NINE

Remained feelings, forgotten memories

Habang hinahatid ni Woohyun pauwi si Sungjong nagkwentuhan naman sila tungkol sa mga sarili nila.

 

Woohyun: May sasabihin ako.

 

Sungjong: Ano?

 

Woohyun: Ang cute ko!

 

Sungjong: Pwe! Tigilan mo nga ako. Buti di ka nilalait sa mga pinagsasasabi mong ganyan noh?

 

Woohyun: Akala mo lang yun. Alam kong maraming nangchichismis sakin dahil sa hilig ko mag aegyo. Akala nila siguro hindi ko alam yung mga pinagsasasabi nila sakin huh!

 

Sungjong: Anong tawag nila sayo?

 

Woohyun: Namgrease daw.

 

Sungjong: Huh? Anong ibig sabihin nun. Yung Nam alam ko kung saan nang-galing. Pero yung grease hindi ko alam.

 

Woohyun: Masyado daw kasing cheesy yung mga aegyo ko. Kaya Namgrease tawag nila sakin. Wag mong sasabihin kahit kanino na alam ko kung ano yung pinagsasasabi sakin ng ibang students ha.

 

Sungjong: Hahahahahaha! Ayan kasi, aegyo pa! Sige sige. Secret lang natin yun promise.

 

Nag pinky promise si Sungjong at Woohyun.

 

At biglang sumakit ang ulo ni Sungjong na tila ba may nakikita syang dalawang bata na nagpi-pinky promise.

 

Sungjong: Agh. Saglit. Ang sakit ng ulo ko.

 

Woohyun: Okay ka lang ba? Masakit na masakit ba ulo mo? Ano bang nangyari.

 

Sungjong: Ewan ko parang may naalala lang ako bigla.

 

Woohyun: Ano? Masakit pa ba? Gusto mo pumunta nalang muna akong botika bibili ako ng pain reliever.

 

Sungjong: Hindi na. Kaya ko naman. Atsaka malapit narin bahay namin.

 

Woohyun: Ahhh ganun ba. Sigurado ka ha?

 

Sungjong: Oo, sige na mauna na ko sayo.

 

Woohyun: Oh sige sige ingat ka ha. Bye!

 

Sungjong: Sige ikaw din mag ingat. Bye!

 

Pagkauwi ni Sungjong sa bahay nila.

 

Sungjong: Mommy! Daddy! Nakauwi na po ako.

 

Eun Hye: Oh Sungjong anak, andyan ka na pala. Kumain ka na ba?

 

Sungjong: Opo mommy, pero bigla po kasing sumakit yung ulo ko.

 

Eun Hye: Ha?! Bakit?! Daddy! Si Sungjong sumakit daw bigla ang ulo nya halika nga dito!

 

Deok Jun: Oh anak, bakit anong nangyari sayo?

 

Sungjong: Sumakit po bigla yung ulo ko tapos parang may naririnig po akong nagsasalita na dalawang bata.

 

Nagtinginan sa isa’t isa ang nanay at tatay ni Sungjong.

 

Eun Hye: Anak, bukas pupunta tayong doctor ha.

 

Sungjong: Sige po mommy.

 

Deok Jun: Oh sige na anak, pumunta ka na sa kwarto mo at matulog ka na.

 

Pumunta na si Sungjong sa kwarto nya at natulog habang naiwan naman ang nanay at tatay nya sa sala.

 

Eun Hye: Hindi kaya nakakaalala na sya?

 

Deok Jun: Hindi natin alam malay mo napagod lang sya sa lakad nya.

 

Eun Hye: Pano pag naalala na nya kung sino sya noon? Paano na tayo?

 

Deok Jun: Eun Hye, hindi pa tayo sigurado kaya nga pupunta ng doctor bukas diba?

 

Eun Hye: Natatakot lang ako na mawala yung anak natin.

 

Deok Jun: Masyado kang nagiisip. Matulog nalang rin tayo.

 

Kinabukasan nagising si Sungjong dahil sa tawag ni Woohyun.

 

/Kriiiing~ Kriiiing~/

 

Sungjong: Ohhh, Woohyun. Bakit?

 

Woohyun: Sungjong, may event sa school natin ngayon nalimutan mo ba?

 

Napabangon si Sungjong sa sinabi ni Woohyun.

 

Sungjong: Ayyyy! Oo nga pala! Buti pinaalala mo! Saglit lang maliligo na ko. Bye na.

 

Woohyun: Sige sige. Bye!

 

Eun Hye: Sungjoooooong~ Gising naaaa~ Pupunta pa tayong doctor.

 

Sungjong: Mommy, hindi po pala ako makakasama. May importante po kasi kaming event ngayon sa school.

 

Eun Hye: Ahh ganun ba anak. Oh sige maligo ka na para makapunta ka na agad sa school. Ako nalang ang pupunta ng doctor.

 

Sungjong: Sige po mommy.

 

Pagkatapos maligo, kumain at magbihis ni Sungjong ay umalis na sya papunta sa school nila. Pagkaalis ni Sungjong ay umalis na din ang mommy nya.

 

Nang makarating ang nanay ni Sungjong sa ospital ay naghintay pa sya ng kaunti.

 

Nurse: Number 4, Ms. Hong Eun Hye.

 

Eun Hye: Ako po yun miss.

 

Nurse: Ahhh sige po deretso lang po kayo tas kumaliwa po kaya sa pangatlong clinic andun po si Doc.

 

Eun Hye: Okay. Salamat.

 

Sinunod ng nanay ni Sungjong ang direksyon ng nurse at nakarating sya sa clinic ng doctor.

 

Eun Hye: Magandang umaga po Doc.

 

Doctor: Ano pong maipaglilingkod ko sainyo Misis?

 

Eun Hye: Doc, hindi po talaga ako yung magpapakonsulta dapat po yung anak ko, pero di po sya makakapunta. Pero may gusto po akong itanong sa inyo.

 

Doctor: Ano po yun Misis?

 

Eun Hye: May amnesia po kasi yung anak namin. Sa katotohanan nga po eh inampon po namin sya nung pitong taon gulang pa lamang sya, yun din po yung edad nya nung nagkaamnesia sya. Kagabi po pag uwi nya nakwento nya po samin na sumakit ang ulo nya tapos may mga naririnig rinig daw sya.

 

Doctor: Ahhh ganun po ba. Ilang taon na po ba ang anak nyo?

 

Eun Hye: 17 years old na po sya.

 

Doctor: So mga 10 years na po pala ang nakaraan simula nung nagkaamnesia. 70% po ang possiblility na makaalala pa sya, 30% naman po ang possibility na baka tuluyang makalimutan nya na ang nakaraan nya. Pero mukhang matagal tagal pa po bago mangyari yun.

 

Eun Hye: Doc, gusto po naming maalala nya ang nakaraan nya pero ayaw naman po naming mawala sya sa poder namin.

 

Doctor: Misis, matagal tagal pa po bago sya makaalala kaya po lubus lubusin nyo nalang po ang mga panahong kasama sya, yun nalang po talaga ang maaadvice ko sa inyo.

 

Eun Hye: Maraming salamat po Doc.

 

Dahil sa mga sinabi ng doctor sobrang nagalala ang nanay ni Sungjong at hindi nya namalayang madulas pala ang nilalakaran nya kaya nadulas sya. Dahil sa lakas ng pagkadulas ni Eun Hye nahirapan sya tumayo, maigi nalang ay may tumlong sa kanyang isang lalaki.

 

Guy: Maam, okay lang po ba kayo? Kaya nyo pa bo maglakad? Tulungan ko na po kayo.

 

Eun Hye: Kaya ko na iho, medyo nahirapan lang ako tumayo. Maraming salamat talaga iho ha. Ano nga palang pangalan mo iho?

 

Guy: Ako nga po pala si…



 

 

HI CHINGUS~

LONG TIME NO UPDATE. OTL

ETO NA. NAKAPAG UPDATE NA KO. THE LONG WAIT IS OVAAAAH!

MARAMING SALAMAT SA PAGHIHITAY.

KAHIT JANUARY 3 NA, HAPPY NEW YEAR PA DIN *0* 

SARANGHAEEEE CHINGDEUL~~

P.S. BUTI PA ANG OTP KO PUMAPAG IBIG NALANG.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
koress
#1
Chapter 18: gosh! I love your story ! I like the way how you write it ! And this is the first time i read tagalog story here. And sobrang nakaka excite! Sa sobrang excitement ko di nako makapaghintay na maalala na ni sungjong ang past niya at makilala na niya si howon na kapatid niya at si myungsoo na bestfriend niya.
And hey~ good idea to put some gif here because it adds a lot of expressions and excitement !
i also love the Woogyu couple haha they're adding some funny moments here! THUMBS UP ! I LIKE IT VERY MUCH!