA HALATA?!

 

Sungyeol: Halata, halatang halata. Kaya nga sinisigawan mo na ko ngayon eh diba?

 

Sunggyu: Pasensya na, kasi naman eh. Sayang talaga.

 

Sungyeol: Hayaan mo na may next time pa.

 

Sunggyu: Sana nga.



 

SA AKING MGA MASUSUGID NA READERS~

MARAMING SALAMAT MGA BH3 /LE CRIES/

BTW, HIGHWAY, SKYWAY. ANONG GUSTO NYONG ISUNOD KO PAGKATAPOS NG CHAPTER NA TO?

COMMENT LANG KAYOOOO~

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
koress
#1
Chapter 18: gosh! I love your story ! I like the way how you write it ! And this is the first time i read tagalog story here. And sobrang nakaka excite! Sa sobrang excitement ko di nako makapaghintay na maalala na ni sungjong ang past niya at makilala na niya si howon na kapatid niya at si myungsoo na bestfriend niya.
And hey~ good idea to put some gif here because it adds a lot of expressions and excitement !
i also love the Woogyu couple haha they're adding some funny moments here! THUMBS UP ! I LIKE IT VERY MUCH!