SEVENTEEN

Remained feelings, forgotten memories

Pinapasok ni Woohyun sila Sunggyu at Myungsoo sa kwarto pero nananatili paring tulog si Sungjong.

 

Woohyun: Tita, mga kaibigan nga po pala namin ni Sungjong. Si Myungsoo po at Sunggyu.

 

Sunggyu: /bumulong kay Myungsoo/ Myung, medyo maskit. “KAIBIGAN” daw.

 

Myungsoo: /siniko nang pasimple si Sunggyu/ Magandang araw po andito po kami para bisitahin si Sungjong.

 

Eun Hye: Salamat sa pagbisita. Halika kayo maupo muna kayo.

 

Myungsoo: Ano na po bang kalagayan ngayon ni Sungjong?

 

Eun Hye: Maayos ayos na daw sya ngayon sabi ng doctor.

 

Myungsoo: Ano daw po bang dahilan kung bakit nagkaganyan si Sungjong?

 

Nagtinginan sa isa’t isa si Eun Hye at Woohyun.

 

Woohyun: Ah, Myung gusto nyo bang kumain? Baka may gusto kayong inumin? May juice dito?

 

Myungsoo: Okay lang kami.

 

Sunggyu: Ako, nauuhaw ako.

 

Woohyun: Saglit lang kukuha lang ako ng inumin.

 

Sunggyu: /bumulong sa sarili/ Nauuhaw ako sa pagmamahal mo.

 

Eun Hye: Iho, may sinasabi ka ba?

 

Myungsoo: Ayy wag nyo pong intindihin tong kasama ko. Ano bang pinagsasasabi mo dyan? Manahimik ka muna utang na loob.

 

Sunggyu: May tanong lang po ako, mabait po ba si Woohyun?

 

Eun Hye: Ayy oo naman. Kung wala si Woohyun malamang hirap na hirap kaming mag-asawa ngayon. Buti na nga lang adyan si Woohyun eh. Bakit mo naman natanong?

 

Sunggyu: May gusto po kasi ako kay Woohyun. Bagay po ba kami?

 

Eun Hye: Ahahahahahaha! Nakakatuwa ka namang bata ka. Kahit sino babagay para kay Woohyun, pero ikaw ang pinakabagay para sa kanya.

 

Sunggyu: TALAGA PO?! Salamat po talaga! Hindi ko po kakalimutan yung sinabi nyo.

 

Eun Hye: Nakakatuwa ka talaga. Ano nga pala ulit pangalan mo?

 

Sunggyu: Sunggyu po. Kim Sunggyu.

 

Eun Hye: Parang nabanggit ka na ata ni Woohyun? Saglit…. AH! Ikaw yung yung nagligtas sa kanila nung hinarang sila noon nila Sungjong ng tatlong lalaki?

 

Sunggyu: Opo, pero hindi lang po ako yun andun din po si Myungsoo.

 

Eun Hye: Talaga? Naku, maraming salamat sa inyong dalawa. Kung wala kayo nung oras na yun hindi ko na alam kung anong mangyayari sa kanilang dalawa.

 

Myungsoo & Sunggyu: Wala po yun.

 

Eun Hye: Gusto nyo bang kumain? May pagkain dito.

 

Myungsoo: Ayos lang po, aalis na din po kami may pupuntahan pa po kasi kami.

 

Sunggyu: Babalik nalang po kami sa susunod.

 

Eun Hye: Sige. Hahahahaha. Nakakatuwa naman kayo.

 

Myungsoo: Salamat po. Mauna na po kami.

 

Eun Hye: Oh sige mag ingat kayo ha.

 

Sunggyu: Opo. Maraming salamat po.

 

Myungsoo: Mag ingat din po kayo. Salamat po.

 

Eun Hye: Salamat din.

 

Paglabas ni Myungsoo at Sunggyu ng kwarto ay nakasalubong nila si Woohyun.

 

Woohyun: Aalis na kayo? Bumili pa naman ako ng inumin para satin.

 

Myungsoo: Salamat nalang. Mauna na kami.

 

Sunggyu: Anong kami? Ikaw lang.

 

Myungsoo: Ha? Baki—Ahhh. Oo nga, sabi ko nga ako lang.

 

Woohyun:Bakit saan ka pa pupunta Gyu?

 

Sunggyu: /pabulong/ Sa puso mo.

 

Woohyun: Saan?

 

Sunggyu: Sa sementeryo.

 

Woohyun: Bakit naman?

 

Sunggyu: Syempre biro lang yun. Uuwi ka na ba?

 

Woohyun: Oo eh. Bakit?

 

Sunggyu: Sige sabay nalang tayo.

 

Woohyun: Sige ba. Walang problema.

 

Myungsoo: Oh sya. Mauna na ako ha.

 

Woohyun: Sige, mag-ingat ka!

 

Sunggyu: Sige alis na! Mag-ingat sila sayo.

 

Habang nagpapaalam sa sila sa isa’t isa ay biglang lumabas si Howon sa kabilang kwarto at nakita sya ni Myungsoo.

 

Myungsoo: Hyung?!

 

Howon: Huh? Myungsoo?

 

Myungsoo: Ikaw nga Hyung, bakit andito ka?

 

Howon: Andito kasi yung mama ko. Yung nag-ampon sakin. Ikaw? Bakit andito ka? Akala ko ba bibisitahin mo yu--- saglit wag mong sabihing…

 

Myungsoo: Oo Hyung, dito sa ospital na to nagpapagaling yung sinasabi ko sayong kaklase ko.

 

Woohyun: Ah eh, mawalang galang na po. Pero sino po kayo?

 

Habang nag uusap sila ay biglang lumabas ang nanay ni Sungjong sa kwarto.

 

Eun Hye: Asan na ka—Oh Woohyun, andito ka na pala? Bakit andito pa kayo Myungsoo at Sunggyu?

 

Howon:  Oh? Maam, magkakilala po kayo?

 

Eun Hye: Oh iho, bat andito ka?

 

Myungsoo: Hyung, magkilala kayo?

 

Eun Hye: Oo, sya yung tumulong sakin noon.

 

Woohyun: Wait, wait ,wait. Nalilito ako saglit. Ganito, Si Kuyang taga kabilang kwarto at si tita magkakilala, ikaw Myungsoo kilala mo din tong si kuyang taga kabilang kwarto?

 

Myungsoo: Oo, magkababata kami.

 

Woohyun: Okay. So magkakakilala kayong tatlo… Wala lang. Sumingit lang nalito kasi ako. Hahahahahaha. Sige usap na ulit kayo.

 

Eun Hye: Paano kayong magkakabata ni Myungsoo, iho?

 

Howon: Yung mga magulang po namin matalik na makakaibigan.

 

Eun Hye: Ahh ganun ba, edi ibig sabihin yung nanay nya yung yung dapat na pupuntahan mo ngayon Myungsoo?

 

Howon: Hindi po. Matagal na pong pumanaw yung mga tunay kong magulang, yung mga kasama ko po ngayon ay yung mga umampon sakin.

 

Eun Hye: Ahhh ganun ba. Pasensya ka na at naitanong ko pa.

 

Howon: Wala po yun.

 

Habang nag-uusap sila ay pumasok na sa kwarto si Woohyun at Sunggyu. Pag pasok nila ang nakita nilang dilat nagkamalay na si Sungjong.

 

Woohyun: Doooc! Tita! Myungsoo! Si Sungjong nagkamalay naaaaa!

 

Dahil sa sigaw ni Woohyun dali daling silang lahat pumasok kasama si Howon.

 

Eun Hye: Anak? Sungjong, naririnig mo ba ko? May masakit ba sayo?

 

Sungjong: O…kay na…man po.

 

Eun Hye: Pinagalala mo ko anak. Buti naman at nag kamalay ka na sa wakas.

 

Woohyun: Hay nako Lee Sungjong, grabe alam mo bang sobrang nagalala ako sayo. Andito nga pala sila Myungsoo.

 

Myungsoo: May nararamdaman ka bang iba? Masakit pa rin ba ulo mo?

 

Sungjong: A…ayos la…ang a…ko.

 

Myungsoo: Wag mong pwersahin yung sarili mong magsalita kung hindi mo pa kaya.

 

Habang ang lahat ay nakatuon ang atensyon kay Sungjong si Howon ay napatunganga nalang at lumabas ng kwarto.

 

Howon: /bumulong sa sarili/ Pamilyar talaga sakin yung mukhang yun, nakita ko na sya. Tekaaa. Sabi ko na nga ba nakita ko na sya. Sya yung nakita ko nung sumayaw ako isang beses. Sya na ba talaga si Sam? Sana sya na talaga.

 

Hindi na namalayan ni Myungsoo na nawala na si Howon dahil na kay Sungjong ang buong atensyon nya.

 

Myungsoo: Magpagaling ka na. Madami pang gagawin sa school. Inuutusan kitang magpagaling ha.

 

Eun Hye: Narinig mo yun anak? Magppagaling ka na agad kasi maraming nagaalala para sayo. Nga pala Woohyun, pwede ka ng umuwi tutal nagkamalay na si Sungjong ako na ang bahala dito.

 

Woohyun: Sige po tita. Hoy Lee Sungjong, magpagaling ka ha. Wag ka munang masyadong magcellphone para lang manood ng girl group dance saka mo na gawin yun pag magaling ka na. kahit bored na bored ka na bawal ka parin mag cellphone. Pinapaalalahanan kita.

 

Sunggyu: Oh Sungjong, narinig mo yun? Makinig ka kay Woohyun. Fighting!

 

Woohyun: Oh sya mauuna na kami ha. Tita, dito na po kami.

 

Eun Hye: Oh sige, magiingat ka ha.

 

Sunggyu: Wag po kayong magalala andito po ako. Hihihihihihi~



 

HELLO GUUUUUYS~

NAG PROMISE AKONG HAHABAAN KO YUNG UPDATE PEROOO~

MUKHANG MAIKLI PADIN HUHUHUHUHUHU.

MAAGANG PAALALA LANG PO. MUKHANG MALAPIT NA PONG MATAPOS ITONG FANFIC NA TOOOOO~

YUN LAAAANG~ SALAMAT SA LAHAT NG NAGBASAAA~

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
koress
#1
Chapter 18: gosh! I love your story ! I like the way how you write it ! And this is the first time i read tagalog story here. And sobrang nakaka excite! Sa sobrang excitement ko di nako makapaghintay na maalala na ni sungjong ang past niya at makilala na niya si howon na kapatid niya at si myungsoo na bestfriend niya.
And hey~ good idea to put some gif here because it adds a lot of expressions and excitement !
i also love the Woogyu couple haha they're adding some funny moments here! THUMBS UP ! I LIKE IT VERY MUCH!