TEN

Remained feelings, forgotten memories

Guy: Ako nga po pala si Howon, Lee Howon.

 

Eun Hye: Napakaganda naman ng pangalan mo. Ay eto iho, calling card ko kung may kailangan ka tawagan mo lang ako.

 

Howon: Hindi na po maam, okay lang po. Okay na po sakin yung natulungan ko kayo.

 

Eun Hye: Tanggapin mo na iho, gusto ko rin makatulong sayo tulad ng ginawa mo sakin.

 

Howon: Maraming salamat po maam.

 

Tinanggap ni Howon ang calling card ng nanay ni Sungjong. At nag paalam na sila sa isa’t isa.

 

Pauwi na ang nanay ni Sungjong habang si Howon naman ay papunta na sa kanyang mga magulang.

 

Pagkatapos bisitahin ni Howon ang kanyang ina ay umalis na sya at nagsimula nang mag trabaho.

 

Kasalukuyang nasa ospital ang nanay ni Howon dahil sa malubhang sakit nito.

 

Walang pambayad ang pamilya ni Howon sa ospital ngunit humahanap pa rin sya ng paraan para lamang mapagaling ang kanyang nanay.

 

Mahilig at magaling sumayaw si Howon, ginagamit nya ang talentong ito para makaipon ng pera pambayad sa ospital.


Pagkatapos ng event sa school nila Sungjong ay umalis na agad sila ni Woohyun at pumasyal muna sila sa park.

 

Habang naglalakad sila ay nakarinig sila ng malakas na tugtog.

 

Sungjong: Woohyun, naririnig mo ba yung tumutugtog na yun?

 

Woohyun: Oo, halika hanapin natin kung saan nanggagaling yun. Baka may show uli.

 

Sungong: Sige sige tara.

 

Nakita nila ang pinanggagalingan ng tugtog na hindi masyadong kalayuan mula sa kinatatayuan nila.

 

Sungjong: Wow! Ang galing nya sumayaw!

 

Woohyun: Oo nga! Wooooow!

 

Hindi alam ni Sungjong na kapatid nya na pala ang nakikita nyang sumasayaw sa harapan nya.

 

Natapos na ang pagsasayaw ni Howon at pinalakpakan sya ng kanyang mga manunuod at sya naman ay ngumiti sa mga nanuod sa kanya hanggang sa may nakakuha sa kanya ng atensyon.

 

Isang pamilyar na mukha ang kanyang nakita.

 

Howon: Sam?

 

Natulala si Howon sa kanyang nakita at hindi nakapagsalita.

 

Dahil sa ganda ng kanyang ipinakitang sayaw nagsigawan ang mga tao.

 

Crowd: Isa pa! Isa pa! Isa pa!

 

Howon: Gusto nyo pa ba?!

 

Crowd: Oo!

 

Nag bow muna si Howon sa kanyang mga manunod bago nagsimulang sumayaw uli, ngunit nang pag angat nya ng kanyang ulo ay nawala na sa paningin nya ang pamilyar na mukhang nakita nya.

 

Dahil sa pagkabigo ni Howon na hindi nya na uli nakita ang pamilyar na mukhang iyon ay nagpatuloy na lamang sya sa pagsasayaw.

 

Pagkatapos sumayaw ni Howon ay may lumapit sa kanya.

 

Dongwoo: Magandang araw sayo, ako nga pala si Jang Dongwoo ng Big Star Entertainment. Nakita ko kanina yung performance mo. Gusto mi bang maging trainee sa kompanya namin?

 

Hoya: Maraming salamat po Mr. Dongwoo pero pagiisipan kop o muna yung alok nyo. Ako po pala si Howon, Lee Howon.

 

Dongwoo: Mukhang marami kang ginagawa basta tawagan mo lang ako paghanda ka na.

 

Howon: Opo sir. Maraming salamat po.

 

Tumakbo si Howon dahil sa pagbabaka-sakaling makita nya pa uli ang kamukha ng kanyang nawawalang kapatid, ngunit hindi nya na ito nakita pa uli.

 

Hanggang sa biglang naisip ni Howon ang alok sa kanya ni Dongwoo.

 

Howon: Kapag naging sikat na dancer ako mas madali na para sakin na mahanap yung kapatid ko at mapapagamot ko na din si Mama.

 

Tinawagan ni Howon si Dongwoo.

 

Howon: Sir, ako po to si Lee Howon. Tinatanggap ko na po yung offer nyo.

 

Dongwoo: Good decision Mr. Lee! We’re so lucky to have you in our company.

 

Pagkatapos ng paguusap ni Howon at Dongwoo sa telepono ay dumiretso na si Howon sa ospital para puntahan ang kanyang nanay.


Si Sungjong at Woohyun naman ay umalis na kaagad sa park pagkatapos ng performance ni Howon dahil tumawag si Eun Hye kay Sungjong.

 

Nang nasa tapat na ng bahay nila Sungjong si Woohyun.

 

Woohyun: Sige na, di na ko papasok. Nakakahiya eh.

 

Sungjong: Ayos lang yan, wag ka mahiya. Matutuwa yun si mommy at daddy na makita ka kasi may kaibigan na ako.

 

Woohyun: Sigurado ka dyan ha.

 

Sungjong: Oo nga, tara pasok na tayo.

 

Pagkapasok ni Sungjong at Woohyun sa bahay.

 

Sungjong: Maaaaa! Andito na ako! Kasama ko po yung kaibigan ko.

 

Eun Hye: Anaaaak! Andyan ka na palaaaaa.

 

Woohyun: Magandang araw po.

 

Eun Hye: Anak, eto ba yung kaibigan mo?

 

Sungjong: Opo mommy.

 

Eun Hye: Ang cute nya naman.

 

Woohyun: Thank you po tita!

 

 

Eun Hye: HAHAHAHAHAHAHA! Nakakatuwa ka naman. Oh sige maupo muna kayo at magtitimpla muna ako ng juice.

 

Sungjong: Ewww~ Namgrease. Kekekekekeke~

 

Woohyun: Thank you po tita. Uy Sungjong, ang laki at ganda ng bahay nyo. Grabe.

 

Sungjong: Salamat. Malaki nga tong bahay namin pero minsan nakakalungkot din kasi ako lang mag-isa.

 

Eun Hye: Eto na ang juice nyooooo~ Nga pala Sungjong, kanina nung nasa ospital sabi ng doctor magiging okay ka lang daw.

 

Sungjong: Ahh ganun po ba mommy.

 

Woohyun: Bakit? Anong nangyari sayo? Yun ba yung sumakit yung ulo mo?

 

Sungjong: Oo.

 

Eun Hye: Tsaka anak, kanina nadulas ako. Di ko naman kasi namalayan na basa pala nilalakaran ko. Hahahahaha. Pero may tumulong sakin na lalaki. Ano nga pala pangalan nya? Hoa? Hoi? How? Ahhhh! Ayun! Howon pala! Lee Howon. Kapareho pa nga ng surname natin eh.

 

Sungjong; Talaga ma. Ang bait naman nya. Sana pala andun ako para nakilala ko din sya.

 

Eun Hye: Binigay ko naman sa kanya yung calling card ko kaya baka tawagan nya uli ako.

 

Sungjong: Sana nga tumawag. Ayyy, oo nga pala mommy. Aalis na kami ni Woohyun, may practice pa kami para sa susunod na event sa school.

 

Eun Hye: Oh sige anak. Mag iingat kayo ha.

 

Woohyun: Opo tita. Byeee~ Salamat po.

 

 

Sungjong: Bye mommy!

 

Umalis na si Sungjong at Woohyun sa bahay.

 

Habang naglalakad sila may 3 lalaki na humarang sa kanila.

 

1st guy: Uyyy~ Saan kayo pupunta? Gusto nyo bang sumama samin? Inom tayo. /Winks/

 

Sungjong: Sorry po, pero wala kaming panahon para dyan. Maghanap nalang po kayo ng iba nyong isasama.

 

2nd guy: Aba aba! Kung makapagsalita akala mo kung sino. Yabang mo ah!

 

3rd guy: Pre, kalma ka muna. Oy ikaw! Bilhan mo nga kami ng sigarilyo! Bilis. Tutal, mukha ka naming may pera ikaw na din magbayad.

 

Woohyun: Ayoko nga! Isa pa hindi ako mayaman. At kahit may pera ako hindi ko kayo bibilhan!

 

1st guy: Ano?! Kilala mo ba kung sino kinakausap mo ngayon?! HA?!

 

Biglang may humila sa tatlong lalaki at iniligtas sila Woohyun at Sungjong.

 

Myungsoo: Ano pang tinitingin nyo dyan?

 

Sunggyu: Umalis na kayo. Bibilang ako hanggang 3 at pag may naabutan kaming isa sa inyo, mata nalang ang walang latay sainyo. Isa… Dalawa…

 

1st guy: Tara na. Bilis! Bilis!

 

Myungsoo: Tatakbo din pala kayo eh! Mga duwag!

 

Woohyun: Salamat ha. Buti nalang andyan kayo.

 

Myungsoo: Woohyun, may sasabihin sana ako sayo.

 

Woohyun: Ano ba yun.

 

Lumayo muna saglit si Woohyun at Myungsoo kela Sunggyu at Sungjong.

 

Myungsoo: Woohyun, gusto ko sana makausap si Sungjong na kaming dalawa lang. Papaalisin ko si Sunggyu tapos ikaw sabihin mo kay Sungjong na kunwari may emergency sa inyo kaya kailangan mo na umalis.

 

Woohyun: Ayy hindi ayoko ng suggestion mo. Gusto ko, magkasama kami ni Sunggyu na aalis. Hihihihi.

 

Myungsoo: Oh sige sige ako bahala sainyo.

 

Bumalik na sila Myungsoo at Woohyun kela Sunggyu at Sungjong.

 

Myungsoo: Gyu, samahan mo muna si Woohyun. May kailangan ata sya puntahan eh hindi nya ata kabisado yung lugar na yun. Emergency daw sabi ng nanay nya.

 

Sunggyu: Sige samahan na kita Woohyun.

 

Woohyun: Talaga?! Salamaaaat~ Sungjong, di na kita isasama ha. Medyo malayo kasi yun atsaka din ko rin alam yung lugar na yun. Mauna ka nalang sa school, sunod nalang ako.

 

Sungjong: Okay lang yun. Basta mag ingat ka ha. Bye.

 

Woohyun: Oo, sige na. Byeee!

 

Umalis na si Sunggyu at Woohyun at naiwan naman si Myungsoo at Sungjong.

 

Habang naglalakad si Sungjong at Myungsoo papunta sa school ay nag-usap sila.

 

Myungsoo: Ayyy, baka di mo pa alam pangalan ko. Ako nga pala si Kim---

 

Sungjong: Kilala kita Myungsoo.

 

Myungsoo: Ah eh. Hehehehe. Kilala mo pala ako.

 

Sungjong: May gusto kang sabihin noh?

 

Myungsoo: HA? Pano mo nalaman?

 

Sungjong: Halata sa pagsasalita mo eh.

 

Myungsoo: Ah ganun ba. Hehehehe. May gusto kasi akong itanong sayo.

 

Sungjong: Ano yun?

 

Myungsoo: May kilala ka bang Sam Lee ang pangalan?

 

Sungjong: Sam Lee? Sam Lee… Ahh. Wait, wait.

 

Bigla nanamang sumakit ang ulo ni Sungjong at may naririnig syang mga boses na sinsambit ang pangalang Sam Lee.

 

Myungsoo: Okay ka lang ba?

 

Sungjong: Okay lang ako.

 

Myungsoo: Halika tulungan na kita.

 

Sungjong: Salamat. May gusto sana akong hinging pabor sayo.

 

Myungsoo: Ano yun?

 

Sungjong: Pwede bang mag set ka ng araw para makapagdate kami ni Sunggyu?

 

Myungsoo: Ahhh. Yun ba. Sige sige. Itatry ko.

 

Sungjong: Thank you Myungsoo!

 

 

Sa sobrang excitement ni Sungjong para sa date nila ni Sunggyu napayakap sya kay Myungsoo.

 

Sungjong: Ayy. Sorry. Masyado lang akong natuwa.

 

Myungsoo: Okay lang.

 

 

Sungjong: Ahhh. Sige mauna na ko sayo ha. Bye!

 

Myungsoo: Sige bye.



 

AKO LANG BA NAKAKAPANSIN?

 

NA ANG GWAPO NI MYUNGSOO SA MGA GIF.

 

SALAMAT SA MGA MAGAGANDANG COMMENTS CHINGUUUS~

BYEEEE! ALABYA ALLLLLL! 

MWA MWA 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
koress
#1
Chapter 18: gosh! I love your story ! I like the way how you write it ! And this is the first time i read tagalog story here. And sobrang nakaka excite! Sa sobrang excitement ko di nako makapaghintay na maalala na ni sungjong ang past niya at makilala na niya si howon na kapatid niya at si myungsoo na bestfriend niya.
And hey~ good idea to put some gif here because it adds a lot of expressions and excitement !
i also love the Woogyu couple haha they're adding some funny moments here! THUMBS UP ! I LIKE IT VERY MUCH!