NINETEEN

Remained feelings, forgotten memories

Pagkatapos mag usap ni Howon at Myungsoo ay tinawagan nya naman si Woohyun.

 

Myungsoo: Woohyun, busy ka ba?

 

Woohyun: Bakit? May kailangan ka ba?

 

Myungsoo: Oo eh. Pwede ba tayong mag-usap?

 

Woohyun: Oo naman.

 

Myungsoo: Sige magkita nalang tayo.

 

Woohyun: Walang problema.

 

Pagkatapos nilang mag-usap ay nagkita sila park kung saan unang nakita ni Howon si Sungjong.

 

Myungsoo: Woohyun! Andito ako.

 

Woohyun: Oh ano nga palang pag-uusapan natin?

 

Myungsoo: Woohyun, kailangan ko lang na maging totoo ka sa lahat ng sasabihin mo sakin. Kailangan na ko talaga ang tulong mo.

 

Woohyun: Ano bang ibig mong sabihin?

 

Myungsoo: Anong napag-usapan nyo nang nanay ni Sungjong?

 

Woohyun: Sinabi ba sayo ni Sunggyu na inampon lang si Sungjong?! Sabi ko wag nyang sasabihin kahit kanino! Sikreto lang namin yun ng nanay ni Sungjong! Sakanya ko nga lang sinabi yun eh.

 

Myungsoo: Ha? Wala syang sinabi sakin na ganun.

 

Woohyun: Wala ba? Ayy sorry. Kunwari wala kang narinig.

 

Myungsoo: Anong ibig mong sabihin na ampon lang si Sungjong?! Woohyun! Umamin ka sakin! Sinong tunay mga magulang ni Sungjong?!

 

 

Woohyun: Myungsoo, saglit lang. Natatakot ako sa tono ng pananalita mo.

 

Myungsoo: Pasensya na.

 

Woohyun: Ayos lang, pero hindi ko maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan.

 

Myungsoo: Natatandaan mo ba kung kelan kayo pumunta ni Sungjong sa park na to?

 

Woohyun: Oo, nanonood kami ng street performance nun. Sagliiiit.

 

Myungsoo: Bakit may naalala ka ba?

 

Woohyun: Paraaaaang meron. AHHHH! Oo nga noh?! Bakit ngayon ko lang napansin? Ang tanga ko.

 

Myungsoo: Bakit?! Ano yun?!

 

Woohyun: Yung lalaking sumasayaw nung araw na yun at yung lalaki kanina sa ospital iisa lang.

 

Myungsoo: Si Howon hyung?

 

Woohyun: Oo yun! Saglit naguguluhan na ko. Ipaliwanag mo naman sakin Myungsoo.

 

Myungsoo: Si Howon hyung may nawawalang kapatid na Sam Lee ang pangalan, at yung kapatid nya na yun bestfriend ko simula bata palang kami.

 

Woohyun: Teka, diba taga America noon?

 

Myungsoo: Oo, doon kami pinanganak ni Sam. Pero nung nag 5 years old na ko dito na kami sa Korea tumira kasama ang mga magulang ko at naiwan namin sa Amerika ang pamilya ni Sam, pero pagkatapos ng dalawang taon sumunod din sa Korea ang pamilya nila.

 

Woohyun: Tapos?

 

Myungsoo: Nung araw na dapat magkikita ang pamilya namin naaksidente sila Sam. Parehong namatay ang mga magulang nya at nawala yung katawan ng kuya nya. Si Sam hindi namin alam kung nakaligtas ba sa aksidente o hindi. Wala kaming nabalitaan.

 

Woohyun: Sabi ng nanay ni Sungjong, 7 years old daw ng simula nilang ampunin si Sungjong. Inampon daw nila si Sungjong dahil naamnesia sya dahil sa aksidente na tinamo nya noon. Yung dahilan kung bakit nasa ospital ngayon si Sungjong dahil yun sa sobrang pagsakit ng ulo nya. Sabi ni tita baka daw nakakaalala na si Sungjong kaya hindi maganda yung kutob nya sa nangyayari ngayon kay Sungjong kasi baka makaalala na ulit sya.

 

Myungsoo: Hindi ako nagkamali…

 

Woohyun: Ibig sabihin totoo yung mga sabi sabi na may namatay kang bestfriend?!

 

Myungsoo: Oo …

 

Woohyun: At may posibilidad na si Sungjong yun?!

 

Myungsoo: Ganun na nga…

 

Woohyun: Gusto kitang tulungan na maibalik ni Sungjong yung ala-ala nya pero ayokong masaktan yung mga umampon sa kanya. Nag-iisang anak lang nila si Sungjong. Wag mo tong sasabihin kahit kanino ha, tayong dalawa lang nakakaalam.

 

Myungsoo: Isa lang naman ang kailangan ko sa ngayon eh.

 

Woohyun: Ano yun?

 

Myungsoo: IpapaDNA test ko si Howon hyung at Sungjong kailangan ko ng DNA samle ni Sungjong.

 

Woohyun: Pwede pa kitang tulungan dyan. Bibigyan kita ng DNA sample ni Sungjong as soon as possible.

 

Myungsoo: Salamat Woohyun. Maraming salamat talaga.

 

Woohyun: Tulong ko na to para sa inyong dalawa. Siguro kayo talaga ang itinadhana para sa isa’t isa. Kahit na ilang beses kayong pinaglayo nagtatagpo at nagtatagpo parin kayo.

 

Myungsoo: Sana wala nang maglayo samin ngayon.

 

Woohyun: Kakasabi ko lang diba. Itinadhana talaga kayo kaya kahit ano pang maglayo sainyo wala nang hahadlang dun.

 

Pagkatapos mag-usap nang dalawa ay umuwi na sila sa kani-kanilang mga tahanan. Itinago ni Myungsoo sa kanyang mga magulang ang mga nalaman nya dahil ayaw nya munang magpakasigurado na si Sam at si Sungjong ay iisa.

 

Pagkauwi naman ay ni Woohyun ay ginawa nya na ang mga nakaligtaan nyang mga gawain sa eskwelahan. Bago matulog si Woohyun ay tinawagan nya muna si Sungjong upang kamustahin sya.

 

Woohyun: Jongieee~ Kamusta ka na?

 

Sungjong: Medyo okay na. Nakakabangon na ko hindi katulad kaninang umaga.

 

Woohyun: Grabe, parang ang daming nangyari ngayong araw na to.

 

Sungjong: Pasensya na ha. Naabala pa kita.

 

Woohyun: Ano ka ba wala yun. Para saan pa’t naging kaibigan mo ko diba?

 

Sungjong: Hehehehehe oo nga. May ikekwento ako sayo.

 

Woohyun: Ano yun? Tungkol ba kay Myungsoo yan? Ayiiieeeee.

 

Sungjong: Baliw hindi, alam mo ba kung bakit ako biglang nagkamalay kanina?

 

Woohyun: Bakit?

 

Sungjong: May napaginipan ako. Nakasakay ako sa isang kotse habang umaandar yung kotse tuwang tuwa ako at excited tapos biglang BAAAAAM! May bumangga sa likod namin, kaya ayun nagising ako kasi natakot ako sa panaginip ko.

 

Woohyun: Ah eh… Sigurado ka ba dyan?

 

Sungjong: Oo, may kasama akong tatlong tao sa loob ng kotse lalaki yung nagdadrive pero hindi si daddy yun at hindi rin si mommy yung kasama nya ibang tao yung andun. Tapos may lalaki din akong katabi na medyo mas matanda sakin.

 

Woohyun: Ganuuuun ba. May naalala ka bang nangyari sayo yun noon?

 

Sungjong: Wala naman pero pakiramdam ko parang nangyari talaga.

 

Woohyun: Baka pagod lang yan, magpahinga ka muna para makapasok ka na din.

 

Sungjong: Sige sige. Goodniiiight~

 

Woohyun: Goodnight diiin~

 

Pagkatapos kausapin ni  Woohyun si Sungjong ay tinawagan nya agad si Myungsoo

 

Woohyun: Myungsoo may sasabihin sana ako sayo, nakakistorbo ba ko?

 

Myungsoo: Hindi ah okay lang. Bakit? Ano yun?

 

Woohyun: Kakatawag ko lang kay Sungjong at may kinwento sya sakin.

 

Myungsoo: Ano yun?

 

Woohyun: Nanaginip daw sya na naaksidente sya.

 

Myungsoo: Talaga?! Hindi kaya nakakaalala na sya?!

 

Woohyun: Hindi ko rin alam, pero sana nga. Kelan nyo balak simulan yung DNA test?

 

Myungsoo: Hindi ko alam pero dapat maibigay mo na agad sakin yung DNA sample ni Sungjong.

 

Woohyun: Wag ka mag-alala ako bahala dun.

 

Myungsoo: Salamat ulit Woohyun.

 

Woohyun: Wala yuuun~

 

 Pagkatapos nilang mag-usap ay natulog na sila.

 

Kinabukasan ay pumasok na sa eskwelahan sila Woohyun, Myungsoo, Sunggyu at Sungyeol. Nanatili parin si Sungjong sa ospital para magpahinga.

 

Woohyun: Hi Myungsoo, nakatulog ka ba ng maayos kagabi? Hehehehehe.

 

Myungsoo: Oo, salamat ha.

 

Woohyun: Sus wala yun.

 

Habang naguusap ang dalawa ay sumingit naman sa gitna nila si Sunggyu at humarap sya kay Woohyun.

 

Sunggyu: Hep hep hep hep hep! GOOD MORNING NAM WOOHYUN! Ang cute mo ngayon!

 

Woohyun: /hinampas si Sunggyu/ Ikaw namaaaan~ Matagal ko nang alam yan ehhh~

 

Sungyeol: Pwede ba nauumay ako sa inyong dalawa tigilan nyo yan. Pag-untugin ko kayo eh.

 

Myungsoo: Ang bitter mo naman Yeol. Hahahahahahahaha!

 

Sungyeol: Hindi ka ba nauumay na makita sila?

 

Woohyun: Hindi.

 

Woohyun: Hindi kasi bitter si Myungsoo tulad mo. Hahahahaha! Diba Myungsoo?

 

Myungsoo: Sabihin nalang natin na oo.

 

Sungyeol: Haay. Ewan ko sa inyo. Pag kami ni Ms. Jihyun nagkatuluyan sasambahin nyo ko!

 

Sunggyu: Sige ba!

 

Sungyeol: Sigurado ka ha! Deal yan!

 

Sunggyu: Oo naman! Ano Myungsoo? Deal ka rin?

 

Myungsoo: Oo naman, alam ko namang malabo yan eh. Hahahahaha!

 

Sungyeol: Ikaw din Woohyun? Deal?

 

Woohyun: Nagsabi na ng oo si Gyu eh. Edi oo din ako. Hahahahaha!

 

Sungyeol: Walang bawian ha!

 

Sunggyu: Oo nga! Sigurado ako wag ka mag-alala di ko babawiin yung oo ko sayo. Hahahahaha!

 

Pagkatapos ng walang saysay nilang pag-uusap ay pumasok na sila sa klase nila.

 

Woohyun: Saglit ngaaaaa, may napansin ako sa inyong tatlo?

 

Sunggyu: Ano yuuuun~

 

Woohyun: Pumapasok na kayo ngayon ng nasa oras ha. Hahahahaha. Bumabait.

 

Myungsoo: Gusto lang naman namin maging magandang ehemplo.

 

Sungyeol: Hindi kasi tayo dapat nalelate sa klase ni Ms. Jihyun.

 

Woohyun: Mukha kang Ms. Jihyun. Hahahahaha!

 

Sungyeol: Talaga?! Kamukha ko sya?! Edi ibig sabihin hindi magkakatuluyan na kami?!

 

Woohyun: Huh?! Bakit naman?

 

Sungyeol: Kasi sabi nila yung couples daw na magkakamukha yun yung nagkakatuluyan talaga.

 

Woohyun: Sira! Ang sabi ko mukha ka ng Ms. Jihyun kasi bukambibig mo sya, hindi ko sinabing magkamukha kayo.

 

Sunggyu: Bakit ba napaka assuming mo Sungyeol? Tignan mo nga kung nakikita gilagid ni Mam pag ngumingiti sya?!

 

Sungyeol: Hindi….

 

Sunggyu: Edi hindi kayo magkamukha, ikaw na may sabi na mukhang dyosa si Mam tapos gusto mo magkamukha kayo?!

 

Sungyeol: Oo nga… ANO?! ANONG SABI MO?! PINAPARATING MO BANG PANGIT AKO?!

 

Sunggyu: Hindi naman, pero kung ganun yung pagkakaintindi mo ediiii…

 

Myungsoo: Manahimik nga kayo andyan na si Mam.

 

 Jihyun: Good Morning class!

 

Whole class: Good Morning Ms. Jihyuuuun~

 

Jihyun: Naalala nyo ba yung pinapagawa ko sa inyong tula? May nasimulan na ba kayo?

 

Class: Opo maam!

 

Jihyun: Alalahanin nyo next week na ang pasahan nyan kaya gandahan nyo ha.

 

Class: Yes Maam!

 

Woohyun: Hindi ko alam yun ah. May pinapagawa palang tula si Mam.

 

Sunggyu: Oo, kahapon nya lang sinabi.

 

Woohyun: Ganun ba… Sige sasabihin ko din kay Sungjong mamaya.

 

Myungsoo: Pupuntahan mo mamaya si Sungjong?

 

Woohyun: Oo, may kailangan akong gawin.

 

Myungsoo: Ay oo nga pala.

 

Sungyeol: Anong oo nga pala? Ibig sabihin alam mo kung anong gagawin ni Woohyun mamaya? Kayo haaaa. Nasa harap kayo ni Sunggyu mahiya naman kayo.

 

Myungsoo: /binatukan si Sungyeol/ Siraulo ka talaga. Wag ka ngang sumabat dyan kung hindi mo naman alam nangyayari.

 

Jihyun: Yung mga tao sa likod! Myungsoo! Sungyeol! Gusto nyo bang dito nalang kayo sa unahan mag-usap? Hindi nyo ba nakikitang busy yung iba nyong classmates sa paggawa ng tula nila?

Myungsoo: Sorry mam.

 

Sungyeol: Sorry po mam.

 

Sunggyu: Woohyun, gusto mo samahan kita mamaya?

 

Woohyun: Sige ba. Pagkatapos ng klase dederetso na ko dun.

 

Sunggyu: Sige sige.



 

HELLO EBRIWAAAAN!

ETO NA ANG BAGONG APDEEEYT!

LABYU ALLLLL~

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
koress
#1
Chapter 18: gosh! I love your story ! I like the way how you write it ! And this is the first time i read tagalog story here. And sobrang nakaka excite! Sa sobrang excitement ko di nako makapaghintay na maalala na ni sungjong ang past niya at makilala na niya si howon na kapatid niya at si myungsoo na bestfriend niya.
And hey~ good idea to put some gif here because it adds a lot of expressions and excitement !
i also love the Woogyu couple haha they're adding some funny moments here! THUMBS UP ! I LIKE IT VERY MUCH!